"Chase!" Malakas kong sigaw habang patuloy n'ya pa rin akong hinihila.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayare ay halos hindi ko na masundan kung bakit naririto ako sa sitwasyong ito. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakalugmok ngayon si Ricko. Gustuhin ko man s'yang lapitan at tignan ang kalagayan n'ya ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Chase sa kamay ko.
Hindi ko maiwasang mapadaing dahil sa bawat minutong lumilipas ay pahigpit ng pahigpit ang hawak n'ya sakin. Nasasaktan na ako at feeling ko ay mababali n'ya pa ang kamay ko sa uri ng pagkakahawak n'ya dito.
"Chase! Ano ba! b-bitawan mo nga ako!" Inis kong sigaw sa kan'ya at sinubukan kong kalasin ang mahigpit n'yang pagkakahawak sa akin.
Hindi n'ya ako pinansin at patuloy lang akong hinila sa kung saan. Unti-unting nagngilid ang mga luha sa kamay ko dahil sa ginagawa n'ya. Ano bang nangyare at bakit ganito ito umasta? Parang ibang Chase ang naririto ngayon, nakakapanibago at parang hindi ko kilala ang isang ito.
"Chase! Chase, ano ba?! sabi ng nasasaktan ako... aray!" Hindi ko na maiwasang mapadaing ng malakas dahil sa biglaang paghila n'ya sa akin. Dahil sa biglaang paghila ay malakas na tumama ang katawan ko sa katawan n'ya.
Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa pinaghalong sakit at inis dahil sa pagkakahawak n'ya. Matulis ang naging pagtingin ko sa kan'ya, sinisigurong malalaman n'ya kaagad na galit ako sa mga pinag-gagagawa n'ya. Ngunit ganon na lamang ang panghihina ko ng makita ang walang katumbas na galit sa kan'yang mga mata. Pansin ko rin ang pagiging tense ng katawan n'ya at mabilis rin ang paghinga n'ya. Parang nagtitimpi pa ito sa mga oras na ito at sinusubukang pigilan ang sariling magwala dahil maraming tao ang naglalakad ngayon sa labas ng hotel.
"Chase, bitawan moko! N-nasasaktan ako." Pakiusap ko sa kan'ya, ngunit hindi pa rin ako nito pinansin. Tuloy ang matalim nitong titig sa akin na nagpabigay sa akin ng kaba sa dibdib. Natatakot ako, hindi ko alam kung bakit pero parang ibang tao ngayon ang nasa harapan ko.
"Did you have fun? Rolling with him when you just met him the other night?" Iyon kaagad ang bungad n'ya sa akin. Kaagad na kumunot ang noo ko at lito sa naging sinabi n'ya. Hindi ako kaagad na nakapagsalita at pinoproseso ko pa sa utak ko ang mga sinabi n'ya.
"A-ano?" Iyon lamang ang naging sagot ko sa kan'ya. Hindi ko s'ya maintindihan. Anong pinagsasasabi n'ya? Nababaliw na ba s'ya?
"Playing dumb, I see." Umigting ang panga n'ya at mas lalong nag-pakita ang galit sa mga mata n'ya. Ramdam ko rin ang kaunting panginginig ng katawan n'ya dahil sa nangyayare.
"A-ano?... anong sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?" Akala ko ay sasagutin n'ya pa ako dahil sa sinabi ko, ngunit muli n'yang hinuli ang kamay ko at hinila nanaman ako sa pangalawang pagkakataon.
Sinubukan kong pumiglas, hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayare. Nababaliw na s'ya, hindi ko s'ya maintindihan at natatakot na ako sa mga maaaring mangyare. Ilang minuto rin ang tinagal ng paghila n'ya sa akin bago kami nakarating sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan n'ya. Mas lalong tumindi ang pagnanais kong makawala sa kan'ya. Ayoko! hindi ako sasama sa kan'ya.
"Chase, ano ba? hindi ako sasama sayo! bitawan mo nga ako!" Inis na sigaw ko sa kan'ya habang pilit n'ya akong pinapapasok sa sasakyan n'ya.
"Don't test my patience, Liyan! It's wearing thin." Malalim ang pagkakasabi n'ya sa mga salitang ito.
"No! Don't test my patience, Chase! hindi lang ikaw ang napupuno! How dare you punch Ricko? wala naman s'yang ginagawa sayo, Ricko needs me at hindi ako sasama sayo." Sinubukan ko s'yang lampasan upang balikan si Ricko, ngunit hindi pa man ako gaanong nakakalayo sa sasakyan n'ya ay nagulat na lamang ako ng bigla na lamang akong umangat sa ere.
"So stubborn! Don't say I didn't warn you!" Malakas kong pinagpapapalo ang likuran n'ya habang sinisigawan n'ya. Gago! I hate him! para akong naging sako ng bigas dahil sa paran n'ya ng pagbuhat.
"Chase, Ibaba moko, hindi ako sasama sayo! Ricko needs me!" Paulit-ulit ang naging sigaw ko sa kanya. Para na akong sasabog sa sobrang inis at galit sa mga ginagawa n'ya. Hindi ko na nagugustuhan ang mga ginagawa n'ya.
"Chase, Ibaba moko---"
"Stop resisting, Liyan! I won't let you get back there. He must be satisfied now that he already has a taste of you!" Nagpantig ang mga tenga ko sa narinig sa bibig ni Chase.
Hindi ako makapaniwalang nasabi n'ya ito mismo sa akin. Anong akala n'ya? na ganon lang ako kadaling makuha? na basta-basta ko na lang binibigay ang sarili ko sa taong kakakakilala ko palang? Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko ng marinig ang mga salitang iyon. Parang isa itong kutsilyong direktang tumusok sa puso ko.
Nanginig ang mga kamay ko at tuluyan na akong kinain ng galit at inis sa kan'ya. Kasabay ng pagbaba n'ya sa akin sa nakabukas n'yang kotse ay mabilis na lumipad ang palad ko sa pisngi n'ya. Kaagad s'yang napabaling sa kanan dahil sa sampal ko. Gustuhin ko man s'yang intindihin pero sumosobra na s'ya, masyadong na s'yang nagiging mapanakit.
"Hindi ako gaanoong babae, Chase! Alam mo yan." Galit kong sinabi sa kan'ya.
Mahina man ngunit sapat na iyon para marinig n'ya ang bawat diin sa mga sinabi ko. Imbes na humingi s'ya ng tawad ay tanging sarkasamong tawa ang narinig ko. May mapang-uyam itong ngiti sa mga labi habang matalim pa rin ang mga titig sa akin.
"I used to think that, Liyan. But seeing you two laughing at each other while being sweet... It seems na mali pala ang iniisip ko." Muling nagngilid ang mga luha sa aking mga mata.
Kanina pako nagpipigil ng inis at galit ko. Hindi ko inaakalang magagawa nya sa akin ito. Hindi ko inaakalang masasabi n'ya sa akin ito. Sobrang sakit ng mga salita n'ya na unti-unti akong nadudurog. Bumibigat ang dibdib ko sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kan'ya, nawalan ako ng mga salitang maaaring sabihin. Ang sakit palang insultuhin ang pagkatao ko, dahil lang sa isang misunderstanding na nangyayare.
"How dare you say that to me! I'm not a slut---"
"Yes you are, Liyan! You are a slut---" Muling lumipad ang palad ko sa mga pisngi n'ya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinaulanan s'ya ng mga sampal. Sobrang sakit, naging masagana ang pagtulo ng mga luha sa aking pisngi. I hate him! I really hate him!
"I'm not a slut! how dare you, Chase! I'm not a slut! Take it back! Take it back!" Hindi ako tumigil sa pagsampal sa kan'ya. That was the last straw of my patience. Sumosobra na s'ya. Below the belt na ang sinabi n'ya without knowing the situation. I hate him for hurting me like this.
"Liyan! Stop. Fuck!" D***g n'ya sa tuwing lumalapat ang palad ko sa pisngi n'ya. "Take it back! take it back!" patuloy ang pasugod ko sa kan'ya habang umiiyak pa rin. I'm trembling, sobrang galit at inis na lamang ang s'yang nararamdaman ko.
"I said stop it!" Sigaw n'ya at hinuli ang mga kamay ko. I tried to fight back at him at magpatuloy sa pagsampal sa kan'ya, but he was too strong for me. Nahuli n'ya kaagad ang mga kamay ko.
"Take it back, Chase! I'm not a slut! Hindi ako ganoong babae! I hate you---" Naputol ang iba ko pang sasabihin nang bigla na lamang s'yang dumukwang at inangkin ang mga labi ko.
Nagulat ako sa ginawa n'ya. Saglit akong naestatwa sa ginawa n'ya, ngunit mabilis ko ring nailayo ang mukha ko sa kan'ya at nandidiri s'yang tinignan. Muling lumipad ang palad ko sa pisngi n'ya dahilan ng pagtagilid ng ulo n'ya.
"Dont. Kiss. Me! I hate you!" May diin ang bawat salitang sinabi ko.
Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang kamay kong nabitawan n'ya kanina. Akmang iiwan ko s'ya sa parking lot ngunit sa sobrang bilis ng pangyayare ay naramdaman ko nalang ang paglapat ng likod ko sa backseat ng sasakyan n'ya at muli nanaman n'ya akong hinahalikan. Saglit s'yang tumigil at tumitig sa akin, kitang-kita ko sa mga mata n'ya ang panganib na hindi ko pa nakikita noon.
"Your'e mine, Liyan."
Bouquet of Flower's"Ms. Kandeliyan Anastasha Perez?" Agad nalipat ang paningin ko sa lalaking delivery boy ng tawagin n'ya ang pangalan ko."Ako iyon." Sagot ko sa kan'ya ng tumapat s'ya sa desk ko."Good afternoon Ma'am. May delivery po sa inyo." Aniya at inilapag ang isang bouquet ng bulaklak sa desk ko. Agad nangunot ang noo ko at kinuha ang bulaklak na ideneliver sa akin."Kilala mo ba kung sino daw ang nagpapabigay?" tanong ko sa kan'ya habang inaamoy ang tumpok ng rosas."Hindi ho ma'am ea." aniya sabay abot sa akin ng papel kung saan ako magpipirma. Nang mapirmahan na ay agad itong nagpaalam at umalis. Habang ako naman ay tinignan ang maliit na papel na kasama ng bouquet.Smile for me, let your smile be the one to complete my day. --Anonymous.Napangiti ako at kahit hindi ko kilala ang nagbigay ay napanatag pa rin ang loob ko. Inilagay ko sa gilid ng mesa ko ang bouquet at nagpatuloy uli sa mga papers na pinapagawa sakin ng boss ko. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ak
RoomPagod akong umupo sa desk ko ng makabalik kami dito sa kompanya. Nakakapagod ang magbyahe at magpabalik-balik lalo na pag-naiipit pa sa traffic. Kinuha ko kaagad ang baso na binigay sakin ni Chase at itinapat sa water dispenser. Guminhawa ang pakiramdam ko at nabawasan din ang init sa katawan ko ng makainom ako ng malamig na tubig. Matapos uminom ay nagpahinga ako saglit.Mabuti na lang at malamig dito sa labas ng office ni Mr. Dela Fuente, mayroon kaseng aircon na talagang pinasadya para sa mga secretary para hindi mainit. Nagpalipas ako ng isang minuto bago ko napag-pasyahang ipagpatuloy ang mga tatapusin ko sa araw na ito. Kinuha ko ang tumpok ng mga papel na kailangang pirmahan ni Boss. Kumatok ako sa opisina n'ya ng tatlong beses bago pumasok."Sir you need to sign these papers." Agad kong inilapag sa mesa n'ya ang mga papeles na kailangang pirmahan.Hindi naman marami iyon at kayang kayang tapusin bago matapos ang working hour. Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya at sini
Weird. "Bilisan mo Chase!" Sigaw ko sa kan'ya habang naliligo s'ya sa cr. Mabilis ang mga galaw ko at halos hindi na ako magkanda-ugaga sa paghahanap ng mga gamit ko. Tumingin ulit ako sa orasan at halos takbuhin ko na ang kwarto ko para makuha na ang bag ko. Tinignan ko ng masama si Chase ng lumabas s'ya sa cr ko. Naka shorts na s'ya at toples naman sa itaas. Agad akong napatulala ng makita ko ang abs n'ya. Maganda ang katawan ni Chase at aakalin mong palaging nasa gym dahil na rin sa mga muscles n'ya, Samahan pang bagong labas lang s'ya sa cr ko. Basa pa ang buhok at tila isa itong modelo habang nagpupunas ng basang buhok. Agad kong pinigilan ang sarili kong tumitig sa maganda n'yang katawan. Kailangan ko ng makapasok sa trabaho ko! Gusto ko na s'yang sabunutan dahil parang wala s'yang pakeelam na tinutuyo pa ang buhok n'ya samantalang ako'y hindi na magkanda-ugaga para lang makapagbihis dahil late na ang pagpasok ko. Kasalanan n'ya ang lahat ng ito. Sinabi ko na sa kan'yang ma
Coincidence. Napaungol ako nang ininat ko ang nananakit kong likod. Marahan kong minasahe ang leeg ko dahil kanina pa ako nakayuko o hindi naman ay papalit-palit ng tingin dahil kailangan ko ring mag-take notes sa katatapos lang na meeting ni Mr. Dela Fuente. Mabuti na lang at huli na ito ngayon. Tinignan ko ang oras at malapit na palang matapos ang working hours ko. Inisip ko kaagad ang mga papeles na hindi ko natapos kanina. Nai-distribute ko na rin ang mga papeles na natapos ko kahapon maging ang mga papeles na napapirmahan na kay Mr. Dela Fuente. Marami naman na ang natapos ko kanina pero sa tingin ko'y wala pa iyon sa kalahati. Napapa-iling-iling nalang ako dahil balak ko pa naman sanang magpuyat mamaya dahil mayroon akong inaabangang movie sa N*****x. Mabilis ang naging pagtayo ko sa upuan sa conference hall ng company ni Mr. Dela Fuente ng makitang nakipag-kamay na ito sa ka-meeting nito. Saglit pa ang mga itong nag-usap at ginamit ko naman iyong pagkakataon para ayusin ang m
Struggles. Muli kong pinikit ang mga mata ko at nagpahinga muna sa byahe. Malayo pa ako sa Quezon at sinamahan pang naabutan pa ng traffic. Ayaw ko mang buksan ang phone ko dahil baka ay mayroon nanaman text si Chase ay binuksan ko pa rin. Baka kase malate ako dahil sa traffic. Hanna: I Just want to inform you na baka malate ako, heavy traffic. I compose, sakto namang pagka-send ko ng text ko kay Hannah ay tumunog nanaman ang phone ko dahil sa isang message na galing kay Chase. Ayoko sanang buksan pero bigla na lang itong nagpop-up sa notification kaya aksidente kong napindot. Chase: Liyan, where are you? Nasa harap ako ng Company ni Ethan. He said na wala na raw tao sa taas dahil nakapatay na raw lahat ng ilaw pagkabalik n’ya sa office n’ya. For the second time ay muli nanamang umikot ang mga mata ko sa inis. He’s asking me now kung saan ako matapos ako nitong sigawan at paghintayin nong lunch. I want to slap him! Ayoko pa naman sa lahat ay iyong nagagalit ako gayong pagod ako
Let's Talk. Humihikab pa akong lumabas ng kotse ni Hanna matapos ako nitong ipahatid sa driver n’ya. Gustuhin ko man sanang magpaalam kay Athan bago ako umalis kanina ay minabuti kong wag na. He’s still sleeping at alam kong mamaya pa ang gising. Nakakatuwa dahil kahapon ko lamang nakilala ang bata pero parang ang tagal na naming magkakilala. Ngayon palang ay namimiss ko na agad si Athan. I should buy him toys, at tatawag na rin ako kay Hanna to check up on them. Miss na miss ko ang babaeng iyon at sino nga namang mag-aakalang uuwi itong may-anak na. Napailing nalang ako sa naiisip ko, tinignan ko ang oras sa suot kong relo. I’m ten minutes late, but it’s okay. Siguro kung hindi ko lang nalaman ang naranasan ni Hanna sa pamilya ni Mr. Dela Fuente, siguro ngayon ay lakad-takbo na ang nagawa ko makaakyat lang sa office ni Mr. Dela Fuente. “Good morning Ma’am, late po ata kayo?” Iyon agad ang bungad sa akin ni manong guard habang nag log-in ako sa log book nito. “Malayo pa po kase
His reason. “She was my new secretary, I hired her out of pity, but she’s the one to blame for why I didn’t show up yesterday.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Chase. As a secretary, alam ko kung gaano kahirap ang posisyong ito. Knowing Chase, siguradong ang katamaran nito ang naging dahilan kung bakit hindi sya dumating kagabe. “I knew you wouldn’t ask why but I’m still going to say it. I’ve been busy lately doing my job as a CEO of my father’s company. As much as possible I wanted to go home after I finish reading and signing all the important documents dahil I’m planning on inviting you to a party. I know Ethan also has an invitation sent by Ms. Andrada. Though it was exclusive only for us bachelor’s but I’m still planning on inviting you.” Mahabang alintana nito. Gustuhin ko mang mapatango sa mga sinasabi n’ya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. He’s still not done explaining himself, gusto ko ay bago ako mag react ay nakapag-explaine na ito. “The reason why I didn’t show up
Crush. Two days have past since pinilit ako ni Chase na tanggapin ang sorry n’ya. Sa tuwing naiisip ko ang pangyayareng iyon ay napapailing nalang talaga ako. Kailan kaya ako mananalo sa lalaking ‘yon? Simula noon ay palagi na rin s’yang nagtetext sa akin at kahit hindi ko nasasagot ang iba ay nagmemessage pa rin ito. Balak ko sanang sabihin sa kan’ya noong nakaraang araw kung saan ako nagpunta at sino ang mi-neet ko noong gabing iyon, pero dahil sa masyadong busy ang kumpanya ay wala akong nagawa kundi pabalikin na s’ya sa sarili n’yang kumpanya. Nabalik lamang ako sa tamang huwisyo ng marinig kong tumunog ang phone ko. Kaagad kong kinuha ang phone ko at hindi na nagulat na galing ‘yon kay Chase. Chase: You should throw that bouquet. Iyon ang laman ng message nito sa akin. Napailing nalang ako at hindi pinansin ang mensahe n’ya. As usual ay mayroon nanaman akong natanggap na bouquet kaninang umaga. The sender is still using Anonymus as his name. Hindi na ako nagtangka pang ma