Share

Chapter 5

Zi Shien’s POV

“Quizhiah, any suggestions for our project?” tanong ko habang nakatitig sa kanya.

Nandito kami ngayon sa gym ng school, Physical Education time namin ngayon at kasalukuyan kaming nagpapahinga  galing sa basketball. Lahat ng mata ng mga tao na nakapaloob sa gym nakuha ni Qhuizhia kanina habang naglalaro kami ng basketball. Siya kasi ang napili ng instructor namin na mag-represent sa girls at ako naman sa boys. One on one ang labanan at nakakahiya man na aminin pero natalo ako ng babae. Halos hindi ako makasabay sa mga galaw niya kanina habang nag lalaro kami. Lahat ng lalaki napanganga sa mga galawan niya sa court, at kahit ako na katunggali niya ay hindi rin mapigilan ang paghanga sa kanya.

“Ano nga ba ‘yong topic natin?” tanong niya. Kinuha niya ang cellphone niya galing sa bag niya at tila may kinakalkal sa cellphone niya.

Ito na naman ang mga kilos niyang parang nagpapahiwatig na ayaw niyang makipag-usap sa akin o kahit kaninong tao.

“It’s about psychology facts, ” sagot ko. Nginitian ko siya ng matamis, kahit hindi naman ito nakatingin sa akin.

Tumango-tango lang siya at hindi na umimik, tila nag iisip.

“Ganito na lang ang gagawin natin, let’s present it in a way like a business proposal,” usal niya, nakatingin pa rin ito sa cellphone niya.

Nag isip pa ako ng isang linggo kung anong magandang gagawin sa presentation namin, e mas maganda naman pala yung idea niya. Matalino siya.

“Nice idea sige, ikaw ang mag present at ako ang gagawa ng presentation, ” ani ko at patango-tango pa.

“Hindi. Tayong dalawa ang mag-present, ” mahina at walang emosyon na tugon niya.

At mukhang magkakasundo kami dito sa gagawin namin. Maybe this is the start na magkaka-close kami.

“Okay, got it. ” usal ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang na-mamagnet ang mga mata ko sa kanya.

Wala siyang emotions. Ang mga matang kulay  brown niya ay waring mga talang walang kinang. Ang magandang mukha nito ay tila isang blankong papel.

Ang project lang ang pinag-usapan naming dalawa at pagkatapos ay hindi na siya nagsalita. Kahit tikhim ay wala na akong narinig mula sa kanya. Iyong parang isa siyang robot na limitado ang mga ibinibigkas na salita. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, parang ang daming kulang na piyesa sa kanya.

“Bro, uy Quizhiah nandiyan ka rin pala, ang galing mo palang mag laro ng basketball, ” masayang ani ni Rhein.

“Salamat, ” tugon ni Qhuizhia. Patuloy pa rin ito sa pagkakalkal ng cellphone niya.

“Nga pala hinahanap ka ni Mari, ” usal ni Rhein at umupo sa aking tabi.

“Ah sige, ” tugon ni Qhuizhia. Tumayo siya at lumakad patungo sa gawi ni Mari na ngayon ay naka upo sa bleacher ng gym.

Kusang sumonod ng tingin ang aking mga mata sa pag-alis ni Qhuizhia papunta kay Mari.

Tumikhim si Rhein, “Ano bro, naka pag diskarte ka na ba sa kanya?” pang-aasar na ani Rhein.

“Bro, nag-usap lang kami para sa project, ni hindi nga niya ako kinakausap e, ” sagot ko. Tumawa siya na parang inaasar pa ako.

“Alam mo bro, time will come makikipag-usap din ‘yan sa’yo. Hintayin mo lang na darating ang oras na ‘yon.” ani Rhein. Sinuntok niya ng mahina ang aking balikat.

“E, may sa pagka mailap sa tao ang babaeng ‘yan. Paano ko makakasundo? ” pailing-iling kong tugon.

“Napansin ko nga rin yan e, ” si Rhein habang nakatingin kay Quizhiah na nag di-dribble ng bola sabay...

“Three points!” usal ni Rhein.

‘Kakaiba! ’ sa isip-isip ko.

Ilang araw na akong nag iisip ng magandang presentation, pero wala pa ring pumapasok sa isip ko. Naiinis na talaga ako!

“Quizhiah, wala pa rin akong maisip na magandang presentation e, ” sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

Tumingin lang siya sa’kin at kinuha ‘yong laptop niya. Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig niya.

“Okay lang ba?” tanong ko sa kanya, habang siya ay abalang-abala sa laptop niya. I was worried kasi baka magalit o hindi kaya ay maisip niya na pabaya ako, pero wala akong sagot na natanggap. Tahimik siyang nag ta-type sa laptop niya.

“Tingnan mo, ” tipid niyang sabi. Iniabot niya ang laptop sa akin.

I checked her presentation. It was a professional one, maganda ito pero nakukulangan ako ng emosyon.

“Maganda ang presentation, pero may kulang, ” usal ko habang paulit-ulit na tinitingnan ang bawat presentation sa laptop niya.

Walang emotion niya akong tiningnan. Her eyes were cold.

“Emotions, kulang siya ng emotion. ” Nag-isip ako sandali habang siya ay tahimik lang.

‘At ‘yon ang hindi ko makita sa’yo. ‘ Sa isip-isip ko.

“Ikaw na bahala sa kulang, ” mahinang usal niya.

“Ano kayang magandang emotions ang ilagay natin dito?” tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot galing sa kanya. Tahimik pa rin ito na parang hindi nakikinig sa akin.

“Siguro dapat masaya, di’ba?” dugtong ko.

Tanging ang tunog lang ng lapis sa papel ang nakuha kong sagot, abala kasi siya sa pag-sketch. Magaling siya, may talent pero nakukulangan pa rin ako sa pagkatao niya. Nahihiwagaan ako sa kanya.

Abala ako sa pagmamasid sa bawat galaw ng kamay niya sa obra niya nang magsalita ito.

“Shien, ano bang nararamdaman pag masaya ka?” tanong niya habang patuloy pa rin sa pag-sketch at hindi man ito nag-abalang tingnan ako.

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko naisip na ang taong katulad niya katalino ay hindi alam ang mga basic at simpling bagay na dapat alam ng isang tao.

‘Bakit ba niya tinatanong yan? Siguro ay nagbibiro lang ito, ‘ gusto kong makumbinsi ang utak ko gamit ng mga katagang ito, pero batid kong seryoso siya sa tanong na iyan.

Nawe-weirdohan ako sa kanya marahil ay ngayon lang ako nakatagpo ng ganitong klase ng tao.

Mari’s POV

May presentation ngayon sina Quizhiah at Zi Shien para sa project namin sa psychology. Kanina ko pa pinagmamasdan si Qhuizhia na ngayon ay tahimik lang nakikinig ng music sa earphones niya. Nasanay na akong ganyan siya, walang kausap at tahimik na umuupo sa kanyang upuan. Wala siyang kaibigan maliban sa akin, siguro kung hindi ko pa ipinilit ang sarili ko na makipagkaibigan sa kanya ay hindi rin ito mag atubiling makipagkaibigan kahit kanino. Hindi din ito nakikipag-usap kahit kanino, kahit sa akin na araw-araw niyang kasama sa campus. Malimit lang itong magsalita, bubuka lang mga labi nito kapag sasagot ito sa mga tanong ko at hanggang doon lang.

Nag-umpisa na ang klase at nag-umpisa na ring mag-present sina Qhuizhia at Zi.

“TRANSABLED. Some people cut off their own limbs to become disabled. It makes them comfortable in their own body, ” si Quizhiah na nage-explain sa presentation nila.

“This is one of our psychology facts, that we will be presenting today, ” dugtong niya

Fluent siya sa pagsasalita ng English. Masarap pakinggan ang bawat bigkas nito sa mga salitang english, maganda ang accent nito pero walang pagbabago sa tuno ng boses niya. Matagal ko na siyang napapansin, wala akong nararamdamang emosyon sa kanya at sa bawat pag-uusap namin ay unti-unti na din akong nasasanay.

“Mr. Shein, will you please show some of psychology facts to the class,” si Quizhiah. Nagpalit sila ng pwesto ni Zi. Naka-upo na ngayon si Qhuizhia habang si Zi naman ang nagp-present.

“How you move your body can be an indication of your personality. It is suggested that people have a signature way they move the same way and others that move the same way demonstrates similar behaviour, ” si Zi. Ang ganda ng tandem nilang dalawa. Pareho silang magaling.

Nakikinig ako sa presentation nilang dalawa nang lumapit si Rhein sa kinauupuan ko.

“Mari, ” pabulong na tawag niya sa akin.

“Oh, ano?”

“May napapansin ka ba kay Quizhiah?” tanong niya.

“Bakit?” pabulong ko ring tanong.

“E kasi, parang wala kasi siyang emotions pag nakikipag-usap. Tingnan mo, kahit presentation nila blanko pa rin ang mukha,” paliwanag ni Rhein.

“Siguro ganyan lang talaga siya. Napapansin ko kasing introvert type siya. Dapat na tayong masanay.” Umupo ako ng maayos at ibinaling ang atensyon sa harap.

“Sabi mo, ”kibit-balikat niyang sagot.

Ilang oras ang lumipas at natapos na ang bawat presentations. Lumapit si Rhein sa pwesto namin ni Qhuizhia. “Quizhiah, saan kayo kakain?” tanong ni Rhein.

Hindi sumagot si Qhuizhia kaya ako ang sumagot, “Cafeteria.”

“Sumama nalang kayo sa’min, ” si Zi habang papalapit sa aming tatlo.

Paminsan-minsan kasi kaming sinasama nila upang makasabay kumain. Ito ang dahilan kung bakit medyo close ko silang apat.

Tumingin kaming tatlo kay Qhuizhia. At tanging tango lang ang isinagot nito sa amin bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Zi.

Tahimik lang si Qhuizhia na kumakain ng doughnut. Ito kasi ang madalas niyang niyang bilhin kapag pumunta kami dito sa cafeteria. Madami na kaming pinag-usapan pero kahit isang salita ay wala kaming narinig mula sa kanya.Ilang buwan na kaming nagkakasama dalawa pero wala pa rin itong naiku-kwento sa akin tungkol sa kanya o sa pamilya niya. Ako kasi ang nagku-kwento madalas tungkol sa buhay ko.  Kaya sinasali  namin siya sa usapan nagbabakasakali na magkwento siya pero tango at iling lang ang nakukuha namin sa kanya. Kahit ang pag-ngiti ay hindi nito maibigay sa amin.

Abala kami sa pag-uusap at kanina ko pa namamalayan ang mga titig ni Zi kay Qhuizhia. Mga titig na parang inaakin si Qhuizhia.

“Ahem! ” tikhim ko na siyang nagpahinto sa pag-uusap namin, pero hindi sa pagtitig ni Zi kay Qhuizhia m

Baka kasi bigla-bigla na lang malulusaw ‘tong katabi ko.

“Zi, maganda ba ang view?” mapanghulugang tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay para mapahiwatig sa kanya na tigilan niya ang pagtitig sa babaeng katabi ko.

Isang pilyong ngiti ang nakita ko sa mga barkada ni Zi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status