Share

Chapter 5

Aaminin kong medyo naiilang ako dahil habang inaabot ang pera ay sa dibdib ko lahat nakatingin at ang iba pa nga ay sinasadyang dumantay ang daliri o ang kamay sa bandang dibidb ko.

Pakiramdamn ko ay nababatos ako pero hindi ko sila masisisi basta ang mahalaga makaipon ako ng porsiento ngayong gabi. Lumakad ang lalaking matangkad ng mas palapit. Hinawi ng dalawang kasama nito ang mga sabungerong nakapalibot sa akin at tumapat sa mismong harap ko.

"Nagkakalituhan ata tayo dito mga pre"

"baka nakakalimutan ninyong may mga kristo kayo hindi ba? At ang mga kristong iyon ay nakakontrata at dapat ninyong bigyan ng trabaho"

Sabi nito sa straight na tono at itinaboy ang ilang mamusta paalis. Mukhang big time nga ang loko eh. Wala man lang pumalag sa mga itinaboy. Ang kaso nawalan ako ng mga prospek at napurnada ang plano ko at hindi ako papayag noh!

"Wait hoi teka, sa akin na kayo pumusta. Suwerte ako ngayon. Sige na maliit lang ang porsientong kukunin ko. Ano?"

Sigaw ko habang pinipigilan kung alis ang mga ito. Nilingon naman nila ako pero tumingin muna sa lalaking nasa likod ko. Nakaramdam ako ng badtrip at inis sa mayabang na lalaki.

"Ano bang problema mo?bakit mo tinaboy ang mga yun? Pusta yun sayang un. Nakakaintindi ka naman siguro noh?"

Sigaw ko dito.

Pero laking gulat ko ng hatakin alo nito pababa ng hagdan at sa isang sulok ng arena ay padarag akong isinandal sa pader.

"Never raise your voice to me again"

Sabi nito na nakita kong nanlisik ang mga mata.

"Ahhh, so doon lumalabas ang sungay nito ha teka nga"

pabulong kong sabi at ginawa ang naisip ko.

" Bakit? ano naman kung sumigaw ako eh sa maingay dun.Kung hindi ka sana pakialamero hindi ako mabubuwisit ng ganito"

sigaw ko ulit sa kanya.

"I said don't shout. you're making me Mad"

Sabi nito habang pigil na ilakas ang boses.

"Eh ano naman. Pwede ba wag mo akong pakialaman. Saka bakit mo ba ako hinatak dito ha"

sabi kong pasigaw ulit.

"Damn you lady, when are you going to stop. I said don't shout will you 

"No!"sigaw ko sinadya ko talagang lakasan.

"Let me go....Let me go"

sigaw ko ulit. Napa english na din tuloy ako.

"Why do you have to wear like that?"

Tanong nito into a very disgusting tone.

"Paki mo ba? Kailangan to, diskarte to para

makatawag ng pansin.Nakita mo hindi ba, dumami ang tumataya sa akin.Oh ayan pati nga ikaw natawag ko din ang pansin noh.kaya pwede walang pakialaman ng diskarte"

inis na sabi ko sa kanya. Sinadya ko pa ngang ilaylay ang manggas ng suot kung off shoulder fitted blouse. naningkit lalo ang mga mata nito sayang naman maganda pa namanang mata ng loko parang nakakatunaw.

"Was this your style? are you a....? Do you even have an idea for what you just did? aren't you aware of what those men are thinking about you right now?"

"Who cares!" Sigaw ko.

Hindi man ako makapagsalita ng mahabang english eh nakakaintindi naman ako. Aba sayang ang ginatos ng Inang st Itang sa pagpapaaral sa akin ng koliheyo kahit pa nga hanggang unang taon lamang ako kung simpleng

"Who cares " ay hindi ko masabi

"Sorry Lady but I do" sabi nito.

"I don't tolerate prostitution in my Arena and. I don't like you hanging around here wearing that and fishing some costumer here maliwanag?"

Sabi nito.

"Ano? ako? Sinasabi mo bang p****k ako? Eh sira ulo ka pala eh. Hoy! Mr. Ewan kong antipatiko at tukmol ka lang talaga pero ako? Hoy, mamang kumag hindi ako nagbebenta ng laman at para sabihin ko sayo.

"Oi, virgin to hoy!"

pagyayabang ko. Gago eh nainsulto talaga ako.

"Ganda kung to gagawin akong p****k sa sabungan. At anong arena mo ang pinagsasasabi mo?"

 Inis na sigaw ko ulit.

"Ang hirap sa inyong mga lalaki makakita lang kase kayo ng magandang dibdib hindi na kayo nakapagpigil sa kalibugan ninyo tapos ang bintang ng masama sa amin mga babae. Aba kasalanan ko ba kung naglilibog sila lahat dahil lang sexy ang suot ko. Problema nila yun"

inis kong sabi.

"Ngayon Mr.Yabang kung taglibog ka din eh di pumusta ka na lang kase ang dami mong drama eh"

Pangiinis ko sa kanya.

Nakita kong naningkit ang mala adonis niyang mga mata saka bumaba ang titig sa dibdib ko.

"Boom, sabi ko na nga ba eh isa ka din eh kunwari pa tong gagong to"

"I saw, touch and kissed lots of that kind miss mas malalaki pa nga kesa dyan. So spare me"

Sabi nito sabay tumingin ulit sa mga msta ko.

"But fine, you want to prove a thing here fine. Sige pupusta ako sayo sa isang kondisyun"

Sabi nito.

Natakot ako sa kondisyun pero na challenge ang tungki ng ilong ko kaya nagmatapang ang lola mo.

"Banat!"maiksi kong sagot.

Nakita ko ang pagsilay ng munting ngisi sa bibig nito saka muling nanignkit ang mga mata.

"I will bet 300 thousand pesos sa manok na mapipili mo. If I win, I will give you a 50 percent commission but if I lose. You will leave from here and never set foot in my Arena. Clear?"

Sa totoo lang nasilaw ako sa 300 thousand pesos. Pero  mas nanginig ang tuhod ko ng sabihin niyang kalahati ang komisyun ko. Parang sa isang hamon lang ng lalaking ito ay solve na ang problema  ko sa Itang ko. Pero mas ikinanginig ng tuhod ko ang sinabi nito na ako ang pipili ng manok.

Ano bang alam ko sa pagpili ng manok at sa kung kaninong tari ang mananalo. Hindi naman siya sanay sa trabaho ng itang kahit noon ay hindi siya nagtatanong.

Napapasyal  lamang siya sa sabungan sa hapon after school para mag alok ng meryenda. Madalas pa hanggang hagdan lamang siya dahil tinataboy na siya ng itang niya dahil hindi daw siya nababagay doon.

Napatitig ako sa lalaking hanggang ngayon ay hawak ang kamay ko at halos daganan ako. Kapag natalo ang pusta nito bukod sa wala na akong komisyun ay hindi na ako makakabalik pa dito.

Dito lang ang lugar na alam kong mabilis akong makakaipon ng malaking pera para sa Itang. Gusto ko sanang umurong na lamang at humingi na lang ng pasensya pero muling kumaway sa mga mata ko ang 300 thousand pesos at ang 150 thousand na magiging balato ko.

"Deal"

mabilis na sagot ko.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
wag mo daw siya sisigawan ali......
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
deal agad ali para masolve na problema mo..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status