Share

Reality hits

Medyo naaaninag ko na ang liwanag mula sa bintana kaya naman unti unti na akong namulat. Hindi ko alam kung anong oras na pero ramdam kong inaantok pa rin talaga ko.

Gusto ko pang ituloy yung pagtulog ko pero alam kong oras na para bumangon.

Unti unti din namang bumalikwas yung katabi ko at inalis yung pagkakayakap sa akin.

Teka..

Teka….

Teka bakit may katabi ako?

Dahil sa gulat ay napamulagat ako at napatingin sa pinagmumulan ng braso na kanina lang ay nakayakap sakin.

Maliit, may itim at maikling buhok, at tila ba anghel na antok na antok pa yung katabi ko sa kama.

Sobrang cute nga naman talaga. Kung ganito ba naman ang anak ko at ang kagigisnan ko tuwing umaga eh talagang gaganahan akong bumangon di ba?

Tama nga talaga yung Nescafe nung nagtanong sila kung para kanino tayo bumabangon. In fairness may nadale silang hugot sa puso sa tanong na yun ah.

Minsan pag ganito ka ganda yung panaginip mo mapapaisip ka na lang kung paano kaya kung totoo ito di ba?

Yung tipong gigisi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status