Share

Memories

I was lounging around in my pajamas (oversized shirt at panties) when the doorbell rang. 

Sinong istorbo naman kaya ang pinadala para guluhin ang payapa kong maghapon ano? 

Tumayo ako mula sa sofa at pinatay muna ang tv. 

"Sino yaaaaan?" Sigaw ko habang palapit sa pintuan. 

Wala naman kasing problema kung nanay ko lang yung kakatok. Sanay naman yun sa ganitong outfit ko pag nasa bahay lang. Mapapagalitan nga lang ako ng very light. 

"Ako to gaga! Pabukas" sagot naman ng boses na kilalang kilala niya. Si Yen pala, yung bestfriend ko mula pa college. 

Bago ko buksan yung pinto, siniguro ko muna na walang ibang taong kasama si Yen, mamaya maumay pa sa pagkakadisplay ng katawan ko, nakakahiya naman. Pinapasok ko siya saka muling nilock yung pinto. 

"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Sabi naman niya sakin habang sinisipat sipat ako.  Hinawakan niya ko sa muka saka tinitigan sa mata. 

"Jada, sigurado ka bang okay ka lang? Wala bang naalog sayo? O baka naman mejo nadamage yang utak mo? Ano?" Pabirong tanong nito. 

" Napaka OA naman madam. Muka bang may damage ako? Emotional damage baka meron pa, pero physical wala." Sagot ko saka humiga sa sofa. 

" Ay day matagal na tayong emotionally damaged, hindi lang ikaw yan teh, kota na din ako diyan. " Pairap na sabi ni Yen na dumiretso naman sa kusina para ilagay yung mga dala niya. 

Malamang nagdala na naman ng maraming pagkain yung bestfriend ko, nakasanayan na kasi niyang gawin yun dahil alam niyang tamad akong kumain sa labas mag isa. At kung aabutan ako ng gutom sa bahay ng walang laman yung ref, itutulog ko na lang kesa mag effort na mag order pa sa labas. 

I turned the tv back on a naghanap ng maayos na mapapanood. Sakto namang may nakita akong mga bagong romanve movies sa n*****x.

"Mamshie, may pasok ka pa ba? Movie marathon tayo today, bet?" Pasigaw na tanong ko sakanya. 

" Push! May dala kong fries dito iluto natin saka softdrinks. Order din tayo pizza para happy."

Sagot naman niya mula sa kusina. Ano nga kayang ginagawa ng gaga sa kusina? Baka ginagawa na namang stockroom yung ref ko sa dami ng pabaon ni madam. 

"Maghanap ka ng masayang lovestory, yung mas masaya kesa sa love life natin para maiba naman." Dagdag pa niya. 

Tinuloy ko ang paghahanap ng magandaang rom com sa n*****x, pero tila ba hinihila ng movie na after yung mata ko. Gwapo kasi ng bidang lalaki. Yummy.

Minsan napapaisip din tuloy ako, ano kayang feeling ng nakikipag chuk chakan no? Sa 30 years kasi na nabubuhay ako sa mundo puro intense na kissing scenes pa lang yung nararanasan ko. Pero never ko pang tinuloy sa ehemmm. Kahit naman ganito ako medyo may pagka conservative pa din ako, feeling ko nga yung mga hayup na exes ko di na makatiis kaya humanap ng ibang makakalandian. 

Oh well, kahit naman medyo tigang tayo di ko pa rin sinisisi yung sarili ko sa mga kagaguhang ginawa nila sakin. They do not deserve this and they do not deserve me. At lalong they do not deserve to be a part of my life. Maging single man ako forever at least di ako nagsettle sa mga lalaking walang inisip kundi yung mga itlog nila. Mabugok sana. 

"Sigurado ka yan papanoorin natin?" Nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Yen. 

"Bakit mamshie, chaka ba?" 

"Balita ko medyo intense yung mga love scenes nyan eh, baka naman marealize natin kung ano yung kulang sa buhay natin pag pinanood natin yan? Ready na ba tayo?" Pabirong sagot naman niya saka umupo sa single seater na sofa na katabi ng hinihigaan ko. 

"Gaga! Mamshie kailangan natin yan para mainspire tayo magkalovelife uli." 

Magkasama naming tinapos ang pelikula at talaga namang sobrang steamy ng mga love scenes. Sino ba namang hindi magdadasal na may lalaking kasing hot ni Hardin na darating sa buhay nila di ba? though medyo inuulan ng ka toxican yung love story nila ni Tessa, when it comes to the love scenes winner talaga kaya naman nang matapos ang pelikula, talaga ring lalo kaming nauhaw sa lovelife ng kaibigan ko. 

Matapos ang ilang oras napagpasiyahan naman naming magpunta sa mall para magliwaliw. 

Dumiretso kami sa Robinsons Galleria dahil yun yung isa sa mga pinaka malalapit na mall mula sa bahay. Nag iikot ikot kami sa department store nang sakto namang mabangga ko yung isa sa mga tao minsan ko nang pinagdasal na sana hindi ko na makatagpo ng landas. Si Ryan. 

3 years ago nang huli ko siyang makita, at dahil na rin siguro sa pride, imbes na ipakitang bwisit na bwisit pa rin ako sakanya ay nginitian ko siya ng pagka tamis tamis matapos kong makilala na siya pala yung nakabungo sakin. 

"I'm so sorry Jada, di ko talaga sinasadya." halatang may pag aalala sa boses niya. Akmang hahawakan niya ko sa braso ng bigla kong inilayo yung braso ko. 

"It's okay". paiwas na sagot ko sakanya. "It was an accident." sabi ko naman sabay ngiti. 

"Kamusta ka na? Its been so long since we last saw each other." tanong naman niya habang nakatitig sakin. 

Ganda ba? ako to, yung sinayang mo. Sa isip isip ko. 

"Hi there, ako nga pala si Sienna, girlfriend niya." Sabi naman ng babaeng nasa likod niya sabay lahad ng kamay. "Magkakilala kayo?"  Tanong pa nito. 

Maganda siya ha. Halatang mayaman at sobrang feminine ng aura. Di kagaya ko na medyo boyish. 

eh ano ngayon? I have my own charm sabi nga nila. Maganda din ako no. Kaya naman di ako dapat affected kung masaya na tong ex ko sa iba. 

"Yes baby" Sagot naman agad ni Ryan na tila ba gusto nang umalis sa pagmamadali dahil na rin siguro sa napaka awkward na dating ng hangin sa paligid. "Si Jada, nakwento ko na siya sayo di ba?" Dagdag pa ng hung hang na ex ko. 

Para na rin sa ikatatahimik ng lahat, I decided to end this stressful encounter. Wala sa plano na sirain ko yung araw ko dahil lang masaya na yung ex ko, matagal naman na kong naka move on di ba? Di ba nga strong, single and confidently beautiful woman with a heart tayo sabi ni queen P? Ito na yung chance para patunayan ko yun.

Akmang magpapaalam na ko ng bigla na lang may umakbay sakin. 

"Babe nakalimutan niyo na ata ako ni Yen?". Napatingala ako para tignan kung sino yung lalaking umakbay sakin just to discover na si Marco pala. Pinilit kong ngumiti sakanya at pabalik kila Ryan para hindi halatang maski ako nagulat sa mga pangyayari. 

"ha ha.. oo nga, Sorry ba..be." lalo akong nagulat nang kunin niya ang kamay ko at ipinulupot iyon sa balakang niya. 

"Let's go? ". Sabi ni maro saka ako tuluyang inakay paalis. Ni hindi ko na nagawang tignan at magpaalam kila Ryan at sa girlfriend niya dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nagulat na lang ako nang nasa harap na namin si Yen  na halos mapunit naman yung bibig sa laki ng ngiti. 

Agad kong inalis yung pagkaka akap ko kay Marco nang makita kong wala na sa paligid sila Ryan. Pero hindi naman maalis yung init sa mga pisngi ko sa hindi rin malaman na dahilan. 

Dahil ba sobrang awkward ng mga pangyayari? O dahil kinikilig ako? Hindi ko na talaga alam. 

"Anong kalokohan naman yun Marco?". tanong ko sakanya. 

"Mamshie wag kang magalit, idea ko yan." Nakangiting sabat naman ni Yen na tila proud pa sa sarili niya. 

"Ang awkward kasi ninyo kanina kaya nung nakita ko tong si Marco napahingi ako ng saklolo ng wala sa oras". dagdag pa nito. "Ang ganda ng timing mo friend, saka yung akting mo dun, On point." Sabi pa ni Yen saka nakipag high five kay Marco na ngiting ngiti naman ng mga oras na iyon. Di ko malaman kung dahil ba proud siya sa acting niya o proud siya sa tulong na ginawa niya or baka naman both. 

"Ako pa ba? ...Kape lang girls fully paid na kayo. May interest  pa. May makakasama kayong celebrity habang nagkakape." Nakangising sabi naman ni Marco. 

Napa taas ng wala sa oras yung kilay ko.

Para na rin sa ikatatahimik ng mundo, tutal naman talagang naiiwas niya ko sa gulo, dumiretso na lang kami sa starbucks sa 2nd floor ng Galleria. May al fresko part sa bandang terrace, overlooking sa EDSA, dun ko sila inayang umupo tutal naman presko na. 

We spent the rest of the day overwhelming each other with stories. Sobrang magkasundo sila Marco at Yen kahit na hindi naman talaga sila madalas magkasama. Siguro dahil na rin sobrang madaling makagaanan ng loob si Marco. Maski naman ako madaling napalagay sakanya nung una kaming nagkakilala. 

I coudn't help but notice na though pinipilit niyang magmukang boyish and tough. Sobrang soft and delicate ng mga features niya. Kaya naman kahit mahaba yung buhok niya at medyo badboy na casual ang pormahan sa fitted jeans, black loose crew neck shirt at black vans na shoes, imbes na matakot ka, iisipin mo pa rin na muka siyang mabait lalo na kung di mo siya kakilala. 

Naisip ko tuloy, bakit nga kaya di ako tuluyang nainlove sakanya? 

Kung tutuusin lahat ng qualities na hinahanap ko sa lalaki halos na kay Marco na. Good looking, matangkad, mabait, malambing, sobrang considerate to a point na hanggat kaya,  sinasabayan niya kong maglunch dahil lang alam niyang ayokong kumain mag isa, bukod pa dun, sobrang Family oriented niya, at nung mga panahong broken hearted ako kay Ryan, siya din yung palaging andun para icomfort ako, as Friends lang talaga ha, no hanky panky. 

Pero bakit nga kaya di ako nahulog sakanya all these years? 

Matapos namin maubos yung coffee at yung favorite namin ni Yen na chocolate Waffles, dahil ubos  na rin siguro yung mga baong kwento nung dalawa. Nag aya na rin silang umuwi. Dala ni Marco yung kotse niya kaya naman nagvolunteer siya na ihatid kami ni yen sa kani kaniyang bahay namin, inuna niya kong iuwi dahil na rin malapit lang yung bahay ko saka sila muling umalis ni Yen para ito naman ang ihatid niya. 

Pero bago siya tuluyang umalis, laking gulat ko ng niyakap niya muna ko. Isang bagay na hindi naman niya ginagawa madalas dahil nga may boundaries kami sa isa't isa. 

Dahil sa gulat ay di ko namalayang nakaalis na pala sila at naiwan akong tulala sa may pintuan. di ko tuloy maiwasang tanungin yung hangin kung ano bang meron sa araw na ito at bakit kung ano anong nangyayari. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status