Share

CHAPTER FIVE

PAK!

A thud of her father's slap echoed in the living room. 

Naglakas-loob si Deana na umuwi sa magara na bahay ng kanyang ama upang kumuha ng ilang gamit. Hindi niya ito nakita sa pagdating niya ngunit ngayon na bumaba na siya sa sala ay doon niya lamang ito nakasalubong. 

Galing ang gobernador sa labas. Bihis na bihis pa ito at nakasunod pa rin ang mga bodyguard sa likod.

"How dare you show up!"

"This is the last, Dad. Hinding-hindi na ako uuwi rito," matapang na sabi ni Deana. Damang-dama niya ang hapdi ng kanyang pisngi. 

"The only way to leave me is to marry Zandro. That is your only choice, Deana Sophie." 

"Dad! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako magpapakasal sa taong 'yon?! I don't like him! Kailan mo ba ako pwedeng intindihin ha?!"

"Hindi, Deana! To make our family powerful-

"I don't need your wealth! I don't need your power to live, Dad! Tingnan mo ako. Nabubuhay naman ako sa ginagawa ko. Why can't you just be simple?"

Lumapit sa kanya ang matanda saka inipit ang mukha niya sa kamay nito. 

"Magpapakasal kayo ni Zandro sa katapusan ng buwang ito. Kapag hindi mo pa siya sinipot pati trabaho mo hindi ko palalampasin. Tandaan mo 'yan, Deana."

Marahas na binitawan ng ama niya ang pisngi niya. She cried. Inayos niya ang buhok saka pinunas ang mga luha. 

"Stop ruining my life, Dad. Simula nang pumasok ka sa pesteng politika na 'yan nasira na ang buhay natin! Sinira mo, Dad! At pati ba naman ako idadamay mo? Anong klase kang ama?!"

PAK!

A hard slap met her face again. Hawak-hawak niya ang pisngi ngayon nang dumating ang step-mother niya. 

"Darryl, ano ba?! Bakit ba sinasaktan mo na naman ang anak mo?" nag-aalala nitong sabi habang inaayos ang nagulo niyang buhok. 

"Ang anak na hindi marunong sumunod sa magulang ay dapat lang na parusahan." Deana's father said before leaving them. 

Deana sobbed again while her step-mother caress her back. Niyakap siya nito at niyakap niya rin pabalik ang ginang. 

"Sorry po, Tita. Nakagulo na naman ako."

"Shush. Huwag mong isipin 'yan. Hindi ka nakakagulo. Umuwi ka rito kung kailan mo gusto, wala iyong problema basta't palagi mong aalagaan ang sarili mo kapag nasa malayo ka."

Napatango-tango na lamang si Deana. 

***

"Na-track mo na ba?" tanong ni Pietro na nakaupo lang sa dulo ng kama niya habang magkasiklop ang mga kamay. 

Nasa loob ng silid sina Bart at Kenneth dahil sa pinapahanap niyang location ng kanyang cell phone. 

"Heto na, Captain. Nasa Westwood Club."

"Mukhang mapapalaban tayo riyan, ha," ani Kenneth na sasama sa kanya. 

"Mukha mo. Halata namang excited ka riyan, eh," kontra ni Bart.

"Tayo na."

Tumayo na si Pietro saka nagtuloy-tuloy sa paglabas. 

Siya ang nagmaneho ng kotse nila. Tahimik lamang sila habang nasa byahe. Si Kenneth naman ay panakaw-nakaw ang tingin sa kanya at nakikita niya iyon sa gilid ng mga mata niya. 

"Bakit?" he asked while his eyes are fixed on the road.

"Si Ms. Villegas ba ang kinita mo kagabi kaya hindi mo ako sinama?"

Sandaling napatingin si Pietro sa kasama nang lumiko sila. 

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kaya hindi mo ako sinama kasi gusto mo siya makita ng solo."

Sumeryoso pa lalo ang mukha ni Pietro. 

"Sinubukan kong humingi ng impormasyon tungkol kay Yufeng pero wala akong nakuha sa kanya. Maliban do'n, nakabangga ko ang mga tauhan ng tatay niya."

"Tauhan ni Governor? Bakit?"

"That's what I want you to investigate. Pagkatapos ng operasyon natin kay Yufeng si Governor ang aasikasuhin natin. Something is wrong with her father."

"Bakit mo naman nasabi?"

Pietro glanced at Kenneth again. 

"They tried to abduct Ms. Villegas last night in his father's order."

Namilog ang mga mata ni Kenneth sa gulat.

"Ano?! Bakit naman ipapadukot ng sariling ama ang anak niya?"

"That's why you need to investigate him."

Napabuntong-hininga si Kenneth. 

"Ano ba 'yan. Parang napapalibutan si Ms. Villegas ng kampon ni satanas."

Pietro chuckled from his statement. 

Nakarating sila sa club. May pakalat-kalat na ilang tao sa labas at bungad ng lugar. Mayroong mga nagyoyosi at umiinom. May mga magkasintahan namang ninamnam ang madilim na gabi. 

"Boss, base sa report ni Bart nandito pa rin siya."

Pietro nodded. "Maghiwalay tayo pagdating sa loob."

"Sure thing," Kenneth answered.

They entered the club and all they witness are the wild-dancing of the crowd, a loud thump of music, and drunken tables of people. 

Nakipagsiksikan si Pietro sa pagdaan sa gitna habang sa gilid naman dumaan si Kenneth. Ikinalat ni Pietro ang mga mata niya upang hanapin ang bulto ng babae. Hanggang sa mapadpad ang paningin niya sa bandang gitna kung saan maiingay at kumpulan ang nagsasayawan. 

He invaded the crowd and when he reached the middle he instantly saw Deana. Nakita rin siya ng babae na pumupungay-pungay na ang mga mata. 

"Oh, I see some familiar face!" 

Lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang mukha niya. Inalis agad ni Pietro ang kamay ng babae. 

"Where's my phone?"

Humiwalay si Deana sa kanya saka kinapa ang bulsa nito. Nang makuha ni Deana ibinagsak niya ang cell phone sa dibdib ni Pietro. 

"Hayan! Huwag mo na akong guguluhin ha!"

Ngumiti si Deana saka muling tinalikuran si Pietro at sumayaw-sayaw. Pietro got his phone back but his feet are still set on the ground where he is standing. Despite the dim surrounding of the dance floor he vividly saw the mauve bruise on Deana's right cheek.

Until Deana left the dance floor and went to the counter. Naupo ito sa isa sa mga silya roon. Kumpara sa sayawan mas kaunti ang taong nakatambay ngayon sa counter.

"One more glass, please."

Binigyan naman si Deana ng bartender at diretsahan niya iyong ininom. Nang ilapag niya ang baso sa counter ang siya namang paglapit sa kanya ng dalawang lalaki sa magkabila niya. 

"Another glass." She requested the bartender. "Ano na naman ba'ng kailangan ninyo sa'kin?" tanong niya nang hindi tinitingnan ang mga ito. 

"Ma'am, pinapauwi ho kayo ni Sir Zandro sa mansyon."

Deana's face wrinkled as she face the man on her right. 

"What the fuck is wrong with you, people? Ano ba'ng meron sa'kin ha at palagi na lang kayong may kailangan sa'kin? I am so tired running away! Pwede ba?! Tigilan na ninyo ako, please!" she exclaimed in annoyance. Namumula na ang mga pisngi niya sa kalasingan. 

"Pasensya na ma'am, sinusunod lang namin si Sir Zandro."

"I don't care! Hindi niya ako makukuha!"

Sa pagtayo ni Deana hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang braso. 

"Sasama ho kayo sa amin sa ayaw at sa gusto ninyo."

"Ano ba!" pagpupumiglas niya. 

As she was about to be dragged Pietro came and blocked them. Mag-iiba sana nang landas ang mga kalalakihan nang hawakan ni Pietro ang isa sa balikat. 

"Tumabi ka."

"Ayaw niyang sumama."

"Bakit, sino ka ba?"

Pietro tighten his grip on the guy's shoulder. 

"Let her go."

Bigla'y sinugod si Pietro ng isang lalaki ngunit naiwasan niya ang kamao nito na la-landing sana sa mukha niya. Sinipa niya ang lalaking hawak niya ang balikat kanina. Nabitawan ng dalawa si Deana.

"Shit. B-Bakit umiikot?" Deana mumbled. Hawak-hawak niya ang ulo dahil sa hilong nararamdaman. 

Patuloy naman sa pakikipagsuntukan si Pietro. Isa pang tumambad na kasamahan ang titira sana sa kanya sa likod pero naging maagap si Kenneth. He flied to the table and kicked the man on his chest. Nagkatinginan sila ni Pietro. 

"Marami silang kasama. May mga nanggaling pa kanina sa labas."

"Dalhin mo na si Villegas sa sasakyan. Susunod ako."

"Sigurado ka, Captain?"

Pietro just nodded. 

"Go."

Nag-atubili pa si Kenneth ngunit wala na rin siyang ibang nagawa. May mga humarang sa kanilang tauhan pa ni Yufeng pero agad-agad ding dumarating si Pietro para linisin ang daan sa kanila. 

Gumilid naman ang mga tao sa club lalo na nang may maglabas ng baril sa mga tao ni Zandro. They tried to fire at Pietro but Pietro was able to hide at one of the tables he flipped. Nakayuko lamang siya roon habang patuloy siyang pinagbabaril. 

Nagpaunahan ang mga tao sa paglabas sa takot na madamay sa gulo at tamaan ng bala. Gumapang si Pietro upang lumipat ng pwesto sa likod ng makapal na couch. Tumigil ang pamamaril sa kanya. 

"Nasaan na?!" sigaw ng lalaki. 

Then a guy stood by his couch. Pietro dragged his feet and knocked his neck. Nakayukong lumabas si Pietro habang patuloy siyang hinahabol ng mga bala. 

Nang makarating siya sa labas tumakbo siya sa kanilang kotse. Kenneth immediately drive off the club. 

"Sundan ninyo! Bilis!"

Mabilis ang pagpapatakbo ni Kenneth sa sasakyan nila. Kampante nang nakaupo si Pietro sa tabi ni Kenneth. 

"Nasa likod sila. Bilisan mo." Pietro said as he watched through the rear camera. Sumulyap din siya sa salamin kung saan nakita niya ang tulog na si Deana. 

"Bakit dala pa natin siya, Captain?" tanong ni Kenneth. "Nakuha mo na ba ang cell phone?"

"Hindi pa," batid ni Pietro na pagsisinungaling ang sinabi niya. 

"Tsk. Bakit hindi pa?"

"Gusto mong bumalik sa club at isalaysay ko sa'yo lahat habang binabaril ako?"

Tumikhim si Kenneth saka inapakan ang speed ng sasakyan. Sa ilang minutong paghahabulan at pagsusuray-suray ng sasakyan nila nawala rin ang humahabol sa kanila.

"Ano'ng gagawin natin kay Ms. Villegas?"

"Slow down." Pietro ordered and Kenneth did follow. "I'll drop her to a hotel."

"Okay."

Patuloy lang sa pagmamaneho si Kenneth sa kalmado nang takbo ng kotse nila. Nang makatagpo ng malapit na hotel tumigil doon ang sasakyan nila. Bumaba si Pietro saka binuksan ang pinto sa passenger's seat kung saan unti-unti nang nagising si Deana. 

"W-Where am- shit." 

Hindi matuloy-tuloy ni Deana ang sasabihin dahil nasusuka na siya. 

"Oh no. Huwag dito, Ms. Vill- fuck!" Kenneth

Deana puked at the car. Hindi na nakaimik si Kenneth at Pietro. Hinintay nilang mahimasmasan ang babae. 

"N-Nasaan ako?" tanong ni Deana na tumingin-tingin sa paligid. 

"Get out of the car."

Lumabas nga si Deana sa kotse. 

"I-It's you again," saad niya. 

"Check-in a room for you. Aalis na kami."

Hindi pa nakakahakbang si Pietro nang pigilan ni Deana ang braso niya. 

"Huwag..." nanubig ang mga mata ni Deana. "Huwag mo muna akong iiwan, p-please?"

Inalis ni Pietro ang braso niya sa pagkakahawak nito. 

"I got what I need. You're sober. You can go by yourself."

Pietro closed the door where Deana left. Tuloy-tuloy na rin itong pumasok sa kotse at pinagmaneho na ulit si Kenneth. 

Naiwan si Deana sa malawak na bungad ng hotel. Ang nanunubig niyang mga mata ay tuluyan nang bumuhos sa luha. She crouched and cried on her feet. Pakiramdam niya'y wala na siyang ligtas na mapupuntahan. Habang palakas nang palakas ang iyak niya unti-unti na ring nauubos ang lakas niya. 

Bumangon siya at sinubukang maglakad sa nanghihinang mga tuhod. Bitbit pa niya ang shoulder bag, gulo na ang mga buhok, at sigurado siya na ganoon rin ang make-up niya. Lumakad siya patungo sa malaking haligi na parte pa rin ng bungad ng hotel. Mabuti na lamang at may bubong din iyon. 

Dumausdos siya sa haligi. Nakaupo na siya sa sahig habang yakap-yakap ang mga tuhod. Napahawak siya sa mukha nang maalala ang tatay niya. Napadaing siya nang mahawakan ang pasa roon. Nagsiunahan ulit ang luha niya na bumuhos sa kanyang pisngi. 

"B-Bakit naman ganito?" she cried. 

Deana continuously sobbed in her toes. Awang-awa siya sa sarili na walang mapuntahan o makausap man lang. Sa patuloy niyang pag-iyak unti-uting nanikip ang dibdib niya. 

"Sa tingin mo binubugbog ni Mr. Yufeng si Ms. Villegas?"

Napalingon si Pietro sa kasama. 

"Bakit?"

"Eh, nakita ko may pasa sa mukha si Ms. Villegas. Kaya siguro ayaw niya ring sumama kanina sa mga bodyguard ng fiancé niya."

"It's not our concern."

Kibit-balikat lang si Kenneth. "Sabagay."

"Stop," Pietro said. 

"Ha?"

"Itigil mo ang sasakyan."

Itinabi ni Kenneth ang kotse nila. Lumabas si Pietro saka lumipat sa pinto sa pwesto niya. Binaba niya ang bintana upang kausapin si Pietro.

"Bakit, Captain?"

"Labas."

Kenneth stopped the engine of the car and raised from his seat. 

"Bakit?"

"Mauna ka na sa kampo."

"Ano?!"

Pumara si Pietro ng taxi na tumigil naman agad sa harap nila. 

"Babalik ako bago mag-umaga," sabi niya bago pumasok sa kotse at paandarin iyon. 

"Captain!" sigaw pa ni Kenneth ngunit papalayo na ang sasakyan nito. Nang mapansin niya ang daang tinahak nito napalabi nalang siya. "Patay."

Pietro steered fast back to the hotel. His wheels screeched loudly as he put on the brake on his car. He opened the door and went to the woman's place. 

Nakasandal ito sa malaking haligi, nakayuko at tila hindi napansin ang pagdating niya. 

"Deana," he called but he got no response. Nanatili itong nakayuko at nakatago ang mukha sa mga tuhod. "Ms. Villegas..."

Bumaba si Pietro upang pantayan ang lebel ni Deana. Sinubukan niyang yugyugin ito ngunit wala pa ring malay ang babae. 

"Deana..." Pietro called once more. Inangat niya ang ulo nito saka tinapat ang daliri sa ilong upang alamin kung may hininga pang lumalabas doon. He also tried checking her pulse. "Shit." 

He tried looking for a hospital but they were almost 5 kilometers away. Binuhat niya si Deana. Nang makita niya ang mukha nito pansin niya agad ang pamamaga ng mga mata nito. 

Dinala ni Pietro ang babae sa loob ng hotel. Kumuha siya ng kwarto na pangdalawahan. Marahan niyang nilapag si Deana sa malambot na kama. Pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo upang kumuha ng bimpo. He warmed a water and after, he damped it on her face and arms. 

Tinapik-tapik niya ng mahina ang mukha ni Deana. 

"Deana."

Hanggang sa kusang gumalaw ang ulo ni Deana. Tila may napapanaginipan ito. Namamawis na ang mukha niya. Sa mga nakapikit niyang mata unti-unting dumausdos ang mga luha niya. 

"H-H-Huwag... h-huwag... p-please..." Deana cried. 

Pietro woke her up. 

"Deana!"

Binuksan ni Deana ang mga mata niya. Hindi pa malinaw sa mga mata niya kung sino ang naroon ngunit kampante ang kanyang puso. Napayakap siya sa lalaki saka muling humagulhol.

"H-Huwag mo akong iiwan..."

Pietro was still stunned after Deana hugged her but he later on calmed her. 

"Shush. It's okay."

Pagkatapos niyon ay muling nakatulog si Deana. Sa mahimbing na pagkakatulog ng babae ay gising na gising naman si Pietro. Nakaupo lamang siya sa mahabang sofa habang nakatingala sa kisame. 

Sa pagpikit ng kanyang mga mata nakarinig siya ng tila pagbukas ng pinto. Minulat niya ang mga mata saka pinakiramdaman ang paligid. Tahimik siyang bumangon sa kinauupuan. Kinuha niya ang isinuksok na baril sa likod saka pumunta sa pintuan.

He slowly opened the door creating opportunities to see the inbounding men armed with pistols. Muli niyang sinulyapan ang natutulog na si Deana. Then from his pocket he took his silencer and locked it on the mouth of his gun. 

Pietro walked to the bathroom. He hid there. Muli siyang nakarinig nang pagbukas ng pinto at alam niyang nasa loob na ng kwarto ang mga kalalakihan. 

"Kunin niyo si Ms. Deana."

Binuksan ni Pietro ang pinto saka binaril sa paa ang bawat lalaking nakita niya sa loob ng kwarto ni Deana. The men groaned in pain. May panibagong pumasok sa pinto at gano'n din ang ginawa niya. 

Nang akmang may pupulot ng baril, binaril din niya ang kamay nito. No one from the guys dared again. 

"Sabihin ninyo kay Mr. Yufeng ako ang harapin niya."

"Sino ka ba, ha?!"

Pietro shot his hand. 

"Get out." Lumapit si Pietro sa mga ito. He disarmed the five men. "Labas." Turo niya sa pinto. 

Hirap naman sa paglalakad ang mga lalaki dahil sa mga tamang natamo. They went out of Deana's room. Nakarating sila sa sala. 

"Nakikita ninyo 'yan?" Pietro pertained to the flat-screen television. Sa taas nito ay may kulay pulang kumukurap-kurap. "I planted a micro-camera that recorded your intrusion, not to mention your conversation."

"Ano naman? Sa palagay mo matatakot kami?"

Binaba ni Pietro ang baril niyang nakatutok pa rin sa mga ito. Natawa siya ng mahina. 

"Ibibigay ko 'to sa mga kalaban ni Yufeng sa negosyo. Gagamitin nila 'yon para sirain siya. Ano sa palagay ninyo?"

Nagkatinginan ang mga lalaki. Muling tumingin ang mga ito kay Pietro. 

"Tandaan mo, magkikita pa tayo."

"Ako dapat ang magsasabi niyan," makahulugang sabi ni Pietro.

Namumuo ang galit ng umalis ang mga lalaki. Pietro closed the door again. He cleaned the blood stains on the floor and went back to Deana's room. 

Inabot niya ang bag nito saka kinuha ang cell phone. He opened her phone and he was right, the woman was being tracked. Inalis niya iyon saka tinapon sa basurahan. 

Pietro took his phone and removed the tracking device connected on their base and his personal computed. He transferred it to Deana's phone. He assembled her phone again and slid it back to her bag. 

He went back to the sofa where he was seated a while ago. Pietro sighed as he reached for the seat. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status