Quizhiah’s POV
Araw ng Lunes ngayon, unang araw sa week na ‘to pero naka-upo lang ako sa sofa at nagbabasa ng literature book.
“Ma’am, ‘di ka po ba papasok sa school?” tanong ni Yaya Emily habang papalapit sa akin dala-dala ang isang baso ng gatas. Inilapag nito ang baso ng gatas sa ibabaw ng round glass table na katabi ng sofa na kinauupuan ko.
“Papasok.” sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasang libro. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mukha niya na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin.
Balak ko sanang hindi pumasok kaso wala naman akong gagawin dito sa bahay. Tinapos ko muna ang binabasa kong literature book bago ako naligo at nagbihis. Nagpaluto na rin ako ulam kay Yaya para sa breakfast.
Tatlong cheesy chicken hotdog at sunny side-up egg ang pinaluto ko sa kanya. Nag fried rice din siya at nagtimpla ng grape juice.
“Ma’am, si daddy mo tumatawag sa akin, ba’t daw off ang cell phone mo?” si Yaya habang kumakain kami. Magkasabay kaming kumakain ni yaya, hindi na rin kasi siya naming tinuturing na iba. Matagal na siyang nagseserbisyo sa pamilya namin simula bata pa ako. Siya na ang nag-alaga sa amin ni daddy, lalong-lalo na sa akin.
Huminto ako sa pagkain at uminom ng isang basong juice. “Sige Yaya salamat.” Agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang cell phone ko. I turn my cell phone on, and got 45 missed calls from dad and an unknown number. In just a moment, my cell phone rang, si Daddy.
I was going to decline the call but I realised I need to answer the call. “Dad?” I answered.
“How are you?” agad niyang tanong.
“I’m okay dad. ”
“How did you know that you’re okay?” sagot niya. Natahimik ako sa sinabi niya.
Is this my fault?
“Bumibisita ka pa din ba sa doctor mo?”tanong niya ulit. “Sometimes, ”sagot ko.
“Oh dear, you should visit your doctor everyday, I want you to have a normal life, ”
“Dad, I’m living a normal life.” Umupo ako sa kama ko habang nakatingin sa calendar na nakapatong sa ibabaw ng lamesang katabing kama ko.
“Hays, sige na, I have to hang up na I have an appointment meeting. ”
“Bye dad. ”
“Bye I love you baby. ”
Mag ha-half day nalang ako, pupunta ako sa clinic ngayon. I’ll just catch-up with my missed activities and lesson.
“Yaya mag ha-half day ako,, I’ll have to visit my doctor,” usal ko habang pababa ng hagdan.
“Mag pa-padala ba ako ng excuse letter?” tanong niya habang naglilinis sa sala ng bahay.
“No need, pag may tumawag sa cellphone ko sabihin mo nagpunta sa doctor, ”
“Iyong isa niyo po bang cell phone ang dadalhin mo?” tanong nito na ang tinutukoy nitong cell phone ay ang palagi kong dala. Isang tango lang ang isinagot ko.
I was planning to take a taxi but I remember na matagal ko na palang hindi nasasakyan ang motor ko. Isa itong itim na Neiman Marcus Limited Edition Fighter, “Yaya, nakita niyo po ba ang susi ng motor ko?”
“Nandito po, ” sabay abot ng susi sa akin.
“Salamat Yaya, I have to go. ” Agad akong pumunta sa garage at neristart ang makina ng motor.
Sinundan ako ni Yaya sa garage. “Sige ma’am mag-ingat ka, ” usal niya. Agad ko namang pinaharurot ang motor ko.
—
Zi Shien’s POV
Naka-limang missed calls na ako, pero hindi pa rin sinasagot ni Quizhiah ang phone niya. Alalang-alala na ako sa kanya dahil ngayon lang siya hindi pumasok.
Katabi ko ngayon si Mari na nag-aalala rin. “Mari, are you sure this is Quizhiah’s number? Baka nagkamali ka lang, ” sabi ko kay Mari na abala rin sa pag-dial ng number ni Qhuizhia.
Nag-aalala kaming lahat sa kanya, gusto naming malaman kung bakit hi di siya pumasok ngayong araw.
“Zi ngayon pa lang ata kitang nakikitang nagkakaganyan,” usal ni Rhein.
“Bro, I’m worried,” sagot ko sa kanya. Paulit-ulit pa rin akong nagda-dial sa number ni Qhuizhia na ibinigay ni Mari sa akin. Naka-sampung dial na ako pero wala pa ding sumasagot. Muli akong nag-dial, pang labing-isang dial at sa wakas ay may sumagot na.
“Hello, sino po to?” tanong ‘nong nasa kabilang linya. Hindi boses ni Qhuizhia ang sumagot kaya nagtanong na lang ako.
“Nandyan po ba si Quizhiah?” tanong ko dito.
“Sino po sila?”
“Si Zi po ‘to kaibigan ni Qhuizhia, ”
“Kailan lang nakikipag kaibigan si Quizhiah?” sabi ng nasa kabilang linya. Bakas sa kanyang boses ang pagtataka.
“Nandyan po ba siya?” tanong ko ulit dito.
“Yaya niya ‘to, umalis na siya, sabi niya mag-half day lang daw siya. Bumisita siya sa doctor niya, ” sagot ng Yaya niya.
What? Anong nangyari? May sakit kaya si Zhiah?
“May sakit po ba siya?” alalang tanong ko dito.
“Wala naman, araw araw naman siyang bumibisita sa doctor, ” sagot ng yaya niya.
“Ah sige, salamat po,” usal ko at ibinaba ang tawag.
“Oh, ano daw sabi?” si Mari na alalang nakikinig sa tabi ko.
I released a deep sigh, “She’s visiting her doctor, ” usal ko.
“Bakit? Anong nangyari? May sakit ba siya? Kailangan ba nating pumunta sa hospital?” sunod-sunod na tanong ni Louise.
Medyo nanibago ako sa mga ikinikilos ni Louise. Kapag si Qhuizhia ang pinag-uusapan, halatang-halata sa kanyang mukha ang pagkainteres niya.
Nagkibit-balikat ako. “Ewan, sabi ng Yaya niya she’s visiting her doctor everyday, ” sagot ko.
“Hindi kaya may malubhang sakit si Qhuizhia?” usal ni Joshua.
“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!” si Louise na medyo napataas ang tono ng boses.
Napatingin kaming lahat sa kanya, halatang-halata na nag-aalala ito.
“Oh oh, kalma. Ang sa akin lang naman baka may tinatago siyang sakit sa atin,” page-explain ni Joshua.
“Grabi ka naman, papatayin mo ba si Quizhiah?” usal ko.
“Sinabi nang huwag magsalita ng ganyan e,” kunot-noong usal ni Louise.
“Teka nga lang. Bakit kayo affected? May gusto ba kayong dalawa kay Qhuizhia? ” tanong ni Mari. Medyo napa-isip ako sa sinabi ni Mari. Kayo? Ako at si Louise? Si Louise may gusto rin kay Qhuizhia?
Tiningnan ko si Louise na ngayon ay pinapakalma ni Rhein. Kanina pa itong tatayo at uupo na naman.
“Tsk! Napakakulit mo talaga, baliktad na baliktad mo si Qhuizhia. Hindi ka rin ba nagwo-worry kay Quizhiah?” tanong ko.
“Syempre bestie ko kaya siya, pero iba kasi kayong dalawa ni Louise, ” sagot niya. Tumingin ito kay Louise na ngayon ay kalmado nang naka-upo katabi ni Rhein.
“Sa akin ba nag-aalala ka rin?” hirit ni Rhein.
“Hindi, malusog ka naman ah, ” sagot ni Mari. Umirap pa ito kay Rhein.
Hay naku Mari, may gusto po sa’yo iyang best friend ko.
“Ouch, ang sakit ng dibdib ko, baka mamatay na ako, ” usal ni Rhein. Humawak ito sa dibdib niya na para bang inaataki sa puso.
“Tsk, ‘wag ka ngang magbiro kita ng nag aalala ‘yong tao e, ” usal ni Mari.
Umayos naman si Rhein, “Sorry babe, ” sagot niya dito. Nagpapa-cute pa ito sa harap ni Mari.
“Hoy Rhein! Kung akala mong maidagdag ako diyan sa haba ng listahan mo, huwag ako,” usal ni Mari at nag-walk out.
“Hala bro, ayan tuloy nagwalk out, ” si Joshua.
“Ganito na ba ako ka sama? Para hindi siya maniwala ?” si Rhein. Nakasimangot ito ngayon at medyo disappointed din.
“Mawawala na ba ang four Bed Masters?” usal ni Joshua. Ang tinutukoy nito ay ang grupo namin. Four bed masters ang tawag sa amin ng ibang estudyante dito sa campus. Sila na rin ang nagbigay ng pangalan na ito sa amin. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila ang mga pinaggagawa naming apat.
“Bakit?” si Louise. Ngayon lang ito nagsalita simula mainit na tensyon kanina.
“E kasi, parang may dalawang lalaki na humihina pagdating sa babae” patawa-tawang usal ni Joshua.
“Okay lang ‘yan bro, basta ang mahalaga may dalawa pa naman,” pabirong usal ko.
“Tumigil nga kayo!” si Louise. Halatang nairita ito sa sinabi ni Joshua kanina. Natahimik kami, insakto namang dumating si Mari.
“Oh babe, akala ko iiwan mo na ako, ”masayang usal ni Rhein. Nabuhayan ito, kanina kasi parang lantang gulay ang hitsura niya.
“Babe ka diyan, bumili ako ng snacks, ” sagot na Mari. Inilwpag nito ang mga pagkaing binili niya sa ibabaw ng lamesa.
“Birthday mo? Happy birthday! ” masayang usal ko.
“Tangi! Hindi ko birthday. At saka, hindi libre ‘yan no! May bayad ‘yan. ” Inilahad pa nito ang nakabukang kamay nito sa amin.
“Aba’y negosyante ka na pala ngayon, ” usal ko at akmang kukuha ng pera sa wallet ko.
“Biro lang sige mag-snack muna kayo, ” pangiti-ngiting usal ni Mari.
Agad naman kaming nagsipagkuha ng kanya-kanyang pagkain at lumamon. Pangiti-ngiti namang nagmamasid si Mari sa aming apat habang kumakain. Ilang minutopa ay nabusog na rin kami sa pagkaing binili ni Mari sa amin. “Ayan tapos na kayo, oh asan bayad niyo?” usal ni Mari. Naka-cross arm pa ito at itinaas ang isang kilay.
Ito talagang si Mari oh!
“Babe pwede bang itong katawan ko na lang ang ibayad ko?”usal ni Rhein.
“Katawan ka diyan, kainin mo yang katawan mo! ” sagot ni Mari sabay irap kay Rhien.
“Don’t worry babe, ikaw lang ang kakain sa katawan ko, ” sagot ni Rhein sabay kindat kay Mari. Natatawa na lang kaming tatlo sa inasal nilang dalawa. Para silang aso’t pusa na sa tuwing nagkikita laging nag-aaway.
“Hindi naman pera ang ibabayad niyo e,” usal ni Mari. Kinuha nito ang blue spring notebook niya.
“E ano?” takang tanong ni Louise.
“Tulungan niyo naman ako oh, birthday kasi ni Quizhiah sa Sunday, gusto kong e-surprise siya, ” seryosong usal ni Mari.
`Aba’t what a nice idea! ʼ sa isip-isip ko.
“I’m in!” masayang usal ko.
“Gusto kong mapasaya ang babe ko, so I’m also in, ” si Rhein na pangiti-ngiting lumapit kay Mari.
“Alangan namang hindi kami sasali, diba Louise? ” si Joshua. Inakbayan nito si Louise na ngayon ay malalim ang iniisip.
Sorry for the late update my babies. Medyo na busy pa ako sa acads ko. Wabyou all❤️
Mari’s POVHalos hilahin ko na ang kamay ng orasan at ang pagsikat ng araw para mapadali ang araw sa birthday ni Quizhiah. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya at excitement sa parating na birthday ni Quizhiah. Sino ba naman ang hindi mae-excite e, ang pinakasikat at pinagkakagulohan sa buong campus ang tumulong sa pagplano sa surprise birthday niya. Hindi ko lubos maisip na makakuntsaba ko sila dahil nga sa sikat sila at sino lang naman ba ako para matulongan nila para sa kaibigan ko.Nandito kami ngayon sa paborito naming spot, sa canteen. Halos dalawang oras na kaming nandito, nagplano kami sa mga dapat gagawin para maisakatuparan ang birthday surprise ni Quizhiah sa paparating na Sabado.“Louise, are you sure na gagana ang plano natin?” tanong ni Rhein. Bahagya itong lumingon kay Zi na ngayon ay tahimik lang sa gilid. Si Louise kasi ang nagplano sa surprise birthday para kay Quizhiah pero nag-alinlangan si Rh
Zi Shien’s POV I was preparing for school when a book caught my eyes, agad kong naisip si Quizhiah. Isa itong libro na tiyak makakatulong sa kanyang sitwasyon. Alam kong paunti-unti ay makaka-recover din siya sa Alexithymia. Sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya at lalong – lalo na sa kanyang sarili. Iniisip ko pa lang na magiging okay na si Quizhiah ay napapangiti na ako. Naisip kong tawagan si Quizhiah para sunduin sa kanyang bahay. “Zhiah, are you still in your house?” tanong ko kay Quizhiah. Hindi ito kaagad sumagot at mukhang bagong gising lang ito. Naghintay ako ng isang minuto bago ito sumagot ng matipid. “Yes.” “Good! Wait for me, I’ll pick you up.” Napapangiti pa ako habang sinasabi ang mga linyang ito. Para akong lumulipad sa kalawakan habang iniisip ang idea na isang araw ko na namang makikita at makakasama siya kahit na hindi ito nagsasalita. “No need,” matipid na sagot nito. Napasimangot ako nang marinig ko ang sagot niya. S
Zi Shien’s POV Nandito kami ngayon sa campus, sa nakasanayang tambayan naming magbarkada, nagpapahinga dahil sa stress na dulot ng surprise quiz ng aming professor at unang subject pa namin. Maliban kay Zhiah na halos lahat ng nasagutan lahat ng sagot, lahat kami napanganga at natutulala na lang sa bawat binibitaw na tanong ng professor namin, kaya heto kami’t parang mga lantang gulay na naka-display sa merkado. Nakahilata sa sofa na parang nasa bahay lang. Sino ba naman kasi ang hindi ma-brain drain sa surprise quiz at take not one of our major subject pa ‘yon kaya mapapatulala ka na lang at mapapasabi sa sarili na ‘bawi na lang next semester ‘. Napapiyak pa nga ‘yong iba kasi maaanghang na mga salita ang natatanggap nila kapalit sa pagiging tulala nila during quiz. Surprise oral quiz kasi ‘yon kaya mapapahiya ka talaga pag wala kang maisagot sa bawat tanong, good for us kasi kahit hindi lahat nasagutan namin at least nakasagot kami pero brain drain pa
Zi Shien’s POV“Zi, seryoso ka ba talaga sa pinaplano mo?” tanong ni Rhein sa akin habang nag-aalmusal kami.“Wala ka bang tiwala sa akin?” pabirong sagot ko sa kanya.“Hindi sa wala akong tiwala, pero bro baka mapano ka diyan sa ginagawa mo,” pag-alalang sagot nito.“Don’t worry Rhein, kaya ko ang sarili ko. Gustong-gusto ko lang talagang tulongan si Zhiah,”usal ko habang ipinapahid ang strawberry jam sa slice bread bago ko ito isinubo.Tumigil ito sa pag-nguya ng kinakaing niyang fried rice, may pagtutol sa kanyang mukha pero siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa akin.“Well, buhay mo naman ‘yan saka sino ba naman ako ‘no para tumutol sa pusong nagmamahal,” usal nito na may halong panunudyo. Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago muling sumubo ng fried rice.“Loko ka talaga!” pailing-iling kong usal. “Magpatuloy na nga
Mari’s POV Araw ng linggo ngayon, at napakahalaga ng araw na ito,lalong-lalo na para kay Qhuizhia. Nakahanda na ang lahat para sa birthday surprise para sa kanya. Handang-handa na rin ang mga boys sa gagawin nilang pakulo maliban na lang kay Zi na kanina pa balisang-balisa at nag-aalala sa gagawin nila Rhein at Joshua. Ang siste kasi, pupunta sila Rhein, Louise at Joshua sa bahay ni Qhuizhia na naka bonnet mask para hindi makilala ni Qhuizhia at magkunwaring kidnappers, lalagyan ng piring ang mga mata niya habang nasa biyahe at pag-dating sa venue, mag-papaputok ng fireworks para sa kanya. Ang venue ay ang garden namin na may mga mayayabong na bulaklak at mga nagbi-birdehang halaman. Gusto sana ni Zi na sa bahay nila gaganapin ang surprise para kay Qhuizhia kaso nagpumilit akong dito sa garden namin dahil alam kong magugustohan ni Qhuizhia ang view dito. Sa tuwing hapon kasi ay matatanaw mo ang paglubog ng gintong araw na sinasabayan ng mga maliliit na huni ng mga ibon
Zi Shien’s POV Kinausap ko si Zhiah, nangamba kasi ako nang makita kong may luha ang mga mata niya kanina. Ito ang unanbg pagkakataong nakakita ako ng pagkatakot sa mga mata ni Quizhiah. I’ve known her as a strong, independent person kaya nangamba talaga ako nang makita siyang umiiyak kanina. Sa isip-isip ko’y baka may malalim na dahilan sa nakikita kong takot kanina, baka tulad ko ay may trauma rin siya sa blindfolds. Pero iwinaksi ko na lamang ang mga ito dahil okay naman daw siya, hindi niya lang daw alam bakit siya umiiyak.Naging panatag ako sa sinabi niya kaya nawala ang pangamba ko. Enjoy na enjoy kami habang kumakain, habang si Qhuizhia ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Nag-ku-kwento kasi si Mari about sa buhay niya, mga kalokohang nagagawa niya noong bata pa siya, kaya naman aliw na aliw kaming nakikinig sa kanya. Hanggang sa umabot kami sa singing contest na sinalihan niya na hindi raw siya makapaniwalang nanalo siya, kami namang nakikinig tawa lang tawa. “Loko-loko ka
Qhuizhiah’s POV Ilang linggo na rin ang nakalipas pero heto pa rin ako’t pilit iniintindi ang estrangherong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kailan ‘to nagsimula, nagmistula itong isa magandang bulaklak na misteryosong tumubo na lang bigla sa isang hardin at dahan-dahang namumukadkad, sa kabila ng kagandahan nito isa pa rin itong misteryoso para sa hardinero, maraming tanong ang naglalaro sa isispan niya, anong klaseng bulaklak ito? Saan ito nanggaling, ano ang pangalan nito at kung paano ito alagaan? At sa kadahilanang bago ito para sa kanya walang siyang kaalam-alam kung ano ang dapat na gawin at hindi dapat gawin upang ma-protektahan niya ito o kung ito ba’y nakakalasong halaman na delikadong patuloy na tumubo sa kanyang hardin at maging sanhi pa upang hindi niya mapapanatili ang pag-alaga sa iba pa niyang mga bulaklak. Ngunit kahit misteryoso ito para sa hardinero itinago niya pa rin ito at inalagaan, alam naman niyang posibleng magiging isa itong banta para sa kanyang hardin
Quizhiah's POVWe we’re on our way sa isang resort na pagmamay-ari nila Rhein. Napagdesisyonan kasi nilang mag-outing, ayaw ko sanang sumama kaso ilang araw na akong kinukulit ni Mari prior to this day.Pagmamay-ari ni Rhein ang van ginagamit namin ngayon. Nakapwesto ako ngayon malapit sa bintana habang naka-earphones at nakikinig ng kantang ‘weak’. Nasa-tabi ko din si Louise na payapang umiidlip, habang ako nakasandal sa bintana at ini-enjoy ang bawat view na nakikita sa daan.Ini-enjoy ko lang ang view at walang paki sa mga kasama ko nang marinig ko si Rhein na nagsalita. “Lou, pwede bang magpalit kayo ng pwesto ni Zi?” Naphinto ako sa pags-sight viewing dahil sa narinig ko at agad na-focus ang atensyon ko sa mga kasama sa sasakyan. Naririnig ko ang usapan nila kahit naka-earphones ako dahil naka-low volume lamang ito. Napadilat ng kanyang mga mata si Louise at nakasimangot na kinukusot ang mga mata, “Ako ang unang naka-upo dito e,” saad nito at umidlip ulit.“Sige na please, save