Share

Eternity: Chapter 3

"Eternity"

C H A P T E R  T H R E E

Por's POV

Tuwing gabi napapanaginipan ko pa din yung lalaking dumating sa araw ng graduation ko, at ito ay isang malaking palaisipan kung sino siya? At mula nang nagtapos ako, naghanap ako ng trabaho. May mga offers na saakin, pero hindi ko alam kung bakit hindi parin ako tumatanggap ng kahit isa sakanila. 

Nakapagpasa na rin ako ng mga requirements para sa iba't ibang mga kumpanya para sa mas maraming tiyansang magkaroon ng mas magandang trabaho. Si Blake naman ay kinukulit pa din ako tungkol sa hindi pag-alis ko ng trabaho sa fast-food chain. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na magagawa ang trabahong iyon; May pangarap din ako para sa sarili ko. 

Biglang may tumawag sa akin, at ito ay isang alok sa trabaho mula sa Z Empire, agad akong nag pasa ng requirements sa kanila, at interview ko na agad kinabukasan. Mukhang ito ata ang swerte kong araw!

---

Pag pasok ko ng building ng company nila napapawow nalang ako ang ganda talaga marmol! Pumunta akong front desk at sinabi ko pangalan ko .

Nagulat naman ako sa response niya kasi kanina pa daw ako hinihintay ng CEO nila, kaya't tumingin ako sa relo, at nagulat ako dahil hindi pa ako late at ginuide niya ako sa opisina ng kanilang CEO. 

Bago ako pumasok inayos ko muna sarili ko at kumatok tatlong beses. Narinig ko naman yung sinabi niyang "Come In" kaya pumasok na ako.

"Good morning po" bati ko sakanya yung upuan niya kasi nakatalikod saakin. Tumingin ako sa buong opisina niya at nakita ko kung gaano ito kaganda. Ang istraktura ng kanyang opisina ay halos gawa sa salamin para sigurado na makikita niya ang tanawin sa labas. Tapos ang tema ng kanyang opisina ay itim, napakaganda nito, at may ilang mga halaman siya dito pati isang malaking painting na abstract. Tiningnan ko ang painting, at alam ko abstract ito dahil hindi ko maintindihan ang hitsura nito.

"Do you like paintings?" Napalingon ako sakanya nakaupo pa din siya sa office chair niya pero nakaharap na siya saakin sa puntong ito at nakangiti.

Mukha pa siyang bata na parang nasa kalagitnaan ng '20 ang kanyang edad sa isang sulyap, sasabihin mo na ang CEO ay isang matalinong uri ng tao, at ang kanyang suot na pulang amerikana ay umakma sa kanyang hitsura, sa madaling salita, siya ay gwapo.

"Ano bang iniisip mo Por alisin mo yan, nasa kalagitnaan ka ng trabaho," sabi ko sa sarili ko.

Ngumiti lang ako. At umiling. "Ah, nacurious lang po ako sa painting" sagot ko agad.

"Actually, it's a wooden stake through a heart. Hindi mo makikita ng clearly kasi naka scattered siya. Masyadong artistic yung artist. You may sit down" sabi niya saakin habang nag lalakad siya papunta saakin at umupo ako sa may couch.

Halos mayroon na siyang mini sala sa loob ng kanyang opisina, at napansin ko lang na medyo namumutla siya. Nagtataka ako kung anong klaseng skincare ang ginagamit niya dahil ang balat niya ay flawless. Nakita kong tumawa siya ng bahagya.

"You are Portia Montecillio, from Red Elite University" sabi niya habang paupo siya sa tapat kong couch nakangiti pa din siya pero maya maya may napansin akong luhang lumabas sa kanang niyang mata.

"Ah? Sir, may luha pong tumulo sa mata mo" at turo ko sa mukha niya.

"I'm sorry, my eyes hurt" at punas niya.

"Yes sir, Im Portia Montecillio from Red Elite University. You can call me Por." Masigla kong sabi.

"Base on your records, you're a good student with honors. And I meet you personally, para sabihin sayo na you'll be my secretary" dahil sa sinabi niya sa dulo napalaki mata ko.

"Talaga po? Thank you po" sabi ko na nakangiti secretary sa Z Empire kaso hindi ko alam ang panagalan niya.

"Im sorry if I dont introduce my self, Im Xander Zamora the CEO of Z Empire" at offer niya ng hand niya. Kaya at ko ito tinanggap at pinisil "And this is your first day" dagdag niya at bitawan ng kamay ko.

---

Pinakita niya ang magiging office ko maganda din at sakto lang saakin. Ayoko masyado ng malaking office tapos ako lang nag isa ang creppy lang.

"Fill at home" sabi niya

"Thank you sir" sabi ko.

"You can call me Mr. Zamora. Ms. Montecillio" at tungo ko.

---

Ang first day ko not bad kasi nag bigay lang ako ng papers sakanya para isign pass learner naman ako kaya madali ko nakabisado bawat department at yung nga do's and don'ts niya Hindi naman siya ganon kastrict.

Uwian na, at pag labas ko ng building umuulan, ang masasabi ko lang si Mr. Zamora mabait, matalino, gwapo, matangkad at mukhang masayahin naman siya.

Umuulan at wala akong payong kapag nakuha ko ang unang sweldo ko. Bibili ako ng maraming payong, at buntong hinga ko ulit. Inilabas ko lang ang aking kamay, at nilaro ko na lang ang tubig-ulan sa aking mga kamay. 

Patuloy ang pagbuhos ng ulan; parang ang tagal huminto. Tinanggal ko ang kamay ko at pinunasan ito ng panyo na galing sa bulsa ko. Nanginginig ako dahil sa malamig ng simoy ng hangin. 

May naramdaman akong may nag patong saakin balikat ng isang coat. At napalingon ako kung sino to. "Mr.Zamora?" tatanggalin ko sana yung coat niya pero pinigilan niya ako.

"It's okay, Can I take you a ride?" Aya niya.

"Hindi na po, nakakahiya, pag huminto naman po to kukuha na din ako ng taxi doon" tanggi ko

"Are you sure? Mukhang matagal pa kasi hihinto to. And my car nasa parking lot" sabi niya.

"Hindi na po ayos lang po ako, ingat po" at bigay ko sakanya ng coat.

"Kahit yung coat ko lang, wag mong tanggihan" sabi niya. At nag lakad na siya papuntang parking lot.

At maya maya may kotseng huminto saakin at binaba ang bintana si Mr. Zamora ulit.

"Tara na kaya? Mahihirapan ka din sumakay" kulit niya saakin. Ayoko talaga, alam ko nag papakagenerous lang siya pero nakakahiya ngayon niya lang ako nakilala.

"Ayos lang po ako, ingat po ito na yung coat mo hindi na rin po ako nilalamig" at abot ko sakanya. Napabuntong hininga nalang siya.

"Okay as you said, ingat ka din" kuha niya ng coat niya at pat niya sa ulo ko at ngiti. Tinaas na ang bintana at nag drive na paalis ng building.

Maya-maya may napansin akong taxing papunta saakin pwede pala pumasok taxi dito? Huminto sa harap ko at binaba yung bintana.

"Maam sakay na po" sabi ni kuyang taxi driver. At ganon na nga ginawa ko. Pag pasok ko naisip ko si Mr. Zamora, siguro siya nag padala ng taxi. Napangiti nalang ako dito sa may passenger seat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status