Share

Chapter 52: Scandal

Kabado si Nahara habang binubuksan ang sulat na iniabot sa kanya. Wala siyang ibang maisip na magpapadala sa kanya ng sulat maliban na lang kay Fabian dahil ito lang naman ang bukod-tanging nakakaalam na may isa pang katulad niya ang nabubuhay sa mundo. Nanginginig ang kanyang mga kamay pero pilit niyang tinatapangan ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng magpatalo. Hindi siya magpapadaig. Nais niyang malaman kung alam na ba nito kung nasaan siya at bakit ito nagpadala ng sulat.

Unti unti niyang inilabas ang laman ng envelope pero imbes na sulat ang tumambad sa kanya, mga larawan ang naroon. Mga larawang hindi niya inaasahang makita.

"Hindi..." Halos pabulong niyang usal.

Nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang luha. Pakiramdam niya, buong mundo ang dumagan sa kanya ng mga oras na iyon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan masaya siya? Wala na ba talaga siyang karapatang sumaya?

"Ayos ka lang ba, hija?"

Napakurap-kurap siya at nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Manang Petra. Ilang b
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status