Share

CHAPTER 3—PARENTS

 Maaga pa ay naghahanda na si Travis para sa kanilang lakad, habang tila tulog na mantika itong si Stefan. Pinagmamasdan lamang ito ni Travis at bahagyang natawa sa itsura nito. Gayunpaman, hinalikan niya ito sa noo dahilan upang magising siya.

 “Good morning, darling!” bati nito sa kagigising niyang asawa kasabay nito ay ang matagal na halik sa noo nito. 

 “Good morning din, busy day at work?” tanong nito habang inaayos ang itsura.

 Napatingin lamang si Travis sa kan`yang asawa na kasalukuyang bumababa mula sa kama na dahilan upang bahagyang mapakunot ito ng noo. 

 “Have you forgotten? My parents want to meet you and this is the day!” pagpapaliwanag nito sa kan`yang asawa na kasalukuyang pinipihit ang doorknob. Napatigil ito sa kinatatayuan at naalala mga magulang ni Travis. 

 “Oo nga pala, pasensiya na at nakalimutan ko, I just slept my mind dahil sa pagod kahapon” sagot nito na ginantihan naman ng ngiti ni Travis at tuluyang nilisan ni Stefan ang silid.

 Sa pagsara ng pinto, napasandal ito at nagbitaw ng isang malalim na buntong-hininga. Sa totoo lang, hindi niya talaga nakalimutan, sinabi niya lamang ito bilang kan`yang rason.

Maraming kaganapan ang nangyari sa nagdaang araw na talaga namang tumatak sa isipan ni Stefan, naging dahilan din ito upang kan`yang makaligtaan ang mga magulang ng asawa. Napapikit na lamang ito at inisip na hindi pa ito ang araw na mabubuking kung sino talaga siya. 

 Tinungo ni Stefan ang banyo at nagsimula nang maglinis ng katawan. Pagkatapos ng tila hindi matapos-tapos nitong pagligo, nagawa na rin niyang lumabas sa banyo.

Hindi gano`n kadali para sa kan`ya ang pag-aayos lalo na`t hindi siya sanay sa mga produktong kanilang nabili.

Hindi niya wari kung ano ba ang dapat ilagay sa mukha. Hindi niya alam anong uri ng brush ang kan`yang gagamitin. Nanginginig pa ang kan`yang mga kamay nang sinubukan niyang maglagay ng mascara.

Matagal man ang kan`yang pag-aayos na ginawa ngunit sa bandang huli, napagdesisyonan niyang pulbos at mamula-mulang lip tint na lang ang ikolorete sa mukha. 

 “What took you…” bitin na saad ni Travis habang tulala sa pababang si Stefan. Sa ayos ni Stefan, kahit kanino mo iharap ay tiyak mapatutulala sa kanyang itsura. Hindi man gano`n kaganda ang ayos niya, nagmukha pa rin siyang isang magandang dilag.

Hindi niya ikinubli sa likod ng mga kolorete ang kan`yang angking kagandahan. Tulala pa rin si Travis hanggang sa tuluyang makababa si Stefan.

 “Pasensiya na at natagalan ako, hindi kasi ako sanay sa mga make-up. Ayos lang ba?” pagpapaliwanag at tanong nito sa kanyang mister. 

 Tila wala pa rin sa kamalayan itong si Travis at tulala pa rin sa magandang binibini na kan`yang kaharap. Napailing na lamang ito nang bumalik sa reyalismo. Nahihiya siyang humarap sa asawa at hinawakan ang mukha nito. 

 “You look great, darling. Mom will surely love your look and with that beauty of yours? She will surely admire and adore you!” sambit nitong si Travis.

 Tensiyonado man ay pinilit na magpakawala ni Stefan ng isang matamis na ngiti. Tanging nasa isip niya ay umakto na lahat ay normal ngunit walang makalalagpas sa mapanuring paningin ni Travis.

 “You look tensed, don`t worry, I`ll be right beside you” pagpapakalma nitong si Travis at inalok ang kanyang kamay upang alalayan si Steffia. 

 Sa pagtungo nila sa kanilang garahe, makikita ang iba`t-ibang uri ng sasakyan. Hilig ni Travis ang pangongolekta ng mga sasakyan at itinuturing niya itong mga investment. 

 Habang ini-start ni Travis ang sasakyan, sa labas ng garahe ay naghihintay si Stefan. “Hindi ikaw si Stefan, ikaw si Steffia Guerrero, asawa ni Travis Madrigal” mahinang bulong ni Stefan sa sarili at ito`y kan`yang inuulit-ulit sa isipan. Pinipilit niya ring ngumiti at sinasanay ang kanyang mga labi upang hindi mapaghalataan na kinakabahan ito. 

 Sa pag-arangkada ng kanilang sasakyan, ikinwento ni Travis ang kanyang mga magulang. Bukod sa ito ang tanging naiisip niyang paraan upang libangin si Steffia, maigi na rin ito upang magkaroon ng ideya ito sa kan`yang haharaping bayaw at biyenan.

 Napuno ng tawa at halakhak ang kanilang sasakyan at hindi na gaanong naiisip ni Stefan ang mga haharapin nito.

Sa wakas ay nagawa rin ni Stefan na tumitig sa kan`yang kabiyak nang walang halong ilang at mababakas din sa kanilang mga ngiti na nawala na nang tuluyan ang pagiging estranghero sa isa`t-isa.

 Sa kanilang biyahe, napagtanto ni Stefan na tila ba ibang Travis ang kaharap niya. Sa likod ng pamoso nitong masungit na itsura ay isa palang tila isang kamuwang-muwang at inosenteng totoy na walang ibang alam kun`di humalakhak. Napansin ni Travis ang mga titig ni Stefan kaya kinompronta niya ito.

 “Tama na `yang pagtitig mo” saad nito na ikinagulat ni Stefan. “Masyado akong makisig para libreng titigan, dahil d`yan, magbayad ka” saad nito at hinarap ang asawa.

 “A-ako? Nakatingin sa `yo? Sigurado ka ba ha, mister ko?” sagot nito.

 Bagaman may kung anong kiliti sa mga huling salita ni Stefan, pilit itinago ni Travis ang kan`yang mga mumunting ngiti. 

“Sus! Dineny mo pa! Alam ko namang gusto mo lang halikan kita sa noo eh” pagmamayabang nito na ikinasimangot ni Stefan.

 “Tampo ka? Dali, kiss mo `ko, isa lang” saad nito sabay nguso ngunit prenteng tinitigan lamang ito ni Stefan.

 “Travis Madrigal, magmaneho ka na lang nang maayos at itigil mo `yang kangunguso mo” masungit na saad nito.

 May itinatago rin palang kapilyuhan si Travis. Pinaglaruan niya ang manubela dahilan upang maging kabado si Stefan.

 Napahawak si Stefan sa kan`yang inuupuan. “Ano ba! Tinatakot mo `ko!” pasigaw na sambit ni Stefan ngunit patuloy pa rin ito sa paglalaro.

 “Dali, isang kiss lang” utos nito.

 “Manigas ka!” masungit na sagot nito.

 “Ah gano`n” pagbabadya ni Travis at lalong nilaro ang manubela, dahilan upang mapalapit si Stefan sa kan`ya. Bunsod ng takot ni Stefan, napayakap ito kay Travis at pumayag sa kahilingan ng kabiyak. Nang dumampi ang mga labi ni Stefan sa pisngi ng lalaki, siya namang pagtigil ng pagharurot ng kanilang sasakyan.

 “Ba`t tayo huminto? Narito na ba tayo?” takang tanong nito at ngumiti naman si Travis. 

 “I just want to cherish this moment with you” Travis stated as he locked his wife in his arms. Napayakap na lang din si Stefan sa kan`yang asawa.

 Sa pagpapatuloy ng kanilang biyahe, naikwento ni Travis na hilig niya ang race cars at sa karera ng mga ito.

Dati rin siyang car racer kaya hindi nakapagtataka na kaya niyang laruin nang gano`n ang manubela. Nalinawan naman si Stefan dahil sa kan`yang ikinwento. Humingi rin ito ng dispensa sa kan`yang inasal kanina at sa hindi inaasahang pangyayari, kusang inilapit ni Stefan ang sarili at ipinatong ulo nito sa balikat ni Travis. 

 Ilang minuto pa, makikita mula sa sasakyan ang isang napakalaking mansiyon. Ilang metro pa ang layo ng kanilang sasakyan ay kakikitaan na ito ng karangyaan.

 

 As the car still rolling its wheels, Stefan can`t stop his self to be amazed on the house he`s about to enter. Once again, he got worried and tensed but still managed to act as if everything is normal.

 Travis laid his hands to Steffia to escort his wife. As Stefan reached Travis` hands, Travis knew that his wife feels uncomfortable.

A smile escaped from his lips hoping it will ease Stefan`s worry. Stefan replied with a smile as she stepped down the car. 

 They are standing now in front of the gigantic door, Stefan can`t prevent his self from pulling Travis near him which made Travis giggle. Every time Stefan pulls him a smile or a kiss will be Travis` response. The couple waited for Travis` parents in a large sofa and for Stefan to lessen his tense, he turned his gaze on each corner of the house. 

 He can`t believe that he is now inside the mansion with lavish interiors inspired by international architectures, famous monuments, and trending decor styles.

Each piece of the house seems costs more than a million. Stefan`s eye also reached the maids who are coming from different wings of the house until his grip to Travis` arm got tightened. His eyes caught a not so old couple going down from the luxurious stair. 

 He and Travis stood up as the old couple are finally standing in front of them. Travis smiled and so Stefan but Stefan`s eyes widened when he saw another couple coming down from the stairs. 

 “Come” instructed by Travis as he`s heading to the next couple—his parents. 

 Ellaine Madrigal, Travis` mom. As for Stefan, she looks gorgeous with her look. A simple yet elegant gown with a natural finish make-up that really compliments her complexion.

Luciano Madrigal, the father looks happy as he turned his gaze to Steffia. He`s at all smile while walking down the stairs. Just like Travis, he`s also wearing a formal suit that suits him very well. Both of them looks decent and Stefan wishes that they will treat his Steffia as his Steffia treats them. 

 “Mom, Dad, Steffia Guerrero-Madrigal, my wife” as Travis introduced Stefan to his parents.

 “Good evening po” ang tanging nasabi ni Stefan.

 “Ellaine Madrigal, in the flesh. Welcome to the family, hija” pagpapakilala ng ina ni Travis sabay halik sa pisngi nito.

Sa pananalita ng ina, hindi maikaiila na mangha ito sa babaeng pinakasalan ng kan`yang anak. Mula sa mga pinakitang larawan sa kan`ya ni Travis, mas nakabibighani ito sa personal, idagdag pa nang marinig nito ang malambing na boses ng dalaga. 

 “Luciano Madrigal, hija” tipid na pagpapakilala ng ama nito. Sa kan`ya namang pananalita, mababakas rin ang galak nito ngunit masuri nitong tinitingnan ang binibining nasa harapan na kalaunan ay ginantihan ni Luciano ng matamis na ngiti. 

 “So, have you met my sister? Elena Madrigal and his husband, Luisito Madrigal” pagpapakilala ni Ellaine sa mga ito kay Steffia.

“I invited them to meet your wife, hijo” pagpapaliwanag nito sa nagtatakang si Travis. 

 “Inakala mo atang kami ang mga magulang ni Travis, we`re his aunt and uncle.”

“But we didn`t have the chance to have a child kaya parang anak na rin ang turing namin kay Travis” pagpapaliwanag ng mga ito. 

 “Naikwento ni ate Ellaine ang tungkol sa iyo base sa salaysay ni Travis and I admit, I`m impressed the way how he described you and now you`re in front of me, I can`t believe what Travis` adjectives about you`re `cause you`re so much more than those” tuloy ni Elena. 

 “Steffia Guerrero, Travis` wife. Nice meeting you po” nakangiting pagpapakilala at sagot ni Stefan. 

 “Oh, please darling, use your new surname” saad ni Travis na ikinatawa ng lahat.   

 Travis` family is undeniably elegant and with their looks plus the fact it is far from what he expected, Stefan felt ease in front of them. They may be rich but still didn`t forget how to act properly when they are in front of their guest and how to welcome her. 

 During the dinner, Travis` family can`t help themselves from staring the breath-taking beauty of Steffia. With his perfectly sculped nose that suits his face, his eyes that anyone will adore, and his complexion that suits her dress well. Their eyes are stuck at her face and they even adored her when she posted that smile of hers.

“Now I know the reason why Travis married you, you`re indeed a living Aphrodite” saad ng ama ni Travis na siya namang ikinangiti ng lahat.

 “Not just that, Dad, she really is a wife material” dagdag ni Travis sabay lingon sa kan`yang asawa na ikinahiya naman nito. Kitang-kita sa mga mata ni Travis na unti-unting nahuhulog ang kan`yang damdamin para kay Stefan. Hindi niya sukat akalain na magmamahal siya ng isang babae at lalong hindi niya inakala na ang pagpapanggap ay tila nagbabadyang mauuwi sa totohanan. 

 Sa pagtatapos ng hapunan, nilibot ni Travis si Stefan sa bahay at hindi maikaila ang pagkamangha ni Stefan. Hindi pa nila naiikot nang tuluyan ang bahay, tinawagan ang mag-asawa ng kanilang mga magulang na ikinabahala ni Stefan.

 Sa sala, prenteng nakaupo ang tatlong mag-asawa. Tinalakay nila ang mga bagay at kinilala nang husto si Steffia. Mula ulo hanggang paa, kinabisa ng mga magulang ni Travis ang kan`yang asawa. Hanggang sa nag-aya si Travis ng beer sa mga kalalakihan. Ngunit sa edad at kondisyon ni Luciano, naiwan ito kasama ang tatlong babae. Masayang nagkukwentuhan ang apat hanggang sa kanilang napag-usapan ang kasalang naganap

 “I`ve heard na sa munisipyo lang kayo ikinasal ni Travis, am I right, Steffia?” tanong ng tita sabay lingon sa kan`ya. 

 Mabilis naman itong tumugon. “Opo, nagmamadali pa nga po si Travis noon, hindi na mahintay na magamit ko ang apelyido niya” nakangiti at pabirong sagot ni Stefan na ikinatuwa ng lahat. Ramdam niya kung saan patungo ang talakayan kaya naman bigla na lang siyang natahimik at nag-iisip na kung ano ang magandang pwedeng idahilan.

 Mula sa kinatatayuan nina Travis, maririnig ang halakhakan ng tatlong kababaihan. Si Travis naman ay hindi mapigilang ngumiti sa tuwing naalala niya ang mga katagang “mister ko” na nagmula mismo sa bibig ng kan`yang kabiyak.

 Ilang minuto pa ay tama nga ang iniisip ni Stefa, napunta ang usapan sa pagkakaroon ng anak at apo na siyang inaasahan ni Stefan.

 “Steffia, ba`t kanina ka natahimik?” tanong ni Luciano na talagang nagpakaba kay Stefan. Tulad ni Travis, mapang-usisa rin ang paningin ng ama nito. Hindi pa nakasasagot si Stefan ay may panibagong katanungan ang ina ni Travis.

 “Kailan niyo ba balak magkaanak? Gustong-gusto na naming makitang ama ang aming unico hijo at masilayan ang magandang mukha ng aming apo!” diretsong saad nito. 

 Hindi agad nakasagot si Stefan sa mga katanungan at hindi niya rin wari kung ano ba ang dapat isagot. Sa kan`yang pananahimik, isang boses ang nanaig sa apat na sulok ng sala—the aunt`s voice.

 “Alam ko na ba`t ka tahimik” sagot ng tita ni Travis na ikinagulat ni Stefan. 

 “Ramdam kong may mali kanina pa” tuloy nito na lalong ikinakabog ng puso at ikinalaki ng mata ni Stefan. 

 “Hindi ka pa handa, ano?” pagtatapos nito at nakatingin sa kan`ya habang nakangiti. 

 Nakahinga nang maluwag si Stefan sa sinabi ng tita ni Travis at dahil dito, nakaisip ito ng sagot. 

 “Opo, ang dahilan namin ni Travis kung kaya`t hindi pa namin kayo mabibigyan ng mga apo ay dahil parehong hindi pa kami handa. Alam naming mahirap ang maging magulang kaya dapat talagang paghandaan” ani nito at siya namang pagpasok ni Travis sa sala.

 “Don`t worry, hija, gan`yan din ako no`n, pero napagdesisyunan naming mag-asawa na give birth to Travis as we need a heir” saad ng ina ni Travis.

 “At saka isa pa, hindi kakulangan sa isang babae ang kawalang anak `no! Tingnan mo `ko” saad ng tita.  

 “Don`t worry, Dad, Mom, Tito, Tita, we`ll give you beautiful and handsome grandchildren” sagot nito habang hinihila papalapit ang kan`yang asawa. Pilit na ngiti ang ipinaskil ni Stefan sa kan`yang maamong mukha.

 “Anak, do you have any plan na dalhin itong si Steffia sa simbahan?” tanong ng ama nito.

 “Oo nga, masyado mo atang minadali si Steffia. Hindi ka na ba makapaghintay na maging pareho ang apelyido niyo?” saad ng tita na nagbunga ng halakhakan sa sala. 

 “Eh dinaan ata ni Travis itong si Steffia sa dahas eh, how could you be so mean to this gorgeous woman, Travis?” saad naman ng tito niya na papalapit na sa sala. 

 “Ahm, hindi naman gano`n ang nangyari sa kasalan tito, tita. For now, Dad, hinihintay pa naming matapos ang pinapagawa kong bahay para kapag kasal na kami sa harap ng altar, agad na kaming makalilipat at hindi na kailangan pang manirahan sa condo. Sa paglipat namin sa bahay, doon ko na rin siguro papagpapasyahan na bigyan kayo ng mga apo at bumuo ng sariling pamilya” mahabang pagpapaliwanaag nito habang nakangiting tumititig sa kabiyak. 

 “If that`s what you say, I have and trust your words, Travis” the father stated that gave Travis a ton of pressure. 

 “Dad, Mom, Tito, Tita, we have to go as I know that we all have busy day tomorrow. Time well spent and may you have a good night!” paalam nito sa kan`yang pamilya at sa wakas, tuluyan nang nakahinga nang maluwag si Stefan. Nagmano na ang mga ito sa nakatatanda bago lisanin ang mansiyon. 

 Sa kanilang paglayo sa mansiyon, isang mensahe ang natanggap ni Stefan na nanggaling kan`yang kapatid at inaatasan nito ang kan`yang kuya na bisitahin ito. Isa sa kan`yang mga kondisyon ay bumisita siya bilang si Stefan, ang kan`yang kuya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang natatanggap ni Eya ang kan`yang kuya. Tanggap niya na nabibilang ito sa ikatlong kasarian ngunit napupuot siya nang malamang karibal niya ang kan`yang kapatid sa lalaking inaasam.  

 Sa loob ng sasakyan, kanilang napag-usapan ang pagkakaroon ng anak. Buong akala ni Stefan ay ligtas na siya sa mapang-usisang mga katanungan. Mabuti na lamang at naramdaman ni Travis na hindi ito komportable sa usapan. 

 “Pressured?” tanong ni Travis habang inaayos ang seat-belt nito.

 “Sobra” tanging sagot ni Stefan habang napapailing at nagbitaw na lang ito ng buntong-hininga sa mga nangyari. 

 Having a child is not a less of being a woman. Deciding not to have child is not less of being a couple. Not deciding to give birth and life to a child is not being less of being human and being a gay is not the basis of being a mother.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status