Share

CHAPTER 2—CHARM

 Thereupon a few days, Stefan continues to pretend to be a woman—Steffia, even with remorse for his decision he will still live by it to give a good life to his sister. However, this isn`t easy for him as he knew that his physique won`t be enough to deceive people`s eyes. There are times that he prefers to wear shirt to dresses but for his show to go smoothly, he doesn`t have choice but to wear this girly stuffs. 

 Bagaman may nabubuong pagkakamabutihan sa pagitan ng dalawa, hindi pa rin maiwasan ni Stefan na mailang tuwing kaharap ang asawang si Travis. Hindi niya ito matitigan sa mata nang diretso, kung hindi nakayuko ay ibinabaling nito ang kan`yang paningin sa kawalan. Tiyak na ito`y napansin ni Travis, sa mapanuri nitong mga mata ay walang makalalagpas maging ang isang pinakamaliit na detalye. 

 “Steffia, bakit hindi mo `ko matitigan nang diretso sa mata?” pag-uusisang tanong ni Travis sa asawa. 

 Natagalan sa pagsagot itong si Stefan at nag-iisip ng magandang idadahilan. “Ahm, sa totoo lang, naiilang pa rin kasi ako at alam kong gano`n ka rin. Ilang minuto lang tayong nagkakilala at ilang sandali lang ay kinasal agad tayo, at hindi ako…” muntikan nang maibunyag ni Stefan ang kan`yang lihim, mabuti na lang at napaisip ito.

 “Hindi ka…?” tanong ni Travis na agad namang sinagot ni Stefan.

 “Hindi ako sanay na Madrigal na ang apelyido ko” saad nito na ikinatuwa ni Travis.

 Lumapit si Travis sa kinaroroonan ni Stefan at niyakap ito mula sa likuran. Ipinatong nito ang kan`yang ulo sa balikat ni Stefan na lubos nitong ikinagulat at tunay namang nagpakaba sa kan`ya. “Masanay ka na dahil simula ngayon, asawa na kita… sa kontrata” lambing nito at hinigpitan pa ang pagkakayakap. 

 Ikinalas ni Stefan ang sarili mula sa pagkakayakap ng lalaki at nagpaalam na may gagawin pa. Sa paglayo ni Stefan kay Travis, napaisip ang lalaki sa kan`yang mga nabitawang salita. Naglaro ang mga ito sa kan`yang isipan at hindi nito napansin na nakangiti na ito, isang bagay na hindi niya ginagawa sa harapan ng kababaihan at kailanma`y hindi nagawa ng sinumang babae para sa kan`ya. 

 “Shut up, Travis, this was just a deal” saad nito sa sarili at napailing na lamang. 

 In that evening, as expected from the married couple, they lay in one bed next to each other but it`s obvious that the both of them are uncomfortable. In that night, Stefan discovered something about Travis—he can`t sleep without hugging a pillow. Stefan still couldn`t sleep and he saw Travis peacefully taking his rest. For the first time, he decided to stare at his husband`s face and he can`t help his self from admiring its beauty. A smile sneaked on Stefan`s lips and he unconsciously touched Travis` face. By the time he realizes what he did, he only has a second to pretend sleeping and immediately closed his eyes as if he knew nothing. 

 Travis saw his wife “sleeping” and facing him. He kissed his wife`s forehead and removed the pillow between them. Travis hugged his wife and cupped Stefan in his chest. He doesn`t know the reason why he did such thing but his brain told him to do so. Stefan knew what`s happening and kept pretending that he`s asleep. 

 The next morning, Travis woke up not seeing his wife`s face but he knew that an angelic voice causes him to get up. He followed where the voice coming from and there, he saw his wife playing with his guitar. 

 Stefan was sitting by the window while playing his newly bought guitar. He had been taught to use a guitar at an early age by hanging out with loiterers in their former residence. 

“Lift your head, baby, don’t be scared

Of the things that could go wrong along the way" He insisted on singing while playing the strings of his guitar like a professional guitarist. 

“You’ll get by with a smile

You can't win at everything but you can try 

Baby, you don't have to worry 

'Coz there ain't no need to hurry 

No one ever said that there's an easy way 

When they're closing all their doors 

And they don't want you anymore 

This sounds funny but I’ll say it anyway," He sings passionately, music is one of the things that calms him down. 

 Habang abala sa pagkanta si Stefan ay 'di niya namalayang pinagmamasdan na pala siya ni Travis na ngayon ay prenteng nakasandal sa gilid ng pintuan. 

“Boy, I’ll stay through the bad times 

Even if I have to fetch you every day 

We'll get by with a smile 

You can never be too happy in this life," Stefan sang softly as he stared out the window. Hindi matanggal ang pagkamangha sa titig ni Travis kay Stefan, 'di niya mapigilang 'di ngumiti habang pinapakinggan ang magandang boses ng kan'yang kabiyak. 

“In a world where everybody 

Hates a happy ending story 

It's a wonder love can make the world go round 

But don't let it bring you down 

And turn your face into a frown 

You'll get along with a little prayer and a song," Stefan sang with a smile that seemed to be accompanied by his song. 

 Travis secretly went behind Stefan without making any commotion so it wouldn't disturb his girl singing. 

"Too doo doo... 

Let me hear you sing it 

Too doo doo... " as Stefan finished his song, he felt a hug from his back that brought tons of shock to him. 

 "ayt palaka!” Stefan said loudly which made Travis laugh. 

 However, Travis pulled his self as his wife face him. A cute giggle escaped on Travis' lips as he hugged Stefan who was already blushing from the humiliation. 

 "I didn't know that you have such an angelic voice, darlin'." Travis' hoarse voice made Stefan's complexion flush even more and Travis words seemed to deliver millions of volts to his heart that makes it whip promptly. 

 Hindi mapakali si Stefan dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso. Kinakabahan man ay maingat niya pa ring inilapag ang gitara sa mini table bago komprontahin ang kan'yang asawa na ngayon ay malumanay na nakatitig sa kanya. 

 "Kanina ka pa ba r`yan?" tanong nito kay Travis na hanggang ngayon ay pinagmamasdan pa rin ang kan'yang maamong mukha. 

 Ngumiti naman si Travis sa kan'yang reyalismo, 'di niya inaakalang mahuhulog siya sa isang babae dahil simula pagkabata ay alam niyang pusong babae siya at sa mga lalake lamang siya nahuhumaling. Sa kabila nito ay labis-labis ang kan'yang tuwa dahil sa wakas, tanggap na siya ng kan'yang mga magulang lalong-lalo na ng kanyang ama na ngayon ay sumusuporta sa kan'ya nang buong-buo. 

 Isang ngiti naman ang sumilay sa kan'yang labi dahil sa tanong ng babaeng nasa harapan niya, tumango siya bilang sagot sa kan'yang maybahay. 

 "Kumain kana ba? Kung hindi ipaghahanda kita" tugon ni Stefan habang ikinakalas ang kan'yang kamay na nakayakap dito. Tango at ngiti ang tangi n'yang itunugon sa asawa na ngayon ay palayo na sa kan`yang tabi. 

 “Travis, I thought this was just a deal, what`s happening?” saad nito sa sarili na tila ba hindi na niya maikubli. Hindi maitatanggi na tila ba mas nagiging malapit na si Travis sa babaeng tinuturing niyang business partner. 

 Dumiretso naman si Stefan sa kanilang kwarto upang magbihis ng komportableng damit. He's now wearing a navy-blue shirt paired with faded jeans. Pagkatapos mag-ayos ni Stefan, nagtungo na ito sa kusina kung saan naghihintay si Travis sa kan`ya. Prenteng nakaupo ang lalaki sa isang silya habang si Stefan naman ay sinasalinan siya ng pagkain sa kan'yang plato. Tila ba asawa na ang turing nila sa isa`t-isa, hindi dahil ito ang nasasaad sa papeles kun`di ito na ang bunga ng kanilang pagsasama.

 Nagsimula na silang kumain, sarap na sarap naman si Travis sa niluto ni Stefan para sa kan'ya at mukhang napansin ito ni Stefan kaya nakaramdam ito ng munting saya.

 "Steff," nakangiting tawag ni Travis kay Stefan na agad naman niyang tinugunan. Nilingon lamang ni Steff ang kan`yang asawa bilang tugon habang nginunguya ang pagkain. "Pupunta tayong mall after nating kumain, we need to buy new clothes for you." diretsong saad nito kay Stefan. "Sa pagkakaalam ko, day-off mo bukas, tama?" paniniguradong tanong nito na tinugunan naman agad ni Stefan. “Oo, ba`t mo naitanong” saad nito. “Bibisitahin natin sina Mom at dad tomorrow, nag-aya silang doon tayo mag-dinner since they wanted to meet you.” 

 Napahinto si Stefan sa pagkain dahil sa sinabi ni Travis, ang daming tumatakbo sa kan'yang isipan. Paano na lang kung magkamali siya ng isasagot? Magkamali siya sa kan'yang mga galaw? Paano kung malaman nila na 'di siya tunay na babae? Kaba ang tangi nitong nararamdaman at habang tumatagal ay humihirap ang kan`yang pagpapanggap. Isang mahinang tapik sa balikat ang ginawa ni Travis na naging rason sa pagbalik ng kan'yang katinuan. 

 "Are you okay? You look pale." pag-aalang tanong ng kan'yang asawa, napakurap naman siya nang ilang beses bago tumango. 

 "Kailangan ba talaga?" tanong nitong si Stefan na ikinagulat ni Travis. “I mean, sa papeles pa lang naman tayo kasal at sa tingin ko, hindi pa ako handa” tuloy nito. Napangiti naman si Travis dahil sa sinabi nitong “sa papeles pa lang naman tayo kasal” na hindi mabura sa kan`yang isipan. 

 “Ayos ka lang?” tanong nito sapagkat hindi pa rin nawawala ang mumunting ngiti ng lalaki sa kan`yang mga labi.

 “Oo, don`t you want to meet them, be acquainted with them at least?” pangungumbinsi nito sa asawa.

 Hindi agad nakasagot si Stefan at maging siya ay hindi makapaniwala sa kan`yang itinugon. “Sige, kung `yan ang gusto nina Mom at Dad” sagot nito kay Travis sabay subo sa kutsarang kanina pa naghihintay. Hindi mawari ni Stefan ang kan`yang nararamdaman na napansin naman ni Travis na ngayon ay titig na titig sa kanya. 

 "Kinakabahan lang siguro, first time ko silang mamimeet." sambit niya pa upang mas lalong makumbinsi si Travis na ayos lang siya. "Trust me, magugustuhan ka nila." paniniguradong tugon ni Travis at ngumiti pa sa kan'ya. “They already saw you” saad nito na nagpalaki sa mata ni Stefan. “Huh? Paano? Saan?” sunod-sunod na katanungan nito. “Relax, why so nervous? Pinakitaan ko lang sila ng mga larawan mo and trust me, they can`t wait to meet you in person.” Napabuntong-hininga naman ito sa tugon ng lalaki bago tumango at ngumiti sa kabiyak. 

 Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, tumunog ang cellphone ni Travis na agad naman niyang sinagot. “Hello, Mom” panimula nito na ikinagulat naman ni Travis. Habang kausap ang ina, nakalihis ang ulo sa direksiyon ni Stefan na ngayon ay tensiyonadong sumusubo. Nilapitan ni Travis si Stefan na siyang lalong ikinakabog ng kan’yang dibdib. “It`s Mom, take it” saad nito sabay abot sa telepono. Bagaman nag-aalangan kung aabutin ba ang telepono, kabado nitong sinagot ang ina ni Travis. “H-hello po” saad nito na ikinatahimik ng nasa kabilang linya. Ilang segundo pa ay natigil ang katahimikan. “What a lovely voice, dear!” puri nito sa kausap na bahagya nitong ikinagalak. “Did Travis tell you about the dinner?” tanong nito na sinangayunan naman nito. “Okay! I can`t wait to see you and welcome you as part of the family. Anyway, I have to go, see you tomorrow, dear!” pagtatapos nito sa usapan. Hindi makapaniwala si Stefan sa mga naganap at bahagyang nawala sa ulirat.

Pagkatapos kumain, nagkusa na si Stefan na hugasin ang kanilang mga pinagkainan. Habang maingat na hinuhugasan ang mga plato, hindi niya maiwasang isipin ang kan`yang bayaw at biyenan. Buntong-hininga ang tanging nagawa ni Stefan at kasabay nito ay ang huling plato. 

 Paglabas sa kusina ay siyang paglabas ng ayos na si Travis. Napansin nito ang mamasa-masang damit ni Stefan. Kanilang pinag-usapan na maaari naman silang kumuha ng kasambahay na tutulong kay Stefan sa mga gawaing-bahay ngunit ito`y kan`yang tinanggihan. 

 “Kaya ko naman at hindi naman gano`n kabigat ang mga gawain” pagmamatuwid nitong si Stefan. “Isa pa, may pinapagawa ka pang bahay kaya imbes na maghanap ka ng magiging kasambahay, pagtuunan mo na lang ng pansin ang bahay” dagdag nito sabay pasok sa banyo para maglinis na ng katawan. 

 Sa kanilang pagdating sa mall, nilibot nila ang mga boutique sa loob ng nito. Makalipas ang ilang minuto, marami na silang nabili na gamit para kay Stefan. Pagkatapos ay nagtungo naman sila sa isang mamahaling shop ng mga sapatos upang bumili ng mga ito. 

 "May size 38 po kayo nito?" magalang na tanong ni Stefan sa isang sale staff sa loob ng shop.

Nagsusukat ito ng mga sandals na kakasya sa kan'ya habang si Travis ay busy naman sa pagtipa sa kan'yang cellphone at prenteng nakaupo sa isang malapad na sofa. 

 "Opo ma'am, wait kunin ko lang po." magiliw na tugon ng staff sa kanya at agad nagtungo sa stock room.

Habang naghihintay, nagtungo naman si Travis sa kan'ya upang magpaalam, "Steff, may bibilhin lang ako. Be right back" pagpapaalam nito sa kasintahan. Tumango naman siya sa pagsang-ayon. 

 Nagtaka ito nang 'di pa umaalis si Travis sa kan'yang kinatatayuan kaya tiningnan niya ito. Tatanungin niya sana ito nang bigla niyang maramdaman ang labi ni Travis sa kan'yang pisngi. Naestatwa si Stefan sa kan'yang kinatatayuan habang si Travis ay nakangiting palabas na ng shop. Napakurap naman si Travis bago nilibot ang tingin sa paligid at agad itong namula nang makita ang mga sales lady na naghahagikgikan dahil sa kanilang nakita. Kitang-kita ang pamumula sa kan`yang mukha, hindi niya mawari kung ano ang dapat gawin. Nabaling ang kan`yang paningin sa staff na may dalang kahon ng sandals at agad nitong inayos ang sarili.

 "Ma'am ito na po size na hinahanap mo." dali-dali niya itong kinuha at nagpasalamat sa sales lady. Wala pang isang minuto mula nang makuha niya ang sandals, nagtungo ito sa cashier para bayaran ang kan'yang mga pinamiling sapatos. Hindi pa rin nawawala ang pamumula sa kan'yang mukha sa tuwing maaalala ang mga pangyayari sa loob ng sapatusan. Ang kabog ng puso niya'y tila nakikipagkarerahan sa sobrang bilis, nakaramdam din siya ng kakaibang kilig na para bang siya ay kinikiliti.

 Matapos bumili ni Stefan sa shop ay siya ring pagbalik ni Travis. Hawak-kamay silang naglalakad papunta sa isang restaurant sa loob ng mall upang kumain dahil nagugutom na bunsod ng kanilang walang katapusang pag-iikot sa mall. Hindi maiwasang mailang ni Stefan sa harapan ng maraming tao ngunit pinilit niyang isawalang bahala na lamang ito.  

 Habang kumakain ay kapansin-pansin pa rin ang pagtitipa ni Travis sa kan'yang cellphone. Bagaman hawak pa rin ni Travis ang kamay ni Stefan, hindi nito maikaiila na naiirita na ito sa lalaki dahil kanina pa ito tipa nang tipa sa cellphone niya. Dumagdag pa sa kan`yang pagkairita ang biglaang pagpapaalam nito na aalis na kalaunan din ay bumabalik.

Tumikhim naman si Stefan, dahilan upang mabaling ang atensiyon ni Travis dito. "Kumain ka muna, makapaghihintay naman siguro `yan." seryosong sambit nito kay Travis na agad namang binaba ang cellphone at hinarap ang pagkain. 

 Napansin ni Travis na hindi komportable si Stefan sa mga taong nakapaligid sa kanila kaya`t ito`y kan`yang kinompronta.

 “Is everything okay?” tanong nito sabay hawak sa kamay ni Stefan.

 “As usual, naiilang na naman ako” sagot nito na agad namang tinugunan ni Travis. 

 “Don`t mind them, Steffia Madrigal” panlalambing nito na tila ba kumiliti sa natatagong pagkababae ni Stefan. Napangiti na lamang ito habang nakatitig sa kan`ya. 

 Sa kanyang pagtitig sa asawa, nahagip ni Stefan ang isang pamilyar na lalaki—isa sa mga manunugal. Nakatayo ito sa likuran ni Travis na naging dahilan upang iiwas ni Stefan ang kan`yang paningin sabay takip sa mukha. 

 “Ayos ka lang?” pag-uusisa ng lalaki.

 “Oo, ngayon ko lang naramdaman ang pagod at medyo nahihilo ako dahil sa kaiikot natin” pagrarason nito.  

 Sa huli, inaya na niya ang lalaki na umuwi at mabilis nilang nilisan ang restaurant. Nakayukong lumabas si Stefan habang hawak ang kamay ni Travis. Matagumpay na natakasan ni Stefan ang manunugal ngunit kabado pa rin siya sa mga maaaring mangyari. 

 Natapos ang kanilang araw sa pamimili ng mga gamit ni Stefan ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ni Stefan ang mga kaganapan sa araw na ito. Nang makauwi sa bahay, agad ding inayos ni Stefan ang kanilang mga pinamili habang si Travis naman ay dumiretso sa banyo upang magkapaglinis ng katawan. Matapos ni Travis ay sumunod naman si Stefan upang maglinis na din ng kan'yang katawan. Agad din itong nahiga sa kama sa sobrang pagod. Si Travis naman ay nakaupo sa loob ng kan'yang office sa loob ng kanilang kwarto. Sinadya talaga ni Travis na maglagay ng mini office doon sa kan`yang condo upang hindi na ito magpalipat-lipat pa. 

 Inaasikaso nito ang mga papeles para sa kanilang kompanya. Mula nang binigay ng kan'yang magulang ang buong shares ng kanilang pinakamalaking kompanya, mas lalo na itong naging busy sa kan'yang trabaho. Late na rin ito kung umuwi kaya minsan ay naabutan niya na lang ang kan'yang asawa na natutulog sa sofa kahihintay sa kan'ya. 

 Nang matapos ang kan'yang ginagawa ay nagtungo na agad ito sa kanilang silid at tinabihan ang kan'yang asawa na ngayon ay mahimbing na natutulog. Isang halik naman sa noo at yakap ang binigay nito bago nito ipikit ang kan'yang mga mata.

 Artist, a person who creates art. This word is used most often for person and activities of 'high culture'. That is for example drawing, painting, sculpture, acting, dancing, writing, filmmaking, photography, and music. Sometimes a person who is very good at their job is called an artist, even if it is not considered as art. A scientist or mathematician can be called an artist.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status