Share

Chapter 7

Mari’s POV

Nagmukhang stalker si Zi dahil sa kakasunod niya sa aming dalawa ni Qhuizhia.

“Mari, Quizhiah hintay naman,” si Zi. Paika-ika pa itong lumakad-takbo papunta sa gawi namin ni Qhuizhia. Natapilok kasi ito kanina dahil nga sa kakasunod niya sa amin.

“Bakit ka ba kasi sunod nang sunod?” tanong ko. Natatawa akong pagmasdan siyang paika-ikang lumalakad papunta sa kinatatyuan namin.

“E, sa gusto ko,” sagot niya. Inirapan pa ako nito sabay ngiwi dahil sigiro sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga paa.

‘E sa gusto ko’ if I know si Quizhiah ang sinusundan nito. Alam ko karakas mo Zi, hindi naman kasi maitatangi na maganda ‘tong kasama ko.

Naghanap muna kami ng bakanteng waiting area para makapagpahinga itong si Zi, sakto namang may isang bakante. Ilang oras pa lamang kaming naka-upo nang magyaya si Zi. “Uy Zhiah, gutom ka na ba? Tara sa cafeteria, libre ko, ” si Zi. Una pa itong tumayo at pangiti-ngiting humarap kay Qhuizhia.

Ang kulit-kulit naman talaga ng lalaking ‘to! Tsk!

Si Quizhiah naman ito wala pa ring imik. Honestly ang hirap pong makisama sa taong introvert pero sanay na ako. Nasanay na ang buong sistema ko na makipagpalagayan dito kay Qhuizhia, mabait naman kasi ito, bihira nga lang magsalita. Katulad ngayon, isang blankong tingin na naman ang tanging isinagot nito kay Zi na kanina pa siguro nangagalay ang labi at pisngi kakangiti nito.

“Ako ba Zi, ‘di mo tatanongin?” sabi ko na pangiti-ngiti pa.

“Si Zhiah lang...” Huminto pa ito sa pagsasalita at kunwaring nag-iisip. “...pero sige na nga” dugtong niya.

Sumimangot ako at kunwaring nagtatampo. At isang ngiti lamang ang nakuha ko kay Zi.  “Tara na, baka magbago pa ang isip mo, sayang naman, ” usal ko at naunang lumakad. “Quizhiah, tara na, libre daw ni Zi. Doughnut.” Hinila ko pa si Qhuizhia mula sa kinauupuan niya. Naka-earphones kasi ito kaya malamang wala itong kaalam-alam sa mga pinagsasabi naming dalawa ni Zi.

Nagpatiuna na si Qhuizhia sa paglakad, naiwan tuloy kaming dalawa ni Zi ng mga ilang hakbang sa kanya kaya malaya kaming nakakapag-usap ng hindi niya naririnig.

“Alam mo Zi kahit buong store ng doughnut pa ang ilibre mo kay Qhuizhia, walang effect pa rin yan”, sabi ko. Tumawa naman si Zi ng bahagya at mahina akong siniko nito. “Pero dahil kaibigan na din naman kita, edi, support lang ako sa inyo. Bagay naman kasi kayo,” dugtong ko.

Huminto ito sa paglalakad at kunot-noo niya akong hinarap. Natatawa naman ako sa reaksyon niya, halatang-halata kasing itinatago nito ang nararamdaman kay Qhuizhia, marahil ay naghahanap lang ito ng tiyempo.

“Malisyosa ka e. Alam mo ba?” usal niya. Nagpatuloy ito sa paglakad at tila hinahabol si Qhuizhia.

Hinabol ko siya sa paglakad, “Anong malisyosa? Hoy! I know what your doi’n, ” sagot ko habang nakapamaywang pa.

“Alam mo, kung ano man ‘yang iniisip mo tigilan mo ‘yan. Nakikipagkaibigan lang ako, masama ba ‘yon?” sagot ni Zi.

Sus! Defensive wala pa naman akong sinasabi.

Ngumiti nalang ako, ‘yong tipo ng ngiti na makahulugan. “Sige na nga, basta libre mo rin ako, ” sagot ko.

Tumawa naman siya ng bahagya. “Sige na, sige na,” patango-tangong sagot nito.

“Yes!” masayang usal ko na para bang nanalo ako sa lotto. “Huwag kang mag-aalala, tutulungan kita kay Quizhiah, ”dugtong ko. Tinapik ko pa ang balikat niya. Inabot ko talaga siya kahit sobrang taas nito kaysa akin. At ayun po lumiwanag ang mukha niya.

“Tsk! ” tanging sagot ni Zi.

Nagpatiuna na ako sa canteen, syempre susulitin ko ‘to no! Minsan lang kasi mauntog itong si Zi.

Naiwan ko silang dalawa ni Qhuizhia, ipinaubaya ko muna siya kay Zi, baka kasi bawiin ang libre e. Ang sarap-sarap pa naman ng mga pagkain sa cafeteria . Hindi po ako mataba ha, malakas lang po talaga akong kumain, pero mahina po ang metabolism process ko, kaya medyo payat po ako.

Ilang oras din kaming tumambay sa cafeteria. Sa ilang oras na iyon kahit isang salita na galing kay Qhuizhia, hindi ko narinig. Kaming dalawa lang kasi ni Zi ang nag-uusap, sinasali naman namin si Qhuizhia pero tanging tango at iling lang ang tanging sinasagot nito.

“Mari classroom na tayo, ”si Qhuizhia. Inayos pa nito ang mga gamit niya at naunang tumayo. Mabuti naman at naisipan nitong magsalita, tipid nga lang. Well, ano bang pinagbago e, araw - araw namang ganyan ‘yan.

Nauna itong lumabas ng cafeteria at iniwan kaming dalawa ni Zi. Sumunod nalang kami sa kanya.

“Zi paano ba yan? Iniwan ka na naman, ” pang-aasar ko kay Zi. Nakasimangot kasi itong naglakad sunod kay Qhuizhia.

“Akin na nga ‘yang kinakain mo.” Kinuha nito ang pagkaing hawak-hawak ko at isinubo ito. Mabilis itong lumakad papalayo sa akin.

“Uy teka, pagkain ko ‘yan e! ” sigaw ko. Patakbo ko siyang hinabol para mabawi ang pagkain ko.

Zi Shien’s POV

“Emotions are part of human biology. They are chemicals that help regulate our minds and bodies, assisting us to cope with the complexities of making decisions, interacting with people, and finding our way through life. We feel emotions to help us pay attention, focus our attention and motivate us to action, ” explain ni Rhein. Siya ang naka-assign ngayon na mag present at napili niya ang emotions na topic.

“Emotional awareness helps us know what we need and want (or don’t want!). It helps us build better relationships. That’s because being aware of our emotions can help us talk about feelings more clearly, avoid or resolve conflicts better, and move past difficult feelings more easily.Emotions are powerful forces. They determine our outlook on life based on the events occurring around us. They allow us to empathize with other humans, perhaps to share in joy or in pain. Whichever emotion you feel on a given morning generally shapes how you feel throughout your entire day.”

“Our emotions are like our internal compass, helping us to figure out how a situation makes us feel. This then helps us make decisions about whether we want to be in that situation and allows us to figure out what we do and don’t want in life.”

“According to Kendra Cherry, Psychology Expert, summarized the five main purposes of emotions quite nicely; emotions help us to take action, to survive, strike and avoid danger, to make decisions, to understand others. Moreover, they help other people to understand us. The key Elements of Emotions helps us to better understand what emotions are, let’s focus on their three key elements, known as the subjective experience, the physiological response, and the behavioral response.”

“Subjective experience is...” Hanggang dito nalang ang mga naiintindihan ko sa ini-explain ni Rhein, kanina pa kasi ako antok na antok.

I was about to sleep when I heard our instructors voice. “Did you know, that here are some people who can’t show emotions?” si Prof.  Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at pumunta sa harap namin.

Biglang nabuhayan ang aking sistema dahil sa sinabi ni Prof. Bigla akong nagka-interest na malaman ang tungkol sa sinasabi niya.

Hindi ko alam pero agad kong naisip si Qhuizhia, simula kasi ng mag-transfer siya dito hindi ko pa siya nakikitaan ng anumang emosyon. Siguro ay introvert type lang itong si Qhuizhia pero hindi naman malayong mapabilang siya sa mga taong sinasabi ni Prof.

“Seriously ma’am?” si Louise. Napatingin ito kay Qhuizhia ng ilang segundo at ibinalik din ang tingin sa Professor namin.

“Yes. It is called Alexithymia, ” sagot ni ma’am.

Tiningnan ko ang kabuohan ni Qhuizhia. As usual tahimik ito, pero hindi tulad ng dati na nakikinig ito, ngayon kasi parang wala siyang interest sa topic gayong lahat naman ng nakapaloob sa classroom ay interesado dito.

“Ma’am is it a psychological problem?” tanong ko. Hindi ko mapigilang mag-usisa tungkol sa topic na ito.

“Good question Mr. Zi, but I want you all to search about that. That’s your assignment, ” si Prof. Narinig ko naman ang ingay na mula sa aking mga kaklase na tutol rin sa assignment. Hindi ko man gusto na magkaroon kami ng assignment, pero hindi ko talaga mapigilan na makaalam tungkol dito.

“Ok class dismiss, don’t forget your assignment, ” si Prof.

Nang makalabas na si Prof ay sumunod na lumabas si Quizhiah kasama si Mari. Lumapit naman si Louise sa kanila.

“Quizhiah, sumabay na kayo sa’min sa kotse ko na kayo. I’ll drive you home, ” pagyaya ni Louise. Pangiti-ngiti pa ito kay Qhuizhia.

Madalas ko nang napapansin na panay ang lapit ni Louise kay Qhuizhia. Likas kasi kay Louise ang makipagkaibigan lalo na kapag gusto nito ang ugali ng tao. Sa aming apat na magkakaibigan siya lang pinakapalakaibigan kaya marami ang nagkakagusto sa kanya.

“Salamat, may kukuha sa akin, ” sagot ni Qhuizhia.

Nauna na kaming lumakad papuntang parking lot, kasunod naman namin sina Qhuizhia at Mari. Pagdating namin sa may parking lot ng school, may nag-hihintay na kulay Black na lambourghini.

“Whoa, kanino bang alaga ‘to?” manghang usal ni Rhein.

Sa aming apat si Rhein ang mahilig sa mga world class model na mga sasakyan, kaya naman ganyan ang reaksyon niya.

Lumapit si Rhein sa kotse at inikot ito. Bigla namang tumunog ang kotse. At lumapit dito si Quizhiah, binuksan ang pinto at sumakay. Pina-andar nito ang makina ng sasakyan at binuksan ang pinto ng passenger’s seat at pinasakay dito si Mari.

“Is that yours?” si Rhein na hindi pa rin makapaniwala.

Tanging tango lang isinagot ni Quizhiah at ipinaharurot ang kanyang sasakyan.

“She’s pretty cool huh, ” usal ni Joshua.

Hindi ko alam pero excited akong pumasok, kaya medyo early ako ngayon. Nasagitna ako ng aking paglalakad ng biglang may malakas na bumusina sa likoran ko. Nang lumingon ako dito ay isa pa kang kotse at muntik na akong masagasaan nito, mabuti nalang at nakapag-break pa.  Pinag-commute kasi ako ni daddy para daw masanay ako.

Bumukas naman ang pinto sa may driver’s seat. “Shien sakay na,” walang emotion na sabi ni Zhiah.

Siya pala ang driver sa kotseng malapit ng makasagasa sa akin. Napatitig ako sa kanya. Nakasuot ito ng puting hooded jacket na pinaresan ng long blue jeans at white converse shoes. Nakalugay ang kanyang buhok na bumagay sa outfit niya.

“Shein,” mahina at walang emosyon na tawag niya sa akin. Napabalik naman ako sa aking ulirat.

“Sorry Zhiah, ” usal ko. Ngumiti ako dito.

“I’ll count 123, and I’ll leave you here, ” usal niya. Akma itong magpapa-andar ng sasakyan pero napigilan ko ito. Agad akong sumakay sa may passenger’s seat.

“Zhiah, salamat. ” Nginitian ko siya ng matamis.

“Bakit mo ba ako tinatawag na Zhiah?” tanong niya. Deretso lang sa daan ang tingin nito pero kitang-kita ko pa rin ang bawat anggulo ng mukha nito.

“Ikaw nga e, tinatawag mo nga ako sa second name ko, ” panguso-nguso kong sagot dito.

Lumingon siya sa akin pero as usual walang emosyon. “Sorry, I thought it’s ok, ” mahinang usal niya.

“No, it’s ok, ” sagot ko. Ngumiti na naman ako dito para ipahiwatig na wala akong problema sa pagtawag niya sa second name ko.

Wala siyang salitang nabigkas at tanging tango lang ang ibinigay niya sa akin.

“Zhiah may assignment ka na ba?” tanong ko. Sinadya ko talagang magtanong para may mapag-usapan kami. Nagbabakasakali akong mailabas ko ang matalak na version ni Qhuizhia.

“Wala,” tipid niyang sagot. Hindi na lang ako nangulit, parang hindi niya kasi gustong pag-usapan ‘yon. Ko-kopya lang sana ako, kaso wala siyang assignment

“Shien, ”tawag niya sa akin.

Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot. “Yeah?”

“Bakit ka ba nakikipagkaibigan sa’kin?” tanong niya.

Gusto ko sanang sagutin ang tanong niya pero hindi ko din naman alam. “Bakit, bawal ba?” sagot ko.

“Hindi naman, ” mahinang sagot niya.

Hindi ko gustong maputol ang pag-uusapan namin kaya naghanap ako ng topic ngunit kahit isa wala akong maisip, kaya nagka-idea akong ibalik sa kanya ang tanong sa niya sa akin. “Ikaw, bakit hindi ka nakikipagkaibigan?” tanong ko.

Matagal itong nagsalita, “Bakit, bawal ba?” walang emosyong  sagot niya. Nakapukos pa rin ito sa daan at sa pagmamaniho.

Natuwa akong isipin na sa kabila kanyang mga ipinapakita ay marunong din pala itong makipagbiruan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status