Share

CHAPTER TWENTY ONE

One week passed since Deana left her father and Pietro in the plane. Sa ilang araw na pamamalagi sa iba’t ibang hotel sa Mindanao hindi niya inaasahang makararating siya sa probinsya ng kaniyang Tita Serena. Pagbungad pa lang sa kaniya nito’y tumakbo na siya sa ginang at doon umiyak sa balikat nito.

“T-Tita…”

Gulat na gulat si Serena nang masilayan si Deana sa harap ng kaniyang bahay. Hinaplos niya ang likod ng dalaga dahil sa labis na pagtatangis nito.

“Shush. Tahan na. Ano’ng nangyari?”

Sa rami ng gustong sabihin ni Deana ay hindi na niya alam kung ano ang uunahin. Tanging pag-iling na lamang ang naging sagot niya sa kaniyang step-mother. Serena invited her inside her house. Kinuhanan din siya nito ng maiinom. Nang maubos niya ang isang basong tubig unti-unting kumalma ang pakiramdam niya.

“Aalis po ba kayo, Tita?” pansin niya nang makitang bihis na bihis ang ginang.

“Ngayon ang death anniversary ni Selena. Pupunta ako sa puntod niya. Gusto mo bang sumama?”

Walang pagdadalawang isip
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status