Share

Eternity : Chapter 1

"Eternity"

C H A P T E R O N E

Por's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ko, kaagad ako bumangon at nag handa ng almusal ko kasi nga sabi nila breakfast is the most important meal of the day

at mahirap din namang pumasok ng school na walang laman ang tyan. 4th year college na ako at graduating na din sa dadating na marso, bigla na lang akong na pa bungtong hininga na paisip ako na: ano kayang nag aantay na future para saakin. Ulila na kasi ako at dahil doon kailangan ko mas lalong mag sipag para makasurvive ako sa pang araw araw ko.

Isa akong crew sa isang fast-food chain, ayos din ang sweldo dahil kaya ko makarent ng apartment at makakain tatlong beses sa isang araw. Bata pa ako nung namatay mga magulang ko sa isang car accident at ako lang ang bukod tanging naka-survive sa aksidenteng yun, ang mga lokal dinala ako sa tita ko dahil siya lang ang natitirang pinakamalapit naming kamag-anak na meron ako. Minsan na papaisip ako paano kaya kung hindi namatay parents ko, siguro hindi ganto kahirap buhay ko.

Katulad ng mga palabas sa tv, hindi maganda naging trato saakin ng pamilya nila ginawa nila akong kasambahay at sinasaktan ng pisikal pati na din emosyonal. Hindi ko alam kung bakit naging ganon? Pero nung kaya ko ng bumukod umalis na ako sakanila.

Sa haba ng kwento ko, andito na pala ako sa dapat ng campus namin na pabuntong hininga nalang ako at sabay na pabulong sa sarili ko. "Ilang buwan na lang at magiging ayos na lahat."

May na ramdaman akong umakbay saakin dahil doon napalingon ako kung kanino nang galing to. Pag tingin ko dito, Bumungad saakin ang isang guwapo at mayroong maputing balat na lalaki na may magandang pangangatawan. Nakasuot din siya ng jersey niya pati na rin ang terno nitong shorts, ipinares pa niya sa kanyang atlethic shoes, at bitbit ang kanyang gym bag na nakasukbit sa kanyang likuran. Pagkatapos ay binungaran niya ako ng isang ngiti.

 "Oh? Blake?" sabi ko sabay nginitian ko siya.

Siya ang best friend kong si Blake. Noong pumasok ako ng college, si Blake lang ang naging kaibigan ko actually siya lang talaga ang naging kaibigan ko sa buong buhay ko at coincidentally siya din ang landlord ko sa apartment ko.

Oo may kaya nga sila, pati yung fast-food na pinag-tatrabahuan ko sakanila din. Hindi ko nga alam bakit naging bestfriend ko to. At ito pa sikat din siya sa campus namin dahil isa siyang varsity player ng basketball team minsan nagiging assistant niya ako sa mga laban niya bilang supporta ko sakanya bilang bestfriend niya.

"Por?!" Rinig kong tawag niya ng pangalan ko.

"Oh? Bakit?" Sagot ko.

"Ang lalim ng siniisip mo? Bakit parang ang lungkot lungkot mo na naman" sabi niya at yung dalawa niyang hituturo nilagay sa mag kabilang gilid ng labi ko dahil doon napangiti ako. "Ayan! Mas lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka" dagdag niya na may kasamang ngiti.

"Ikaw talaga" at gulo ko ng buhok niya, tumingkayad pa ako para maabot lang siya dahil mas matangkad siya saakin. "Tara pasok na tayo," aya ko sakanya,

Mag lalakad na sana ako nung bigla niyang hinawakan ako sa may pulsuhan ko kaya na palingon ako sa direksyon niya.

"Mamaya may game kami nood ka ah?" Aya niya saakin at nag thumbs up lang ako bilang sagot ko sakanya ng 'ok'.

~~

Late na ako at na ririnig ko na yung hiyawan ng mga estudyante sa loob ng gymnasium nag checheer para sa team. Hindi ko na abutan yung first game ni Blake, pag pasok ko ng gymnasium.

Napansin ako ng coach ni Blake at tinawag ako. Na ikwento niya saakin na si Blake nakaupo lang at hindi pa nag lalaro nakikita ko din sa itsura ng coach niya na naiinis na to dahil na lalamangan na sila ng kalaban nila sa score. Nung nakita na ako ni Blake mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng may ngiti sa labi.

Lumapit naman ako sakanya at pinaupo niya ako sa first row ng bleachers sabay pumasok na siya sa game. Naikwento saakin ng coach niya na ayaw ni Blake mag laro hangga't wala pa daw ako. Kaya malaki pasalamat niya dahil dumating ako.

Sa narinig ko natawa naman ako dahil napakaisip bata talaga nitong best friend ko. At ngayon nakikita ko siyang masiglang nag lalaro sa loob ng court. Sa bawat makakashoot siya ng bola titingin siya saakin at ako naman chinicheer lang siya, hanggang matapos ang laro nila, syempre ang resulta panalo sila.

"Por!" Tawag niya saakin at lumapit naman ako sakanya. "Ang galing ko diba, mas lalo na nung shinoot ko yung bola sa last game wooh!" with hand movements at sound effects habang kinukwento niya yun.

Natawa nalang ako dahil umaandar na naman ang pagiging isip bata niya.

"Oo, ikaw pa ba? Kaya ka nga naging varsity player kasi magaling ka" pag boost ko pa ng confidence niya.

"Sabay tayo uwi ah? Maliligo muna ako tas libre kita ng pagkain" excited na sabi niya.

"Hindi muna, may pupuntahan pa ako sa susunod nalang?" tanggi ko sakanya.

"Sige, mukhang importante sa susunod ah? Mag tatampo talaga ako!" sabi niya.

Natawa na naman ako dahil sa itsura niya dahil parang bata siyang naagawan ng candy. "Oo, babye!" lakad ko paatras sabay kaway ko ganon din ginawa niya.

Paglabas ko ng gymnasium napatingin ako sa langit at umuulan na paunti unti, dahil wala akong payong no choice ako kaya yung hood ng jacket ko pinandong ko sa ulo ko at nag mamadaling lumabas na ng campus at tumakbo hanggang makapunta ako sa susunod na pwedeng masilungan.

Sa pag takbo ko may nakasalubong akong nakapayong na lalaki, nag katinginan kami sa aming mga mata hanggang sa makalayo na ako sakanya. Bigla ako napahinto at muli nilingon ko siya nakita ko naman na patuloy pa din siyang naglalakad.

"Hmm? Weird," at napahawak ako sa dibdib ko dahil nakaramdam ako ng kirot dito. Biglang merong pumasok na blurred image sa utak ko hindi ko din alam bakit hindi ko makalimutan mukha niya.

Mabilis naman ako nakarecovered sa sitwasyon na yun at nararamdaman kong nababasa na ako "Nako! Nababasa na pala ako" at takbo ko ulit.

Pumunta ako sa isang flower shop para bumili ng mga bulaklak. Pag labas ko ng shop nakita ko pa din na ang lakas ng ulan.

Kaya napag desisyunan ko na, hihintayin ko nalang ang pag hinto ng ulan sabay inangat ko yung kamay ko at sumalok ng tubig ulan. Malungkot talaga ako kapag umuulan, bukod sa hindi ka makakalabas wala din akong payong.

"Kailan pa kaya to hihinto?," at hinga ko ng malalim. "Sana makita ko na swerte ko" sabay bulong ko sa hangin at tinignan ko yung mga bulaklak na mga binili ko.

---

Pag uwi ko ng bahay agad ako naligo, Pag kabihis ko habang kinukuskos ko yung ulo ko ng tuwalya naalala ko na naman yung lalaking nakapayong.

"Bakit ganito yung pakiramdam ko" hinawakan ko dibdib ko. "Ngayon ko lang naramdaman to, hindi naman ako pwede main-love sa ganong kaikling tinginan lang" at napabuntong hininga nalang ako.

Mukhang mas matanda siya saakin ng edad at mukhang may girlfriend na din yun hindi ko na makikita ulit yun.

"Coincident lang yun"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status