Share

Chapter 48: Unwanted Guest

Mabilis na tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Nahara nang matanaw niya si Rain papasok ng bakuran. Palingon-lingon pa ito sa paligid na para bang may humahabol dito. Dahil nasa mataas na parte siya ng mansion, tanaw niya ang daan sa unahan at nakitang wala namang ibang tao doon maliban kay Rain. Hindi nagtagal, pumasok na ang lalaki sa loob ng bahay. Agad siyang bumaba ng terasa para salubungin si Rain subalit nang makita niya ito, bigla na lang siyang nakaramdam ng hiya at agad na nagtago sa likod ng dingding malapit sa pinto.

Pinalipas niya ang ilang segundo bago dahan-dahang sumilip para tingnan kung naroon pa ba si Rain pero laking gulat niya nang eksaktong pagsilip niya, mukha nitong nakangisi ang bumungad sa kanya. Dahil sa labis na pagkabigla, hindi niya maiwasang mapasigaw. Narinig pa niyang tinawanan siya ng lalaki. Nang mahimasmasan siya ay tiningnan niya ito ng masama.

"Bakit po kayo nanggugulat?" Nakasimangot niyang tanong.

Nagkibit balikat naman ito. "Kasalanan ko ba ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status