Share

CHAPTER SIX

Ilang araw ang lumipas. Medyo tahimik na ang mga nagdaang araw ni Deana. Inaayos niya ang mga gamit sa hotel kung saan siya namalagi. Abala lamang siya sa ginagawa nang makatanggap siya ng tawag.

“Deana, speaking.”

[“Good morning, Ms. Villegas. I am here to remind you for a flight schedule this Monday, 25th of January.”]

“Yes. Thank you.”

[“See you, ma’am!”]

The call ended just like that. Isinara na rin ni Deana ang maleta niya. Dumako ang tingin niya sa maliit na kalendaryong nakapatong sa mesa niya. It’s Saturday. She opted to call her step-mother because she was afraid that her father might be in their house.

Nagluto si Deana matapos magsalansan ng mga gamit. Habang tinitikman ang kanyang niluto tumunog ulit ang cell phone niya. Napabunton-hininga siya nang makitang kay Zandro ang nakarehistrong pangalan doon. Wala naman siyang pagpipilian kun’di sagutin ang tawag ng fiancé.

“Bakit?” bungad niya.

[“May pupuntahan tayo mamayang gabi. I want you to be ready.”]

Tumaas ang kilay ni Deana.

“Saan naman?”

[“We’re going to meet an old friend and just got some few business to do. I’ll send you the address of the boutique. We’ll meet there.”]

“Okay.”

Natapos ang kanilang pag-uusap. Deana filled her stomach with the food she cooked.  

***

[“Captain, positive. Nandito nga sila.”] Kenneth reported.

Kenneth and Breen went first in the scene where they disguised as a couple having a late night date.

[“Pero hindi pa dumarating si Mr. Yufeng.”] Dagdag ni Breen.

Pietro signalled his team with him. Sabay-sabay silang pumasok sa sasakyan at kapwa mga armado na.

“Okay, darating na kami. Go to your positions, now.”

[“Copy.”]

Habang nasa likod ng sasakyan patuloy sila sa pag-uusap.

“Sigurado ka bang kaya mo na, Craig?” tanong ni Bart.

Ngumunguya ng bubble gum si Craig nang tumango sa kaibigan.

“Bakit hindi si Gareth ang tanungin ninyo? Baka hilahin natin ‘yan mamaya,” nakakapanlokong sabi ni Craig.

Craig received a middle finger from Gareth.

“Sumalo ka ulit ng bala para masulit mo ang oras ni Breen,” ganti ni Gareth sa kanya.

Si Craig naman ang nawala ang ngisi. Tahimik na lamang itong ngumuya ng chewy gum niya sa isang tabi. Abala naman si Gordon sa pag-aayos ng baril niya.

“The setting is quite near the city.” Inilapag ni Pietro ang mapang ginawa sa harap ng mga kasama. “May tatakas at tatakas sa kanila. Kung umabot ang habulan sa labas kailangan nating mas maging maingat. Avoid casualties as much as possible. Our target is Yufeng and their goods. Once we get them we’re good to go.”

“Noted, Captain,” Bart answered.

[“Wala na bang ibibilis ang sasakyan ninyo?”] singit ni Kenneth sa muling binuksan ang radyo niya.

“Napakamainipin mo naman. Mabuti ka nga kasama mo si Breen eh ‘yong isa ri— aray!”

Natigil si Garreth nang batuhin siya ni Craig ng sombrero nito.

“Two minutes before we set off. Prepare now.” Pietro ordered.

Muling sumeryoso ang paligid nila. They prepared their ammunitions and marked their faces. Inayos nila ang kanilang mga ear device saka night vision.

Hindi nagtagal tumigil ang military jeep nila. Bumaba sila at diretso posisyon at masid sa paligid.

“Move,” Pietro said as he take the lead.

Magkasama si Pietro at Craig sa kanang bahagi ng papasok sa pier habang nasa kaliwa naman sina Bart, Garreth, at Gordon.

[“Kakapasok lang ni Yufeng.”] Kenneth informed them.

“Ano’ng gagawin natin dito, Zandro?” tanong ni Deana nang pumasok sila sa isang pier at tumigil sa malawak na dulo nito.

“I’m meeting a friend and we have a few business. Dito ka lang muna.”

Lumabas si Zandro habang naiwan naman si Deana sa loob ng sasakyan. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Napapalibutan sila ng malalaking lata, cargo containers, at mga pang-konstruksyong kagamitan.

Ilang metro ang nilakad ni Zandro mula sa kanilang sasakyan. Akala nila’y silang dalawa ang pupunta sa lugar na iyon ngunit maraming isinamang bodyquard si Zandro, bagay na ipinagtataka niya kung katatagpuin lamang nito ang kaibigan.

Sa isang sasakyan na katapat nila lumabas din doong ang isang lalaki. Nakipagkamay it okay Zandro. Singkit ang mga mata ng lalaki, maputi ang kutis, at may katangkaran din ngunit mas matangkad si Zandro.

Hindi niya marinig ang nagiging usapan ng dalawa dahil nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Gusto niyang lumabas pero parang may pumipigil sa kanya.

“It’s good to finally see you again, Yuka,” bati ni Zandro sa hapon.

“It’s been a long time, Zandro. You still look amazing.”

“I want you to meet someone but before that, let us have our deal first,” nakangiting sabi ni Zandro.

“Sure. But who is this?”

Zandro smirked. “Later, you’ll see her Yuka.”

“Alright.” Lumingon ang lalaking si Yuka sa mga tauhang kasama nito. “The goods, bring them,” ani nito na ang tinutukoy ay ang mga ipapalit ni Zandro sa dala naman niyang malaking pera.

Dalawang lalaki ang lumapit na magkaiba ang dalang suitcases. Bumukas ang una. Zandro’s face was delighted upon seeing the copious grams of illegal drugs and beside is a few packs of cocaine.

“Very well, Yuka,” Zandro mumbled.

The next briefcase made Zandro’s eyes twinkle as he saw the glittering pieces of diamonds.

“How do you like it, Zandro?” Yuka asked with a cunning face.

Zandro motioned his men to bring theirs. His men opened the briefcase and showed the bulk of money.

“Such a good deal, Yuka. Are we good for the exchange?”

“Sure, but before that… let me meet that someone of yours.”

Zandro turned to his man. “Get Deana.”

Kinabahan si Deana nang makita ang tauhan ni Zandro na papalapit sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto.

“Ma’am, pinapapunta ho kayo ni Sir Zandro.”

“We attack during the exchange of goods,” Pietro said between their devices.

They are all positioned for an assault. Nakatago sa malalaking gulong ng backhoe sina Bart at Gareth. Si Kenneth naman ay nakadapa sa itaas ng cargo container. Si Breen ay nasa pagitan ng mga hindi na ginagamit na malalaking lata na pinaglalagyan ng mga huling isda. Magkakasama naman sina Pietro, Craig, at Gordon na pumwesto sa malalapit na sasakyan ng grupo ni Yuka.

[“Humanda kayo, magpapalitan na sila.”] Kenneth

Habang naghihintay hindi sinasadyang madako ang tingin ni Breen sa sasakyan ni Zandro. The engine of the car is still open. Kumunot ang noo niya.

“Ano ang sitwasyon mo riyan, Breen?” tanong ni Pietro.

“I’m good. It’s just that Yufeng’s car is creeping me out.”

[“What the heck…”] Kenneth muttered.

“What’s wrong—

[“Bakit nandito si Ms. Villegas?”]

Napagalaw si Breen sa pwesto upang silipin ang pagbukas ng sasakyan ni Zandro. Iniluwa nga nito ang isang babae na bihis na bihis. Inaalalayan ito ng isang tauhan ni Zandro patungo sa kanilang posisyon.

Pietro advanced his location. There he saw Deana beside Zandro. Zandro’s hand is circled on the woman’s waist. Pangiti-ngiti lang din si Deana. Nakipagkamay din ito sa kaibigan ni Zandro.

Pietro tightened his grip on his rifle.

“Here’s the money, Yuka.”

Inabot ng mga tauhan ni Zandro ang perang inihanda nila kapalit ng mga dala ni Yuka.

“You’ve got a beautiful fiancée there, Zandro. Where did you two meet?”

Zandro glanced at Deana. “Mutual friends.”

“So, when is the wedding? Am I invited?”

“Sure, Yuka. This month. That’s why I’m sealing all the deals this early because I want to focus on our honeymoon trips. Right, sweetheart?” Zandro turned to see Deana.

Tumango si Deana na naiilang na ngumiti.

“She’s very shy, Zandro. By the way, here are the goods. For your wedding gift, I’ll prepare a massive one.”

Zandro laughed. As the two men were about to hand the suitcases a gun shot suddenly echoed alerting the men. Bumunot inot ng kanya-kanyang baril maliban kay Zandro na hawak si Deana.

“Sumuko ka na, Zandro Yufeng!”

It was Gordon on the speaker.

Alertong lumingon si Zandro sa mga tauhan niya saka sinenyasan itong lumaban. Pinaputukan ng mga ito ang pwesto nina Pietro. Dahil nasa ibang direksyon sina Kenneth at Breen sila ang sumukli ng mga bala pabalik. They fired at the men who are situated in their front.

Nagkahiwalay si Zandro at Yuka. Tumakbo si Zandro pabalik sa sasakyan habang hila-hila si Deana.

“Zandro, ano ba’ng nangyayari?!”

“Shut up! Get in the car!” sigaw ni Zandro kay Deana.

Ngunit hindi natuloy sa pagpasok si Zandro nang magpaputok si Breen sa direksyon niya.

“Fuck!” Zandro fired back.

Bart, Garreth, and Gordon were busy dealing with Yuka’s men. Garreth aimed at the tire of Yuka’s car. Pinapaulanan din si Kenneth ng bala sa taas. He was running at the top when he jumped down. Breen covered for him.

“Salamat.”

“Captain, tumatakas sina Yufeng gamit ang sasakyan. Kasama niya si Ms. Villegas.”

Nakikipagbuno naman si Pietro at Craig sa mga tauhan ni Zandro nang marinig ang ulat ni Breen.

“Do not let them get away.”

[“Yes, Captain. Paano si Ms. Villegas?”] tanong pa ni Breen.

Sandaling tumago si Pietro sa likod ng isang sasakyan.

“We need to get her,” he answered.

[“Copy, Captain.”]

[“Susundan namin sila—

“Stay. Kami na ni Craig ang pupunta,” pagpuputol ni Pietro kay Kenneth. “The Japanese group is out of men and vehicle. Deal with them and the rest of Yufeng’s men. Call the heaquarters after you got them.”

[“Copy, Captain. Be safe.”]

“Kayo rin.” Pietro turned to Craig. “Tayo na.”

“Yes, Captain.”

After Breen covered for Kenneth, Zandro had the chance to escape. Pumasok siya sa sasakyan kasama si Deana. He drove off fast the scene. Dalawang sasakyan pa mula sa mga tauhan niya ang sumunod.

“Can you explain what is happening, Zandro?!”

Gulong-gulo si Deana sa mga nangyayari. Kanina pa nanlalamig ang mga kamay niya sa takot. Her heart is beating so fast.

“I said shut up!” then Zandro took a radio on his car and paged his men. “That bastard is still following us. Patayin ninyo ang hayop na’yan.”

“Zandro! Ano ba?! What are you saying?!”

“Shut up, Deana!” he yelled again.

Zandro took his gun and opened the window of his car. He fired at the back while driving. Labis na takot ang nararamdaman ni Deana dahil sa pagewang-gewang nilang sasakyan, dagdagan pa na nakarating na sila sa highway.

Nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang tainga. Gusto nalang niyang makaalis doon.

“Zandro, please! Tumigil ka na!”

But Zandro seemed to hear nothing.

Craig was the one driving the car while Pietro was busy aiming at the car behind Zandro’s. Sinusuklian nito ang mga baril niya kaya’t gumigewang din ang takbo nila. Hanggang sa patamaan niya ang gulong ng sasakyan. The tire shinked but it continued moving until loud screeches was heard in the middle of the road. A spark of fire was created as the guys continued to drive even with the puncture of the wheels.

Later on, the car got smacked into the signages of road construction. Natigil ang sasakyan na umuusok ang unang bahagi. Tumigil din sina Pietro saka lumabas. Their guns are ready to shoot. Lumingon si Pietro sa lumalayo nang sasakyan nina Zandro.

“Ako na ang bahala rito, Captain,” sabi ni Craig.

“Sigurado ka?”

Then a speeding car came to stop behind them. It revealed Breen.

“Sige na, Captain baka makalayo pa sila,” Breen assured.

Pietro got in the car again. He speed up the car to reach Zandro. Until he heard the sirens of the police. Pinaputukan ni Pietro ang huling sasakyan na kasama ni Zandro ngunit mabilis itong umiwas at inunahan ang sasakyan ng amo.

Pietro knew he can’t fire the gun again because of the woman inside. With that, Zandro returned the bullets for him. Subalit muli niyang inihanda ang baril upang paputukan ang direksyon ni Zandro, aiming only at the man’s seat.

Pietro aimed at the wheels and Zandro did the same. Ramdam niya ang pagbaba ng sasakyan niya dahil sa parte ng gulong na nawalan ng hangin. Ngunit hindi niya alam kung natamaan din ba niya ang sasakyan ni Zandro dahil sa galaw nila.

“Shit!”

Bumagal ang takbo ng sasakyan niya habang nauuna na muli sina Zandro. Hindi kalayuan natanaw niya ang pagtirik din ng sasakyan nito.

“Fuck!”

Paulit-ulit ang pagpalo ni Zandro sa manibela nang tumirik at umusok ang sinasakyan nila.

“Zandro, please. Stop this. Ano ba ang nangyayari?” umiiyak na sabi ni Deana.

“Tumahimik ka!”

Bumukas ang pinto ng sasakyan nila.

“Boss, tara na! May mga pulis pang sumusunod baka abutan tayo,” wika ng tauhan niyang nasa unahan nila ang sasakyan.

“Let’s go.”

Binawi ni Deana ang kamay sa lalaki.

“Hindi ako sasama, Zandro.”

Lumipat si Zandro sa pwesto niya. He opened the door and was about to drag her when Pietro fired a bullet on their direction.

“Patayin ninyo ‘yan!” utos niya sa mga tao niya. Bumalik ang atensyon niya kay Deana. “Get out of the car, Deana!”

“No!”

“Fuck!”

“Boss, kailangan na nating umalis!”

Palakas nang palakas ang tunog ng mga pulis kaya’t walang nagawa si Zandro kun’di bitawan si Deana.

“Hindi mo ako matatakasan, Deana.”

Bumaril ulit ang mga tauhan ni Zandro sa direksyon ni Pietro hanggang makapasok ang boss nila sa kotse. Susunod na sana ang isang lalaki nang tamaan ito ni Pietro.

“Drive!” Zandro bawled.

Tumakas nga ang kotse nila. Nakalayo kay Pietro at maging sa mga pulis. Tumakbo naman si Pietro palapit sa sasakyang iniwanan ni Zandro. Binuksan niya ang pinto sa pwesto ni Deana.

“P-Please… h-huwag mo akong sasaktan.” Deana sobbed while covering her ears and face.

Napatingin si Pietro sa nakalayo nang sasakyan nina Zandro. His breathing was heavy as he clenched his fist.

“Get out.”

Tila nakilala ni Deana ang boses na iyon. Mabilis na umangat ang ulo niya upang tingnan ang lalaki. Hindi nga siya nagkamali. Ang taong hanggang ngayon ay estranghero sa kanya. Magpahanggang ngayon ay hindi niya natutuklasan ang pangalan ng lalaki. Tanging alam lang niya’y sundalo ito.

When she got his phone the lockscreen was him facing and saluting to the flag. Hindi niya na nabuksan pa iyon dahil sa lock na nakalagay.

“I-Ikaw?”

Tumabi si Pietro upang bigyang daan ang babae sa paglabas sa sasakyan. Nang makalabas si Deana muli silang nagharap.

Kinuha ni Pietro ang mga kamay ni Deana saka nilabas ang posas sa likod niya.

“Ms. Villegas, kailangan mong sumama sa’kin para sa isang imbestigasyon.”

Nang babawiin na ni Deana ang mga kamay hindi na niya nagawa dahil nakalock na ang posas doon.

“Bakit kailangang imbestigahan ako?!” nag-aalalang tanong niya.

“Obviously, you are caught in the act with Yufeng, your fiancé. Nasa harap ka nila nang magpalitan sila ng mga epektus. Kasama kang tumakbo at tumakas ni Yufeng. Ano sa tingin mo ang rason para hindi ka namin imbestigahan?”

“Dahil wala akong kasalanan!” Deana exclaimed. “Ano’ng epektus ang pinagsasabi mo? Hindi ko alam ang laman ng mga briefcase na ‘yon. Sinama lang ako ni Zandro dahil sabi niya may kikitain kaming kaibigan niya—”

“May ipangsasagot ka na sa mga itatanong sa’yo roon. Save it, Ms. Villegas.”

“Damn you! Uncuff me!”

Hindi nagtagal may dumating pang dalawang sasakyan. Iniluwa niyon sina Breen at Craig na magkasama sa isang sasakyan, habang mag-isa naman si Kenneth.

“Captain, ano’ng nangyari?” tanong ni Kenneth.

“Take her to the Headquarter.” Pietro articulated while pertaining to Deana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status