Share

A Better Me and You

''Isa pa nga pong sisig and buttered chicken, squidballs saka chicken skin, pasamahan na din ng isang case ng red horse. Thank you" Sabi ni Wilfred, isang sa mga TL na kasama namin. 

"Gutom pa ba kayo? Pancit bet?" Sabi naman ng isa pa. 

Kaliwa't kanan ang usapan ng mga tao sa paligid. Di ko alam kung kaya ko pa bang magtagal dahil di naman ako mahilig sa mga ganitong gatherings. Boring para sakin kasi di naman ako umiinom. Sino ba naman kasing mag aakala na yung aya nila Ned at Jona na kape at karaokle magiging full on na inuman pala di ba? And worse, andami pa naming kasama. 

Kaya naman andito ako ngayon sa gitna ng long table. Napapabuntong hininga na lang ng palihim kasi nakakahiyang umalis ng mag isa. Hay naku, asan ba si Marco? Kanina sabi niya papunta na siya. Nireserve ko pa naman yung upuan sa gitna namin ni Jona para sakanya.  Gusto ko na umuwi. 

Nang may kumatok sa pinto ng KTV room, agad akong napalingon kasi akala ko pagkain na, maging yun man lang maenjoy ko di ba? Kaso imbes na pagkain, iba pang officemates namin from the production floor ang dumating, karamihan mga TL and Managers at isa nga sakanila yung taong pinagtataguan ko kanina pa. Si OM Dan. Hanngang dito ba naman? 

Everyone took the available seats sa paligid, for some reasons, si OM Dan ang pinakahuling nakatayo, at dahil ang natitirang upuan na lang ay yung nasa tabi ko, malamang dun na din siya uupo. 

"Meron pa ba?" Biglang lumitaw naman si Marco sa likod ni OM Dan bago pa man ito makalapit sa upuan sa tabi ko. 

Eto na ata talaga yung pinakamagandang timing na nagawa nitong poging frienny ko eh. 

Agad na lumapit sakin si Marco nang makita niyang bakante yung upuan sa tabi ko. Ramdam kong nakaupo na siya but for some reasons, di ko maialis yung tingin ko kay OM Dan. Guni guni ko lang ba o medyo umasim ata yung expression niya? 

''Nako OM naubusan ka ata ng upuan, kuha kita sa labas." Agad namang sabi ni Archie sabay tayo at lumabas papunta sa front desk. 

Ngumiti lang si OM Dan at nagpasalamat, tinangka niyang tanggihan at siya na lang sana ang kukuha but Archie is already outside. 

I didn't even notice na kinakausap na pala ko ni Marco na nakaupo na sa tabi dahil na rin nakatitig ako kay OM Dan. Pero bakit nga kaya parang nasakanya palagi yung atensiyon ko? 

"Hoy, nakikinig ka ba?" Sabi naman ni Marco na siyang nakapukaw sa iniisip ko. 

"Ay sorry, inaantok na kasi talaga ko." Sagot ko naman sa kanya. 

tinitigan niya ko na tila ba sinisipat niya kung totoo ba talaga yung sinasabi ko. Kitang kita ko na may kakaiba sa  mga mata niya. It is definitely unlike the usual way he has been looking at me for the past 4 years. 

Kaliwa't kanan pa rin yung usapan ng mga tao sa kwarto kaya naman mejo mahirap intindihin yung sinasabi niya.  Pero kitang kita ko sa mata niya na para bang nagtataka siya. 

"Sabi ko, kung okay ka lang ba? Do you still want to stay?" Akala niya siguro hindi ko talaga siya marinig kaya naman inilapit niya ang mukha niya sakin at ang bibig niya sa tenga ko para ibulong yan. 

Alam mo yung feeling na ramdam mong may matang gustong tumunaw sayo sa tingin? Yan yung naramdaman ko sa mga oras na yan, kaya naman hindi ako nagulat nang makita ko na si Jona na siyang katabi naman ni Marco sa kaliwa niya ay nakatitig ng masama sakin. 

Siguro iniisip niya aagawan ko siya? 

"Okay lang ako." Agad kong sabi saka biglang inayos ang pag upo ko. 

"Marco, this is Jona." Sabi ko sabay turo kay Jona, "And Jona, this is Marco". 

Pansin kong pinilit ngumiti ni Jona ng mga oras na yun. Pero halatang may pagdududa pa rin sa mga mata niya. 

Matapos ko silang ipakilala sa isa't isa, at dahil mukang magkasundo naman sila, I decided to go out for a breath of fresh air. Masyado na kasing stuffy yung hangin sa loob saka pansin kong medyo nawiwindang na din ako sa ingay. 

I went just outside, sa gilid lang ng building, tamang muni muni lang ganun. Di naman kasi ako nagyoyosi. 

"Okay ka lang?" Nagulat ako ng marinig kong sinabi yan ng isang pamilyar na boses. 

Napalingon naman ako at ngumiti ng bahagya ng makita kong si OM Dan nga. Tama yung hinala ko. 

"Yes po, okay lang OM Dan." Sabi ko naman. 

He stood just beside me, just enough for me to smell his perfume again. Ang bango pa rin niya kahit gabi na. I tried my best to divert my eyes, baka kasi mapansin niyang nakatitig ako lagi sakanya. 

"Sure? " 

"Yes po." Sagot kong muli sabay tingin sakanya at ngumiti ng bahagya. Medyo bumibilis na naman yung tibok ng puso ko. Siguro dahil andito na naman siya. 

"Galit ka ba sakin? " Tanong uli niya. 

"Bakit naman po ako magagalit sainyo? ". Sabi ko sabay iwas uli ng tingin. 

"Hmm.. Di ko din alam eh, pero parang iniiwasan mo kasi lagi ako. " 

I tried to gather my courage. Siguro chance na to para hilingin ko sakanya na kalimutan na niya yung mga nasabi ko sa loob ng elevator. 

I tried facing him again pero bago ko pa nagawa yun ay bigla niya kong hinila papunta sakanya. Within split seconds bigla namang may Sumemplang na bike halos kalapit lang ng pwesto ko kanina. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, tila ba hindi agad ako nakakilos kaya nawala sa isip ko na nakayakap pala ko sakanya. At gaya ng mga previous encounters namin, tila ba gustong tumakbo palayo ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. 

"Boss sorry po, di ko alam na mahina pala yung preno nitong bike ko." Humahangos na sabi ng lalaki na kakabangon lang din mula sa pagkakasemplang sa bike. "Miss okay lang po ba kayo?" dagdag pa niya. 

Dali dali akong napalayo kay OM Dan saka kinalma ang sarili ko. "Okay lang po kuya, ni hindi po ako tinamaan. Okay lang po ba kayo?" Tanong ko naman sakanya

Napangiti ang lalaki saka napakamot sa uli. "Buti naman po, wala po to galos lang. Sorry po talaga mam, hindi ko sinasadya."

"Mukang hindi maganda kundisyon ng bike mo sir, wag mo na muna gamitin baka madisgrasya ka lalo." Sabi naman ni OM Dan. 

"Kaya nga po eh, hindi ko po kasi alam na mahina na yung preno, ngayon ko lang kasi uli ginamit to. Pasensya na po uli sainyo mm , sir." Sagot uli nito habang nakangiti saka nagpaalam na aalis na. Mukhang mabait naman yung lalaki saka halata naman na hindi niya sinasadya. 

Muli kaming naiwan ni OM Dan na magkasama. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Palagi na lang kasi akong nadidisgrasya tuwing kasama ko siya, di ko alam kung malas lang ba ko talaga o sinasadya ba ng tadhana na ipahiya ako sakanya. 

Pero in fairness ha, iba yung feeling nung nakaakap siya sakin. It was as if he was meant to hug me that way. Para bang sobrang komportable ng pakiramdam ko to a point na gusto ko nang dun tumira. 

He also still smells so nice, yung tipong gabi na pero amoy bagong ligo pa rin siya, pero hindi yung amoy na sobrang daming pabango ha? Hmm.. ewan ko na din ba. 

"Nakakailang yakap ka na sakin ah." Napalingon ako ng bigla sa kanya nang sabihin niya yan. 

Tinangka kong magsalita pero para lang akong isda na sumasagap ng hangin, walang kahit anong salitang lumalabas sa bibig ko. 

"joke lang, ikaw naman." Nakangiting bawi naman niya. 

''Kayo po yung yumakap sakin, not the other way around." Sagot ko saka biglang irap. Duh, di naman talaga ako yung naunang yumakap di ba? Siya yung humila sakin no!!!!

"I know.. I was Joking.. But kidding aside, masyado kang lapitin ng disgrasya. Mag ingat ka naman, pano kung wala ako sa tabi mo? " Sabi na naman niya sabay ngiti ng nakakaloko. 

Napatitig ako sa kanya sabay irap. Pinilit kong di maapektuhan pero di ko kinaya so I ended up laughing to a point na pati siya nahawa na. We were both laUghing na wala namang matinong dahilan. At di gaya ng mga naunang encounters namin, this one felt better. It felt natural. 

We spent a few minutes laughing and smiling at each other. Aamin ko may kilig sa part ko. Sino ba naman ang di kikiligin ko ganito kagwapo yung kangitian mo di ba? 

"Balik na tayo sa loob OM?" Tanong ko naman sakanya. Baka kasi nakakalimutan namin na may mga kasama kami sa loob na nag aantay. 

"Sige, basta di mo na ko tatawaging OM." He said while giving me a sweet smile. 

Getting flirty are we? 

Lord, ito na po ba yung sagot mo sa mga dasal ko? Kung sasaktan lang uli ako nito kahit wag na lang. Quota na po eh. 

I pretended not to hear at tuluyan nang pumasok sa loob, sumunod naman siya shortly after. We went back to the same chairs we were on earlier and stayed there until everyone already decided that its time to go  home. 

"Let's go?" Tanong sakin ni Marco.

"Can you do me a favor? Pwedeng ihatid mo na muna si Jona? Mukang medyo lasing na siya eh." Pakiusap ko sakanya. 

Aangal sana siya kaso biglang kumapit sakanya si Jona na tila di na makatayo sa sobrang lasing.

"Asikasuhin mo na siya,make sure she gets home safe. Ikaw lang pinagkakatiwalaan kong makakagawa nun eh." 

"Pano ka?" He hesistantly asked, "Hatid natin siya tas hatid kita?"

Umiling ako. "Wag na, I can take a taxi, out of way masyado mahihirapan ka lang. Saka di naman ako uminom so you do not have to worry about me. I wan mo naa lang muna yung car mo dito then take her home on a taxi para safe kayo pareho okay?"

Siguro dahil na rin naakonsensya, tumango na lang si Marco at inalalayan din palabas si Jona na di na halos makalakad ng diretso sa kalasingan. 

I really cannot see the point of drinking. Feeling ko kung iinom ako, baka mas malala pa ko dito kaya naman bakit susubukan ko pa di ba? 

Isa isa nang nag alisan yung mga kasama namin. Hinintay ko naman hanggang sa makasakay din sa taxi si Marco at si Jona. 

paparahin ko na sana yung taxi nang may biglang pumigil sa kamay ko. Halos mapatalon ako sa gulat dahil akala ko ibang tao, pero napahinga ako ng maluwag nang makita kong si OM Dan pala ito. 

"Wag ka namang biglang sumusulpot, aatakihin ako sa puso sayo." Pabirong reklamo ko sakanya. 

"Sorry inaantay ko kasi yung magddrive ng kotse tas napansin ko mag isa ka na lang. Sabay na kita." Sabi naman niya. 

Tatanggi sana ko nang biglang may babaeng bumaba sa harap namin galing sa isang taxi. 

Ngiting ngiti ito nang lumapit kay OM Dan kaya naman natulala na lang ako. Sino ba naman kasing hindi matutulala kung makakakita ka ng ganito kaganda di ba? Morena, matangkad, curly haired at kahit naka simpleng tshirt and shorts lang, parang model pa rin yung aura. Feeling ko tuloy lamok lang ako habang nagngingitian sila. 

"J, this is Dee, my sister." Pakilala ni OM Dan dito. 

Napansin naman ako ng babae saka lalong lumawak ang pagkakangiti nito. Sobrang warm ng pagkakawelcome niya sakin kasi niyakap niya pa talaga ko ng mahigpit na kala mo long lost BFF's kami. 

''J right? OMG, I've heard a lot about you!!!" She said enthusiastically while still hugging me. 

"Ako po?" I awkwardly asked. "Nice to meet you" Sinabi ko nalang habang nanlalaki ang mata kong nakatingin kay OM Dan habang nakayakap pa rin sakin si Dee. Kung pwedeng magpasa ng tanong sa pamamagitan ng mga mata nagawa ko na siguro kasi iniisip ko talaga kung ano yung mga kwentong narinig niya. 

Si OM Dan naman tila natatawa lang na nakatingin sakin. Kung di ko to boss nabatukan ko na to ng wala sa oras. 

Hindi ako pinakawalan ni Dee at tuluyang hinila sa kotse ni OM Dan hanggang sa makasakay ako. Di ko sure kung considered as kidnap to, pero parang walang consent to? Buti na lang magaan loob ko kay Dee kaya di na lang ako nagreklamo, maski nang sumakay din si OM Dan sa likod kasama ko. 

Matatapos naman na tong araw na to, siguro naman bukas pahinga na ko no? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status