Share

Chapter 45: Sulk

Ilang beses siyang napalunok at hilaw na natawa bago nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang intensidad ng titig ni Rain. Nakakatunaw. Nakakapanginig ng tuhod. Tumikhim siya bago ibinaling ang mga mata kay Aling Lena na mukhang tuwang-tuwa sa kanilang dalawa.

"Aling Lena, w—wala pa po ba ang almusal namin. Nagugutom na po kasi ako," pag-iiba niya ng usapan.

Parang nagising naman sa realidad ang naging reaksyon ni Aling Lena at nasapo pa nito ang sariling noo. "Naku! Ano ba naman ang tinutunganga ko rito. Gagawa pa pala ako ng almusal, " natataranta nitong sabi.

Bahagya siyang napangiti. Mukhang effective nga ang kanyang ginawa. Pero mabilis ding napawi ang kanyang ngiti nang mapalingon siya kay Rain na nasa kanya parin ang atensyon. Huminga ito ng malalim bago ibinaling ang tingin kay Aling Lena. "Kami na po ang gagawa ng almusal namin Manang. Pwede niyo na po kaming iwan."

Nakangiting lumingon ang ginang sa kanila. Mabilis itong nagpunas ng kamay bago naglakad palapit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status