Share

Chapter 3

Pabalik na ako galing sa pagbili ng kape ng makita kong may mga bisita si Itang. Nakilala ko ang dalawang lalaking nakapolo barong na kulay gray.

Sila sng mga lalaking tumulong sa aking dalhin si itang sa hospital. Nagmadali akong humakbang para sana makilals sng mga ito at makapagpasalamat pero bigla akong napahinto ng mga isang metro na lamang ang layo ko. Lumabas kase sa silid ni itang si Inang kasunod ang isang matangkad at matipunong lalaki.

Nakasalamin ito ng dark kaya hindi ko makita ang mukha. Trim ang Balbas niito kaya mukhang malinis tingnan at matangos din ang ilong.

kahapon ay nagtungo ako sa hospital matapos kung magbigay ng paunang deposito. Kulang pa iyon kaya nangakoi ako na dadagdagan na lamang ngayon araw.

Kinausap ako ng inang. Umabot na raw ng mahigit singuweta mil ang bayarin namin sa hospital. Hindi ako makapaniwala dahil tatlong araw pa lamang ang Itang sa hospital pero ng magtungo ako aa billing station ay ipinaliwanag sa akin ng nurse doon ang lahat kung papano umabit ng ganun kalaki.

Napaantanda ako.

Halos hindi ko makayang i absorb ng utak ko ang bigat ng problema.

"Saan namin hahagilapin ang singkuwentamil para ipangbayad sa hospital at posible pang madagdagan iyon dahil wala pang go signal ang doktor"

Halos hindi ko maikahakbang ang mga paa ko pabalik sa ward kung nasaan ang itang ko. Sa totoo lang ang mga paa ko gustong humakbang patakas ng pintuan ng hospital.

Ang isip ko ay gustong huminto at kung maaari na lang bang kalimutan o lagpasan nag sandaling iyon. Matanda na ang kanyang Inang.

Lolo at lola niya ang mga ito. Ang kanyang ina ay namatay sa laot dahil sa bagyong Unding noong siya ay 12 taong gulang. Nakipagsapalaran ang dalawang matanda sa Maynila dahil palaging dinadalaw ng bagyo ang dampa nila sa Quezon.

Doon sila sa ilog pasing napadpag at halos doon na napiling amnirahan dahil libre. Ang kanyang ama na ayun sa Inang niya taga MAynila at empleyado sa pagawaan ng mga computer.

Pinangakuan lang daw ang ina niya ng ama noong nasa tiyan pa siya. Mga ilang ulit lang daw ito nakausap ng ina at ng inang niya.

Ang huli ay ng araw na ipanganak siya. Nagbigay nan daw ito ng pangbayad sa hospital at mga panmblili ng kagamitan para sa kanya pero hanggang doon na lamang.

Ng tinangka daw itong tawagan ng kanyang ina ng siya ay lagnatin noong isang buwan pa lamang siya ay hindi na daw ito makontak pa. At hindi na nakontak pa hanggang sa pumanaw ang kanyang ina. Halos magdilim ang paningin ko sa problema.

"Paano ko babayaran magisa ang hospital?"

Ako rin ang sumuko at sumagot sa sarili kung tanong. Hindi ko kayang takasan ang responsibilidad sa aking itang. Ang dalawang matanda ang nagtaguyod sa akin. Bagamat hindi man nila ako nabigyan ng maginhawang buhay ay sinikap ng mga ito na pagaralin ako at gawing mabuting tao.

Sila na lamang ang pamilyang meron ako. Sa dami ng iniisip ko at alalahanin. ay saka naman dumating ang isa pang alalahanin. Papasok na nga ako ng pintuan ng marinig kong may kausap ang inang.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang lalaking nakatalikod. Matikas ito at matipuno. Matangkad ito kaya nag mukhang parang 10 taong gulang ang kanyang inang.

Ang kasamang lalaki nito na nakabrown na jacket na halos kasing laki lang ng inang niya. Sila rin ang taong nakita kung kasunod ni Inang na lumabas ng Hospital kahapon.

"Nanay Bising, gusto po kayong makausap ng amo ko.Tungkol po ito sa perang pusta ng amo ko na hindi po naibalik sa kanya"

Sabi ng lalaking kausap aking inang.

"Pero wala naman akong alam diyan at wala nang nag aabot aa akin ng pera"

Katwairan ni Aling Bising.

"Pero kailangan pong maibalil sa amo ko ang 100 thousand niyang pusta"

"Nanalo po ang manok na pinustahan ni Bossing kaya dodoble ang pusta niya"

"Pero bago nagka kaliwaan ay nawala sa arena si Mang Nestor tapos pagbalik naman niya nagkaroon na ng komosyun"

"Kung hindi po mababalik ang pera ng amo ko pati ang panalo niya ay wala po kaming magagawa kundi ang tumawag ng pulis"

Sabi ng lalaki.

Nagpagting ang tenga ko. Sino ang mga lecheng ito?

Pagkatapos magpagting ng tenga ko ay kumulo bigla ang dugo ko ganun talaga ako mabilis uminit ang ulo pero mabilis din naman mag cool down.

Isang malakas na "HOY" ang isinigaw ko sa lecheng lalaking walang modo.

"Sino kayong mga walang kaluluwa at nagagawa nyo pa talagang gipitin ang matanda sa kabila ng kalagayan ng mga ito?"

Pasigaw kong sabi habang malalaki ang mga hakbang na lumapit at doon mismo ako tumapat sa lalaking matangkad. Sa totoo lang nagmukha rin akong kapatid nitong bunso.

"Paano naman kami nakakasigurong pumusta nga yang amo at paano kami nakakasiguro na nanalo ang manok na pinustahan nyo?"

Sita ko sa lalaking katabi ni tangkad .Yun kase kasing

taas ko lang kaya di ko kailangang tumingala.

"Hindi kaya iniiscam nyo ang itang ko hah! Hoy!! mahiya kayo. Mukha naman kayong nakakaluwag ayan nga at mukhang mamahalin ang suot nyo.Pwede ba?wag nyong biktimahin ang kawawang itang ko"

Pasigaw kong ulit na sabi ko ewan pero natetense ako at nanggigigl at the same time. Malakas ang boses ko kaya alam kong umabot sa labas ang boses ko.

Biglang humarap ang lalaking nakatalikod sa akin. And Ohlalaaaaaa.. ang bango niya.

Tumingala ako para salubungin ng mataas kong kilay ang sira ulong lalaki. Pero nakatakda pala akong mautal dahil sa kaguapuhang tumambad sa harapan ko.

Tumingnin siya sa akin na tagos hanggang buto. Nakakunot ang noo nito pero ewan ko kung guni guni ko lang o hibang lang ako pero parang nakita kong may sumilay ng munting ngiti sa labi nito ng makita ako.

Hah! pero siyempre alam kong kahibangan. Dahil pagkurap ko lang eh nakita ko agad na magkasalubong na ang mga kilay nito.

"Excuse me What? Me? Scamming him? For your information you... little kitten. I have proof of my bet and proof of my winning"

"Aren't you aware that everything that is happening inside the arena is being recorded in a log book and CCTV cameras are everywhere? We can watch real-time"

Sagot nito.

"You... you..you..tse! Wag mo akong ini english. Wala akong alam sa cctv na yan. At kung totoo man na may logbook eh di wow"

"Ang ponto dito mr........ Mr...Kapre ay bastos kayo at walang konsiderasyun"

Sabi ko na lang.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ambrocio The 3rd
ayan na eto na, pinangtagpo na aila ni kupido
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
nagkita na sila......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status