Share

City lights
City lights
Author: CuteLazyPig

Prologue

Mira's POV

"Agent Carper, on your right!" sigaw ng isa sa mga kasamahan ko sa 'di kalayuan.

Agad kong hinagis ang isang baril ko na walang bala sa aking kanan. Tumama ang baril ko sa ulo ng lalaking susugod saakin na ikina tumba n'ya. Binunot ko sa aking hita ang huling baril na meron ako at agad pinaputukan sa ulo ang lalaking binato ko ng baril.

Napangiwi ako nang magtalsikan ang dugo sa aking direksyon. Tumakbo ako sa isang pader para magtago ng biglang may magpaputok sa akin. Dali-dali akong nagtago at pinapaputukan ang sino mang haharang sa aking daan.

"Where are the team!?" sigaw ko sa Earpiece.

Bakit ang tagal nila dumating!? Kanina pa ako tumawag at hanggang ngayon ay wala pa sila! Makakatakas na ang mga kalaban! Argh! I'm out of bullets now! Kainis!

Agad akong yumuko nang biglang sumabog ang nasa itaas ko. Gumapang ako papunta sa isa pang pader para magtago. Tinignan ko ang paligid ko at nagpasalamat nang makakita ng baril sa 'di kalayuan. 

Kailangan kong makuha 'yun! hindi ako makakalabas hanggat 'di ko sila kayang paputukan! I-trap lang nila ako dito! I need to move!

"Agent Santos, Cover me!" sabi ko sa Earpiece kahit na medyo hingal.

"Copy" sagot n'ya.

Tinapon ko ang walang bala kong baril sa 'di kalayuan. Napangiti ako ng marinig ang putukan doon. Tama ako! Kinuha ko ang opportunidad na iyon para tumakbo papunta sa baril. Narinig ko ang putukan sa kung saan ko hinagis ang baril ko kanina. Narinig ko din ang mga pagsabog.

Kinuha ko ang baril at napangiti nang makitang puno ang bala non. Nagtago ako sa isang drum at nagpahinga saglit.

"Get ready! We're gonna trap them! Position!" sabi ko sabay kasa ng baril.

"Copy"

"Copy"

"Copy" sunod-sunod nilang sagot.

Napansin ko kung paano dahan-dahan tumahimik ang paligid. Alam kong ngayon ay naka pwesto na ang team sa paligid nitong rooftop. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga huhulihin namin pero nasisiguro ko na nandito pa sila. Hindi sila makakaalis dahil bantay sarado ang chopper nila.

"3..." bilang ko.

Lumuhod ako para maghanda sa pagtayo.Pinusisyon ko ang baril ko at naghanap ng kalaban. Napangiti ako nang makita ang madaming lalaking naka itim na naghahanap din. Itinutok ko ang baril ko sa isa sa kanila.

"2..." bilang ko bago hinawakan ang trigger ng baril.

"1..." dahan-dahan kong kinalabit ang gatilyo habang nakangisi.

"Now!" sigaw ko bago pinagbabaril ang mga kalaban.

Nakita kong magsilabasan ang aking mga kasamahan at sunod-sunod na paputukan ang mga kalaban. Lumakad ako at pinaputukan ang sino mang makita kong nakaitim. Sinipa ko ang lalaking biglang sumulpot sa aking gilid habang binato ko ang isa na lilikudan din sana ang isa kong kakampi.

"Argh!" napapikit ako nang may humampas na kahoy sa aking likod. Tinignan ko nang masama ang isang lalaking naka mask at kita lang ang mata at bibig. Hinawakan ko ang dulo ng kahoy bago pinihit iyon. Nakita kong mapangiwi s'ya sa sakit habang ako ay lalo lamang diniinan ang pagkakapihit. Sinubukan n'ya akong sipain sa tuhod pero nauna ko s'yang tuhudin sa sikmura.

Napaluhod s'ya sa aking harapan bago ko s'ya hinampas ng baril sa ulo. Napabuntong hininga ako pagkatapos makita ang nakabulagtang lalaki. "Ang sakit ng hampas mo!" sigaw ko bago tumakbo ulit sa mga kasamahan.

"Nasaan ang target?" tanong ko kay Agent Denver.

Hawak n'ya ang baril habang nagpapaputok pero nagawa n'ya parin akong lingunin. Tagaktak na ang pawis n'ya at ang dumi na rin ng kanyang damit. May mantsa ng dugo sa bandang laylayan na animong may pinatay s'ya nang malapitan.

Pinaputukan ko ang lalaking babrilin sana s'ya sa likod. Nang makita n'ya ang nangyari ay bigla s'yang ngumiwi.

"Papunta daw sa kabilang rooftop. Doon sila susunduin ng pangalawang chopper nila." sagot n'ya.

My eyes widened after I heard his answer! Seriously? ngayon n'ya lang sinabi!? baka makatakas na ang mga iyon! Argh!

Inis akong tumakbo sa gilid ng rooftop para makita ang kabilang building kung nasaan pupunta ang mga may kagagawan nito. Wala pa sila doon! walang tao sa kabilang rooftop kaya ibig-sabihin ay hindi pa sila nakaka tawid!

Dali-dali akong tumingin sa bawat gilid ng rooftop para makita kung nasaan sila. Pinapuputukan ko ang mga tauhan n'ya na hinaharangan ako. Tumakbo ako sa last na gilid nang wala akong makita sa iba pa.

Agad kong pinaputukan ang mga tao na nagbabalak tumawid sa kabilang building gamit ang isang lubid! nakita nila ako kaya agad din nila akong pinaputukan pero nakayuko agad ako. Agad akong tumakbo papunta sa pinto pababa ng rooftop na ito. Nagulat ako nang may humawak sa aking kanang kamay kaya agad akong umikot at hinampas ang batok nito. Bumulagta s'ya sa sahig pero may isa nanamang lalaki ang sumulpot sa aking kaliwa. Tinutok ko ang baril ko doon at pinindot ang gatilyo kaya s'ya biglang napayuko.

Nagugulat kong tinignan ang baril nang walang bala na lumabas doon!

Shit! ngayon pa talaga!

Nakita kong mapangisi ang lalaking naka itim nang makitang wala na akong bala. Agad kong hinagis ang baril at naghanda sa pagsugod nang lalaki. Sinipa n'ya ako sa tyan ngunit nakaiwas ako. Sinubukan n'ya akong suntukin sa tagiliran ngunit naunahan ko s'ya. Bumaba ako at sinipa s'ya sa paa ngunit nagawa n'yang tumalon. Inis ko s'yang tinignan bago tumayo at hinawakan ang isa n'yang braso at siniko ito kaya s'ya napangiwi. Narinig ko naman ang pagkabali nang buto n'ya. Ouch! Sakit non, Mira! but he deserved it, tsk.

Hinampas ko ang leeg n'ya gamit ang aking palad kaya bigla s'yang napahawak doon. Tinignan ko s'ya habang nakangiti bago kumuha ng kahoy at hinampas s'ya sa ulo.

Easy...

Dali-dali akong tumakbo sa pintuan nang rooftop at bumaba. Kailangan kong maabutan ang may pakana nito! Nang makarating ako sa tamang floor ay nagtago ako sa katabing kwarto nila. Dahan-dahan akong naglakad at sinilip sila mula sa bintana. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ngayon na nahihirapan sila makatawid dahil marami silang dala. Hinanap ko ang mastermind pero hindi ko s'ya mahanap!

Where the hell is he!? Hindi s'ya pwedeng makatakas!

Kumuha ako ng bagay na pwede kong magamit. Wala na akong baril kaya kailangan kong mag ingat sakanila. Nakatayo lamang ako at pinakikinggan ang kanilang usapan.

"Mauna kana! Ako na ang bahala sa pera!" rinig kong sabi nang isa sa kanila.

"Oh sige! Magkita na lamang tayo sa kabila" sagot nang isang lalaking boses.

Pinikit ko ang aking mata nang maalala na parang narinig kona ang boses na iyan. Hindi ko matandaan kung kailan pero sigurado akong narinig kona ang boses na iyan. Malalim ang boses na iyon at madiin ang pagkakasalita.

"Guards! Position!" sigaw nang naunang boses.

Napatingin ako sa kabilang building nang makita ang isang chopper na paparating. Nakita ko sa kabilang dulo ng lubid ay wala pang tao. Siguro ay wala pang nakakatawid? ibig-sabihin ay nandito pa ang mastermind! pero sigurado akong hindi ang mga nagsalitang lalaki!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan ng kwartong ito. Sinilip ko sa labas at napabalik muli nang makita na may bantay na sa labas ng kwarto nila. I need to think!

Nagpaikot ikot ako sa kwarto nang bigla akong may masanggi na bagay. Tinignan ko iyon at napangiti nang makita kung ano ito. Agad ko itong pinulot at tinago sa aking likudan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nang kwarto. Kinuha ko sa bulsa ko ang tatlong sleeping pins. Para itong needle na may lason na kapag tumama sa isang tao ay agad itong makakatulog.

Hinanda ko ang sleeping pins at sabay-sabay na hinagis sa tatlong bantay sa pinto. Napangiti ako nang makita na sabay-sabay silang bumulagta nang tumama sakanila ang pins.

Nice one!

Maingat akong lumabas ng kwarto. Naglakad ako papunta sa pader malapit sa pinto. Sinilip ko ang hallway kung mayroon pang ibang tao. Napaatras ako ng may marinig pa akong nag-uusap sa bandang dulo.

May bantay pa!

Sinilip ko ang pinanggagalingan ng boses at nakita ang tatlong guards. Sinilip ko ulit ang bintana at nakita na hindi pa sila nakakatawid! Sinilip ko ulit ang tatlong guards sa dulo at nagulat ako nang makita na nakabulagta na sila.

What happened!?

Dahil doon ay nag doble ingat ako. Baka mayroon pang tao dito bukod saakin! hindi nila ako pwede mahuli dahil masisira ang plano ko! Dahan-dahan akong naglakad papunta sa dulo kung nasaan ang tatlong guards kanina. Hawak-hawak ang nag-iisang sleeping pins sa kamay ko na naghahanda sa pagbato.

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong kaluskos. Doon ako humarap at nag simulang maglakad. Rinig ko ang tibok ng puso ko sa kada hakbang na aking ginagawa. Malapit na ako sa isang paliko nang may marinig nanaman ako sa aking kaliwa kung nasaan akong kwarto kanina.

Nagulat ako nang makita na bukas na ang pinto non kahit sinara ko ito kanina. Lumingon ako sa aking paligid at pinakiramdaman ang lahat. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kwartong pinasukan ko kanina.

Isang hakbang na lamang ang kailangan para tuluyang makapasok nang biglang may humigit sa braso ko papasok sa loob kasabay ng pagbukas ng pinto sa tabing kwarto kung nasaan ang kalaban.

Hawak-hawak n'ya ako sa bunganga para pigilan ako sa aking pag-iingay. Sisikuhin ko na sana s'ya sa tagiliran nang bigla s'yang magsalita..

"Wala ka paring pagbabago" ani nang boses sa aking likod.

Unti-unti kong nababa ang aking kamay kasabay nang pagharap ko sa kanya. Nalaglag ang aking panga nang makumpirma na s'ya nga iyon!

"Anong ginagawa mo dito!?" sabi ko at tsaka ko s'ya tinaliman nang tingin.

Napangiwi s'ya saglit bago ngumiti saakin.

"I'm here to help you, obviously" sabi n'ya at nginiwian ako.

Sisikmurahan ko na sana s'ya nang natatawa s'yang umilag.

"I miss you, Mira" bigla n'yang sabi na nakapagpatahimik saakin.

Tinignan ko s'ya sa mata. Napangiti ako nang maalala ang titig n'yang iyan na ilang linggo kong hindi nakita.

"Nate..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status