Share

Chapter 1

Chapter 1

"Camille!" Napalingon ako sa taong tumawag sakin. 

Napakunot noo ako nang lumingon ako at ang nakita ko ay grupo ng mga lalaking nag tatawanan. May tinutulak tulak silang isang lalaki na tinutukso sa 'kin. Ipinag kibit balikat ko na lang ang na saksihan.

"Swerte mo sikat yan e. May gusto pala sayo." Nginitian ko lang ang kaibigan ko dahil sa sinabi niya.

Nahagip ng mata ko ang isang lalaking naka kunot noong naka tingin sa 'kin. Palagi ko siyang na papansing naka tingin sa 'kin matapos no'ng nangyari sa isang coffee shop. 

Aksidente niyang naibuhos ang kape niya sa damit ko.Nag sorry siya pero mukhang di naman sincere. Tinalaktalakan ko pa siya kasi na dumihan ang damit ko pero tinignan niya lang ako at nag kibit balikat!

Nakakainis lang na ako ang na buhusan pero mukhang galit din siya. 

"Okay, Miss I'm sorry nag seselpon ka. Ako naman hindi kita na kita kasi busy ako mag hanap ng mauupuan ko. Hindi lang ako ang may kasalan pati din ikaw. Wag mong sinisisi sa 'kin ang lahat."

Yun ang eksaktong sinabi niya. Labas pa sa ilong na pag kakasabi niya! 

Na pakurap ako dahil sa biglang pag tili ni Patricia sakto pa sa may bandang tenga ko.

Nakakunot noong tinignan ko siya. 

"Crush mo si Sedriano noh?" Na pangiwi ako dahil sa tanong niya. 

"Di ko kilala kung sino 'yang Sedriano. Kaya wag mo akong tinutukso.." inirapan ko siya dahil sa mga pinag sasabi niya. 

"Hala e bakit ka nakatingin sa kanya ng matagal?" She asked curiously. Tinignan ko kung sa'n siya nakatingin. Sedriano.. ulit ko sa pangalan niya sa isip ko. Yun pala ang pangalan niya. 

Umangat ang gilid ng labi niya at di niya na pigilang ngumiti kaya hinampas hampas ako ni Patricia sa balikat dahil sa sobrang kilig!

"Malandi ka! Crush mo yun?" Umiling lang ako dahil sa sinabi niya. Ang sadista talaga ng babaeng 'to. "Eh! Huwag mo akong pinag luluko lagi ko pa naman siyang na kikitang nakatingin sayo." 

"Huwag ka ngang assuming diyan malay mo nasa likod natin ang taong tinitingnan o kaya sa gilid. Ah basta kung saan lang. Haler? School 'to nasa public place tayo! Tyaka malay mo nag ka taon lang na yung taong tinitingnan niya malapit lang sa 'tin naka pwesto!" 

Na pangiwi na lang siya dahil sa sinabi ko. 

Pero pansin ko rin lagi ko siyang nakikita. Gwapo siya still pare parehas pa rin mang luluko ang mga lalaki. Tyaka ayaw ko sa kanya ang cold niya.

Tas kung tumingin sayo parang lagi kang kakaiinin. Parang laging may kaaway. Yung mata niya walang emosyon. 

Pero ano bang pakialam ko? Di ko nga alam kung sino siya e kung di pa siya tinawag na Sedriano ni Patricia di ko pa malalaman ang pangalan niya.

Pero napapaisip din ako kung ba't simula no'ng tatlong interaksyon naming yun, lagi ko na siyang nakikitang nakatingin sa'kin.

Ayaw ko namang mag assume na may gusto siya sa 'kin kasi kahit ang paraan ng pag tingin niya sakin natural lang.

Di ko alam pero lagi akong tinutukso ni Patricia sa kanya. 

Tas ngayon ito na naman tinutukso na naman ako dahil naabutan niya akong naka tingin kay Sedriano kuno. Nakatulala ako to be exact. Di na ka tingin, nag assume lang siya.

"Kaya walang malakas ang loob na manligaw sayo e. Parang kang tigre lagi!" 

Pairap niyang sinabi sa 'kin. Inirapan ko na lang din siya. 

"Alam mo Pat tigilan mo ako. Wag mo akong gina-gaya sayo na pinag sasabay mo ang kaharutan at pag aaral mo!" 

Ngumuso siya dahil sa sinabi ko. 

"Hoy! bruha 'wag kang ngumuso diyan nag mumukha kang pato." 

Hinampas niya ako dahil sa sinabi ko. 

"Alam mo Camille, di ko alam kung kaibigan ba talaga kitang hinayupak ka.." 

Natawa ako dahil sa sinabi niya kaya tumawa na lang din siya. 

Kagaya rin ng ibang pag kakaibigan, hindi perpekto ang samahan namin ni Patricia. 

Dumadating sa punto na nag ka kasakitan kami at nag tatampuhan. 

May na sasabi kaming na nakakasakit sa isa samin. 

Pero hindi umabot sa punto na naisipan naming tapusin ang pag kakaibigan namin. 

"Tsk... Halika na nga may klase pa tayo kay Ms. Del Monte.."

Tumayo na siya mula sa pag kakaupo. Tumayo na rin ako at hinintay na matapos niyang ligpitin ang kanyang gamit.

Nag lalakad na kami papuntang classroom nang huminto si Patricia. Nag tataka akong nilingingon siya. 

Di niya ako nilingon. Di rin siya nag salita kaya nilingon ko na lang din ang tinitingnan niya. 

"Alam mo, ang kapal talaga ng mukha niya.."

Napatitig na lang ako sa tinitignan namin. Di na bago sa 'kin ang ganitong eksina 

Yung teacher namin sa isang subject namin na kita kong bumaba na naman mula sa kotse ni Daddy. 

They had a lunch out side huh? sweet. Pinaikot ko ang mata ko dahil sa huling na isip.

Di man lang niya nirespito si Mommy. Parang wala na lang sa kanya ang lahat. Kulang nalang ipaglandakan niya sa lahat ng tao ang kataksilan nilang dalawa. 

Di man lang niya ako nirespito. Harap harapan niya talaga pina pa kita sa'kin ang kalandian nila ng babaeng 'yan. 

Bago pa mag salita ulit si Patricia hinatak ko na siya papuntang classroom. Umupo agad ako sa pwesto ko at na kita ko namang pumasok na ang subject teacher namin. 

Di ko mapigilang di mapatitig sa kanya.

Di mo aakalaing sa ganda niyang 'yan magiging kabit siya, well seven years ang agwat nila ni Daddy. 

Sa edad niya makakahanap pa rin siya. Ang di ko lang talaga maintindihan kung bakit mas pinili niyang maging kabit. 

Di ko lubusang maintindihan kung bakit may mga babaeng makakaya namang maka hanap pa ng mas batang lalaking mamahalin. 

Yung walang sabit! Pero mas pinipili nilang mag settle sa pagiging kabit. Umiwas siya nang tingin nang makita niya akong naka titig sa kanya. Na palunok pa siya! Dapat lang na mahiya ka! Ako lang naman ang anak ng lalaking nilalandi mo.

Maninira ka ng pamilya. Di mo man lang na isip na dalawa kami ng mommy ko ang na sasaktan mo. 

"Good afternoon class."

Nag sitayuan ang mga kaklase ko para mag pa kita ng pag galang. Pero ako? Di ako tumayo na natili lang ako sa upuan ko. Sinipa ni Patricia ang paa ko. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. 

I heard Ms. Del Monte cleared her throat. 

"Class sit down."

Di ko lang siya pinansin kahit nag sisimula na siyang mag turo.

Mangongopya na lang ako mamaya kay Patricia. Bukod sa naiinis ako sa kanya. Naiinis din ako sa subject na tinuturo niya, math psh.

Kung di lang ako pinalaki ng maayos ni mommy baka matagal ng kalat sa paaralan na kabit siya ng tatay ko.

Pero ayaw kong mapahiya ang mommy ko. Ayaw ko rin na mapahiya ako! 

Kaya di na lang ako na kikinig sa klase niya baka ano pa masabi ko sakanya. Nakakainis ang pag mumukha niya kay gandang babae. Kabit naman. 

Alam kong matagal na siyang hinahatid ni Daddy pero di lang si Daddy bumaba sa sasakyan niya. Syempre ayaw niyang mapahiya ang pinaka mamahal niyang si Sally Del Monte.

Okay na rin yun para di rin ako kaawaan ng mga teacher at estudyante dito.

Buong klase di ako na kinig sa klase ni Sally. Wala sa oras na pina ikot ko ang mata ko. Sermon na naman mamaya ang aabutin ko sa bahay. Sumbongera kasi 'yang Sally na yan. Masyadong sipsip. 

Na tapos ang klase ng wala man lang akong naintindihan sa tinuro niya. Nag bigay lang siya ng assignment tas dinismiss na kami. 

Last subject na rin naman namin yun para sa araw na 'to dahil may meeting ang mga teachers sa alas tres. Kaya maaga ang uwian namin. 

Nag yaya si Patricia na pumunta muna kami sa pinaka malapit na coffee shop dito. Pero tinanggihan ko dahil wala ako sa mood. 

Di na rin naman niya ako pinilit dahil alam niyang iniisip ko yung na kita ko kanina. 

Sinamahan niya na lang ako sa may waiting shed para mag hintay ng taxi dahil may sundo naman siya ngayon. 

Habang nag hihintay kami na may pumara na taxi. Kinilabit ako ni Patricia. 

I arched my eyebrow while curiosly looking at her. 

"Si Sedriano naka tingin sayo tinamaan ata ng alindog mo kanina"

I exaggerated sigh. Can't help but rolled my eyes. 

Ngumuso siya dahil sa ginagawa ko.

"You know what Pat? It seems like it's you who like him, hmm? Tinutukso mo lang ako para di kita mahalata.' I chuckled. 

Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko at agad niya akong hinampas. 

"I hate you!" I just laughed.

Napailing na lang ako dahil naka nguso na naman siyang naka tingin sa'kin. Gamit ang matang nag papaawa. Parang bata talaga. 

Kinawayan ko na lang siya dahil may dumating na nataxi. 

"Bye Pat, nandiyan pa si Sedriano mo sa may guard house. Busugin mo mata mo kakatingin huh?" Nanunukso kong aniya bago ko siya tinalikura. 

Mas lalo siyang ngumuso dahil sa sinabi ko at may kasama pang pag papadyak. 

Di ko na pigilan at tumawa na ako ng malakas. Pumasok ako sa loob ng taxi na may ngiti pa rin. 

"Sa'n po tayo ma'am?" 

Sinabi ko ang address namin sa kanya bago ko kinuha ang cellphone at ear phone ko. 

I played my korean favorite song someday by IU . Huminga ako ng malalim. I need to regain my composure. Tiyak na sermon ang aabutin ko mamaya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status