Share

Chapter 3

Weird.

"Bilisan mo Chase!" Sigaw ko sa kan'ya habang naliligo s'ya sa cr.

Mabilis ang mga galaw ko at halos hindi na ako magkanda-ugaga sa paghahanap ng mga gamit ko. Tumingin ulit ako sa orasan at halos takbuhin ko na ang kwarto ko para makuha na ang bag ko. Tinignan ko ng masama si Chase ng lumabas s'ya sa cr ko. Naka shorts na s'ya at toples naman sa itaas. Agad akong napatulala ng makita ko ang abs n'ya. Maganda ang katawan ni Chase at aakalin mong palaging nasa gym dahil na rin sa mga muscles n'ya, Samahan pang bagong labas lang s'ya sa cr ko. Basa pa ang buhok at tila isa itong modelo habang nagpupunas ng basang buhok. Agad kong pinigilan ang sarili kong tumitig sa maganda n'yang katawan. 

Kailangan ko ng makapasok sa trabaho ko! 

Gusto ko na s'yang sabunutan dahil parang wala s'yang pakeelam na tinutuyo pa ang buhok n'ya samantalang ako'y hindi na magkanda-ugaga para lang makapagbihis dahil late na ang pagpasok ko. Kasalanan n'ya ang lahat ng ito. Sinabi ko na sa kan'yang mag alarm s'ya kagabi pero hindi n'ya ginawa. Akala ko tuloy ay maaga akong magigising ngayon pero pagkakita ko kanina ng oras ay halos magmadali na akong makaligo at makapag bihis.

"Good morning." Nakangiti n'yang bati sa akin bago lumapit sa aking closet. Mas lalo kong sinamaan ng tingin ang malapad n'yang likod habang kumukuha s'ya ng susuotin n'ya doon.   

Anung maganda sa umaga h*******k ka?! 

Gusto ko sanang isigaw iyan pero hindi ko na tinuloy. Ayoko ng mas lalo pang sirain ang araw ko dahil lang sa lalaking ito. Napailing na lang ako ng maalala kung bakit nga ba mayroon s'yang mga damit sa closet ko. Ang dahilan lang naman n'ya ay dahil daw malapit lang ang condo ko sa kompanya n'ya kaya minsan ay dito na s'ya natutulog. Pero hindi kagaya kagabi, sa sala ko s'ya pinapatulog. 

Hindi ko nga lang alam kung bakit dito s'ya sa kwarto ko natulog at talagang sa kama ko pa talaga. Pinilit ko s'yang doon na sa sala ngunit hindi n'ya ako pinansin at nagdahilan na hindi raw kasya ang paa n'ya sa sofa ko. 

"Ang aga-aga busangot ka kaagad? tatanda ka ng maaga n'yan." Nabalik lamang ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang boses n'ya. Nagpasalamat ako ng makitang nakabihis na rin ang damuho. Mas lalo lang sumama ang umaga ko dahil sa sinabi n'ya. 

"Kasalanan mo yon! Alam mo? Sa susunod hindi na kita papayagang matulog pa dito. Malalate lang ako ng dahil sayo." Pagmamaktol ko at nagmamartsang lumabas ng kwarto ko. 

Tuloy ay hindi na ako nakapagluto pa ng almusal naming dalawa. Hindi ko na lamang pinansin ang pagkalam ng sikmura ko. Wala akong oras para kumain ngayong umaga, kailangan ko ng pumasok. Inayos ko lamang ang pagkakatali ng buhok ko at naglagay rin ako ng pink na lipstick na bumagay naman sa labi ko at hinintay na si Chase.

Masama pa rin ang tingin ko sa kan'ya ng lumabas s'ya sa kwarto ko. Naayos na n'ya ang buhok pati na rin ang suot n'ya. Mukhang tao na s'ya ngayon ulit, ngunit pinaningkitan ko s'ya ng mata nang makitang tabingi ang necktie n'ya. Hindi n'ya iyon alam kaya naman kahit na inis ako sa kan'ya ay tumayo ako at lumapit sa kan'ya para ayusin ang necktie n'ya. 

Agad kong nakuha ang pansin n'ya ng tumayo ako at nagulat ng makitang inaayos ko ang necktie n'ya. Wala naman s'yang sinabi ngunit ramdam na ramdam ko ang titig n'ya sa akin. Wala sa sariling tumingin din ako sa kan'ya. Agad na tumama ang mga mata ko sa kulay asul n'yang mga mata. Matagal ko ng alam na talagang maganda nga ang mga mata n'ya, ngunit tila mas lalo pa itong gumaganda kapag tinititigan. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kan'ya, narealize ko lang iyon ng d*****g s'ya.

"M-mahigpit yong necktie." Aniya at hinawakan ang kamay ko na may hawak ng necktie n'ya. Napakurap-kurap ako at tila hindi ko pa naproseso ang sinabi n'ya ng ilang saglit, ngunit agad din akong natauhan at inalis ko ang mga kamay ko sa necktie n'ya. Inirapan ko s'ya at natawa ng kaunti. 

"Bagay lang iyan sayo." Sabi ko at agad na tumalikod sa kan'ya. Nawala ang ngisi ko ng makatalikod ako at napalitan iyon ng kaguluhan ng maramdaman kong mabilis ang tibok ng puso ko. 

 Anung nangyare? 

Umiling ako at isinawalang bahala ko na lang iyon at kinuha na ang bag ko. Nauna na akong lumabas ng condo ko at hinintay rin s'yang makalabas. Agad kong isinara ang condo ko at sabay kaming dumiretso na sa elevator. Tinignan ko ang relo ko at halos mapapikit na lang ako ng halos sampong minuto na akong late. 

"Saan tayo kakain?" Basag n'ya sa katahimikan. Kunot ang noo kong nilingon s'ya. 

"Hindi na ako kakain. Late na ako at wala akong oras na kumain. Kung gusto mo ikaw na lang ang kumain." Ani ko sa kan'ya at tumingin uli sa harapan. 

"You're not going to eat?" Hindi ko s'ya pinansin. Nagsalubong ulit ang kilay ko at napasimangot lalo. 

"Sinong may kasalanan? kung nag alarm kalang kagabi edi sana naipagluto pa kita." Sabi ko sa kan'ya ng hindi s'ya tinitignan. 

"You're going to cook for me?" Tila hindi pa s'ya makapaniwala sa narinig n'ya. 

Hindi na lang ako umimik at mabilis na lumabas ng elevator. Mabuti na lang at nakahanda na ang kotse n'ya. Agad akong pumasok sa passenger seat at nag seatbealt habang s'ya naman ay umikot pa papunta sa driver's seat. 

"I'm going to eat lunch with you again. Wag ka ng bibili sa canteen nyo. dadalhan na lang kita mamaya." Aniya na ikinatango ko naman. Mabuti nalang at ilang minuto lang ang itinagal ng pagdadrive n'ya. Nakarating agad ako sa kompanya.   

"Later." Ani ko at nagmamadali ng pumasok. 

Nag-login lang ako saglit at tinakbo na ang distansya ng elevator. Nag-iisip na ako ng pwede kong maipalusot ngayon. Pagkarating ko sa last floor ay inilapag ko lang saglit ang bag ko sa desk ko at kumatok na sa office ni boss. 

"Good morning boss, sorry I'm late. Nagka emergency lang po kase." Pagdadahilan ko kahit na wala namang emergency. As usual ay wala nanaman s'yang sinabi kaya binuklat ko na lang iyong notebook ko at binasa ang schedule n'ya para sa araw na ito. 

"Wala naman po kayong meeting ngayong umaga Sir, pero mamayang hapon po ay may dalawa kayong meeting. You have a meeting with Mr. Jackson at 3 pm. After that you have a meeting with Mr. Ty at exactly 5." Ani ko sa kan'ya at napakunot ang noo ko ng makita ang apelyido ni Chase. Siguro ito iyong Business na pinag-uusapan nila noon. Napatango-tango na lamang ako at tumingin uli sa boss ko. 

"Ok, Thank you." Aniya. 

Tumango lamang ako sa kanya at ini-excuse ko na ang sarili ko. Mabuti na lamang at kahit tipid ang pagsasalita ng boss ko ay hindi ito mainitin ang ulo. Kung hindi ay baka kanina pa ako nasisante. Napabuntong hininga ako ng makaupo na ako. 

Tambak nanaman kase ang mga papeles sa lamesa ko na nanggaling sa iba't ibang department. Napabuntong hininga pa muna uli ako bago ko kinuha ang tumpok ng mga papeles at sinimulang basahin isa isa. Sinigurado kong inihiwalay ko ang mga papeles na galing sa mga departamentong nagpasa ng mga ito para hindi na magulo pa ang mga iyon. Hindi ko na rin inabalang tignan ang mga papeles na natapos ko kahapon. Mamaya ay ididistribute ko na rin iyon sa mga departamentong nagpasa ng mga dokumento. Hinihintay ko na lang kase 'yong mga pinapirmahan ko kay Mr. Dela Fuente. Hindi ko alam kung ilang oras na ang nagdaan. Basta ang alam ko'y kanina pa ako nagbabasa at nag a-arrange ng mga papeles na papapermahan ko nanaman kay boss.

Mabuti na lang at dalawa lang ang meeting ngayon ni boss at mga hapon pa iyon. Inunat ko ang mga kamay ko ng tumigil ako saglit. Masakit ang likod ko at maging ang mga mata ko'y naluluha na rin dahil sa kanina pa ako nagbabasa. Sumandal ako sa likod ng upuan ko. Ipapahinga ko lamang iyon ng saglit.  Makalipas ang lang minuto ay dumilat ako at tinignan ang mga papeles na kasalukuyan kong binabasa. Kaagad akong napabuntong hininga at tinignan ang mga papeles na nasa desk ko pa rin. Dalawang departamento palang ang natatapos ko. Inuna ko na iyong marami para mabilis din akong matapos.

Muli akong bumalik sa pagtatrabaho at inabala uli ang sarili ko. Baka bukas ko na matapos iyong iba. Sa sobrang dami ng mga iyon ay alam ko ng hindi ko matatapos ang mga iyon sa araw na ito. Ngunit sinigurado kong iiwan ko nalang mamaya iyong mga kaunting ipinasa ng ibang departamento. Para iyon nalang ang tatapusin ko bukas. Saka lang ako ulit tumigil ng kumalam na naman ang sikmura ko.  Agad akong tumingin sa orasan at nakitang tanghalian na pala.

Akma na sana akong tatayo para makapunta na sa canteen at makabili na ng pagkain ng maalala kong dadalhan nga pala ako ni Chase ng pagkain ngayon. Sa isiping iyon ay agad kong inayos ang mga papeles na tapos ko na basahin sa loob ng malaking durabox ko. Ang iba namang hindi ko pa natapos ay ibinaba ko muna at ipinatong sa isa ko pang mas maliit na lamesa. 

Kinuha ko ang alcohol sa drawer ko at inispray iyon sa lamesa ko. Kailangang maging malinis iyon dahil doon kami kakain mamaya. Nang matapos iyon ay napagpasyahan kong hintayin na si Chase. Gutom na gutom na ako at hindi ako nakakain ng almusal kanina. Tumunog ang cellphone ko sa bag. Tanda na mayroong nagtext sa akin. Agad ko iyong kinuha at binasa ang message.   

Unknown number:  

I'm sorry for not giving you your flowers today, Miss. 

Kumunot ang noo ko ng mabasa ang mensahe. Sino ito? Paanu n'ya nakuha ang number ko? Nagtataka man ay nagtype ako ng message. Tatanungin ko lang kung sino at paano n'ya nakuha ang number ko.  

Me:  

Who are you? At paano mo nakuha ang number ko? 

Agad ko iyong sinend sa kan'ya at naghintay ng ilang saglit sa reply n'ya. Ngunit minuto na ang nagdaan ng wala pa rin s'yang reply sa akin. Kunot ang noo kong binalingan uli ang cellphone ko. Sino kaya iyon? at paanu n'ya nakuha ang number ko? Kilala ko ba s'ya? paanu n'ya ako nakilala? at isa pa ay nag so-sorry ito dahil wala daw itong naibigay na flowers sa akin.

S'ya ba si Mr. Anonymous na packaging nagbibigay sa akin ng bouquet tuwing umaga? Sa isiping iyon doon ko lang nalala na wala ngang nagdeliver ngayon ng flowers sa desk ko. Mabilis kong hinanap ang bouquet na binigay nito kahapon. Nasa itaas iyon ng maliit na locker ko. Mariin kong tinignan ang bulaklak. Isa ba ito sa mga ka-office mate ko?

"Earth to my baby!" Nabalik lamang ako sa huwisyo ko ng may biglang sumigaw.  Agad akong napahawak sa dibdib ko at kabadong tinignan ang sumigaw. Agad na bumungad sa akin ang malaking ngisi ni Chase habang may dalang dalawang paper bag. 

"A-anu yon?" takang tanong ko sa kan'ya ng hindi ko narinig ang sinabi n'ya. Masyado akong naging okupado sa pag iisip sa unknown number na iyon. 

"Let's eat." Aniya na umiiling pa sa akin. 

Tumango na lamang ako at tinignan ang mga pagkaing inilalabas n'ya. Bumalik ang gutom ko at halos maglaway ako sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa ko. Katulad ng dati n'yang ginagawa ay kinuha n'ya ang monoblock na palagi n'yang inuupuan sa tuwing kumakain s'ya dito. 

"This is for you." Ani ni Chase at ibinigay sa akin ang paper plate na mayroon ng pagkain. 

Mukhang masarap iyon at sa gutom ko ay nauna na ako kay Chase na kumain. Tuloy ay hindi ko na natanong kung anong pagkain iyon. Naging magana ang pagkain ko dahil sa sobrang gutom. Si Chase ang palaging naglalagay ng ulam sa plato ko, hindi na ako nagreklamo at hinayaan nalang sya sa ginagawa n'ya. Nabitin pa ako dahil agad kong naubos ang kanin ko. Dahil sa sobrang bitin ng kinain ko'y napagpasyahan kong bumili nalang ng kanin sa canteen. Akmang tatayo na ako para bumaba ng pigilan ako ni Chase. 

"Where are you going?" Takang tanong n'ya sa akin. 

"Bibili ako ng kanin. Kulang iyong kanin ko." Ani ko sa kan'ya. 

"You don't have to." Aniya sa akin at mayroong kinuha sa paper bag na dala n'ya. 

"Pinasobrahan ko na iyong kanin na binili ko. Alam ko kaseng magkukulang satin yung kanin." Aniya at inilabas ang apat na plastic ng kanin. 

Agad n'yang binigay sa akin iyong dalawang plastic ng kanin. Nagpasalamat ako sa kan'ya dahil tinatamad din akong bumaba para bumili ng kanin. Nagpatuloy uli kami sa pagkain. Halatang gutom kaming dalawa dahil hindi kami kumain ng pang umagahan. 

"Did you throw it?" Napatingin ako kay Chase ng magsalita s'ya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.   

"Ano?" Takang tanong ko sa kan'ya. 

"Yung bulaklak." Aniya na agad ko namang naalala. 

Oo nga pala at naiwan ko kahapon dito ang bulaklak. Agad ko iyong hinagilap. Nakita ko iyon na nasa itaas ng mini locker ko. Tumayo ako at kinuha iyon. Ibinigay ko iyon sa kan'ya na agad naman n'yang kinuha sa akin. Tumayo s'ya upang itapon iyon sa basurahan. Hinayaan ko lang s'ya dahil hindi ko rin naman kilala kung sino ang nagbigay niyon sa akin. 

"Happy?" Tanong ko sa kan'ya ng makabalik s'ya at makaupo sa harapan ko.

"Yeah." Nakangiti n'yang sagot sa akin na ikinairap ko lang. Para s'yang bata na ngayon lang pinagbigyan. Inaway pa ako kahapon dahil hindi ko agad natapon iyong bulaklak na binigay sa akin.

"You're weird." Ani ko sa kan'ya na isinawalang bahala n'ya lang. Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. Well gusto ko rin iyon dahil ayoko ng maingay kapag kumakain at alam n'ya iyon. 

  ***

Snitchue

Hallooo, hope you like this story.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status