Share

Chapter 2

Ano bang isasagot mo sa ganung pakiusap hindi ba? Naiintindiham ko naman.Totoo namang nakikita ko na apektado na si Sir sa issue kahit hindi naman totoo.

Lunes ng hapon ay nagpaalam na ako kay sir. Sinabi ko na hindi na ako mangungulit sa kanya at baka hindi na din ako makapasok kase sa totoo lang baka makahagilap nga ako ng pera pero hindi sapat pangbayad sa tution ko.

Since 4th quarter na kase at final permit na ang kailangan ko need ko na ding e settle pati ang 2nd at 3rd na utang ko.

"Gagawan ko ng paraan ito Ali. Wag kang sumuko agad"

Yun ang sabi ni Sir.

"Hindi naman ako sumuuko Sir, Aaariba pa rin. Ayoko lang po na nahihirapan din kayo at pasensya na po dahil sa akin na tsi -tsismis kayo palagi"

"Ali?"

"Last day ko na din ngayon sir. Hindi naman ako pwede pumasok bukas since wala akong permit. Hindi na rin po kita kukulitin sa sabado Sir kaya matatahimik na mundo mo"

Sabi ko.

Biglang hinawakan ni Sir ang kamay ko at tumitig sa akin na para bang naluluha. Nagulat ako ng bigla akong halikan ni sir sa labi.

Natulala ako at hindi nakakilos kaya lalong napadiin ang halik ni sir. Hindi naman tumagal ang halik tinapos agad ni Sir at humingi naman agad ng sorry at bigla niya akong niyakap.

Hindi ako nabastusan sa ginawa ni Sir, pero nagulat lang talaga ako kaya hindi ako makapagsalita.

Sa dalawang taon na palagi kami naiissue ngayon lamang gumawa ng hakbang si Sir na kaissue issue.

"Bakit?"

Tanong ko sa sarili ko.

"Sir, nasa parking lot po tayo"

Sabi ko sa kanya ng hindi niya paring ako binibitawan sa pagkakayakap ng mahigpit. Nakita ko siyang nagpunas ng mga mata.

"Umiiysk ba si sir?"

"Sorry Ali, wala akong magawa. Siguro naman sa ginawa ko ngayon gets mo na kung bakit. Ito na din ang makabubuti hindi ba"

Tumango tango ako.

Marahil pansin na din ng mother ni sir Loui na hindi na studyante ang tingin ni sir sa akin kundi isang babae kaya naalarma na ang matanda. At ngayon sa ginawa ni sir napatunayan kong dapat na akong dumistansya.

Binata naman si Sir yun nga lang halos 15 yrs ang tanda sa akin. May hitsura nama ito at mabait pa nga pero hanggang doon lang ang meron ako sa kanya...

Respeto

Ang plano ko ay hihinto muna pansamantala. Sa palengke muna malapit sa pier gagawa ng paraan para kumita at makaipon. Pero may ibang plano pala ang manunulat ng buhay ko na nakamasid sa itaas.

Plano pala niyang mas gawin kumplekado ang buhay ko. Alas Kuwatro ng hapon maghahatid sa na ako ng turon na paninda ng salubungin ako ni Benok sa ibaba ng hagdan ng Arena.

"Ali....Ali..ang tatay mo napaaway sa sabungan"

Sigaw ni Benok. Binatilyong tambay sa arena ng mga manok.

Kapit bahay namin.

"Ay P*tcha"

agad kong binitiwan ang hawak kong bilao at tumilapon ang ititinda ko sanang meryenda. Hindi ko alam kung paano ko natakbo ang hagdan na sampon palapag sa loob lamang ng limang sigundo hanggang sa marating ko ang bleacher ng mga sabungero.

Duguan na ang tatay ko ng datnan ko at iksatong inambahan ng saksak ng lalaking malamang ay nakaalitan nito. Nagsigawan ang mga tao at nagkanya kanyang takbuhan ng makita ang dugo at ang patalim.

Nakita ng mga mata ko ng humandusay sa sahig ang Itang ko at ni isa sa mga kainuman nito tuwing matatapos ang sabong ay walang sumaklolo dito.

Ni isang katropa o kaututang dila ay wala sa paligid niya ng sandaling iyon. malamang kasama sa mga umalis o umiwas na masangkot.

"Itanggggggggg!!!"

Tinakbo ko punong hagda hangang sa itaas na bahagi ng mga upuan ng isang segundo lang sabay niyakap an duguan kong Itang.

"Tulungaaaaan... nyo kami...dalhin natin sa hospital ang itang para nyo ng awa"

Pakiusap ko sa mga tao.

Tinulungan ako ng binat ilyong nasa likod ko ganun din ni Benok at dalawang mamang nakauniporme ng barong na nagmula kung saan.

Naisugod namin ang Itang ko sa pinakamalapit na hospital sakay ng isang magarang kotse. Hindi ko na napagtuunan ng pansin kong sino ang mayari.

Aligaga ako noon at naghi hyterikal. Gamit ang motorola cellphone ko na keypad pa ay tinawagan ko ang inang at sinabing nasa hospital ang Itang.

Hindi ko pa sinabi ang nangyari dahil nerbiyosa ang isang iyon. Tulad ng inaasahan pagdating ng Inang ay pumalahaw ito ng iyak. Malamang sa kanya ako nagmana.

Halos panikipan ito ng dibdib kaya kailangan ding alalayan. Critikal ang lagay ng Itang ko. May organ daw kase itong nahagip ng kutsilyo.

May mga pulis na dumating at kinausap ang Inang. Pinanghahanap na daw ang salarin na napag alaman kong nadehado pala ng Itang sa sabong ilang buwan na ang nakakaraan.

Kristo ang Itang ko sa sabungan. Kristo ang tawag sasumisigaw ng sa pula sa puti tuwing may sabong. Paminsan minsan ay tumataya rin at nakikipagsapalaran lalo na kung kailangan niya pambayad sa eskuwelahan.

Ewan, masalimuot at mapulitiko din ang mundo ng sabong at dahil malalaking pera ang taya at involve siguro madaming gahaman at madami din ang patalikod tumira.

At yun ang nangyari marahil sa Itang ko. Prinangka kami ng doktor. Sa tulong daw ng mga aparato ay kumakapit pa Itang pero hindi daw masiguro ng mga doktor ang kaligtasan.

Posible daw bumitaw ang Itang lalo na kung hindi agad ito madadala sa operating room para maayos ang tinamaang organ ni Itang. Kaya ihanda daw namin ang aming sarili at maghanda ng malaking pera na kailangan sa hospital.

Sino bang sira ulo ang magiging handa kapag sinabing bilang na ang oras ng kapamilya mo.Halos gusto kong murahin ang doktor.

Kumulo ang dugo ko ng tanungin ako ng nurse kung gusto ko daw pumirma ng waiver na nagsasabing kusang loob kong inilalabas ang Itang ko sa hospital.

Sinigawan ko ang nurse at sinabi kong gawin ang lahat para iligtas ang Itang ko. Ang yabang ko ng sandaling iyon pero ng iabot sa akin ang deposit slip na dapat bayaran ay nanginig ang tuhod ko. kaya sabi ko sa nurse ay magwiwidraw lamang ako.

Pero ek..ek.. ko lang yun....

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ambrocio The 3rd
when it rains it pours ika nga kaya mo yan Alicia
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
naku itang naman sumabay ka pa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status