Share

Chapter 22: New Cook

Kinagabihan, sinadya ni Nahara na abangan si Rain sa salas para kausapin. Napatingin siya sa hawak niyang sobre. Iyon ang perang ibinigay ng Lolo ni Rain sa kanya para paalisin siya. Dahil maraming nangyari noong nakaraan, idagdag pang naging abala siya sa pag-aalaga kay Rain, nakalimutan niyang isauli ang perang iyon.

Sinilip niyang muli ang laman ng sobra. Sobrang kapal niyon at kulay blue green pa. Ganito ba talaga ang mga taong sobrang yaman? Kung makapagtapon ng pera parang barya lang sa kanila?

Maya maya pa'y nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan. Agad siyang tumayo at hinintay na pumasok si Rain. Hindi naman siya nabigo dahil ilang sandali pa, lumitaw na sa kanyang harapan ang lalaking hinihintay niya.

Hinagod niya ng tingin si Rain. Nakapangracing pa ito ng suot sa pang-ibaba na pinaresan nito ng itim na t-shirt. Hindi niya maiwasang macurious. Nais niya sana itong tanungin kung nagraracing din ba ito pero baka masabihan siya nitong tsismosa at wala siyang karapatang magtanon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status