Share

Eternity: Chapter 4

"Eternity"

C H A P T E R F O U R

Por's POV

Habang nasa office ako at inaayos yung mga papers ni Mr. Zamora. Naalala ko na naman si Mr. Flower. Kaya napahinto ako sa ginagawa ko, napabuntong hininga din ako. Isang taon na din nakakalipas yun.

Ang bilis ng mga araw talaga, maganda din naman lahat trato ng mga tao dito sa trabaho ko. Mas lalo na si Mr. Zamora. Pero wala pa din akong nagiging kaibigan hindi ako masyado magaling sa pakikipagkaibigan si Blake nga lang kaibigan ko diba?

"See you soon"

Nag flashback na naman yung mga sinabi saakin ni Mr. Flower, Soon daw eh? Taon na nga nakalipas eh.

"Ms. Montecillio" nagulat naman ako sa tumawag saakin. Narinig ko din ang bahagya niyang pag tawa. At napalingon ako sakanya.

"Mr. Zamora, ibibigay ko na po sainyo sana yubg mga papers eh" Sabi ko habang dala ko ito.

"No to paper works muna tayo ngayon" at ngiti niya.

"Bakit po?" na gulat kong tanong, at kasabay nito, inalis niya ang mga papel na hawak ko at inilagay sa mesa na ka tabi ko.

"Remember? I'm the owner of this company kaya for now mamasyal muna tayo. No but's and no's, okay? Kung hindi wala kang suswelduhin" banta niya saakin at ngiti ng nakakaloko

Kilala na ni Mr. Zamora ugali ko na pala ayaw. Sumunod nalang ako sakanya hanggang makapunta kami ng parking lot. Pinagbuksan niya din naman ako ng pinto at pinag sarado. Agad din siyang sumakay at umupo sa driver seat.

Binuksan na din niya yung engine, at tinulungan ako mag seat belt, ang lapit ng mukha niya saakin kaya na sstiff ako sa puwesto ko kasi baka kapag nilingon ko siya mahalikan ko siya at ayaw ko din mang yari yun. Mahirap na boss ko siya at empleyado niya lang ako ayoko mag karoon ng isyu sa pagitan namin.

"Okay let's go" sabi niya nung tapos na niyang ayusin ang seat belt ko.

"Saan po ba tayo pupunta? Mr. Zamora?" Tanong ko.

"Basta, just enjoy the ride" ngiti niya at patakbo niya ng kotse. Napatingin nalang ako sa bintana.

---

Naramdaman ko pag tapik niya saakin, kaya unti unti akong dumilat nakatulog pala ako. At napatingin ako sakanya.

"We're here" sabi niya na nakangiti.

"Sorry po Mr.Zamora" sabi ko at kuskos ko pa ng mga mata ko.

"Wag mo ako tawagin na Mr. Zamora off work naman tayo eh. Call me Xander, Por" hiling niya saakin.

"Ah sige po, Mr. Zamo ay este Xander po pala" sabi ko

"Tanggalin mo na din yung po mo por" sabay tawa niya

"Okay p-" pinigilan ko yung pag po ko.

Ang hirap naman kasing tanggalin yung ganong hobby ko dahil boss ko nga siya.

"You're so cute" at tap niya sa tip ng ulo ko. Ang ganda ng mga ngiti niya mas lalo siyang gumagwapo.

Ano ba tong sinasabi ko? Boss mo siya! Sabagay? Humahanga lang naman ako wala namang masama.

At bumababa na din kami, hanggang sa pag baba pinagbuksan niya pa din ako ng pinto. Napakagentleman naman ni Mr. Zamora. Este Xander pala? Off work nga pala kami.

Dinala niya ako sa isang amusement park. Napansin ko na may hawak siyang paper bag.

"Tara! Let's change clothes para comfortable. Here" kinuha niya muna yung sakanya at abot niya saakin ng paper bag pumunta kami agad sa cr na hindi din kalayuan sa parking lot.

Nung nakita ko yung susuotin ko ayos lang naman leggings at simple top lang tapos meron din sandals. Buti nag kasya at ipit ko na din nung buhok ko messy bun to be exact.

Paglabas ko andoon na siya nag aabang may pag kasimilar yung suot namin pero syempre iba suot niya para sa paa pero sandals pa din pang lalaki nga lang. Agad din naman kami pumunta sa kotse niya para iwan yung paper bag.

At sa wakas, pumasok kami sa loob ng amusement park. Ito ang aking first time makapunta dito, kaya't na patingin ako sa paligid at na pahanga sa mga rides. Nakikita ko lang to sa internet noon ngayon narito na ako. 

Napatingin ako sa ice cream na hawak ng bata nakakabili lang. Gusto ko din ng strawberry flavored na ganon at napakapa ako sa bulsa ko ngayon ko lang na realize na wala pala pala yung coin purse ko naiwan ko pala sa opisona. Danala ko lang phone ko naramdaman kong biglang hinawakan niya ang pulso ko at nag lakad papunta sa stall ng ice cream.

"Dalawa, strawberry flavor" order niya, mabilis ang pag gawa ng order. Nang makuha niya ito, agad niya itong binigay saakin yung ice  cream dahil sa aking excitement, at mabilis kong tinikman ito.

Habang kumakain kami bigla nyang sinabi "Favorite ko tong strawberry flavor." at nagpatuloy siya sa pagkain "Mukhang tuwang tuwa ka sa ice cream mo ah?" Sabi saakin ni Xander na nakangiti.

"Ah? Oo favorite ko din kasi to" at ngumiti kami sa isa't isa, at saka pinunasan niya gamit ng hinlalaki niya ang labi ko dahil may natirang ice cream.

---

Halos lahat ng mga rides sinakayan namin at ang huling sasakayan namin ay ang Ferris Wheel, takot ako sa matataas, pero para sa experience gagawin ko, sasakyan ko ito. Habang nakasakay kami sa Ferris Wheel, bigla itong tumigil sa taas, napasigaw lang ako dahil sa takot, at narinig kong tumawa si Xander. Tumingin ako sa labas ng bintana at sumulyap sa langit.

 Ang paglubog ng araw ay nakakaakit sa akin dahil sa kanyang kagandahan; ito din ang unang pagkakataon na matitigan ko ito ng ganito kalapit.

"Por?" Tawag niya saakin

"Hmm?" Sagot ko.

"This is a bit awkward, but I have to say this" kinakabahan naman ako sa sabihin niya baka mamaya kasi kaya kami na masyal kasi tanggal na pala ako sa trabaho.

He clears his throat " I want to court you? Pwede ba?" Dahil sa sinabi niya nakahinga ako ng maluwag.

Pero bigla kong na realize yung sinabi niya.

"Huh? Court?" naguguluhan kong tanong.

"Yes" at kuha niya ng kamay ko. "I want to court you" dagdag niya.

"Bakit?" yun lang ang salitang pumapasok sa isip ko dahil gulat pa rin ako.

"Coz' I like you, since nung nakita ko ang picture mo sa resume mo. I like you, Kahit hindi mo ngayon sagutin. I'm willing to wait, to be with you today, I'm so happy kasi hindi ka tumanggi sa offer ko. Thank you Por. I enjoyed sana ikaw din" at halik niya sa kamay ko. 

Pagkatapos ay sinisimulan muli ng Ferris Wheel ang pag andar nito, at dahan-dahang binitawan niya ang aking kamay.May gusto ba siya sa akin? Para akong nabingi nang marinig iyon. Naglalakad kami palabas ng amusement park. Gulat pa rin ako sa nangyari ngayon.

Walang nag sasalita saamin tahimik lang kami nag lalakad ng bigla ko napansin si Xander na tumigil sa pag lalakad nakatingin lang kasi ako sa mga paa ko habang nag lalakad eh. Kaya napalingon ako sakanya at curious akong tignan yung tiniginan niya.

Kaya napatingin ako dito, at nagulat ako sa nakita ko si Mr. Flower namamangha ako nasa harapan ko siya ngayon at napatingin ako kay Xander na nakatingin na saakin ngayon.

Anong mga meron sa mga tingin niya. Nakita ko na naman yung gwapo niyang mukha, maganda niyang sense of fashion. Sino ka ba talaga? Napakamisteryoso mo? Kahit saan saan ka nalang nag papakita. Ngayon hindi ako makakapayag na makaalis ka na hindi ko pa din malaman ang pangalan mo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status