Share

Chapter 4

Chapter 4

Buong linggo nasa bahay lang ako. Di ako lumalabas ng kwarto kung di ako ginugutom.

Ang lungkot na ng bahay na yun di na katulad nang dati. 

"Pakopya.." naka simangot na nilingon ako ni Patricia, pero binigay pa rin naman niya sakin ang notebook niya.

Sinimulan ko nang kopyahin ang sagot ni Patricia sa math. Mamaya pa namang hapon ang klase namin sa math. 

Pero ngayon ko na kinopya para mamaya di na ako mag madali. 

"Bakit ba kasi di ka nakikinig?" biglang tanong niya. Napalingon ako sa kanya sa kalagitnaan ng pagsusulat ko. 

"Di ako maka pag concentrate pag tinitignan ko siya pag kakamali nila ni Daddy ang unang pumapasok sa isip ko..."

Ang hirap lang na kahit mukha niya sobrang laki ng epekto sakin. Ang hirap tanggapin.

"Buti na lang talaga hindi ganun si Daddy" sagot niya sakin. 

"Naiinggit nga ako sayo e. Nakaya ni tito na mag stick sainyo ni tita"

Sobrang naka kakainggit naman talaga. Ngayong panahon kasi nauuso na ang pangangaliwa ng may mga asawa. 

Kaya nakakatakot mag mahal. Kaya siguro kung di ka panaman sigurado sa isang tao 'wag ka nalang muna mag commit. 

Kung di mo pa makita ang future mo sa isang tao. Huwag ka na lang din mag desisyon ng panghambuhay. In short wag ka na lang agad mag patali. 

"Subukan lang ni daddy mangaliwa lalayasan namin siya ni mommy" na tawa ako dahil sa sagot niya. 

"Bat ka na tatawa? seryoso ako" pag mamaktol niya sakin. Umiling lang ako sa kanya at na tawa ulit. 

"Ah basta iwan ko na lang kung anong magagawa namin ni mommy. Ang hirap pala ng ganong sitwasyon noh?" 

Natapos na din akong kumopya ng sagot niya sa math. Kaya binaling ko na ang buo kong atensyon sa kanya.

"Mahirap talaga noh. Ilang beses ko sila dati narinig na nag sisigawan sa kwarto tas may nababasag pa na gamit. Tas sobrang sakit pa na makita si mommy na nasasaktan." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ko.

Naisip ko na naman ang mga nangyari dati. Hindi naging madali para sakin ang lahat. Ang umiyak ng walang tunog habang nag tatago ako sa isang tabi para di nila ako makita. 

Sobrang sakit na kung pano ko na saksihan ang pag mamahalan nila. Nasaksihan ko rin kung pano nila nasaktan ang isa't isa. 

Yung love story nila na pinapangarap ko biglang nag laho. Parte naman talaga sa isang pamilya ang mag away at mag kasakitan. 

Humarap sa iba't ibang suliranin. Pero iba yung hatid na problema ng nangangaliwa. 

"Ang hirap nung habang umiiyak ako sa isang tabi dahil sa sakit. Kailangan ko pa ring maging matatag." di ko mapigilan na di tumulo ang luha ko. 

"Kasi kung di ako magiging malakas..." bumaling ako sa kanya at ngumiti kahit na patuloy sa pag daloy ang luha ko. 

"Walang pag kukunan si mommy ng lakas ng loob. Pag lipas ng ilang months. Bihira ko ng makita si mommy na umiiyak. Kaya yun ang nag pasakit sa'kin sobra sobra"

Binigyan naman ako ni Patricia ng panyo habang hinahaplos ang likod ko. Buti na lang kami lang ang tao ngayon dito sa classroom kasi vacant namin. 

Baka nasa library ang iba naming kaklase o nasa tambayan ng section namin. 

"Kasi sina sarili na lang niya lahat ng sakit. Maybe she thinks she need to be strong. Naiinis ako sa sarili ko kasi imbis na ako yung mas maging malakas saming dalawa ako pa yung nang hihina." 

Akala ko dati naging malakas na ako pero hindi pa rin pala. Kulang pa rin ako 'tong laging naapektuhan at nasasaktan. 

Ngayon na lang ulit ako nag open kay Patricia ng ganito. Dahil ayaw kong isipin niya pa ang mga problema ko. 

Pero di ko lang mapigilan talaga, sobrang sakit na e. Feeling ko pag di ko mailabas sasabog nalang ako anytime. 

"Na kung dapat may mas pang hinaan ng loob at mas masaktan si mommy yun. Siya yung ginago e. Imagine na kaya mong mag stick sa kanya pero na gawa ka niyang lukuhin.." 

Damn! 

Umiyak lang ako ng umiyak habang tinatahan ni Patricia. Di ko na dinugtungan pa ang sinabi ko dahil na hihirapan na akong mag salita. 

Parang may bumabara sa lalamunan ko. 

"Ang drama ko talaga.." na usal ko ng kumalma na ako. 

"Pumangit ka na tuloy.." tumawa si Patricia dahil sa sinabi niya. Kaya tumawa na rin ako. 

Huminga ako ng malalim at pinakalma ulit ang sarili. Gumaan ang pakiramdam ko. 

Nabawasan ang sakit na dinaramdam ko. Biglang nag sipasukan ang mga kaklase namin sa classroom at nag ingay. 

Napatingin ako sa relo na suot ko ten twenty three na pala. Malapit ng maubos ang vacant time namin. 

Inayos ko naman agad ang sarili ko para di nila mahalata na umiyak ako.

Ilang sandali lang na tahimik na ulit ang classrom namin dahil dumating na ang subject teacher namin para sa huling klase sa umaga. 

I listened carefully, unlike what I've doin' in my math subject. I take down notes and participate. 

It went smooth. 

"Camille, canteen na tayo agad?" I took a peaked at her and nodded. 

Tapos na naman akong mangopya sa assignment sa math kaya wala na akong ibang gagawin. Ginugutom na rin ako kaya pumayag na agad ako.

Sigurado naman akong atat na 'tong kumain kasi di daw siya naka pag breakfast kanina kasi nalate siya ng gising. 

Pag dating namin sa canteen di pa naman maraming tao.

Someone's caught my attention. He's here! 

Naalala ko yung towel niya na di ko nasuli sa kanya. Pero nahihiya ako. 

I don't even know how to address him! bumuntong hininga ako at na pag pasyahan ng lumapit sa kanya. 

Di ko na nilingon pa si Patricia na may pagtatakang tingin sa'kin. Syempre di ko pa na kwekwento ang tagpo namin ng lalaking 'to.

Ayaw ko lang kasing mag isip si Patricia ng kung ano ano. Sobrang advance pa naman nito mag isip. Mahirap na...

"Hi.." nag aalangan kong bati sa kanya ng maka lapit kami. 

Di ko pinansin si Patricia na kinakalabit ako at nanunulis na ang nguso sa di ko pag pansin sa kanya. 

Tumingin siya sa amin. His eyes is immediately fixated on me. I smiled at him faintly. Nahiya pa rin ako.

"Upo kayo.."

Nginitian niya naman ako pa balik at tinuro sa amin ni Patricia ang dalawang bankanteng upuan sa harap niya. Dahil yung isang upuan sa tabi niya dun niya nilagay ang mga gamit niya. 

Naguguluhan man si Patricia gumaya narin sa'kin pag upo. Kinuha ko mula sa pag ko ang towel niya. Dahil na hihiya ako baka mamaya anong isipin niya bat ako lumapit sa kanya. 

"Uh.. Ano.. Uh." napa pikit ako sandali at nag isip ng maari kong sabihin. 

Shit! Pinakita ko na lang sakanya ang towel na hawak ko ng hindi maka hanap nang tamang salita. 

Tumingin siya sa hawak ko at bahagyang tumango nag papahiwatig na naiintindihan niya. 

"Uh, oo na kalimutan mo 'tong isauli nung isang araw.."

Kinuha niya naman to sa kamay ko at bahagyang ngumiti. 

I cleared my throat. 

"Ano thank you pala sa towel mo. Ano... Pinalabhan ko na yan nakakahiya naman kasing isuli na mabantot. Pinunas ko pa naman 'yan sa pawis no'ng sabado.." ngumiti ulit siya sakin. 

Naalang naman ako kasi mukhang busy siya. Lala pa't nung lumapit kami nag babasa siya ng libro. 

Tyaka pansin ko yung aura niya ngayon di katulad nung last encounter namin. 

"Sige huh? thank you. Alis na kami, sorry sa abala." nginitian ko ulit siya tumango naman siya. 

Binalingan ko naman si Patricia na tahimik pa rin. Tumayo naman agad siya at sinamahan na ako sa pila para maka bili ng pagkain. 

"May di ka sinasabi sa'kin.." naka taas ang kilay na aniya niya. 

Inayos ko naman muna ang pagkain ko sa table namin bago umupo. Bumuntong hininga muna ako bago nag simulang mag kwento sa kanya.

Sa bawat salita ko mas lalong nanunulis ang nguso niya. I chuckled lightly. 

"Ba't di mo sinabi sakin? kaya pala na huli kita nun na naka tingin sa kanya huh?" nanunudyo niyang tanong. 

Bumawi sa di ko pag kwekwento sa kanya. Inirapan ko na lang siya kahit ang totoo ay na tatawa na ako sa kanya. 

Nag mamaktol na naman parang bata!

"Tinamaan ka siguro ng sinasabi nilang love at first sight!" nag ngising aso pa. 

Di ko na lang pinansin si Patricia nilantakan ko na lang ang pagkain ko habang nag lalakbay ang isip ko. 

Ba't kaya parang ang suplado naman ata ng dating niya kanina. Tas nung kami lang maya't maya ang pag tawa niya. 

Baka naman suplado talaga siya! Na pilitan lang siyang pake samahan ako nun kasi nga nabuhusan niya ako ng tubig. 

Yun na yun, pero bakit ko ba pinoproblema yun? Mga lalaki talaga sakit ng ulo. 

Kaya ako mag mamadre na lang siguro ako para wala akong alalahanin. Napairap na lang ako dahil sa huling na isip.

Napa balik ako sa reyalidad matapos marinig ang malakas na pag dighay ni Patricia. 

Inirapan ko naman siya habang siya naka peace sign at ngiti ngiting naka tingin sakin. 

"Ang baboy mo, di ka man lang nag excuse" pag susungit ko.

Imbis na maoffend sa sinabi ko tumawa lang siya. Ibang klase talaga 'tong babaeng ito ba't ko ba naging kaibigan 'to? 

"Alam ko iniisip mo diyan. Syempre naging kaibigan mo ko dahil ako lang naman nag tatagal diyan sa kasupladahan mo!" naka simangot niyang aniya. 

Pang asar ko lang naman yun sakanya kung ibang tao yun posibly pang na offend sa sinabi ko. 

Pero dahil kilala niya ang ugali ko di na lang niya seniseryoso. 

Pero sinabi ko naman sa kanya na pag may na sabi akong di niya nagustuhan. Kung yung biro ko iba yung dating sa kanya at nakakaoffend. 

Sabihin niya lang para di maging root ng di pag kakaintindihan namin. Tyaka para maging aware na rin ako.

Minsan kasi may na sasabi talaga tayo na parang wala lang satin. Pero sa kanila malakas impact. Iba iba kasi level ng sensitivity natin.

Umo-oo naman siya. Kaya simula nun pag may na sasabi akong naka sakit sa kanya. Sinasabi niya sakin, yun na rin siguro ang isa sa rason bat ang tagal na naming mag kaibigan. 

Since grade school. Kaya kahit sobrang mag kaiba ugali namin. Nag kakasundo pa rin kami. 

Well, acceptance is always the best thing to do. Para maintindihan natin ang lahat. We should accept that we're individually different. Kasi kundi di ka marunong ng pag tanggap. It will lead us in misunderstanding.

"Oh ano tapos ka na?" tanong ko sakanya. 

Kanina pa ako tapos dito pero siya hindi pa rin. Gumaganti talaga 'to sa pang aasar ko kanina sakanya. Sali mo pa yung di ko pag kwekwento. 

Parang kay liit liit na lang nang kanin niya. Dalawang subo na lang yun tapos na. But because she's in a mood today. Dinahan dahan niya talaga, tinatakam ako. Di niya naman ako madadala kasi busog na ako. Kaya wala din, pero nakuha niya naman akong asarin dahil pinag hihintay niya ako. 

"Bahala ka iiwan na kita diyan. Babalik na akong classroom." aalis na sana ako. Kaya lang bigla niya akong hinatak sa braso. 

Nag papadyak pa siya nang liningon ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay at tinignan ng nang hahamon. 

"Ito na nga oh tapos na. Halikana na nga" siya na mismo nag hatak sakin palabas matapos uminom ng tubig. Talo talaga 'to. 

Siya nga di siya nag kwento sa'kin tungkol dun sa mangloloko niyang boyfriend. 

Kung di ko pa siya nakitang iiyak iyak di ko malalaman na break na sila. Kung di ko pa pinag bantaan na di ko siya papansinin in a whole week. Di mag kwekwento sa'kin. 

Niloko na pala sinasarili lang problema. Nung nalaman ko edi sinugod ko yung ex niya dun sa classroom. Sinampal ko tas sinabihan ko na mukha siyang unggoy tas ang lakas niya mag luko.

Pero syempre gwapo naman talaga yun ganda kaya ni Patricia tas mag jojowa ng mukhang unggoy? 

Nasabi ko lang yun kasi na bwesit ako. Pinaka ayaw ko lahat ay ang makita ang mga taong mahalaga sa buhay ko na nasasaktan.

Kasi double yung sakit sa akin. 

"Camille!" napa baling ako sa tumawag sakin. 

Ba't kaya ako tinawag nito? Nilingon ko si Patricia at sinabing dito lang muna siya sa may puno mag hintay sakin. 

Gusto pa sana sumama kaso pinandilatan ko na ng mata. Gusto niya lang makasagap ng tsismis. 

Pinuntahan ko si Sedriano kung saan siya naka tayo. Medyo malayo layo sa hinintuan namin ni Patricia. 

Ramdam ko ang init sa balat ko habang nag lakakad palapit sakanya. He's looking at me intently while leaning in a mango tree.

"Ano bakit mo ako tinawag?" napa kamot siya sa ulo at awkward na tumingin sakin. 

"Uh.. Ano sorry sa inasal ko kanina. Nabigla kasi ako, first time kasing nag kalapit tayo na hindi kita na buhusan ng kung ano mang inumin." 

"Uh, sige yun lang sorry talaga." I nooded and smile a bit.

"Sige, okay lang naman.." tinanguan niya rin muna ako tyaka nginitian bago tumalikod at nag lakad palayo. 

Binalikan ko naman si Patricia na kanina pa atat sa pag balik ko. 

"Oh, ano daw sabi?" ngumiwi ako dahil sa pangbungad niya. 

"Nag sorry lang siya. Nabigla lang daw kasi siya kanina nung lumapit ako kasi first time daw na mag kalapit kami na di niya ako nabuhusan ng kung anong iniinom" tumango tango naman siya dahil sa sinabi ko.

Nag patiuna na akong mag lakad bago pa siya may sabihin nang kung ano. Mag rereporter ata 'to grabe kasi 'to mang interview sa'kin. Hinabol niya naman ako sa pag lakad ng mapag iwanan siya.

"Oh my god! nakita kitang ngumiti kanina. Ramdam kong mag kakajowa kana." She said dreamingly. 

"Aamin si Sedriano na gusto ka niya. Mangliligaw siya sayo at dahil gwapo naman siya tyaka mabait. Magugustuhan mo na rin kaya sasagutin mo siya." Umirap ako dahil sa sinabi niya.

Ito na nga ba sinasabi ko. Sobrang advance niya mag isip.

"Alam mo Pat 'yang pagiging advance mo mag isip bakit kaya di mo rin iniadvance pag iisip dati na baka lukuhin ka ng gago mong ex. Para naman kahit papano naka pag handa ka." ngumisi ako dahil sa sinabi ko. 

"Ang sama mo!" Tumawa ako dahil sa sinabi niya. Pikon na naman. 

Alam kong naka busangot na 'to ngayon tyaka naka nguso kahit di ko tingnan. Akala ko may sasabihin pa siya pero tumawa na lang din siya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status