Share

Chapter 40

Seen

Mira's POV

I was too stunned to move. Namamalik-mata lang ba ako? Totoo ba ang nakita kong babae kanina?

Hindi ako makagalaw dahil sa pinagsamang gulat at kaunting takot. Bakit s'ya nandito? H-hindi kaya totoo ang mga sinabi nila sa HQ?

"What are you doing? They are on the 4th floor" Nate whispered behind me dahilan para magkaroon ako ng lakas na gumalaw at lingunin s'ya.

Nang makita ang itsura ko ay nangunot ang kaniyang noo. "Are you okay? What's wrong?" tanong n'ya pa.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa nararamdaman ngunit nang maisip ang pakay namin sa lugar na ito ay doon lamang ako tuluyang natauhan.

"I'm sorry. I was about- I-am..Sorry"

Hindi ako makatingin dahil hindi ko matanggap na nagkakaganito ako ngayon! On our mission! 

Huminga ako nang malalim. Pinanood n'ya akong gawin iyon. Tinignan n'ya ang oras at nag-bago ang kaniyang reaksyon.

"You need to stay focus, Mira. We need to finish this, okay?" Hinawakan n'ya ako sa kamay bago hinila pasakay ng elevator.

He mouthed something but the door is already closing kaya hindi ko na naintindihan pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status