Share

Chapter 1

Chapter 1

.

Maglungkot ang magisa, mahirap ang mamuhay sa takot at pangamba. Lalong halos ikababaliw mo ang kalunglutan at isusumpa mo ang iyong kapalaran.

Pero ang lahat ng pakiramdam na yan ay nakatakdang magbago dahil ang kinasuauklaman ko palang kapalaran ang magdadala sa akin sa pinakaasarap na pakiramdam sa buong mundo.

Ako si Ali.

Alicia Remedios. 19 years old. Tubong Quezon at ito ang aking kuwento.

💥Kasalukuyan 💥

The year 2015

"Aaahhhh! Ummmp..ahhhhh" Sigaw ko. Halos maihi na ako sa lakas ng sigaw at tindi ng pwersa ko.

"Cge pa ineng ere pa. Konti na lang ere lang. Itodo mo mo"

"Ahhhhh..hindi ko na kaya...ayolo na...Aaahhhh"

Sigaw ko pa din. Napakasakit kase.

"Konting tiis na lang ineng, ayan eh oh!! nakikita ko na ang ulo. Sumisilip na oh"

Sabi ni inang Cita bagamat matanda na ito ay

napakahusay pa rin. Eto ang nag iisang midwife sa baryo ng San Simon.

"Ali lakasan mo ang loob mo"

Bilin sa akin ni Mabel ang nagiisa kung kaibigan. Kung tutuusin kelan lang kami nagkakilala at maaaring hilaw pa ang aming friendship bond pero sa ngayon wala akong ibang pwedeng kapitan.

Salamat sa kanya kahit papaano nasa tabi ko siya lalo na kapag nililibre ko siya. Matapos ang limang oras ng pag lalabor sa wakas nailuwal ko din ang sanggol na magdudulot sa akin ng pagbabago...

Pagbabagong ni sa panaginip ay hindi ko kaylan man pinangarap.

"Oh ayan naku eto na si baby.............ang cute niya "

Bulalas ni Mabel ng ihatid na sa akin ang sangol na ilang oras kong pinanghirapang iluwal. Napakacute nga ng bata, malusog at malaki kaya pala halos mapunit ang kaloob looban ko.

Dambuhala pala ang anak ko. Marahil masyado itong nasarapan sa loob to the point na halos lahat ng kainin ko siya ang lumamon.

Dahil sa kabila ng lusog ng sangol na ito ay siya namang laki bg hinulog ng katawan ko. Siguro ay ramdam ng anak ko ang damdamin ko kaya halos ayaw nitong lumabas. parang gusto ng anak kong manatili na lamang sa sinapupunan ko kesa ang mabuhay sa labas.

Sa totoo lang malaki ang ibinaba ng timbang ko, maselan kasecpala ako magbuntis at medyo Inataki ako ng anxiety at depression.

Paano ba naman kaseng hindi. Hinintay ko ang sandaling ito ,pinanabikan ko ang makita ang ganitong scenario.Dinala ko ng halos siyam na buwan ang munting anghel na ito...

Pero alam kung minuto lang ang itatagal niya sa tabi ko... Bakit? Ganito nga ba kase naging ganito ang kuwento ng buhay ko.

💥Ang nakaraan 💥

The year 2011

"Ms. Allysa ito na ang ultimatum na ibibigay ko ha, nakakapansin na ang iba na masyado kitang pinapaboran. Pang ilang promisory note mo na ito"

sita ng profesor ko.

"Sorry po Sir pero po kase..."

"Naku basta ito na ang huli kapag wala kang permit sa final exam sorry na lang Allysa, kahit isa ka pa sa top ng klase ko. Naiissue na nga ako dahil sa pagtulong sayo eh"

Sabi ng teacher ko sa koliheyo. Hindi ko naman siya masisi.

Simula ng mag enroll ako noong first year, ganito na ang eksena namin. kahit ang professor noon sa major subject. Madalas ay pinakikiusapan ko siyang ipaglilinis ko ng bahay o ipaglalaba para lamang ilakad niya ako for discount wothout scholarship.

Ung grade ko kase noong fourthyear pati yung result ng entrance exam hindi qualifie d for academic scholar. May utak naman ako. Sa totoo lang hindi ako bobo kaso totoo palang nakakaapekto ang invironment sa concentration mo magaral.

Ikaw ba makakapagconcentrate ka ba kung ang bahay mo sa may tulay at tagpi tagpi pa. Ang rambulan at ingay ng kapit bahay ay dinig mo kahit dis oras na ng gabi .

Yung pagsapit ng alas diyes ay papatayan ka na ng ilaw dahil naka pre paid ang kuryente nyo at pag gising mo sa umaga bago ka pa makapagkape man lang ay magiigib ka ng drum dahil ang pila sa malinis na gripo ay abot palagi hanggang divisoria.

Tama ganun kahaba ang pila from ilog Pasig to Divisoria. Sa kakakulit ko sa professor ko ay naipasok naman niya ako sa schoolarship program pero hindi ko yun na maintain dahil may mga bagay at sagabal sa pagunlad ko.

Sabi ng iba himala na nakaraos ako ng firt year, sabi pa nga ng iba baka daw nagpopokpok na ako makapasa lang. Pero denedma ko lahat ng chika. Pati ang professor ko yun din ang payo.

Nagenroll ako ng 2nd year sa tulong pa rin ni Professor Louie. Pinahiram niya ako ng pang partial payment. Pero hindi na niya ako nailakad ulit for schoolarship.

Kaya eto na nga panibagong hamon ulit ang kada buwang bayarin. Walang nagbago, tuwing sabado at linggo ay nagpupunta ako sa bahay ng professor ko para maglinis at maglaba minsan pati pag carwash ginagawa ko na.

Hindi namin pinansin ang issue total parehas malinis ang konsensya namin at kakampi ko ang mother ni Sir na siyang witness ko na hindi ako nag p****k kahit kailan. Yun ang akala ko.

Isang araw ng linggo ay kinausap ako ni Mrs. Santillan ang nanay ni Professor Louie.

"Iha, wag mo sanang masamain ang sasabihin ko pero kase nakikita kong apektado na si Sir sa mga issue. Alam mo bang ipinatawag ng ethics committee si Sir mo noong nakaraan"

"Bagamat alam kong hindi totoo, hindi maiiwasang ang issue. Inaabot ka ng gabi sa bahay niya at madalas ay sinasabay ka niya umuwi. Malisyoso ang mga tao at mapagimbot iha"

Sabi ng matanda.

"Pero mam, wala po kaming ginagawa saka matino po si Sir. Gusto lang po talaga niyang tumulong"

Katwiran ko.

"Alam ko.. alam ko pero hindi mo makokontrol ang mga tao at hindi mo sila masisisi iha. Hindi nga naman normal na magkasama palagi ang isang matandang binata at isang dalagang kasing seksi at ganda mo. Hindi ka ba aware na kaakit akit ang ganda mo Ali?"

Tanong ng matanda. Siyempre alam ko yun pero hindi ako kumibo

"Hindi ko nga maisip kung bakit hindi gumagawa ng hakbang ang anak ko. O baka hindi ko lang nakikita at wala akong alam o baka tulog ako?"

"Ho? naku wala ho talaga"

Bigla akong nagulat sa huling sinabi ng matanda.

"Kita mo pati ako nag dadalawang isip na din. Kaya ang pakiusap ko sayo Ali. Maghanap ka na lamang ng ibang pwedeng hingian ng tulong"

"Wag mong sirain ang reputasyun ni Louie na matagal niyang inalagaan"

"Tumandang binata na yan sa pagtuturo at ngayon lamang nababahiran ng hindi kagandahang issue dahil lang naaawa at minsan ay nakukulitan sayo"

"Gusto ko sanang ito na sng huling punta mo sa bahay niya iha"

"Opo"

sabi ko.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rudy Arguelles
go Ali Kaya mo yan
goodnovel comment avatar
Ambrocio The 3rd
typical situation yung huhusgahan ka agad
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
hindi mo talaga mapls mga tao ali kahit wala ka ginagawA masaya maisyu sila
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status