Share

Chapter 6

Yun ang lumabas sa bibig ko.Nagulat din ako sa mabilis kong sagot sa hamon.

"Well, its a deal then Miss"

sabi nito na sa wakas ay binitawan ako. Inayos nito ang off shoulder ko at itinaas iyon hanggang leeg.

"Fix yourself............No! I mean Mando give her your jacket"

utos nito.

"Ayokong may malalaswang gumagala sa teritoryo ko"

patutsada nito.

"Ayun! eh go good shot na sana ang loko kaso sumegway pa eh. Kumag talaga"

nang makita nito isinuot ko nga ang jacket na amoy yosi ay saka ito tumingin sa akin ulit. This time hindi na naniningkit ang mga mata nito.Bumalik na ang malalantik na pilik mata sa normal.

"Now work your ass and don't disappoint me"

Sabi nito na idinikit pa ang bibig sa tenga ko. Kinilabutan ako at halos gusto kung suntukin sa mukha ang aroganteng lalaking ito dahil sa nis ko. Wag niya akong madaan daan sa gandang lalaki niya. Aba kahit mapungay pa ang mata niya at matikas siya gago pa rin ang tingin ko sa kanya.

Inirapan ko ang lalaki saka ako nag marcha paakyat ulit.Magsisimula na ang tupada kaya mabilis akong lumapit sa karamihan at iniwan ang lalaking alam kong nakatingin pa rin sa akin.

"Anak ng teteng, nagdududa pa atang itatakbo ko ang pera niya hah neknek mo matinong tao ako noh!"

muli kong sinulyapan ang lalaki sa huling pagkakatoan  nakabantay ito sa hagdan. May pusta ito pero tila wala itong balak panuorin ang magaganap na tupada. Nakipagsiksikan na ako sa mga barako sa sabungan bagamat pinasuot sa akin ni Kumag ang jacket ng alalay ata niya iyon ay hindi naman nito naitago ang dibdib ko  ung backless na likod lang ang naitago.

Hindi ko naman maisara dahil hindi abot ang mga zipper. payat ang lalaking may ari ng jacket. Totoong na excite ako sa laki ng pusta ng antipatikong iyon kaya tinawag ko ang lahat ng santong kilala ko para ituro sa akin ang tamang manok.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang tupada. Last two minutes bago ako pumusta. Sinulyapan ko pa ulit ang sira ulong antipatikong lalaki na nasa baba lang ng hagdan. May lumapit ditong babaeng naka red velvet na damit na hapit sa katawan.

Yumakap ito sa leeg niya saka bumulong bulong sa lalaki. Tumango tango naman ang demonyong anak ni Satanas.

"Oh last call na sa pula sa puti"

Sigaw ng mayor na Kristo na nasa ibaba ng arena at naghahanda sa mangyayaring tupada. Hinawakan pa nito at hinimas ang parehas na manok.

Sa inis ko sa lalaki at sa babaeng parang linta kung pumulupot ay hindi ko na nagawang magisip at nagpadalos dalos ako sa pagsigaw.

"Sa pula!"

Malakas kong sigaw.

"Sa pula...? mangkanong  pusta?Todo ba o bakas lang?"

Tanong ni Betong na nasa ibaba ng tupadahan.

Doon ako natigilan. Hindi ko pa nga pala naaaral ang gana kapag babakas ka lang o pupusta ng

sagad. Nilingon ko ulit ang lalaking antipatiko. Nakaupo na ito sa dulo ng bleacher at ang babaeng nakapula ay katabi nito na naka yakap sa braso ng demonyong antipatiko. Kulang na lang idikdik ng bababe ang dibdib sa braso nito.

"Hah! ayaw daw na napagkakamalang may prostitosyun sa arena niya,Hah! ayaw daw ng may gumagala galang mga p****k sa lugar tse!"

"Kunwari ka pang gonggong ka dyan eh mukha ngang mas malala pa eh"

bulong ko.

Sabay sigaw ko ng sagad 400 todo" sabi ko.

Ipinusta ko ng buo ang pera ng antipatikong mama at pati na rin ang taya ng iba pa pa na umabot din ng isang daang libo. Bahala na sabi ko sabay antanda at nakipag sabayan na ng sigaw at cheer sa napili kong manok.

Ng kabitan ng tari ang dalawang manok ay halos hindi ko nagawang huminga. Sa isa sa mga nanok na ito nakasalalay ang buhay ng Itang ko. Inilibot ko ang  paningin sa mga taong nagsimula ng maghiyawan at magsigawan ng sa pula at sa puti.

Hindi ko nagawang makipagsabayan ng sigaw. Mabigat ang kalooban ko at mabigat ang damdamin.Gusto kung isumpa ang kapalaran ito. Gusto kong isumpa ang lugar na ito kung saan  naging dahilan bakit nanganib ang buhay ng isa sa pamilya ko.

Gusto kung isumpa ang pagiging dukha.Gusto kong humiyaw gusto kong magwala. Siya na halos lumuha ng  dugo makahanap lamang ng salapi at ang mga taong narito na naglulustay ng salapi.

Ipinangako ko sa sarili ko kasabay ng paglipad ng dalawang tandang sa ere na balang araw ay hindi ko na kailangan pang lumuhod at lumunok ng laway para magkapera lamang.

Pero hindi na naman iyon ang isinulat ng writer ng buhay ko. Nakaidlip na naman marahil ang dios sa itaas kong meron man. Dahil kasabay ng pag aasam kong makalaya sa

Pagdurusang kina sasadlakan ay siya namang pagbagsak ng isang manok  at nangisay ngisay. Sa dami kong gusto, nalibang na ako at hindi ko na namalayang nagsimula na ang tupada.

Itinaas ni Betong ang isang manok at sumigaw ng sa

Putiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii.

"Ay.. p*tchang gala naman oh, Anak ng palakang may saltik naman"

yun na lamang ang nasabi ko kasabay ng pagkisay ng maok at pagtigil niyon ay tumigil din ang paghinga ko biglang naging blanko ang mundo ko. Talo ang pinustahan kong manok kaya talo ako. ng sagad na 400 thousand.

"Talo... Talo ..talo......"

yun ang paulit ulit na sinasabi ng utak kung hindi ko ata kakampi ng sandaling iyon. Hindi ko nagawang umalis sa kinatatayuan ko sa kabila ng pagkakagulo ng mga tao. halos bunguin n a ako ng mga barakong tuwang tuwa sa kanilang pagkapanalo.

Matinding dagok ito na hindi ko kayang harapin. Una talo ang taya ko, pati ang mga nagtiwalang bumakas sa akin ay talo rin. Talo rin ako dahil piso wala akong nakuhang porsiento.Uuwi ako ng luhaan.

Sa kalagitnaan ng magulong kapaligiran ay nakita ko ang isang lalaking matangkad na papalapit sa kinatatayuan ko. Madilim ang mukha nito pero tila nakangisi ng patago. Umakyat sa ulo  ko ang galit sa lalaki pero  bigla iyong napalitan ng  takot ng makitang kung may mga sumunod na mga kalalakihan sa likod ng lalaking matangkad.

"Bwisit naman, pagmamalasin ka naman oh"

bulong ko habang abala ang isip ko sa kahit anong paraan na  magagawa ko makalusot lamang sa gusot na napasok ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
aguuy natalo pa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status