Partners
Mira's POV
"But I don't want to! ayoko magkaroon ng partner! I can do it alone. I have been the top Agent for almost 4 consecutive years, Kia! I don't need someone to help me" pag-rarant ko kay Kia.
She's my bestfriend here in SAC. She's currently in ranked 8. Matalino s'ya when it comes to bombs and other explosive weapons. Magaling s'ya mang hacked katulad ko at halos kasabay ko lang s'ya pumasok dito sa SAC.
Ngayon ay nakaupo kami sa sarili kong room. No one is allowed to enter here except her. Dahil sa magkakasunod na taon nang pagiging ranked 1 ko ay ginawan na nila ako ng sariling kwarto dito sa SAH. Masaya naman ako dahil hindi kona kailangan na umuwi sa condo ko dahil alam ko din na hindi na ako safe doon.
Sa dami ng missions na natapos ko ay hindi na maganda na basta-basta na lamang ako lumalabas. I always observe the surroundings when I'm outside the Headquarters dahil hindi ko alam kung sino ang pwedeng sundan ako.
"Mira, you need to accept it! Kailangan mo ng tulong sa mission mo ngayon dahil galing na nga sa Officers na delikado ang mission mo! Kung hindi ka papayag sa gusto nila ay baka ito na ang maging last mission mo bago ka namin paglamayan!" sagot ni Kia habang nakaupo sa harap ko at nakain ng chips.
She's right! Ito ang pnaka delikadong misyon na gagawin ko sa buong buhay ko! Ang kakalabanin ko ay ang pinakamalaking group na nagpapasimuno ng mga illegal na gawain at maraming connection kahit sa gobyerno!
My life is now 50/50. I know that accepting this mission will be my end but I don't know. Mas na excite pa ako nang malaman ko ang mission ko. Pero nawala ang kasiyahan ko nang malaman na may ipapadala silang Agent para maging partner ko!
Wala ba silang tiwala sakin? Nagawa ko ng maayos ang halos lahat ng binibigay nilang misyon saakin! I always accomplished my missions properly and now? bibigyan nila ako ng alalay? What the hell!
"I don't need anyone, kia. Baka maging abala lang ang magiging partner ko kung sakali" bored kong sabi at nakikuha sa kinakain n'yang chips.
"You don't need or you just don't want?" biglang sabi ni Kia at tsaka binaba ang chips sa table at diretso akong tinignan.
"Listen, Mira. I know that what happened years ago keeps hunting you until now. I didn't know what exactly happened but I know that you're still hurt." mahinahon n'yang sabi.
Napaiwas naman ako ng tingin at napabuntong hininga nang mapagtanto ang kaniyang sinasabi. Napangiti ako sa kawalan nang masagot. She's right. I'm still hurt.
"That night...Naaabutan ka ng team na nakahandusay sa sahig at duguan. Kahit na nakapikit ka ay hindi mo parin binibitawan ang hawak-hawak mo. Alam kong may malalang nangyari nung gabing iyon, Mira. Hindi mo lang masabi dahil natatakot kang balikan."
Napayuko ako at sandaling inalala ang pangyayari years ago. Sa isang mission kung saan nagkaroon ng ambush sa kung nasaan kami. Wala kaming ibang kasama doon kundi ang mga ka team ko. May mga armadong lalaking dumating at tinutukan kami ng baril.
We are all drunk that night but we manage to fight back. Sinibukan namin silang kalabanin pero hindi namin kinaya. Nabaril ang tatlo sa kasamahan ko at nakatakas naman ako at dalawa ko pang kasamahan. Nkalayo kami sa bar pero at nakatago pero naabutan parin kami ng mga kalaban.
Hindi ko kayang balikan ang sandaling iyon dahil alam kong iiyak nanaman ako. Ang gabing iyon ay paulit-ulit na bumabalik saakin. I have to choose between my team mates. I don't have a choice!
"You're right. May nangyari noong gabing iyon na labis na nagwasak saakin, Kia" sagot ko habang may nagbabadyang luha sa aking mga mata. Tinignan lamang ako ni Kia na parang sinasabi n'ya na okay lang kahit hindi ko sabihin.
"Natatakot ka, Mira" sabi n'ya.
Napatango-tango ako habang tumutulo ang luha. Hinawakan n'ya ang kamay ko bago n'ya ako hinila at niyakap. Hindi ko alam kung anong gagawin ko non. Parang naulit lamang ang pangyayari noong nawala ang aking mga magulang.
Siguro nga ay natatakot ako. Pero hindi ko dapat iyon ipakita dahil baka ang takot na iyon ang magpahamak saakin. Kailangan kong magpakatatag. Hindi ako pwedeng maging mahina dahil buhay ko ang nakasasalay dito.
"Natatakot kang maulit ang lahat, right? but listen to me. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukang magtiwala muli. Kailangan mong mag risk. Naniniwala ako na ang magiging partner mo ay hindi lang basta-basta kundi mapagkakatiwalaan din"
"But what if hindi? What if he's just like him? What if ganon din ang gawin n'ya saakin? Ayoko na maulit ang nangyari dati, Kia!" sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap sakanya.
Tinignan n'ya naman ako habang tumatango. Kumuha s'ya ng tubig at inabot saakin iyon. Ininom ko naman iyon bago bumuntong hininga.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan"
Pagkasabi n'ya non ay eksaktong ring nang kanyang cellphone. Tinignan n'ya muna ako bago tumayo at sinagot ito. Tumayo na din ako at sinimulang maghanda. Inayos ko ang aking sarili sa paglabas. Hindi nila ako pwedeng makitang mahina dahil ako ang tinitingala nila.
Naghilamos muna ako at nagbihis bago nagpasya na lumabas ng kwarto ko at pumunta sa taas na floor kung nasaang ang mga Officers. Nagpaalam na saakin kanina si Kia na kailangan n'yang umalis dahil may kailangan s'yang puntahan.
Ngayon ay naglalakad ako magisa sa hallway habang ang mga nadadaanan kong Agents ay napapatigil para lamang magbigay ng respeto saakin. I'm used to it. Everday kong nararanasan ang ganito. Noong unang taon ay ang awkward sa pakiramdam na titigan ng mga kapwa mo Agents pero nasanay na ako.
Walang ibang kumakausap saakin dahil tingin nila ay sobra kong strikto dahil sa ugaling pinapakita ko sakanila kapag nag trabaho. Walang emosyon ang mukha ko tuwing naglalakad at laging diretso ang aking tingin. Tanging si Kia lang ang nakakakita ng kakaibang side ko. Wala na din naman akong balak ipakita iyon sa iba.
Mahirap magtiwala sa mga taong nakakasalamuha mo lamang. Hindi mo alam kung kailan ka nila tatraydurin at hindi mo alam ang mga iniisip nila kapag nakatalikod ka. In this job, ang pagtitiwala ang pinaka mahirap ibigay. Kahit pa partner mo ang kasama mo.
"Agent Carper!" tawag ni George. S'ya ang isa sa mga Officers dito.
Naglakad ako papunta sa kwarto kung nasaan s'ya. Aabutan n'ya sana ako ng isang basong kape pero umiling ako. Kakatapos ko lang magkape bago umalis ng kwarto. Baka mahirapan nanaman akong matulog nito mamaya.
"Asaan si Officer Tom?" tanong ko.
Umupo ako sa vacant seat na nasa tabi ni Officer George. Tinignan n'ya naman ako na para bang tinatanya n'ya ang aking mood. Nang makitang wala ako gaano sa mood ay tinuro n'ya agad ang kwarto kung nasaan si Officer Tom.
"Kanina pa sila nasa loob" sabi ni Officer George bago humigop ng kape.
Nangunot naman ang noo ko dahil doon. Sila? Sinong sila?
Parang nabasa ni Officer George ang nasa utak ko kaya s'ya na ang sumagot.
"Kasama n'ya ang Agent na magiging partner mo" sabi n'ya.
Napatayo naman ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat. What the hell? I don't remember na sinabi kong payag akong magkaroon ng partner! I don't need it!
"What!? Hindi ako pumayag!" sigaw ko kay Officer George kaya nagugulat naman s'yang napatayo at unti-unti akong pinapakalma.
"It's final, Agent Carper. You have a partner now! Whether you like it or not!" sabi ni Officer George.
Padabog ko namang hinampas ang table na ikinatapon ng kape n'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin at alam kong natakot s'ya dahil doon. Umubo s'ya kunwari bago nag iwas ng tingin.
"H-hindi ako ang may kagagawan non, Agent Carper." kabado n'yang sabi.
Napairap ako sa kawalan dahil sa inis. Argh! kainis!
"Call Officer Tom, now" sabi ko sa nakakatakot na boses.
Hindi naman gumalaw sa kinatatayuan n'ya si Officer George kaya binalik ko ang aking tingin sakanya. Nakita kong nagdadalawang isip s'ya sa kung anong gagawin. Hindi n'ya alam kung susundin n'ya ako o hindi.
"I said call Officer Tom!" sigaw ko na nagpagalaw sakanya para tumakbo palabas.
Padabog naman akong naupo ulit sa aking upuan at hinilamos ang kamay sa mukha. Hindi ko kailangan ng partner! Hindi ba sila makaintindi? Gosh!
Ilang minuto akong naghintay hanggang sa dumating na si Officer George kasama si Officer Tom. Halatang hindi alam ni Officer Tom kung bakit ko s'ya pinatawag.
"I don't wanna have a partner" diretso kong sabi.
Napabuntong hininga s'ya bago tinignan ako na para bang sinasabi n'yang wala na akong magagawa.
"Its final. Wala ka ng magagawa, Agent Carper. Nandito na ang partner mo" sabi n'ya.
Inis naman akong napatayo ulit at sinamaan sila ng tingin. Nakita kong umatras si Officer George habang natahimik naman si Officer Tom.
Hays! Hindi ito magiging madali, Mira. Mukhang wala ka na ngang magagawa pa.
Bumuntong hininga ako bago tumayo at kinalma ang sarili. Humawak ako sa baywang ko at tinaasan sila ng kilay.
"Nasaan s'ya? I want to see him" sabi ko sa matigas na tono.
Kinausap naman ni Officer Tom si Officer George at pinatawag ang magiging partner ko. Naghintay kami ng ilang sandali hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto.
"He's here" si Officer George.
Unti-unting nag angat ng tingin ang matanggad na lalaki at binigyan ako ng pilyong ngiti. Umirap naman ako sabay upo sa aking upuan. Inikot ko ang upuan ko at bored silang tinignan na nakatayo.
Mukhang napansin naman ni Officer Tom na naiinip na ako kaya nag salita na s'ya.
"This is Nate Velasquez. Galing s'ya sa isang Corporation and He's the ranked 1 among 1200 Agents there" pagpapakilala ni Officer Tom.
Napa angat naman non ang gilid ng labi ko. Ranked 1, huh? Let see then.
"Agent Velasquez, this is Agent Carper. She's the ranked 1 here." si Officer George.
"Ranked 1, huh? Let see" sabi ko bago bumunot ng baril.
Nagugulat naman akong tinignan nila Officer Tom at George sa biglaan kong ginawa habang tinignan lamang ako ni Nate na parang wala s'yang interest. Itinutok ko ang baril sa kanyang d****b pero hindi man lang s'ya gumalaw.
"Ganyan ka pala mag welcome ng partners mo? hmm" sabi n'ya at unti-unting ngumiti.
I smirked at him before pulling the trigger. Napasigaw s'ya sa sakit nang bigla s'yang tamaan sa kanang braso.
"Welcome, My partner!" sabi ko bago ngumisi at pinanood sila Officer na alalayan s'ya.
Cat and dog Mira's POV "Ah shit!" madiin ang pagkakahawak ni Nate sa table habang ginagamot ang sugat n'ya. We're still in the office with Tom and one of the medic. Nakataas ang isa kong kilay habang pinaglalaruan ang ballpen. Nakaupo ako sa table habang pinapanood si Nate na gamutin ng medic. Gusto ko humalakhak dahil sa mga d***g n'ya habang ginagamot. I know. It hurts so much. Nabaril na din ako dati nang ilang beses at masasabi ko na masakit talaga iyon lalo na kapag ginagamot ka ng gising. "Be careful!" napasigaw s'ya sa medic ng madiinan nanaman nito ang sugat. Napangisi ako dahilan para mabaling saakin ang atensyon n'ya. He licked his lips before letting out a heavy sigh. Nag-iwas s'ya ng tingin sa direksyon ko. Tumayo ako at lumakad para lampasan s'ya ng pigilan n'ya ako sa kamay. Nilingon ko s'ya at tinaasan ng isang ki
Arrival Mira's POV Naglalakad na kami ngayon sa private airport ng Organization. Dala ko ang bag ko at iilang gamit. Tinitigan ko lamang si Nate na mahirapan sa dala n'ya dahil sa may benda n'yang braso. Napansin n'ya ang titig ko kaya napabaling s'ya saakin. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay dahilan para mag-iwas s'ya ng tingin. Napangisi ako dahil doon. Naglakad ako papalapit sa pwesto n'ya. Nang madaanan ko s'ya ay kinuha ko ang isa n'yang bag bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa plane na sasakyan namin. Tinignan ko s'ya mula sa likudan ko at nakita na nakatulala lamang s'ya. Tss. Pumasok ako sa loob ng plane at binigay ang gamit namin sa flight attendant na kasama namin. Dumiretso na ako sa upuan ko at umupo. Nakapikit lamang ako at pinakikiramdaman ang paligid. Naramdaman kong gumalaw ang katabi kong s
Black Card Mira's POV "Want some?" Nate asked while holding some chips. Umiling ako dahilan para mabalik s'ya sa kaniyang pwesto. Nahilot ko ang aking paa dahil sa sakit nito. Kanina pa kami naghihintay dito sa tapat ng isang bar. Ito ang bar na pinakamalapit sa hotel at ang pinakamalaking bar dito sa lugar na ito. "Bakit ka kasi nag heels? saan ka ba sa tingin mo pupunta?" singit ni Nate dahilan para samaan ko s'ya ng tingin. Hindi ko din alam kung bakit ko ba naisipan na mag heels. Ang alam ko kasi ay pupunta kami sa isang bar at ang akala ko ay sa loob mismo pero mali ako dahil hindi pala kami papasok! Ang sasakyan na gamit namin kanina ay umalis na din. Walang malapit na shops sa bar kaya heto kami ngayon at nakatayo habang nagtatago. "It's been 3 hours, Nate! wala ka bang balak gawin?" inis kong sabi.
Cover up Mira's POV We're now watching the footages from the four cameras we left around the bar. Nakaupo si Nate sa higaan ko habang pinapanood sa laptop ang nangyayari, habang ako ay nakaupo sa isang upuan at nahigop ng kape. Kanina pa kami nanonood sa nangyayari sa Bar ngunit wala talaga kaming mahanap na kakaiba. Naibaba ko ang mug ko nang mangunot ang noo ni Nate habang nanonood. Tumayo ako at pumunta sa tabi n'ya para tignan ang nangyayari sa Bar. Pag silip ko ay nakita ko ang isang Gray na sasakyan na huminto sa entrance ng parking lot. Napatingin ako kay Nate na tutok na tutok sa panonood nang nangyayari. Tinitigan ko ang kuha ng Camera hanggang sa may mapansin kaming kakaiba. "I knew it!" usal ni Nate. Tinignan ko s'ya ng seryoso dahilan para tignan n'ya din ako. Ilang segundo kaming nagtitigan ha
Mr. and Mrs. Mira's POV "Hurry up!" I shouted infront of his room. Kanina ko pa s'ya hinihintay. Bihis na bihis na ako habang nag hihintay sakaniya. Seriously? S'ya pa ang hihintayin ko, ah. Nakakahiya naman talaga, Nate! Nag-hihintay na ang sasakyan namin sa lobby. It's almost 6 pm! Tumataas talaga ang dugo ko sakaniya. Nang sa wakas ay bumukas ang pinto ay agad ko s'yang binatukan. Napa-lakas iyon dahilan para makuha namin ang atensyon ng dumaan na tao. Ngumiti ako sakanila at hinimas kunwari si Nate sa braso. "Bakit ba ang tagal mo? It's almost 6!" pagrereklamo ko sakaniya. Napa kamot s'ya sa kaniyang leeg dahil doon. Inayos ko ang damit ko bago nauna sa paglalakad. Pumasok ako sa elevator at sumunod naman s'ya. Inayos ko ang mga gamit ko na dala ko. Bukod sa purse ay may mga gami
Memory Mira's POV Tinanggal ko ang suot kong heels. Hinilot ko ang paa ko bago tumalon sa kama.Nakakapagod! Kakauwi lang namin ni Nate galing sa Bar na iyon. Grabe ang pagod ko at tinatamad na akong tumayo! Kinuha ko ang Laptop ko at sinaksak doon ang flashdrive na naglalaman ng mga kuha kanina sa Bar. Pinasa ko ito sa Laptop para ma review ko bukas. Tinatamad na talaga ako ngayon kaya bukas nalang. Pagkatapos kong ipasa lahat ng kuha ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag linis ng sarili. Inabot ako ng ilang oras dahil naka-idlip na pala ako sa tub, buti at nagising ako dahil nilalamig na ang katawan ko. Nag-bihis ako ng aking damit at lumabas na nang bathroom. Pagkalabas ay naabutan ko si Nate na nasa kama ko at may kinakalikot saaking Laptop. "Why are you here, Agent Velasquez?" I said with irr
Great Night Mira's POV Sinuot ko ang aking jacket dahil sa lamig. Lumabas ako ng kwarto ko at nag-lakad na papunta sa elevator. It's 9:00 pm. Maaga pa kaya lalabas muna ako. Mayroong malapit na store sa labas ng hotel. It's a 24/7 convinience store. Tinignan ako ng guard nang makita na lalabas ako. Ngumiti s'ya saakin at tumango bago ako pagbuksan ng pintuan. Nagpasalamat ako bago tumuloy sa pag-lalakad. Wala na gaanong tao sa labas. Gabi na din kasi. Ang tao nalang na nakikita ko ay ang mga taong galing sa trabaho at nag-titinda na pauwi na. Tumawid ako sa kalsada. Kaunti nalang din ang sasakyan kaya hindi ako ganon kahirap na nakatawid. Naglakad ako papasok sa store. Pagpasok ay wala gaanong tao. Ang cashier at dalawang lalaki lamang ang nandoon. Sinimulan ko ang paghahanap nang ma
Something's not right Mira's POV "I told you, Mira. We can go there tomorrow and not right now! May sugat ka pa." he calmly said. Tinignan ko s'ya nang masama. Nakabihis na ako kaya kailangan namin matuloy! And we only have 3 days to finish this mission bago bumalik sa manila kaya hindi na dapat kami nag-aaksaya ng oras. Inaayos ko ang damit ko sa salamin, medyo nasikipan ko ang sa bandang tagiliran ko kaya medyo napadaing ako sa sakit, Dinoble ko naman ang benda doon para hindi mahalata. "We need to go, Agent Velasquez! We don't have time to rest. Kailangan na natin malaman ang time and location ng deliveries para mapigilan natin sila bago tayo umuwi sa manila." Lumakad ako papunta sa higaan para mag-suot ng sapatos. Napasapo s'ya sa noo dahil sa katigasan ng ulo ko. Tinignan n'ya ang ng diretso bago ngumiwi at nag-lakad palaba