Share

Chapter 15: Paid

Nasa ospital na ng magising si Nahara. Inilibot niya ang tingin sa buong silid at namataan ang lalaki na kumarga sa kanya sa gubat na mukhang siyang nagbabantay sa kanya. Sinubukan niyang gumalaw subalit agad din siyang napangiwi nang maramdaman ang labis na pananakit ng buo niyang katawan.

"T—tubig…" Namamaos niyang bigkas.

Mabilis namang tumayo si Isaac at agad siyang nilapitan na may dalang isang basong tubig na may straw. Marahan siya nitong tinulungang makabangon.

"How do you feel?" Maya maya'y tanong nito.

Tipid siyang ngumiti sa lalaki. "M—medyo ayos na po," mahina niyang tugon bago muling sinuyod ng tingin ang paligid. "Si Sir Rain po?"

Huminga ng malalim ang lalaking kaharap niya bago sumandal sa upuan nito. "He's luckily fine now after his surgery."

Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Naalala niyang nawalan na talaga ito ng malay habang lulan sila ng helicopter kanina. Siguro dahil sa dami ng dugong nawala dito kaya tuluyan itong nanghina.

"P—pwede ko ba siyang makita?" A
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status