Elijah's P.O.V.
Dahil kay Amelia ay nakatira na kami sa isang magandang bahay. Hindi na kami tumira sa isang apartment dahil siya na mismo ang bumili ng bahay para sa amin. Sinabi ko na lang na babayaran ko na lang siya kapag nakahanap na ako ng trabaho. Pero hindi siya pumayag dahil girlfriend ko naman daw siya at wala lang sa kaniya iyon. Oo, girlfriend ko na nga ang babaeng 'yon pero siya ang nanligaw sa akin. Puwede ko na rin siyang pagtiyagaan hanggang sa wala pa talaga ako. Pero kapag yumaman na ako, hihiwalayan ko na siya dahil ayoko talagang magkaroon ng partner na may anak na.
"Elijah!" tawag sa akin ni Robert habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.
"Bakit? May kailangan ka ba?"
"Wala. Baka gusto mong mag-apply bilang driver sa pinapasukan ng kapatid ko. Uuwi na kasing probinsya ang kapatid ko. Baka hindi na siya makabalik."
"Ha? Paano 'yan limot ko na kung paano magmaneho. Hindi ko na kasi namamaneho ang sasakyan mo. At saka wala pa akong lisensya."
Ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Ako na muna ang bahala sa iyo. Pahihiramin kita ng pang-lisensya mo at iyong sasakyan ko, kung gusto turuan na ulit kita mag-drive. Para naman may maayos kang trabaho kahit papaano."
Bigla akong nabuhayan. Napakabait talaga sa akin ni Robert. "Sigurado ka ba diyan?"
"Oo naman. At isa pa, baka kasi dumating ang araw na isumbat sa iyo ng girlfriend mo ang mga bigay niya. Mahirap na. Kaya subukan mo na ito. Mabait naman ang magiging amo mo. Malaki rin ang sahod mo sa kanila. Sa isang buwan pa aalis iyong kapatid ko kaya may panahon ka pa para mag-aral magmaneho."
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Robert. Dahil alam kong kapag dumating na ang araw na ayoko na kay Amelia, sigurado akong isusumbat niya ang lahat sa akin. Kaya tama lang na kumilos na ako para kahit papaano mabayaran ko siya at para na rin may pera ako mula sa pinaghirapan ko.
Pagdating ng hapon ay nagtungo na ako sa bahay ni Robert. Medyo kinakabahan pa nga ako nang magsimula akong magmaneho. Pero agad ko ring nakabisado ang lahat dahil dati na akong nagmamaneho ng sasakyan ni Robert.
"Oh, 'di ba? Basic lang sa iyo. Basta mag-iingat ka lang palagi kapag magmamaneho ka. Focus ka lang sa kalsada."
"Oo, pre. Salamat talaga sa iyo," sagot ko sa kaniya.
Tinapik niya ako sa balikat. "Wala iyon."
MATAPOS ANG ILANG LINGGONG pag-aaral ko ng pagmamaneho, naging komportable na ako at pakiramdam ko ang galing ko na. Nakuha ko na rin kaagad ang lisensya ko dahil may kaibigan si Robert doon. Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay magkakaroon na ako ng maayos na trabaho. At ngayon ay nandito na ako sa malaking bahay kung saan nakatira ang magiging amo ko. Kanina pa ako kinakabahan habang naghihintay sa sala. Mayamaya pa ay bumaba ang isang napakagandang babae. Napalunok ako at hindi naalis ang tingin sa kaniya hanggang sa tuluyan siyang makababa ng hagdan.
Maamo ang kaniyang mukha at nakakaakit ang kaniyang manipis na pulang lagi. Makinis at maputi ang kaniyang balat, hugis bote ang kaniyang katawan at mapang-akit ang kaniyang antuking mga mata. Napatayo ako nang makalapit siya sa akin.
"Hello. Elijah?" Taas-kilay niyang tanong.
"Y-Yes po, Ma'am." Halos mautal kong sagot.
"Okay. So alam mo naman siguro ang magiging trabaho mo? Nasabi naman siguro sa iyo ni Robert?"
"Yes po, Ma'am."
"Hindi na kita i-interview-hin pa masyado dahil nasabi na rin ni Robert sa akin ang tungkol sa iyo. At may tiwala naman ako sa kaniya. Dahil sa susunod na linggo na aalis ang kapatid niya, sa susunod na linggo na rin ang start mo. Every seven in the morning dapat nandito ka na. And then susunduin mo ako sa company ng five in the afternoon. Libre naman ang pagkain mo sa akin. Hindi rin ako mahigpit. Ang ayoko lang ay 'yong latae. Kapag nahatid o nasundo mo na ako, puwede ka ng umuwi sa inyo or gawin ang mga bagay na dapat mong gawin. Pero syempre dapat lagi mong hawak ang phone mo kasi may time na may pinupuntahan akong lugar."
Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nagsasalita siya. Ang ganda talaga niya na parang gusto kong titigan ang mukha niya buong araw.
"Elijah? Nakikinig ka ba?"
Napakurap ako sabay kamot sa ulo. "O-Opo, Ma'am pasensya na po. Sabog lang," peke akong tumawa.
"Sabog?" Kunot-noong tanong niya.
"Kumbaga nawala lang ako sa wisyo, Ma'am. Ang dami ko lang kasing ginawa kanina."
Tumanggo siya. "Okay sige. Pero na intindihan mo naman lahat ng sinabi ko, 'di ba?"
"Yes, Ma'am."
Pinasadahan niya ako ng tingin. Bigla tuloy akong nailang. Napatingin tuloy ako sa suot ko kung ayos lang. Mabuti na lang at bumili ako ng mga damit kahit na hindi branded pero ayos naman.
"Puwede ka ng umuwi."
"S-Sige po, Ma'am."
Kaagad na siyang tumalikod at saka umakyat ng hagdan. Sinundan ko siya ng tingin at umasang lilingunin niya ako pero hindi na siya nag-abala pa. Nagkibit-balikat na lang ako at saka lumabas na ng bahay nila. Bago pa man ako makalabas ng gate ay may sasakyang pumarada sa harapan ng gate nila. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking nagmamaneho.
Siya iyong muntik ng bumangga sa akin!
"Ikaw pala! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin nang bumaba siya ng sasakyan.
"Nag-apply po ako bilang driver, Sir."
"Ah okay. Sabagay aalis na ang dating driver ni Ava. Anong sabi niya pala sa iyo?"
Ava pala ang pangalan niya. Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa kaniya.
"Sinabi niya lang iyong oras at pagsundo ko sa kaniya, Sir. Wala naman po kami masyadong pinag-usapan."
Tumango-tango lang siya. Bumukas ang sasakyan niya at saka lumabas mula dito ang isang lalaki. Sa tingin ko nasa edad fifty to sixty years old na ang lalaking ito. Nakasuot siya ng tuxedo at napatingin siya sa akin. Nagulat ako nang ngumiti siya kaya napangiti rin ako.
Napansin ko ang mata niyang kulay brown. Ganoon din kasi ang kulay ng akin at parang magkaparehas kami. At ang kilay niya, magkaparehas din kami.
"Elijah Montemayor? Ikaw ba 'yan?" Nakangiting sabi niya sa akin sabay lapit.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Kilala ba ako ng lalaking ito?
"Y-Yes, Sir..."
"Nice to meet you, Elijah. I'm Leonardo Montemayor, " aniya sabay lahad ng kamay.
Elijah's P.O.V.Habang kausap ko si Mr. Leonardo Montemayor, pakiramdam ko ay hindi malayo ang agwat ng estado namin sa buhay. Kung kausapin niya ako ay parang kaibigan lang o parang matagal na kaming magkakilala. Ang gaan ng loob ko sa kaniya. At tingin ko pa lang mabait siya. Nakakatuwa nga lang dahil parehas pa kami ng apelyido. Hindi na rin masama dahil kahit mahirap lang ako, may katulad naman akong apelyido ng isang bilyonaryong tao."Kumusta naman ang interview mo kay Ma'am Ava?" tanong sa akin ni Robert. Abala ako ngayon sa pamimili ng mga damit na isusuot ko kapag nag-start na akong magmaneho. Kailangan kasing naka-polo short at pants. "Ayos naman. Mukha naman siyang mabait pero hindi kami masyadong nag-usap. Ang sabi niya, sinabi mo na rin sa kaniya ang tungkol sa akin. Kaya hindi na siya masyadong nagtanong.""Oo sinabi ko na. Naisip ko kasi na baka kabahan ka kapag marami siyang tanong. At isa pa, mabait si Ma'am Ava, wala kang magiging problema sa kaniya basta sundin mo
Elijah's P.O.V."Let's go, Elijah," wika ni Ma'am Ava ng makasakay siya sa kotse.Agad akong nagmaneho. Ewan ko ba pero sobrang excited ko ngayon. Sa wakas may trabaho na akong maayos. Hindi na pangangalakal ang ginagawa ko para magkapera. At isa pa, napakaganda at sexy ng amo ko. Nakakalib*g sa totoo lang. Kagabi nga ay napanaginipan ko siya. Katabi ko siya sa kama at kapwa kami walang saplot. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganoon ang panaginip ko. Napangiti tuloy ako."Bakit ka nakangiti, Elijah?"Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Ah...wala po Ma'am. May naisip lang po akong nakakatawa," palusot ko sabay tawa ng alanganin. Tiningnan ko siya sa salamin. "Mabuti ka pa nakaisip ng nakakatawa. Eh ako hindi. Ang pangit ng araw ko talaga," maktol niya sabay irap."Bakit naman po, Ma'am?""Nakakainis talaga sila Mom at Dad. Palagi na lang sila nakikialam sa mga desisyon ko sa buhay.""Baka po gusto lang nila na mapabuti ka kaya nakikialam po sila sa iyo," sagot ko habang nagmamaneho
Elijah's P.O.V.Iritable akong bumangon dahil nasa labas daw ng bahay si Amelia. Hindi pa ba titigil ang babaeng 'to? Sinabi ko na sa kaniya na tapos na kami pero ito na naman siya. Parang asong buntot nang buntot sa akin. Hindi pa rin niya ako nakakalimutan? Sabagay, ako lang naman ang bumira ng malupit sa kaniya. At isa pa, ako lang naman yata ang may malaking kargada na bumusog sa kaniya. Kaya naman talaga mahihirapan siyang kalimutan ako. Pero dahil wala naman akong naging pagmamahal sa kahit kaunti, wala lang siya sa akin. "Ano bang kailangan mo, ha? Ang aga-aga disturbo ka! Wala ka bang magawa sa buhay?" Inis na wika ko."Elijah...Honey, hindi naman ako manggugulo. Gusto ko lang sabihin sa iyo na ayos na sa akin na wala na talaga tayo. Basta ba maging mabuting magkaibigan pa rin tayo."Kumunot ang noo ko. Ano na naman ang pakulo ng babaeng ito? Mabuting kaibigan? Puwede ba iyon? Baka naman may binabalak sa akin ang babaeng ito. Pero hindi naman niya ako maiisahan at hindi niya
Ava Monteverde's P.O.V.Excited na ako habang hinihintay ko si Elijah na ihatid ako sa kumpanya ngayong umaga. Sa totoo lang, sa halos dalawang linggo ko pa lang siyang driver, magaan na agad ang loob ko sa kaniya. Natatawa nga ako sa kaniya lalo na kapag minamanyak niya ako. Oo alam kong minamanyak niya ako. Pero hindi ko alam sa aking sarili kung bakit hinahayaan ko lang siyang gawin iyon. Hindi naman dahil sa porket guwapo siya kaya hinayaan ko siyang manyakin niya ako. Talagang parang okay lang sa akin na gawin niya iyon. Sinasakyan ko na lang siya. At isa pa, sa lahat ng driver ko siya lang ang nagpapaganda ng araw ko. Siya lang kasi ang hilig mang-asar sa akin at gumawa ng mga kalokohan. Dagdag pa doon, ang gaan talaga ng loob ko kay Elijah. Na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Sa totoo nga lang, wala sa mukha ni Elijah na mahirap lang pala sila. Pero ngayon ay nakakaangat na siya kahit papaano. Ang sabi niya ay mayroon naman daw silang bahay na tinitirahan kasama ang Mama niya
Elijah's P.O.V.Pauwi na ako galing sa bahay ni Ma'am Ava matapos ko siyang ihatid sa kanila. Bigla kong naalala 'yong isang araw na kumain kami ni Mr. Montemayor. Habang kinakausap niya ako at nakikipagkuwentuhan siya sa akin, parang magka-level lang kami ng estado sa buhay. At ang sabi niya pa sa akin ay kausapin ko lamang siya ng kaswal. Huwag daw akong masyadong magiging pormal sa kaniya. Nagtataka ako kung bakit ganoon ang gustong maging pakikitungo ko sa kaniya. Dahil ang iba, kapag mayaman at kilalang tao dapat pormal ang pakikitungo na halatang malayo ang agwat ng estado ng buhay namin sa kanila. At hindi rin sila basta nakikisalamuha sa mababang uri ng taong kagaya ko. Pero si Mr. Montemayor ay niyaya pa akong kumain. Hinayaan niya akong mamili ng mga pagkain na gusto ko kahit na madami ito.At habang nakikipag-usap na siya sa akin, tuwang-tuwa siya. Ang higit sa nakakuha ng atensyon ko ay ang sinabi niya sa akin na gusto niya raw akong ituring na anak. Medyo hindi ko inaasaha
Elijah's P.O.V.Nangiti na lang ako nang maalala kung nahalikan ko si Ma'am Ava. Nagulat nga ako no'n dahil hindi siya pumiglas. Sa halip ay gumanti siya ng halik sa akin. Pero ako na ang unang kumalas sa halikan naming dalawa dahil baka hindi na ako makapagpigil pa ng sarili ko. Baka mabira ko na siya ng wala sa oras. Syempre nirerespeto ko pa rin siya at ayoko namang na basta angkinin na lang siya."Bakit ka nakangiti diyan? Abnormal ka ba?" Nagulat ako nang bigla siyang pumasok sa kuwarto.Ngumisi ako. "Naalala ko lang kasi no'ng hinalikan kita, Ma'am. Ang lambot ng labi mo. Puwede bang pahalik pa ako isa?"Kinuha niya unan sa paahan ko at saka binato niya ito sa akin. Natawa na lang ako. Namumula na naman kasi ang mukha niya. Ewan ko ba kung nahihiya siya o kinikilig."Kahit kailan ka talaga! Sumusobra ka na, ha! Manahimik ka diyan, Elijah. Qouta ka na sa akin loko ka. Wala ka ngang pasabi sa akin eh. Ninakawan mo pa ako ng halik! Alam mo ba iyon ang first kiss ko?"Nanlaki ang ma
Ava's P.O.V.Alin kong pinagmasdan si Elijah habang siya ay natutulog. Sino kaya ang babaeng niyaya siyang kumain? Medyo may katandaan na ito at sa tingin ko ay nasa edad kuwarenta na ang babaeng iyon. Bakit siya niyaya nitong kumain? Hindi kasi sinasabi sa akin ni Elijah kung sino ang babaeng iyon. Basta ang sabi niya ay kaibigan niya lang. Pero naiinis ako sa totoo lang. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Dapat nga na wala akong pakialam sa kanilang dawa dahil driver ko lang naman si Elijah. Pero bakit parang iba ang epekto sa akin nang makita ko silang magkasama ng babaeng iyon? Bakit parang may matinding inis sa puso ko na parang gusto ko silang paghiwalayin? Basta ayokong makita silang magkasama. Period.Bumuntong hininga ako at saka umupo sa tabi ni Elijah. Napakagwapo talaga niya. Kaya naman hindi na ako magtataka na kahit matanda o bata man ay mahuhulog sa kaniya. At isa pa, nakakatuwa ang ugali niya. Maginoo na medyo bastos. 'Yon pa naman ang pinangarap kong lalaki. Magin
Ava's P.O.V."Parang naging masipag ka yata sa pag-aasikaso ng kompanya natin, Ava," sabi sa akin ni Mama habang kumakain kami."Medyo, Mom. Okay na rin pala sa company natin.""Paanong okay? Hindi ka na naiinis kapag marami kang proposal na binabasa? Na marami kang pinipirmahan?"Marahan akong umiling. Noong wala pa kasi si Elijah, wala talaga akong ganang patakbuhin ang kompanya. As in natatamad ako. Hindi ko naman kasi talaga gusto ang nasa opisina lang na puro basa o pirma kapag may naaprobahan ako. Ang gusto ko kasi magnegosyo tulad ng pagbebenta ng mga damit. Mahilig kasi akong mag-design ng damit. At pinangarap ko na maibenta ko ang mga damit na dinesenyo ko."Mabuti naman kung ganoon. Sabi naman namin sa iyo ng Dad mo, matututunan mo ring mahalin ang gawain sa kompanya natin. At alam kong mapapalago mo kagaya ng kompanya ni Leonardo. Darating ang araw na mahihigitan din natin sila."Napatingin ako kay Mama. Alam kong may inggit siyang nararamdaman kay Mr. Leonardo at hindi ko