Share

Eternity
Eternity
Author: midnight.solitaire

Prologue

E T E R N I T Y

Written by Midnight Solitaire

This story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, events or locales is entirely coincidental.

NO TO PLAGIARISM!

P R O L O G U E

Nakatingin ako sa isang magandang hardin ng mga bulaklak; Sinimulan kong maupo rito saka sinalubong ako ng isang sikat ng araw. Na naging sanhi sa akin upang harangan ang aking kamay sa harapan ng aking mukha at isang paru-paro ang lumapit mula sa akin, sa sandaling ito ay na mangha ako sa mga makukulay na pakpak nito, at bigla itong lumipad papalayo saakin.

Sa di kalayuan, isang imahe ng isang lalaki ang lumitaw, ang kanyang mga pulang labi na nakangiti ng matamis at papalapit ito sa akin, ngunit hindi ko maaninagan ang kanyang mukha.

Habang papalapit siya, isang mabilis na pananabik ang nagpadala ng mga kulay sa aking pisngi, at isang nakasisiglang ngiti ang makikita sa aking mukha. Habang umuusbong ang aking pananabik, hindi ko mapigilan ang sarili kong tumakbo papunta sa kanya. Sinalubong niya ako ng kanyang mainit na yakap, at naramdaman ko ang pangungulila sa kanya.

Matapos ang yakap na iyon, kinuha niya ang aking kamay at dinala ako sa gitna nitong hardin bigla siyang humiga sa may damuhan saka binigyan ako ng isang senyales na dapat akong humiga sa kanyang tabi. Mayroong isang bagay na espesyal sa lalaking ito na pinupuno ng kasiyahan ang aking puso nang humiga ako sa kanyang tabi. Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya saka ipinatong ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ang ritmo ng tibok ng kanyang puso ay nagsisilbing parang musika sa aking tainga.

"Ang realidad na wala ka ay parang isang natatakot na panaginip," ani nito nang maramdaman kong hinaplos niya ang aking buhok. "saan ka ba pupunta?" dagdag pa niya, nagulat pa ako sa sinabi niya at na napaupo ako.

"Ano bang pinagsasabi mo wala akong balak umalis," gulat ko.

May isang paru-paro na lumapit sa kanyang palad saka ipinakita ito patungo sa akin, naguguluhan pa rin ako sa sinasabi niya ngunit nakuha ang aking atensyon sa hawak niya "Parang isang paru-paro, paikot ikot lamang"

"Huwag kang sumama sa kanya!" Narinig ko ang sigaw ng isang lalaki mula sa malayo habang tumatakbo ito papalapit sa amin. Tumayo ako at hindi ko maaninagan ang kanyang mukha, ngunit dinig na dinig ko ang pag-hangos niya. Dahil sa sinabi niya ay lalo akong nalilito sa mga nangyayari, nakaramdaman ako ng may humawak sa braso ko, kaya na baling ang atensyon ko sakanya.

"Sinusubukan mo ba akong iwanan ulit?" tanong niya, na mas lalong nakapag pagulo saakin.

"Huwag kang makinig sa kanya, mas ligtas ka sa aking piling, sumama ka na sa akin" kinukumbinsi niya ako na may pagmamakaawa sa kanyang tono.

Akmang ibabaling ko ang aking ulo sa kanya ngunit -

"Huwag kang lumingon; Hawak ko ang braso mo" Napatingin ako sa kamay niya, at unti unti niya akong nasasaktan saka binitiwan niya ang braso ko, kaya nilayo ko ang sarili ko sa kanya. "Kung nais mong umalis iyong subukan, Subukang mong umalis habang tinatapakan mo ang puso kong tumitibok para sa iyo" nabali ang boses nito.

Nakita kong inabot sa akin ng isang lalaki ang kamay niya "Kunin mo kamay ko, mas ligtas ka sa akin" ulit niya.

Mayroong isang pakiramdam saakin na sobrang lapit ng loob ko sa kanya, at ako ay naaakit na hawakan ang kanyang kamay, ngunit may humawak sa akin, na kinalingon ng aking ulo sa kanyang direksyon. Pagkatapos siya'y umiling saakin, pinapakita niya sa akin na hindi siya sumasang-ayon at ayaw akong ipasama rito.

Naguguluhan ako tungkol sa kung sino ang sasamahan ko dahil parang pareho silang may lugar sa aking puso.

Sa ngayon, napakatamis nitong pangyayari na nagkaroon ako ng isang kahila-hilakbot na bangungot. Pinikit ko ang aking mata at humigop ng hangin saka pinakinggan ang aking kumakabog na puso.

"Ika'y mamili" ito ang lalaking kasama ko kanina kahit nakapikit ang aking mga mata. Alam ko ang boses niya, at nang imulat ko ang aking mga mata, may dalawang malalaking salamin ang nasa harapan ko at napansin kong nasa loob sila nito.

"Kailangan mong pumili ngayon kung hindi mawawala ako magpakailanman," sinabi nilang pareho.

Habang nakikinig ako sa aking puso, pinili ko ang kanang salamin kung saan siya ang pangalawang lalaki na nakita ko kanina saka siya dahan-dahang lumalabas mula sa salamin na may hawak na isang puting rosas at nakangiti sa akin.

Agad kong hinawakan ang rosas at mabilis na tinanggal ang daliri ko dahil nakaramdam ako ng mayroon tumusok sa akin. Pagkatapos ang aking daliri ay nagsimulang dumugo, at ang puting rosas ay unti-unting nagbago ng kulay hanggang sa naging pula ito. Narinig ko ang isang pagbasag sa di kalayuan, at ito ay ang mga salamin.

Dahan-dahan itong nasusunog at nabasag.

Ang imahe ng isang malungkot na ngiti mula sa lalaking una kong nakita ay namutawi sa aking isipan. Nabaling ang aking atensyon sa paghawak niya saaking pisngi, ito ay isang hawak na pamilyar sa akin, at naramdaman ko na ito dati.

"Sinimulan na naman natin ang lahat mula sa umpisa," aniya na may malungkot na tono, saka tumulo ang aking mga luha, at hinawakan ko ang aking dibdib.

Labis itong nanakit sa puntong ito; tuloy tuloy ang pagbagsak ng aking mga luha dahil sa lungkot na naramdaman ko na para bang nag-iisa ako ng napakatagal. Niyakap niya ako ng mahigpit, na nakatulong sa aking pakiramdam upang ako ay maging mas komportable.

"Wala ka rito, ngunit pareho parin ang lahat. Sa panaginip na ito, sa sandaling iniwan mo ako," dagdag pa niya habang hinahaplos ang aking likuran.

"Panaginip?" Bulong ko, at dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap sa kanya, at unti unting nawawala ang kanyang pigura.

"Hahanapin kita" ang huling mensaheng sinabi niya.

Bigla akong naupo mula sa aking pagkahiga at agad kong hinawakan ang aking dibdib at sabay hinabol ang aking hininga ramdam ko ang pagtulo ng malamig na pawis mula sa aking leeg.

"Panaginip lang ito" at buntong hininga ko "Kakaiba, at akala ko totoo ang lahat" Nakaramdam ako ng kirot sa aking hintuturo at nakita ko doon ang isang maliit na sugat.

Nagtataka ako tuwing gabi kung ano ang kahulugan ng aking mga panaginip tungkol sa dalawang lalaking ito na hindi ko pa nakakasalamuha sa aking buhay. Ano ang koneksyon ko sa kanila?

All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval system w without permission in writing from the publisher, except by a reviewer, who may quote brief passages in a review.

Copyright © 2022 by Midnight Solitaire Stories

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status