Share

Chapter 5

Struggles.

Muli kong pinikit ang mga mata ko at nagpahinga muna sa byahe. Malayo pa ako sa Quezon at sinamahan pang naabutan pa ng traffic. Ayaw ko mang buksan ang phone ko dahil baka ay mayroon nanaman text si Chase ay binuksan ko pa rin. Baka kase malate ako dahil sa traffic.

Hanna:

I Just want to inform you na baka malate ako, heavy traffic.

I compose, sakto namang pagka-send ko ng text ko kay Hannah ay tumunog nanaman ang phone ko dahil sa isang message na galing kay Chase. Ayoko sanang buksan pero bigla na lang itong nagpop-up sa notification kaya aksidente kong napindot.

Chase:

Liyan, where are you? Nasa harap ako ng Company ni Ethan. He said na wala na raw tao sa taas dahil nakapatay na raw lahat ng ilaw pagkabalik n’ya sa office n’ya.

For the second time ay muli nanamang umikot ang mga mata ko sa inis. He’s asking me now kung saan ako matapos ako nitong sigawan at paghintayin nong lunch. I want to slap him! Ayoko pa naman sa lahat ay iyong nagagalit ako gayong pagod ako sa pagtatrabaho.

Binalingan ko ang cellphone ko, I can see na he’s typing something. Hindi ko na hinintay pang mabasa ang sasabihin n’ya. Sinilent ko ang phone ko para hindi marinig ang sound ng darating na notification.

I closed my eyes once again para naman makapag-pahinga habang papunta ako sa meeting place namin ni Hanna. I’m excited at the same time kabado rin dahil mayroon daw itong ipapakilala.

Iyon ang iniisip ko hanggang sa huminto ang taxi sa harap mismo ng restaurant na kakainan namin ni Hanna. Nagbayad lang ako saglit at bumaba na. Kaagad akong pumasok sa loob at sinalubong ako ng isang waiter.

“Ms. Kandeliyan Perez?” He said my name to confirm if it’s me.

“Yes.”

“This way ma’am.” Kaagad ako nitong giniya papunta sa mga private rooms ng restaurant.

Sumunod lang ako dito hanggang sa huminto ito sa room VIP 3. Pinagbuksan kaagad ako nito ng pintuan.

“Thank you.” I simply said at pumasok na kaagad sa loob. Malawak ang naging ngiti kong sinalubong si Hanna, ngunit kaagad na napako ang mga mata ko sa batang katabi n’ya na kumakain ng pasta.

My smile suddenly fade as I walk to their table. Halos manlake ang mga mata ko nang mapansing medyo may hawig ang bata, I even blink numerous times dahil baka namamalikmata lang ako.

Ngunit ganon na lamang ang pagsinghap ko nang mapagtantong hindi ako namamalikmata. The boy is a carbon copy of my boss. Napatakip na lamang ako ng bibig sa gulat.

Tila natakot ko ata ang bata dahil sa singhap ko, kaagad itong yumakap kay Hanna at nagtago sa likod n’ya. I looked at Hanna, she was smiling at me. Alam na nito agad na marami akong katanungan na naiisip.

Hindi na ako nagsayang ng oras, tumabi kaagad ako kay Hanna habang inaalo ang anak nitong kamukhang-kamukha ni Mr. Dela Fuente.

“Athan, don’t be afraid. It’s Tita Liyan. Remember tita Liyan?” She asked her son na nagtatago pa rin sa likod n’ya.

“Yes momma, she’s your friend. Just like Tita Faith.” Diretsong sagot ng anak nito.

Napataas ang kilay ko sa narinig. He even knows Faith, but how come na walang nababanggit sa akin si Faith about dito? Humarap sa akin si Hanna na tapos na yatang aluin ang anak n’ya. Malawak ang ngiti nito at tila nasisiyahan pang naguguluhan ako sa nangyayare.

“Sorry Liyan, mas naunang nameet ni Athan si Faith kesa sayo.” Hannah said.

Kumunot ang noo ko sa babaeng ‘to. So nauna na palang mameet ni Athan ang tita Faith n’ya at hindi man lang nito sinabi sa akin na may anak na pala ang babaita. I was supposed to roll my eyes at her but I didn’t. Instead ay tinignan ko ang anak n’yang si Athan na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

“Hi Athan, It’s me, Tita Liyan.” Malaki ang ngiti kong pinakilala ang sarili ko. Kaagad naman itong umalis sa pagkakahawak kay Hanna at umamba sa akin na magpabuhat. Kaagad kong binitawan ang bag ko at tumayo para mabuhat ang bata.

Gosh! I can’t deny it, the genes are so strong. Ang gwapong bata ni Athan. Parang nakatingin ako ngayon sa batang version ni Mr. Dela Fuente. I giggle, as soon as I lift him ay yumakap kaagad ito sa akin. Gumanti rin ako ng yakap at kaagad kaming naglarong dalawa.

Tuloy ay nakalimutan na nitong mayroon pala itong kinakain bago ako dumating. Hindi namin hinayaang magambala kami sa pagpasok ng mga waiter dala ang mga inorder ni Hanna. Saka lang nahinto ang paglalaro namin ng sawayin na kami ni Hanna dahil nakahanda na ang mga pagkain.

“Momma, can I play later? With tita Liyan?” Athan said matapos s’yang kunin sa akin ni Hanna.

“Yes, you can play all you want, but let’s eat first okay?” Tumango si Athan bilang pag sang-ayon sa Mama n’ya. Kumain kami habang sinusubuan ni Hanna si Athan, doon ko lamang naitanong ang mga dapat kong itanong kay Hanna.

“Is this the reason why umalis ka ng pinas noon?” I asked her. Kaagad na tumuon ang atensyon n’ya sa akin matapos subuan si Athan.

“Part of my reason.” Sagot nito sa akin. Bumaling ito sa anak nitong maganang kumakain sa tabi n’ya.

“Athan, baby? Can you please feed yourself muna? Momma want’s to talk to Tita Liyan.” Paalam nito sa anak. Kaagad namang tumango si Athan at inagaw na kay Hanna ang cute na kutsara nito.

Sabay kaming natawa sa ka-kyutan ni Athan. Muling bumaling sa akin si Hanna and this time ay alam kong nasa akin na ang buong atensyon n’ya.

“I didn’t tell anyone about my relationship before with Ethan.” Panimula n’ya. “It was hard pero kinaya ko. I love him even though his parents doesn’t want me for their son.” Gulat akong tumingin sa malungkot na ngayong mga mata ni Hanna.

“Nakilala ko s’ya noong malapit na tayong grumaduate. He’s a bachelor and already running his parent’s company. Mataas ang expectations nila sa kan’ya. They even want him to marry one of their colleagues daughter para lang sa business nila, but he doesn't want that. Ayaw n’yang ma-arrange sya, just like what happened to his parent.” Muli itong huminto at sumulyap sa anak n’ya.

“We didn’t plan on having a baby. Ayaw nila sa akin dahil nanggaling ako sa mahirap na pamilya. Isa pa ay katatapos ko lang ng collage at wala pakong napapatunayan, but he fight for me. He fight for our love, he choose to fight our relationship sa pamilya n’ya to the point na halos matanggal na s’yang successor nila. It’s difficult for both of us. I tried not to feel guilty sa tuwing tinatanggihan n’ya ang mga proposal ng mga gustong ipakasal sa kan’ya ng mga magulang n’ya.” She tried to stop her tears from falling habang pasulyap-sulyap kay Athan.

“I tried so hard to prove myself, I tried pleasing them, I even became their private maid para lang matanggap nila ako, but they didn’t. I was hopeless, I tried to hold on tight every time they would humiliate me in public. It was so hard, I almost lost my life dahil sa mga pinaggagagawa nila.” Naikuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang pamumuo ng mga luha sa mata ko.

I didn’t know, I didn’t know she’s suffering so much before. I didn’t know it until just now. Hindi ko inaakalang ganon ang magiging karanasan nito. How could them? How can they do that? She’s so presious, she’s competent and smart. She’s so strong.

“Ethan assures me everything is fine. Kahit na alanganin ako ay pinili kong paniwalaan s’ya. I pretended nothing was wrong. I chose to close my eyes for the first time when I noticed his changes. I just thought na nahihirapan lang s’ya sa company nila. I turned a blind eye every time he chose work over me.I pretended It did not bother me at all, but deep inside me, I was breaking me. It hurts seeing the man I love lose his interest in me. I thought he was different, but in the end, he chose to betray me and forget everything about his promises. I was heartbroken. I tried to call and win him back, but he didn't budge. On the day of my twenty-third birthday, I just found out I’m pregnant. I was so happy at the same time, my heart aching. I tried to call him to inform him I'm pregnant with his child, but his number was no longer responding. I guess he changed his phone number to make sure, I can’t bother him. As much as I was hurt, I tried to hang on. I have my baby with me, I need to stay strong dahil s’ya na lamang ang natitirang ala-ala ko kay Ethan. My mother wanted me to move out of the country, dahil hanggat naririto ako sa pilipinas ay s’ya lang ang maiisip ko. I didn’t protest dahil alam kong makakabuti iyon sa akin at sa anak ko. I was on the plane when I got the invitation to a wedding. I didn’t know someone was getting married, so I curiously looked at the invitation, and there, I saw his name, together with her best friend’s name. They are going to get married. My world crumbled looking at the invitation. The pain is killing me as the plane takes off.” Huminto s’ya saglit para huminga. The pain is visible in her eyes. I can clearly see that, She’s trying so hard not to moan while trying to stop her tears.

“For the past five years na nasa ibang bansa ako, I tried to move on. It’s hard but thankfully, I’m no longer into him. My son gave me strength to passed all those struggles, he was my ray of light. My motivation, my own flesh and blood. S’ya na lamang ang importante sa buhay ko ngayon at ang pamilya ko, maging kayo na mga kaibigan ko. I can say na I’m finally healed. That’s why I wanted you to meet my son. He’s the reason why I choose to stay out of the country. I wanted to hide him from his father, but I think, I don’t need to. Wala naman na siguro iyong pakeelam pa sa akin.” Pagtatapos n’ya sa sasabihin n’ya. Tumawa pa s’ya sa huling turan n’ya para malighten yong mood.

I tried to smile, but my tears betrayed me. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa mga nalaman ko. I know people can be cruel, but hearing all those painful happenings in Hanna’s life. I can’t help but to feel angry. Dahil sa mga nalaman ko ay nagbago na ang paningin ko kay Mr. Dela Fuente. I can’t believe na magagawa n’ya yon sa kaibigan ko. He’s so cruel, just like his family. Pinagtulungan nila ang kaibigan ko dahil lamang sa estado sa buhay.

“Stop crying Liyan. Baka makita ka ni Athan.” Paalala nito sa akin. Kaagad ko namang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at suminghot. I tried to be presentable sa harap ng hapag.

“I’m sorry Hanna, hindi ko alam na ganon pala ang pinagdaanan mo. Nakakasakit sa damdamin dahil wala man lang kami sa tabi mo noong naghihirap ka.” Mabilis kong pinunasan ang namumuo nanamang luha sa mga mata ko.

“Ano kaba, ayos lang yon. Isa pa ay naiintindihan ko naman na wala kayo noon dahil busy rin kayo sa kan’ya-kanya n’yong buhay.” Pag-aalo nito sa akin.

“Kung alam ko lang sana, na ganon ang nangyare. Hindi na sana ako nag-apply bilang secretary ni Mr. Dela Fuente.” Pag-amin ko sa kan’ya.

“Ano kaba, ayos lang ‘yon. Hindi naman porket may nakaraan kami nong tao ay pagbabawalan mo na ang sarili mong gawin kung anong gusto mo. You choose to apply to be his secretary dahil alam kong ayaw mong dumepende sa kumpanya ng mga magulang mo.” She said while trying to give me a reason about my decisions.

“I’m sorry, Hanna. I know na marami kang pinagdaanan. Ngayon na nalaman ko ang nangyare sayo, nagbago na ang pagtingin ko kay Mr. Dela Fuente.” Umiling na lamang ito sa akin dahil sa sinabi ko, hindi rin naman ako nito masisisi dahil kung ako ang nasa kalagayan nito at nakaranas ng mga pinagdaanan n’ya, gugustuhin ko na ring itago ang anak ko sa pamilyang nagpahirap sa akin.

Muli kaming bumalik sa pagkain. Hanggang sa pagkain ko ay laman pa rin ng utak ko ang nangyare kay Hanna. Ngunit dahil sa anak nitong si Athan ay nabaling ang atensyon ko dito. Hindi ko rin namalayang nakarami pala ako ng kain dahil na rin sa wala akong kain nong lunch.

“Solb!” Pumalakpak pa ako dahil sa sobrang busog. Masasarap ang pagkain at talaga namang hindi pagsasawaan.

“Tita, would you like to sleep in our house?” Tanong sa akin ni Athan nang kaming dalawa lang sa room dahil pumunta sa restroom si Hanna.

“Sure, baby. Papaalam tayo kay Momma mo, for sure hindi tatanggi yon.” Tinaas ko pa ang magkabilang kilay ko habang sinasabi iyon.

“Yeyyy!!!” He screams happily. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa dahil sa kan’ya. Sabay kaming napalingon sa pintuan ng bumukas iyon, pumasok si Hanna na naguguluhan dahil sa pagsigaw ng anak.

“Momma! Tita Liyan said, she want’s to sleep in our house.” Salubong kaagad ni Athan sa Momma n’ya.

Simpleng sulyap lang ang binigay ni Hanna sa akin at binuhat na ang anak n’ya. Alam na nitong hindi ito makakatanggi. Isa pa ay sanay na ito dahil kahit noon pa man ay palagi kaming nakikitulog ni Faith sa dorm n’ya. Malapit lang kase ang dorm nito sa school habang kami ni Faith ay kailangan pang magbyahe. Kaya nakikitulog nalang kami doon, syempre ay hindi naman libre ang pagtulog namin don. Kami na ni faith ang bahala sa food at kuryente ni Hanna dahil madalas kami sa dorm n’ya.

“You know sana nandito si Faith noh? I really miss our overnight bonding.” Biglaang ani nito sa akin nang nasa sasakyan na nila kami. Tulog na si Athan sa backseat habang pareho kaming nasa harapan ni Hanna, s’ya ang nagdadrive habang nagkwekwentuhan kami.

“When kaya tayo mabubuo? Balita ko ay nasa singapore daw ang babaita.” Ani nito na kaagad kong tinawanan.

“Yes. Nandoon daw s’ya dahil sa kumpanya nila. Mamaya ay tatawag ‘yon sa akin dahil mayroon nanamang update don sa lalaking gwapo daw na stockholder nila.” Ani ko na ikinaani ko agad ng tawa mula kay Hanna.

“Grabe! S’ya na talaga. Pag talaga may makitang gwapo gumuguhit kaagad ng puso ang mga mata.” Ani pa n’ya na sabay namin tinawanan. Buong byahe ay tanging ang mga kalokohan lang namin ang pinag-usapan namin.

Masakit na ang likod ko nang huminto kami sa isang malaki at magandana bahay. Kaagad akong bumaba habang si Hanna naman ay kinuha na ang anak sa backseat. Kaagad ako nitong giniya papasok sa loob at halos tumunganga na lang ako sa ganda ng bahay nila.

Isang malaking ngiti ang gumuhit sa bibig ko dahil sa saya. Nakakaproud lang na malayo na ang narating ni Hanna, para sa isang babaeng minsan ng dinurog dahil sa estdao ng buhay, ngayon masasabi kong isa itong napaka-laking ganti para sa mga taong umapi at nanakit sa kan’ya.

“Hindi ka ba papagalitan kung malate ka bukas?” Nabalik ako sa huwisyo ko ng marinig ang boses ni Hanna. Nagkibit-balikat lang ako sa naging tanong n’ya.

“Bahala s’ya sa buhay n’ya.” Iyon ang ang sagot ko rito at lumapit sa kan’ya. Sabay kaming tumawa at giniya n’ya na ako sa magiging room ko sa gabing ‘yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status