Share

Chapter 2

Elijah's P.O.V.

"Tao po!"  sigaw ko sa malaking bahay na madalas nagbibigay sa akin ng maraming kalakal.

Nakatira dito ang isang biyada na ang pangalan ay Amelia. Nasa edad fourty years old pa lang siya ay namatay na ang kaniyang asawa. Kasal siya rito at mayroon silang dalawang anak. Maaga kasi siyang ikinasal sa asawa niya at maaga ring nagkaroon ng anak kaya malalaki na ang mga anak nila. Madalas siya lang ang nandiyan sa bahay niya dahil may sariling mundo na ang kanyang mga anak. Simula nang nangalakal ako sa kanila at nang makita niya ako, palagi na siyang nagbibigay sa akin ng mga kalakal. Ang totoo nga niyan ay nagbibigay siya sa akin ng mga gamit sa bahay niya. Ang sabi niya ay luma na ang mga ito pero sa tingin ko ay hindi pa ito luma dahil ang gaganda pa nito. Maliit lang ang bahay namin pero kaunti na lang ay kumpleto na kami sa gamit at dahil iyon kay Amelia. Bumukas ang malaking gate at nakita ko ang masayang mukha ni Amelia.

"Ikaw pala, Elijah," malambing na boses na wika niya sa akin.

"Hello po Ma'am Amelia. May kalakal po ba kayo? Puwede ko po bang mahingi?"

"I'm sorry, Elijah wala eh. Pero may iuutos na lang ako sa iyo para mabigyan kita."

Tumaas ang kilay mo. "Ano po 'yon, Ma'am?"

Ngumisi siya. "Halika, Elijah. Pumasok ka  dito sa loob," sabi niya sa akin sabay senyas. 

Kaagad naman akong pumasok. Nakita ko ang malawak at malamansiyon niyang bahay. Tumingin ako sa kan'ya at napansin ko ang malagkit na titig niya sa akin. Hindi naman ako manhid at alam kong may gusto sa akin ang babaeng ito.

"Puwede bang tulungan mo na lang akong maglinis ng C.R.? Kasi wala 'yong mga katulong ko nag-day off.  Bibigyan na lang kita ng malaking halaga basta maglinis ka lang ng C.R. Doon sa kuwarto ko."

Mabilis naman akong tumango at sinundan siya patungo sa kuwarto niya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng bahay niya at sigurado akong mamahalin ang mga gamit niya dito.  Bigla akong kinutuban. Marahil may balak sa akin ang babaeng 'to. Pero wala naman iyon sa akin basta't magkakapera ako.

"Ito pala ang C.R. ko. Medyo madumi na 'yomg inidoro at 'yong mga tiles sa sahig. Madali lang naman 'yan."

"Okay sige, Ma'am. Wala pong problema," sabi ko sa kaniya. 

At para hindi mabasa ang damit ko, hinubad ko ang t-shirt ko pagkatapos ay nagsimula na akong mag-linis ng inidoro. Sa tingin ko lang hindi naman madumi ang banyong ito. At sa tingin ko ay gumagawa lang ng paraan ang babaeng ito para masolo ako. Napansin ko ang mainit niyang tingin mula sa likuran ko. Kaya naman nilingon ko siya.

"Bakit po, Ma'am? May sasabihin ka po ba?"

Umiling siya. "Wala naman, Elijah. Gusto ko lang sabihin na ang ganda pala ng katawan mo. Siguro talagang batak ka sa trabaho." Nakatitig lang siya sa katawan ko na para bang nanggigigil.

Ngumisi ako. Sinasabi ko na nga ba't pinagnanasaan ako ng babaeng 'to. "O-Opo kasi ganoon talaga. Kailangan kong kumilos para may pera sa araw-araw."

"Amg galing mo naman. Hanga ako sa kasipagan mo. Bihira lang ang ganiyang mga lalaki. At isa pa, nagulat talaga ako nang sabihin mong doon ka nakatira sa ilalim ng tulay. Para kasing joke lang. Ang guwapo-guwapo mo at ang kisig mo pa. Tapos doon ka lang nakatira?"

Tinawanan ko na lang siya. Hindi konna pinasin ang sinabi niya dahil kahit sa ilalim kami ng tulay nakatira, masaya naman ako kasama ang Mama ko. Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ko.

"Gusto mo bang tulungan na kita?" 

"Ay hindi na po. Napakadali lang po nitong linisin."

Ilang minuto ang lumipas ay bigla na lang siyang pumasok sa loob ng C.R si Amelia. Nakasuot na lamang siya ng manipis na bestida. Sa edad na kuwarenta ay masasabi kong napakaganda pa rin ng kan'yang katawan. Parang dalaga lang. Malaki ang kan'yang dibdib at puwetan. Maliit lang ang kaniyang baywang at hindi rin malaki ang kaniyang puson. Hindi ko mapigilang mapalunok.

"I'm sorry, Elijah kung pumasok ako, ha? Naghugas lang kasi ako ng kamay kasi medyo nadumihan," wika niya sa mga mapang-akit na tono.

Ngumiti lang ako. Sigurado akong inaakit ako ng babaeng ito. Nang matapos akong maglinis ng banyo ay nagpahinga muna ako saglit. Medyo basa ang dibdib ko kaya hindi ko muna naisuot agad ang damit ko.

"Hala! Basa ka na. Teka lang kukuha ako ng pamunas."

Matapos niyang kumuha ng pamunas ay siya na ang nagpunas sa aking dibdib. Nakangiti siya habang ginagawa niya iyon. 

"Grabe...ang tigas ng dibdib mo. Ang sarap sigurong hawakan..." bulong niya pero narinig ko.

"Ano po, Ma'am?"

Inalis niya ang tingin sa dibdib ko. "Wala naman. Sige na, magbihis ka na. Baka lamigin ka."

Kinuha ko ang t-shirt ko at saka ito sinuot. Sa  totoo lang ay nilalamig naman talaga ako dahil ang lakas ng aircon dito. 

"Kumain ka kaya muna bago ka umalis."

Kumamot ako ng ulo. "Hindi po ba, Ma'am nakakahiya?"

"Hindi. Bakit naman nakakahiya? At saka ako lang naman ang tao dito. Wala kang dapat ikahiya."

Marami siyang pagkain na inihanda sa lamesa. At dahil siya naman ang nag-alok, hindi na ako nahiya pa. Kumain na lang ako. Sobrang sarap ng mga pagkaing inihain niya kaya hindi ko mapigilang lumamon nang lumamon. Nakatingin lamang siya sa akin habang kumakain ako.

"Mukhang gutom na gutom ka.:

Huminto  ako sa pagsubo ng pagkain at saka uminom ng tubig. "O-Opo. Hindi pa po kasi ako kumain. Mamaya pa sana pagkauwi ko. Salamat po dito sa pagkain ninyo. Napakasarap po nitong lahat."

"Walang problema. Kung maaari nga lang sana, minsan dalaw-dalawin mo ako dito. Kung okay lang sa iyo. Bonding lang tayo minsan. Gusto ko lang ng kausap dahil nakakalungkot mag-isa. Babayaran ko na lang ang bawat oras mo."

Napatingin ako sa kan'ya. "Sigurado po ba kayo diyan? Okay lang naman po sa akin pero kasi parang ang dali naman po ng gagawin ko. Ayos lang sa akin kung utusan niyo ako."

Umiling siya. "Hindi. Kausap lang talaga ang hanap ko. Para malibang ako kahit papaano. At isa pa gusto kong gawain ito para naman matulungan kita. Basta kapag may time ka, punta ka lang dito. Kumain ka nang kumain dito. At pagkatapos, ako na bahalang magbigay sa iyo. Dalhan mo na lang iyong Mama mo ng pagkain pag-uuwi ka na."

"Sige po, Ma'am. Marami pong salamat."

Hindi ko napansin na halos naubos ko na pala ang mga pagkain inihanda niya sa mesa. Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang bayad. Binilang ko ito at umabot ito ng sampung libo.

"Ma'am, bakit po ang laki ng bayad ninyo? Sobra po ito. Napakadali lang ng pinagawa niyo sa akin. Isasaulo ko po ang iba."

Mahina siyang tumawa. "Tanggapin mo lahat 'yan, Elijah. Barya lang naman sa akin 'yan at isa pa, naging malinis talaga ang C.R. ko. Isipin mo na lang na tulong ko sa iyo 'yan. Basta iyong sinabi ko sa iyo, ha? Kapag may time ka, pumunta ka dito. Ako na ang bahala sa iyo."

Mabilis akong tumango dahil kailangan ko ng pera. Hindi na ako nag-inarte pa. "Opo, Ma'am. Maraming salamat po ulit. Aalis na po ako. Baka hinahanap na po kasi ako ng Mama ko."

"Okay sige. Ingat ka sa pag-uwi."

Inihatid niya ako hanggang sa gate. Nginitian ko na lang siya bago mabilis na pumadyak papalayo. Masayang-masaya ako ngayon dahil mayroon akong malaking pera. Salamat kay Amelia. Hindi naman siguro masama kung hayaan ko na lang siya na landiin ako. Sasakyan ko na lang ang panghaharot niya sa akin. Tutal wala namang magagalit dahil pareho naman kaming single. At isa pa, kung siya ang magiging dahilan ng pagyaman ko  ipagpapatuloy ko na lang ito at hahayaan siya sa mga gusto niya.

Mas binilisan ko pa ang pagpadyak  para makauwi na ako agad. Sana wala pa doon si Mama dahil gusto kong bumili ng damit para sa kaniya. Sira-sira na kasi ang mga damit niya. Nagulat na lang ako nang biglang may bumisina ng malakas sa likuran ko. At dahil doon ay napabilis ang padyak ko patungo sa malaking puno. Mabuti na lang talaga at hindi masyadong malakas ang pagkakabangga ko sa puno. Tumingin ako sasakyang nasa likuran ko at nakita kong magarang ito. Lumabas ang isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ako lang. Sa suot pa lamang niya ay masasabi kong mayaman na siya.

"Pasensya ka na. Nagmamadali kasi ako," sabi niya sa akin sa malumanay na tono.

"Ayos lang po, Sir. Wala pong problema."

Tumingin siya sa akin saglit at saka sinipat ang sidecar ko na bumangga sa puno. Hindi naman masyadong malakas ang pagkakabangga nito kaya hindi naman ganoon nasira ang sidecar bike ko. Kumuha siya ng halaga sa wallet niya at nakita kong lilibuhin iyon. nigay nito sa akin.

"Tanggapin mo na iyan. Pasensya na talaga."

"Naku, Sir napakadami po nito! Hindi naman po ganoon na nasira ang sidecar bike ko."

Nginitian niya ako. "Huwag mo nang alalahanin iyon dahil alam kong may paggagamitan ka niyan sa susunod nating pagkikita."

Kaagad na siyang tumalikod at sumakay sa sasakyan niya. Naiwan akong nakatulala dahil sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya tungkol sa susunod naming pagkikita? Bakit niya sinabi iyon?

Sino ang lalaking 'yon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status