Ava's P.O.V.Malungkot akong nakatanaw sa kalangitan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghihintay ng pagbabalik ni Elijah. Sobrang nasasabik na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin."Evo...anak ko...wait lang natin si Daddy mo, ha? Alam kong babalikan niya tayo..." Hindi ko napansing tumutulo na pala ang mga luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi masaktan. Sabik na sabik na akong mayakap at makasama si Elijah. Walang araw o oras na hindi ko siya inisip. At walang araw na hindi ako nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan lang siya. Kinabukasan, nagulantang ako sa balitang natanggap ko. Nandito na raw si Elijah. Sobrang kabog ng puso kaya naman nagpunta kaagad ako sa kompanya ng kaniyang ama."Hello po, Tito...nasaan po si Elijah?" Kinakabahan kong tanong nang makita ko si Mr. Leonardo.Malungkot siyang tumingin sa akin. At pagkatapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat."Ava...hindi ko alam kung
Ava's P.O.V.Isang linggo matapos mailibing si Mommy, tila naging tahimik ang buhay ko. Naging malungkot at tila ba walang buhay. Ang anak ko na lang na si Evo ang nagpapasaya sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan siya upang pasayahin ako."Ava...hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Bakit hindi mo ako mabigyan ng isang pagkakataon para mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo? Huwag mo ng isipin pa si Elijah. Nalalapit na ang araw ng kasal nila ng bago niya. Bakit ba hindi mo na lang siya kalimutan?" sabi sa akin ni Bryan.Kasalukuyang dinalaw ako ni Bryan ngayon. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko naman siya kailangan. Si Elijah ang kailangan ko ngayon. Pero mukhang busy ito sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Amelia."Hindi natuturuan ang puso, Bryan. At kahit pang mangyari, hindi kita magagawang mahalin dahil si Elijah lang ang hanap ng puso ko. Siya lang ang mahal ko at wala ng iba pa. Kaya kung maaari sana, t
Elijah Montemayor's P.O.V.Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit at lungkot habang nakatingin sa masaya at buong pamilya. Kahit na sabihin na nating mahal na mahal ako ni Mama at siya ang nagpalaki sa akin kahit mag-isa lang siya, hindi ko pa rin maiwasang hanapin ang aking ama. Totoo nga kayang iniwan niya si Mama nang malaman niyang buntis ito? Totoo nga kayang inabandona niya kami? Kung totoo man, napakasama nanan niya kung ganoon. Bakit niya pa nagawang buntisin si Mama kung ayaw naman niyang magkaroon ng anak?"Ayos ka lang ba, Elijah?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Robert.Nilingon ko siya sabay ngiti. "Oo naman. Bakit?"Tinapik niya ako sa balikat. "Alam kong hindi ka okay dahil nakita mo naman ang isang buong pamilya. Nami-miss mo ba ang tatay mo?"Nagkibit-balikat ako. Nami-miss ko nga ba siya? Pero sa totoo lang, hinahanap ko ang pakiramdam na mayroong isang ama. Siguro masarap sa pakiramdam na may kausap kang isang ama na puwede mong makainuman. Na puwede mong maka-
Elijah's P.O.V."Tao po!" sigaw ko sa malaking bahay na madalas nagbibigay sa akin ng maraming kalakal.Nakatira dito ang isang biyada na ang pangalan ay Amelia. Nasa edad fourty years old pa lang siya ay namatay na ang kaniyang asawa. Kasal siya rito at mayroon silang dalawang anak. Maaga kasi siyang ikinasal sa asawa niya at maaga ring nagkaroon ng anak kaya malalaki na ang mga anak nila. Madalas siya lang ang nandiyan sa bahay niya dahil may sariling mundo na ang kanyang mga anak. Simula nang nangalakal ako sa kanila at nang makita niya ako, palagi na siyang nagbibigay sa akin ng mga kalakal. Ang totoo nga niyan ay nagbibigay siya sa akin ng mga gamit sa bahay niya. Ang sabi niya ay luma na ang mga ito pero sa tingin ko ay hindi pa ito luma dahil ang gaganda pa nito. Maliit lang ang bahay namin pero kaunti na lang ay kumpleto na kami sa gamit at dahil iyon kay Amelia. Bumukas ang malaking gate at nakita ko ang masayang mukha ni Amelia."Ikaw pala, Elijah," malambing na boses na wi
Elijah's P.O.V."Anak, bakit parang ang dami mo yatang pera? Saan mo ito kinukuha?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Mama."Basta, Ma. Basta sa isang taong may mabuting puso." Nginitian ko siya habang abala ako sa mga pinamili kong groceries."Mabuting puso? Sigurado ka ba diyan? Baka naman mamaya ay kung ano ang ginagawa mo. Baka naman may ginagawa kang illegal."Mahina akong natawa. "Ano po ba 'yang nasa isip mo, Ma? Iniisip mo ba na nagbebenta ako ng ipinagbabawal na gamot?"Nakatingin lang siya sa akin. "Hindi ko magagawa iyon, Ma. Basta, maniwala ka sa akin. May taong nagbibigay sa akin nito. Pero hindi naman basta lang niya ibinibigay dahil pinaghihirapan ko iyon. Sinusunod ko ang utos niya. Kagaya na lang ng paglilinis ng buong bahay niya."Bumuntong-hininga si Mama sabay yakap sa akin. "Oh sige na nga! Naniniwala na ako. Basta anak ko, ayokong gagawa ka ng masama para lang sa pera. Mas mabuti pang magtiis tayo sa hirap basta ligtas ka.""Opo, Mama. Hindi po ako gagawa ng kahi
Elijah's P.O.V.Dahil kay Amelia ay nakatira na kami sa isang magandang bahay. Hindi na kami tumira sa isang apartment dahil siya na mismo ang bumili ng bahay para sa amin. Sinabi ko na lang na babayaran ko na lang siya kapag nakahanap na ako ng trabaho. Pero hindi siya pumayag dahil girlfriend ko naman daw siya at wala lang sa kaniya iyon. Oo, girlfriend ko na nga ang babaeng 'yon pero siya ang nanligaw sa akin. Puwede ko na rin siyang pagtiyagaan hanggang sa wala pa talaga ako. Pero kapag yumaman na ako, hihiwalayan ko na siya dahil ayoko talagang magkaroon ng partner na may anak na."Elijah!" tawag sa akin ni Robert habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko."Bakit? May kailangan ka ba?""Wala. Baka gusto mong mag-apply bilang driver sa pinapasukan ng kapatid ko. Uuwi na kasing probinsya ang kapatid ko. Baka hindi na siya makabalik.""Ha? Paano 'yan limot ko na kung paano magmaneho. Hindi ko na kasi namamaneho ang sasakyan mo. At saka wala pa akong lisensya."Ngumiti siya. "Huwa
Elijah's P.O.V.Habang kausap ko si Mr. Leonardo Montemayor, pakiramdam ko ay hindi malayo ang agwat ng estado namin sa buhay. Kung kausapin niya ako ay parang kaibigan lang o parang matagal na kaming magkakilala. Ang gaan ng loob ko sa kaniya. At tingin ko pa lang mabait siya. Nakakatuwa nga lang dahil parehas pa kami ng apelyido. Hindi na rin masama dahil kahit mahirap lang ako, may katulad naman akong apelyido ng isang bilyonaryong tao."Kumusta naman ang interview mo kay Ma'am Ava?" tanong sa akin ni Robert. Abala ako ngayon sa pamimili ng mga damit na isusuot ko kapag nag-start na akong magmaneho. Kailangan kasing naka-polo short at pants. "Ayos naman. Mukha naman siyang mabait pero hindi kami masyadong nag-usap. Ang sabi niya, sinabi mo na rin sa kaniya ang tungkol sa akin. Kaya hindi na siya masyadong nagtanong.""Oo sinabi ko na. Naisip ko kasi na baka kabahan ka kapag marami siyang tanong. At isa pa, mabait si Ma'am Ava, wala kang magiging problema sa kaniya basta sundin mo
Elijah's P.O.V."Let's go, Elijah," wika ni Ma'am Ava ng makasakay siya sa kotse.Agad akong nagmaneho. Ewan ko ba pero sobrang excited ko ngayon. Sa wakas may trabaho na akong maayos. Hindi na pangangalakal ang ginagawa ko para magkapera. At isa pa, napakaganda at sexy ng amo ko. Nakakalib*g sa totoo lang. Kagabi nga ay napanaginipan ko siya. Katabi ko siya sa kama at kapwa kami walang saplot. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganoon ang panaginip ko. Napangiti tuloy ako."Bakit ka nakangiti, Elijah?"Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Ah...wala po Ma'am. May naisip lang po akong nakakatawa," palusot ko sabay tawa ng alanganin. Tiningnan ko siya sa salamin. "Mabuti ka pa nakaisip ng nakakatawa. Eh ako hindi. Ang pangit ng araw ko talaga," maktol niya sabay irap."Bakit naman po, Ma'am?""Nakakainis talaga sila Mom at Dad. Palagi na lang sila nakikialam sa mga desisyon ko sa buhay.""Baka po gusto lang nila na mapabuti ka kaya nakikialam po sila sa iyo," sagot ko habang nagmamaneho