Share

Chapter 4

Chapter 4

Zi Shien's POV

“Foreign Accent Syndrome is a brain disorder that causes the sufferer to speak in a foreign language, involuntarily,” discuss ni Prof. Nakikinig ako sa discussions nang lumipat ng upuan si Stephanie sa tabi ni Quizhiah.

Sigurado ako, may plano na naman itong babaeng 'to, napaka-bully talaga ng babaeng 'to! 

Kilala si Stephanie sa university hindi lamang sa yaman ng kanyang pamilya pati na rin sa kanyang pagiging bully. Kaya kinatatakotan siya ng mga estudyante dito sa university.

Napatingin ako sa gawi ni Qhuizhia na ngayon ay walang paki-alam sa tabi niya. Hindi ko pa rin nakikitaan ng kahit kaunting emosyon ang mukha niya kahit ilang linggo na simula noong mag-transfer siya dito sa university.

“Bro, what's that look?” ani Rhein. Sinundot-sundot niya ang aking tagiliran.

“Nothing,” I replied at iniwas ang aking tingin sa kanya. Alam kong madali lang akong mabasa ni Rhein. Isang tingin lang sa aking mata at malalaman niya kung ano ang iniisip ko. Kilalang-kilala ako ni Rhein.

“Sus! Deny ka pa,” usal niya. At tumawa ng bahgya.

Malisyoso talaga 'tong si Rhein, tsk!

Na-agaw ang atensyon ko nang makita kong kinakausap ni Stephanie si Qhuizhia. Habang si Qhuizhia walang paki-alam sa kanya. Nakatuon ang buong atensyon niya sa harap.

 Kilala ko si Stephanie, kinakausap lang niya ang isang tao kapag meron itong planong hindi maganda. Maliban kasi sa aming apat at sa dalawa niyang kaibigan ay hindi ito nakikipag-usap lalong-lalo na kapag wala sa tao ang kailangan niya.

Nabalik ang aking atensyon kay Prof nang magsalita siya, “Class, you will be having a project for this sem...” 

'Na naman?! Tsk, ba't pa kasi ako nag psychology e!' 

“It will be by pair.” dagdag niya. At tumingin sa amin na parang kinikilatis ang bawat estudyanteng nakapaloob sa classroom.

Sinimulan niya ang pairing kina Rhein at Mari. Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha ni Rhein. Matagal na niya kasi itong gusto, hindi lang siya makatyempo dahil mailap ito sa kanya.

Nagpatuloy si Prof sa pag pares-pares ng mga kaklase ko.

“Mr. Zi and Ms...”Tumingin sa akin si ma'am at sa gawi nila Stephanie.

'Oh please! Huwag naman sana.' 

“Quizhiah,” dugtong ni ma'am na siya namang ikinatuwa ko.

'God thank you so much.'

Nanlilisik na mga mata ang natanggap ko kay Stephanie. Galit na galit ito dahil gusto niyang siya lang ang palagi kong maka-partner sa lahat ng activity. Kahit ayaw ko ay pumapayag na rin ako dahil para din naman 'yon sa grado ko. At isang 'answered prayer' talaga ang hindi ko siya maka-partner sa project na 'to.

“Ang saya-saya mo ngayon Zi, pa-share naman,” si Rhein habang tinapik-tapik ang likod ko.

“Parang ikaw naman ang masaya sa ating dalawa.” Tumawa ako ng bahagya dahil sa reaksyon niya. Sinadya ko talagang ibaling sa kanya ang topic. Natahimik lang siya at tumawa ng bahagya.

Hay! Rhein talaga!

Abala kaming dalawa ni Rhein sa pag-uusap nang magsalita si Louise na kanina pa tahimik sa tabi namin. “Bro, I think there's a problem.” 

Napatingin ako sa babaeng lumalapit sa akin, si Stephanie. Galit na galit ang mukha nito at parang umuusok na ang ilong.

“Zi, gusto ko ikaw ang partner ko,” she said in a bossy tone.

“No!” sagot ko at tumayo.

Humawak siya sa braso ko, “But Zi, please...” 

I cut her off, “I said NO! Mahirap bang intindihin 'yon?” 

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko at tinalikuran siya. Narinig ko pa ang paghikbi niya.

Abala kami habang kumakain sa cafeteria nang lumapit si Stephanie sa table namin kasama ang dalawang kaibigan nito.

“Zi, can we talk?” mahinang usal niya.

Shit! Siya na naman!

Hindi ako sumagot bagkus nagpatuloy lang ako sa aking kinakain.

“Zi, ang tindi ng charisma mo kay Stephanie!” usal ni Louise. Tumawa sila ni Joshua at Rhein dahil sa sinabi nito.

“Sinabi mo pa,” ani Joshua

Hindi ko pa rin pinapansin si Stephanie kaya nabaling ang atensyon nito kay Qhuizhia. Naka-sabay kasi namin kanina sina Mari at Qhuizhia papunta dito sa cafeteria. Lumapit siya sa table nito. Paniguradong gulo na naman ang hinahanap nito.

“Hoy! Masaya ka ba!? Masaya ka ba na ikaw ang partner ni Zi?!” pagsisigaw ni Stephanie. Wala siyang paki-alam sa mga taong nasa paligid niya.

Isang tingin lamang ang nakuha niya kay Qhuizhia. Isang tingin na kahit kaunting emosyon ay di mo makikita.

“Ano?! Lalaban ka?!” sigaw ni Stephanie. Sigaw siya nang sigaw na para bang wala sa harap niya ang kausap niya. Hindi pa rin umimik si Quizhiah. Kalmado at walang emosyon itong kumakain ng bavarian doughnut.

Ang tindi ng babaeng to!

Mari's POV

Kanina pa ako gigil na gigil kay Stephanie, akalain mong inaaway itong si Quizhiah kahit wala naman siyang ginagawa dito, tsk!

Pero ubos ang bilib ko kay Qhuizhia, kalmado pa rin itong kumakain kahit nagmistulang tigre na itong si Stephanie.

“Hoy Stephanie pwede ba? Huwag kami ang gulohin mo? Matuto ka namang rumespito!” galit kong sabi. Tinaas niya ako ng kilay.

“Ah ganon?!” sagot niya sabay kuha ng baso na may juice at akmang ibubuhos sa'kin pero nag salita si Qhuizhia na siyang ikinatigil ni Stephanie.

“Stephanie,” kalmado at mahinang usal nito.

Nag-uusok ang mga matang tiningnan ni Stephanie si Qhuizhia. Nabaling ang atensyon niya kay Qhuizhia.

“Aangal ka?! Sino ka ba?!” At lumapit kay Qhuizhia.

Kalmado pa rin si QhuizhiaPatuloy pa rin ito sa pagkain. Habang si Stephanie parang sasabog na bulkan sa sobrang galit. 

“Ito ang tandaan mo, bago ka pa lang dito, kilalalin mo ang binabangga mo!!!” sigaw niya habang tinuturo-turo si Quizhiah.

Kalmadong tumayo si Qhuizhia at humarap kay Stephanie.

“Wala akong paki-alam,” sagot ni Quizhiah. Bumalik itong umupo at kumain.

“Aba! Sumasagot ka?!” usal ni Stephanie. Akmang sasampalin niya ito pero mabilis na nasalo ni Qhuizhia ang kamay ni Stephanie at binali ito. Napadaing si Stephanie dahil sa sakit ng kanyang kamay.

Masasabi kong may-alam itong si Qhuizhia pagdating sa martial arts.  At mukhang marunong din itong kumilatis ng mga kilos ng tao.

“You will pay for this!” galit na usal ni Stephanie. At saka lumabas ng cafeteria.

Agad naman nagsilapitan ang apat. Kanina pa sila manghang-mangha sa ginawa ni Qhuizhia.

“Hey! Kakai-babe,” si Joshua. Lumapit ito sa kinauupuan ni Qhuizhia.

Nagpatuloy lang si Quizhiah sa pagkain at 'di pinapansin si Joshua. Natatawa na lamang ang kanyang mga kasama pati na rin ako.

“Quizhiah, okay ka lang?” tanong ni Zi. Mukhang alalang-alala ito sa kasama ko. Akmang lalapit ito kay Qhuizhia pero tumayo ako at hinarangan siya.

“Kumakain po kami at oo, okay lang si Qhuizhia,” usal ko.

“Yes! Alam namin na kumakain kayo,” ani Zi at pina-alis ako sa pagkaka harang sa daanan. Napa-upo na lang ako.

Tsk! 

“Hi babe,” si Rhein. Kumindat pa ito sa akin. Nasa tabi ko siya at kinakain ang pagkain ko.

“Kadiri,” usal ko at umirap sa kanya.

Akala siguro nito lahat ng babae nagkakagusto sa kanya. Pwes! Ibahin mo ako!

“Quizhiah, okay lang ba sa'yo na ako ang partner mo?” ani Zi. Ngumiti ito kay Qhuizhia ng napakatamis. Pero si Qhuizhia parang hindi ata tinatamaan ng kilig.

“Yes,” usal ni Qhuizhia. At ibinaling ang atensyon sa cellphone nito.

“Then, all good” ani Zi. Naka-focus lang ang kanyang mga tingin kay Qhuizhia.

May pinaplano na naman siguro 'to?

“Hoy! Mga kumag kung may pinaplano na naman kayong hindi maganda, pwede ba huwag kami,” usal ko. Pinakitaan ko pa sila ng aking maliit na kamao.

Isang halakhakan lamang ang inabot ko sa kanila.

“Don't you worry baby, there's nothing you should worry about,” ani Rhein. At umakbay sa akin.

“Ano ba ang kailangan niyo dito?” tanong ko. Tinaasan ko sila ng kilay upang magmukhang maldita ako.

“Simple, gusto lang naming makipagkaibigan,” usal ni Zi habang ang mga tingin ay nasa kay Qhuizhia.

Talaga lang huh?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status