Lunes na naman, panibagong araw at panibagong kalokohan na naman pero syempre mag-aaral ng mabuti.
Late na akong magising kaya nagpahatid na lang ako kay daddy total dadaan din naman siya sa school. Lakad-takbo ang ginawa ko para maka-catch up sa unang subject kaya't hindi ko naiwasang makabangga ng kapwa estudyante.“Sorry.” At nag peace sign pa ako kahit hindi naman niya nakikita. Naka-yuko kasi ito habang naglalakad.Inangat niya ang kanyang ulo, tumingin siya sa akin na walang emosyon at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.'Teka, di ba niya ako kilala?' sa isip-isip ko.Di ko nalang pinansin 'yon at tinungo na ang hall ng classroom ko, late na ako para sa psychology na class ko at paniguradong isang sermon na naman ang aabutin ko sa professor namin.“Good morning ma'am!” masayang bungad ko sa pintuan ng classroom.“You're 10 minutes late Mr. Cardinham!” sigaw ni Prof.Hindi muna ako pumasok sa classroom at tumayo lang sa pinto, “Ano pang hinihintay mo? Go to your sit,” mahinahon na turan ni Prof.“Yes ma'am,” pangiti-ngiting tugon ko dito.“Today, we will be discussing about how emotions affect us...” huminto si Prof nang may babaeng nagsalita.“Sorry ma'am, I'm late.” Pumasok siya sa classroom.Teka parang nakita ko na siya... tama! siya 'yong babaeng nakabaggaan ko kanina.“It's okay, by the way class, she's your new classmate...” ma'am paused at ngumiti sa babae.“...Ms.Quizhiah Elliase Sleman,” she continued.Tumingin lang sa amin ang babae, walang emotions na makikita, na para bang blanko ang mukha.“Parang hindi natin siya makakasundo,” bulong-bulongan ng mga kaklase naming babae.“Find a comfortable place Ms. Sleman,” malumanay na usal ni ma'am at nginitian pa ang babae.Tumango ito, ni hindi man lang ito nakitaan ng kaunting emosyon, “Yes ma'am,” sagot niya. Umupo siya malapit sa akin, two chairs apart.May pagka morena siya, medyo bilog at kulay brown ang mga mata, makapal at caterpillar ang maiitim na mga kilay at bilog ang hugis ng kanyang mukha, may katangkaran din ito at klarong maganda ang hubog ng katawan kahit naka-itim na sweatshirt ito. Naka long pants siya at pinaresan ng puting converse shoes. Nakalugay ang kanyang hanggang balikat at kulay brown na buhok.“Bro, type mo?” tanong ni Rhein sa kalagitnaan ng aking pagtitig sa babae“Umayos ka nga!” At hinampas siya ng mahina sa kanyang balikatHer face is kinda familiar, but I don't know kung saan ko nakita ang mukha niya.Quizhiah's POVIlang araw na mula ng mag-transfer ako dito, na mula classroom hanggang sa hallway ng school sinusundan ako ng babaeng madaldal sa classroom.
Nilingon ko siya kaya medyo napa-hinto siya.“Anong kailangan mo?” “Ah... e anong pangalan mo?” tanong niya sabay ng pagkamot sa kanyang ulo.“Quizhiah.”She flex the muscle at the side of her mouth, making a slightly upward curve on her lips. Her eyes slightly got bigger and brighter.“Natutuwa akong makilala ka,” sagot niya at inilahad ang kanyang kamay sa akin.'Natutuwa in english Happy-feeling pleased or glad about a particular situation, event; enjoying a condition or situation'.“Ah, sige ma-una na ako,” sagot ko.“Teka magkaibigan na ba tayo?” tanong niya.Isang tango lang ang isinagot ko at lumakad papuntang canteen. Pagdating ko do'n nakita ko yung lalaking nakabanggaan ko, tumingin siya sa'kin, tila ini-iscan ako.“Uy, anong gusto mong kainin?” tanong ni Mari. Siya 'yong babaeng madaldal.“Doughnut,” sagot ko.Lumakad siya papuntang counter at nagbayad. Siya ang nag presinta na bumili ng snacks namin. Pagkatapos naming mag snack, dinala ako ni Mari sa may garden ng school.“Alam mo ba, dito ako pumupunta kapag malungkot ako,” sabi niya at umupo sa may bench na napapagitnaan ng dalawang kahoy ng narra.“Sad is defined as feeling upset or unhappy about something, often shown physically with a frown. An example of sad is how a child looks when his parent goes away,” I murmured.“Hoy narinig ko 'yon, bakit mo dine-describe ang SAD?” tanong niya and her eyebrows crossed.“Nothing,” I answered and plugged my earphones into my ears.And then I sleep.Mari's POV
Halos maubos na ang laway ko kakadaldal pero tinulogan lang ako ng kasama ko.
Ang blanko ng mukha, emotions are nowhere to be seen in her face. Para siyang A.I robot. Hays! Sayang gusto ko pa naman siyang maging kaibigan, kahit medyo weird siya, akalain mo dinidefine niya yung sad.“Uy Quizhiah gising, male-late na tayo.” Tinapik tapik ko ang balikat niya, iminulat niya ang kanyang mata and pause for awhile. Ang ganda niya kahit walang make up, walang ka pores-pores ang mukha. Paano nalang kaya kung maglagay to ng kahit konting make up? Sigurado akong lahat ng tao mapapalingon sa kanya. Niyaya ko na siya para sa next subject namin, “Tara na baka magalit yung professor natin”Tinitigan muna ako nito at tsaka nagsalita.“Galit, or angry ... having a strong feeling against someone who has behaved badly, making you want to shout at them or hurt them,” she murmured againAng weirdo naman ng babaeng 'to, maganda sana, sayang, hays!Isang matamis na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.Tumayo ako, “Tara na!” At inilahad ko ang aking kamay upang alalayan siyang tumayo pero tiningnan lang niya ito at tumayo rin.Aww, napahiya ako dun ah.“Sige.” At naunang lumakad.Nagsasalita nga matipid naman, parang ma-uubos ang mga salita kaya kailangang tipirin. Robot siguro to, akalain mo dinidefine pa ang salitang sad at angry, robot lang ang gagawa ng ganyan.Pagdating namin sa classroom para sa major subject namin, agad tinungo ni Qhuizhiah ang upuan niya, ni hindi man lang nagpaalam sa akin, sabagay bakit naman siya magpapaalam sa akin, e classmate lang kami at saka hindi pa naman kami close. Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako na kinaibigan ko siya o malulungkot, hays bahala na nga mukha namang mabait siya.“Ms.Qhuizhia, how would you define psychology?” tanong ni Prof kay Quizhiah.“It is the science that deals with emotional and mental processes. It encompasses the biological influences, social pressures, and environmental factors that affect how people think, act, and feel. Gaining a richer and deeper understanding of psychology can help people achieve insights into their own actions as well as a better understanding of other people,” sagot niya sa isang tono lang na pananalita. Napanganga kaming lahat sa isinagot niya.Aba't matalino naman pala!“Excellent!” nakangiting sabi ni Prof at pumalakpak kaya napapalakpak rin kami, pero si Qhuizhia parang wala lang sa kanya.Nag di-discuss na si ma'am, kaya syempre nakinig ako.“Okay class that's for the discussion, and I will leave you with an activity, I have to attend a meeting.” At umalis na si Prof dala-dala ang mga gamit niya.Hay! Salamat at mawawala na ang nerbiyos na nararadaman ko. Ganito kasi ako sa tuwing mag di-discuss si Prof. Mahilig kasi itong magpasurprise quiz pagkatapos ng discussion niya, mabuti na lang at may meeting.Habang gumagawa ng activity, hindi ko maiwasan na mapunta ang tingin ko sa gawi ni Qhuizhia, hindi ko alam kung seryoso ba siya. Siya kasi 'yong tipo ng tao na di mo mababasa ang utak, iyon bang misteryoso.Nakikinig siya sa earphone niya habang gumagawa ng activity namin at ako naman panay ang titig sa kanya, naka ramdam siguro siya na may nakatitig sa kanya kaya isinuot nito ang hood sa jacket na suot niya.`Hintay lang Mari magiging extrovert din siya. Hays... sana nga ang boring kasi kung ganyan siya, di'ba?ʼ sa isip isip ko.Ilang oras ang dumaan at mukhang tapos na si Qhuizhia sa ginagawa niya. Niligpit niya ang gamit niya at isinubsob ang mukha sa lamesang gamit niya, walang pakialam sa paligid niya.Chapter 4 Zi Shien's POV “Foreign Accent Syndrome is a brain disorder that causes the sufferer to speak in a foreign language, involuntarily,” discuss ni Prof. Nakikinig ako sa discussions nang lumipat ng upuan si Stephanie sa tabi ni Quizhiah. Sigurado ako, may plano na naman itong babaeng 'to, napaka-bully talaga ng babaeng 'to! Kilala si Stephanie sa university hindi lamang sa yaman ng kanyang pamilya pati na rin sa kanyang pagiging bully. Kaya kinatatakotan siya ng mga estudyante dito sa university.Napatingin ako sa gawi ni Qhuizhia na ngayon ay walang paki-alam sa tabi niya. Hindi ko pa rin nakikitaan ng kahit kaunting emosyon ang mukha niya kahit ilang linggo na simula noong mag-transfer siya dito sa university. “Bro, what's that look?” ani Rhein. Sinundot-sundot niya ang aking tagiliran. “Nothing,” I replied at iniwas ang aking tingin sa kanya. Alam kong madali lang akong mabasa ni Rhein. Isang tingi
Zi Shien’s POV “Quizhiah, any suggestions for our project?” tanong ko habang nakatitig sa kanya. Nandito kami ngayon sa gym ng school, Physical Education time namin ngayon at kasalukuyan kaming nagpapahinga galing sa basketball. Lahat ng mata ng mga tao na nakapaloob sa gym nakuha ni Qhuizhia kanina habang naglalaro kami ng basketball. Siya kasi ang napili ng instructor namin na mag-represent sa girls at ako naman sa boys. One on one ang labanan at nakakahiya man na aminin pero natalo ako ng babae. Halos hindi ako makasabay sa mga galaw niya kanina habang nag lalaro kami. Lahat ng lalaki napanganga sa mga galawan niya sa court, at kahit ako na katunggali niya ay hindi rin mapigilan ang paghanga sa kanya. “Ano nga ba ‘yong topic natin?” tanong niya. Kinuha niya ang cellphone niya galing sa bag niya at tila may kinakalkal sa cellphone niya. Ito na naman ang mga kilos niyang parang nagpapahiwatig na ayaw niyang makipag-usap sa akin o kahit kaninong
Zi Shien’s POVMag-isa lang si Qhuizhia nang madatnan ko sa classroom namin. Abala siya sa kung anong ginagawa niya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Umupo ako sa upuang katabi niya, hindi niya pa 4in ako napapansin dahil sa nakatuon ang buong atensyon nito sa ginagawa niya. Tahimik ko siyang pinagmamasdan. Malambot ang bawat galaw ng kanyang mga kamay, bawat pagkumpas ng kanyang lapis na siyang nagdudulot ng hugis at linyang naimprinta sa papel ay unti-unti ring naibubunyag ang mukhang kanyang iginuhit. Nasa mga 40-years old na ito, batay sa bawat detalye ng guhit nito. Maganda ang babeng ginuhit niya at may kahawig din niya ito.Habang abala siya sa kanyang ginagawa, hindi ko rin mapigilan ang mapatitig sa mukha nito. Hindi ko alam pero kahit hindi kami nag-uusap sa sandaling ito ay hindi pa rin ako dinadalaw ng boredom ko gayong madali lang akong ma-bored dahil sa sobrang kadaldalan ko, nage-enjoy akong pagmasdan siyang gumuguhit.Hindi ko na n
Mari’s POVNagmukhang stalker si Zi dahil sa kakasunod niya sa aming dalawa ni Qhuizhia.“Mari, Quizhiah hintay naman,” si Zi. Paika-ika pa itong lumakad-takbo papunta sa gawi namin ni Qhuizhia. Natapilok kasi ito kanina dahil nga sa kakasunod niya sa amin.“Bakit ka ba kasi sunod nang sunod?” tanong ko. Natatawa akong pagmasdan siyang paika-ikang lumalakad papunta sa kinatatyuan namin.“E, sa gusto ko,” sagot niya. Inirapan pa ako nito sabay ngiwi dahil sigiro sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga paa.‘E sa gusto ko’ if I know si Quizhiah ang sinusundan nito. Alam ko karakas mo Zi, hindi naman kasi maitatangi na maganda ‘tong kasama ko.Naghanap muna kami ng bakanteng waiting area para makapagpahinga itong si Zi, sakto namang may isang bakante. Ilang oras pa lamang kaming naka-upo nang magyaya si Zi. “Uy Zhiah, gutom ka na ba? Tara sa cafeteria, libre ko
Zi Shien’s POVAlas otso pa lang ng umaga pero laman na kaming dalawa ni Qhuizhia sa E-library. Dalawa kasi ang library ng school, isang electronic library at iyong may mga physical books na library. Pinilit ko talaga siya na sumama kahit ayaw niya.Agad akong nagtipa sa keyboard ng computer. ‘Alexithymia’ then I clicked the search button. Nang maipakita na ang mga impormasyong nilalaman patungkol sa salitang tinipa ko ng isang site na klinick ko, hindi ko alam pero para bang may sariling buhay ang aking mga mata at agad akong napatingin kay Qhuizhia na ngayon ay nakatitig lang sa harap ng computer monitor. Para talagang may iba sa kanya. Ang hirap niyang basahin.‘Alexithymia (literally ‘no words for feelings’) refers to a person’s inability to identify or verbally describe his or her feelings. The psychiatric syndrome is prevalent in patients with psychosomatic problems, substance abuse, and anxiety disor
Quizhiah’s POV Araw ng Lunes ngayon, unang araw sa week na ‘to pero naka-upo lang ako sa sofa at nagbabasa ng literature book. “Ma’am, ‘di ka po ba papasok sa school?” tanong ni Yaya Emily habang papalapit sa akin dala-dala ang isang baso ng gatas. Inilapag nito ang baso ng gatas sa ibabaw ng round glass table na katabi ng sofa na kinauupuan ko. “Papasok.” sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasang libro. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mukha niya na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin. Balak ko sanang hindi pumasok kaso wala naman akong gagawin dito sa bahay. Tinapos ko muna ang binabasa kong literature book bago ako naligo at nagbihis. Nagpaluto na rin ako ulam kay Yaya para sa breakfast. Tatlong cheesy chicken hotdog at sunny side-up egg ang pinaluto ko sa kanya. Nag fried rice din siya at nagtimpla ng grape juice. “Ma’am, si daddy mo tumatawag sa akin, ba’t daw off ang cell p
Mari’s POVHalos hilahin ko na ang kamay ng orasan at ang pagsikat ng araw para mapadali ang araw sa birthday ni Quizhiah. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya at excitement sa parating na birthday ni Quizhiah. Sino ba naman ang hindi mae-excite e, ang pinakasikat at pinagkakagulohan sa buong campus ang tumulong sa pagplano sa surprise birthday niya. Hindi ko lubos maisip na makakuntsaba ko sila dahil nga sa sikat sila at sino lang naman ba ako para matulongan nila para sa kaibigan ko.Nandito kami ngayon sa paborito naming spot, sa canteen. Halos dalawang oras na kaming nandito, nagplano kami sa mga dapat gagawin para maisakatuparan ang birthday surprise ni Quizhiah sa paparating na Sabado.“Louise, are you sure na gagana ang plano natin?” tanong ni Rhein. Bahagya itong lumingon kay Zi na ngayon ay tahimik lang sa gilid. Si Louise kasi ang nagplano sa surprise birthday para kay Quizhiah pero nag-alinlangan si Rh
Zi Shien’s POV I was preparing for school when a book caught my eyes, agad kong naisip si Quizhiah. Isa itong libro na tiyak makakatulong sa kanyang sitwasyon. Alam kong paunti-unti ay makaka-recover din siya sa Alexithymia. Sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya at lalong – lalo na sa kanyang sarili. Iniisip ko pa lang na magiging okay na si Quizhiah ay napapangiti na ako. Naisip kong tawagan si Quizhiah para sunduin sa kanyang bahay. “Zhiah, are you still in your house?” tanong ko kay Quizhiah. Hindi ito kaagad sumagot at mukhang bagong gising lang ito. Naghintay ako ng isang minuto bago ito sumagot ng matipid. “Yes.” “Good! Wait for me, I’ll pick you up.” Napapangiti pa ako habang sinasabi ang mga linyang ito. Para akong lumulipad sa kalawakan habang iniisip ang idea na isang araw ko na namang makikita at makakasama siya kahit na hindi ito nagsasalita. “No need,” matipid na sagot nito. Napasimangot ako nang marinig ko ang sagot niya. S