Share

Chapter 44

Paris

Mira's POV

"We're going to france!?" gulat kong sigaw sa loob ng opisina ni Tom.

Tumango s'ya at tinignan si Nate. "He knows what to do" sabi n'ya pa.

Tinignan ko naman si Nate bago ngumiwi. Whatever!

"So, kailan tayo aalis?" tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Tom.

"Tomorrow along with Agent Denver and the others" sagot n'ya.

Napa-palakpak naman ako dahil sa tuwa. Halata naman ang kabadong mukha ng dalawa. Tumingin ako kay Tom para sana mag-paalam na ngunit inunahan na n'ya ako.

"Okay, you may go shopping" sabi n'ya.

Masaya naman akong tumayo at kumaway pa kay Nate bago mabilis na lumakad papunta sa office ni Kia. Kumatok ako at binuksan ang pinto.

Nasa loob s'ya at tila nag-type. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nang makita ako ay napangiti agad s'ya. "Shopping?" tanong n'ya.

Natawa naman ako dahil sa mga inaasta nila. They really know me well, Huh?

"Let's go! I'm so excited to buy some clothes!" sabi ko at hinigit s'ya sa braso.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status