Share

Chapter 4

Bigla akong kumambiyo. Oo nga pala may logbook nga pala bawat tumataya. At marahil nakasulat sa logbook ng ama kung sino ang tumaya at kung kaninong manok tumaya.

Ang kaso kase dahil sa nangyaring disgrasya ay hindi niya na napagtunan ng pansin kung nasaan ang logbook at ibang gamit nito.

"P*tcha, kung may tayang malaki ang kapreng ito at nanalo pa malamang may hawak na pera ang itang niya pero wala na itong hawak ng yakapin niya at ilabas ng arena"

"Look miss, I'm very sorry about your father's situation and I'm deeply sad but I'm a business Man, you see and I lost a lot. it's a huge amount so you can't blame me if I'm pissed off this time"

"We will come back some other time. Ask your father about my money I need my money i hope i make that clear"

Deretso at walang expression na sabi nito.

Naging palaisipan sa akin ang sinabi ng lalaki.Ganun din ang pagkatao nito. Sa pagkakatanda ko sa hitsura nito ay mukha naman itong mayaman.

Napangiwi nga lamang ako dahil sa kabila ng kaguwapuhan nito ay hindi maikakailang may bisyo ang lalaki bukod pa sa antipatiko. Bagamat sa tupadahan nagtatrabaho ang Itang ko.

Ang tingin ko pa rin sa mga taong naroon at pumupusta sa mga nagaaway na manok ay mga walang kuwenta at sugarol. Madami kasi akong naririnig na kuwento ng Itang na mga nasira ang buhay at pagsasama dahil sa sugal na Sabong.

And that man is no exception kahit pa ang kaguwapuhan nito ay hindi nababagay sa sabungan. Halos limang araw na ay kumakapit pa sa pagasa ang kanyang Itang. Lumalaban pa rin ito kahit wala pang operasyun.

Malayo ito sa sinabi ng doktor na baka hindi ito magtagal. Ipinagpapasalamat ni Ali sa dios na lumalaban pa ang Itang niya pero ikinanginginig ng tuhod niya ang magiging bill nila sa hospital.

Kasalanan ko ito marahil.

Dapat noong isusugod sa hospital ang Itang ko ay sa Hospital ng Lucban dapat ito dadalhin ni Utoy ang trysikel na napara nila pero dahil takot ako sa dami ng umaagos na dugo ng Itang ay natakot ako na baka hindi na umabot doon dahil halos dalawang bayan muna bago iyon marating.

Kaya ang ending ay sa hospital na pinakamalapit sa Arena ko ipinadala. Sa Santa Elena Medical Center at isang pribadong hospital nga lamang iyon.

Halos nalibot ko na ang lahat ng kaibigan ng Itang at halos lahat iyon ay nautangan ko. Mababait naman ang mga ito. Ang ilan ay nag abot ng malaking tulong ang ilan naman ay maliit pero ang mahalaga ay naramdaman ko ang concern ng mga ito para sa Itang ko.

Kaya kahit papaano ay nakapag deposito ako sa hospital na tinaningan lamang ako ng 24 hour para makapagdeposito.

Pagkatapos lamang kase ng bente kuwatro oras na naroon sa hospital ang Itang niya ay hiningian agad sila ng deposito.

Ipinagpasalamat ko na rin na ng bumalik ang lalaking walang modo ay hindi na ito lumapit sa akin bagkus ang alalay nito ang kumausap at nagtanong lang naman kung kamustra na ang aking ITang. Nang sabihin ko na wala pa itong malay at hindi pa napapa schedule ng operasyun ay umalis na ito at bumulong sa lalaking antipatiko na abala sa pakikipagusap sa telepono. nakatalikod pa ito at nakasiksik sa sulok malapit sa bintana.

"Haah! akala mo naman kung sino?"palagay niya ba may makikinig sa pakikipagusap niya sa telepono tse!"

sabi kong hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang inis ko sa taong ito. Dahil walang ibang maisip na maaaring pagkuhanan ng pera para makabawas man lang sa bill ng hospital ay nakiusap si Ako sa ilang kasahan ng Itang na ako muna pansamantala ang pumalit sa ama bilang kristo.

"Aba oo naman, kung saka sakalai ay ngayon lang kami magkakaroon ng maganda at seksing kristo"

Sabi ni Mando isa sa beteranong kristo sa sabungan. Inihanda ni Ali ang sarili. Alam naman niya ang pasikot sikot sa salbungan dahil kapag may tupada ay nagtitnda siya ng kendi, yosi at minsan nilagang saging o mais sa oras ng tupada.

Pero minabuti Ko pa ring magtanogn tanong sa ilang kakilala kung no ang galawan sa tupada. Mula ngayon,iba na ang magiging buhay ko. Hindi ko naman nais manatili sa ganitong scenario.

Tutuparin ko pa rin ang pangako ko sa sariling magaaral para sa magandang kinabukasan nilang Itang at Inang ko. Kung baka pansamantala lamang muna ako liliko. sa landas ng gusto ko para lang makasurvive sa pagsubok na ito.

Binalak kong magpunta sa bahay ng dati kong teacher. Makikiusap ako ng trabaho pero ng maalala ko ang halik ni Sir ay napaatras ako. kaya heto nga at sa sabungan ako napadpad. Lugar na punong puno rin ng kalalakihang iniiwasan ko noon.

Pansamantala kailangan kong lumaban ng sabayan sa mga kristong hari ng sabungan. Kailangan ko ng sariling style at mas matinding diskarte.Ngayon ko lamang napagtanto na iilan lang pala ang regular ni Itang, ayun sa bulungan ay may balat ito sa kamay.

ibig sabihin nun sa mga sabungero ay may malas na kakambal. Una,kailangan kung makumbinsi ang mga dating regular ni Itang na tumaya sa kanya pansamantala.

Ikalawa, ang makumbinsi ang iba pa na sa akin na din tumaya. Kapag malaki kase ang tumaya sa manok na tatayaan ko ay mas malaki ang komisyun o porsiento ko at kadalasan ay 20/80 ang labanan.

Sa naaalala kong kuwento ng Itang ko ay kapag sinusuwerte ay umaabot ng 20 hanggang 50 mil ang kita niya noon. Yung mga ganung pagkakataon ang nagpapaaral sa akin at ang nagtataagoyud ng maliit naming gulayan.

pagpasok ko sa sabungan ay nagkakagulo na ang lahat, kanya kanya ng pusta. Handa na rin ako siyempre, pusturado na ko at sinadya kong magbihis ng maayos dahil bukod sa kumita ay may iba akong agenda.

Hindi ko man gusto ang gayak ko ng araw na iyon at ilang na ilang akopero iyon ang payo ng kanilang kapit bahay. Sa ganung hitsura daw ay mahahatak niya ang ibang pumusta na kanya kahit may suki ng ibang kristo ang mga ito.

Natural daw kase sa mga lalaki ang madaling mabulag at maging salawahan. Hindi ko na kinontra ang kapitbahay ko dahil totoo ang mga sinabi nito.

Naiilang ako sa suot dahil halos luwa na ang kaluluwa ko. Pero anong magagawa ko kailangan kong maka komisyun ng malaki sa araw na iyon. Nakatakdang ilabas sa araw na iyon ang Itang ko at kakailanganin ko ng 300 thousand pesos.

Hindi ko man makuha ang ganun kalaki umaasa akong kahit man lang kalahati. Makikiusap na lang ako sa hospital o mangungutang ng pandagdag pa bahala na.

Ipinagpapasalamat ko na lang na maganda ang lahi ng nanay ko dahil maganda ang hubog ng dibdib ko kaya wala daw akong dapat ikahiya sabi ng kapit bahay ko.

Sinimulan kong sumigaw ng sa pula sa puti at tinawag ang atensiyon ng ilang mananabong. Tama nga ang sabi ng kapit bahay ko. Makukuha ko nga ang atention ng ibang mamumusta kasama na ang lalaking antipatikong dumalaw sa hospital.

Nagulat ako ng makita siya pero binatukan ko rin ang sarili ko. Oo nga pala mananabong nga pala ang kumag na ito.

"So, you already took over your father's career huh?"

Sabi nito pero salubong ang mga kilay.

Hindi ko siya masyadong napagtuunan ng pansin dahil may mga ilang sabungero ang lumapit sa akin at nagpapalista ngk kanilang pusta.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
rebecca usero
d wow ay kapre
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status