Share

5

5

Margaux woke up with a throbbing pain in her head. Namimigat ang katawan niya nananakit na para bang kagagaling niya lang sa pagbubuhat ng mabibigat na mga bagay. May nauulinigan siyang kaluskos at ingay sa paligid pero hindi niya magawang tuluyang idilat ang kanyang mga mata. Her first attempt made her wince in pain. Nasapo ang ulo. May nasalat siyang tila benda sa kanyang noo, doon mismo sa bahaging kumikirot. Gradually, memories from last night surged in her head.

Splash ng tubig ang naalala niya, pagtama ng ulo niya sa isang matigas na bagay, mga kamay na bumuhat sa kanya…at ang demonyong mukha ni governor.

Napabalikwas siya ng bangon at iginala ang paningin sa paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata, napasiksik siya sa kama habang hinablot ang kumot at itinabing iyon sa nanginginig na katawan. Inatake siya ng takot.  

‘Kaninong silid ito?’

Mas nanakit ang sentido niya sa nabubuong hinala sa utak.

‘No, not with the governor, Dear Lord,’ pipi niyang hiling.

Sana, hindi tauhan ni governor ang inakala niyang nagsalba sa kanya kagabi. Nakakadiri. Nakakasuka kapag nagkataong nangyaring naibalik siya sa yate ng halimaw na matanda. Napatingin siya sa sarili sa ilalim ng kumot. Iba na ang suot niya. White V-neck shirt na halatang panlalaki. Inamoy niya iyon. Kaaya-aya ang amoy na nanuot sa ilong niya. Katerno ng shirt ay isang maluwang na kulay itim na pajama. Again, it was a man’s pajama. Nakapa niya ang dibdib. Wala na ang suot niyang bra. Wala rin siyang suot na panty.

Nanuyot bigla ang lalamunan niya.  

“No, no!”

Nagrirebelde ang kalooban niya. Bumangon siya, nalaglag ang kumot sa carpeted na sahig. Isang bagay ang napansin niya. Wala siyang maramdamang kirot sa gitna niya. Walang anumang discomfort maliban sa kirot sa kanyang ulo.

‘Ibig sabihin…”

Naputol ang pag-iisip niya nang bigla na lang makarinig ng kaluskos mula sa kung saan ng cabin na kinaroroonan. A man appeared from what seemed to be a narrow passage. He had his head lowered, so she couldn't see his face. What was immediately noticeable about him was his height; he stood at least six feet tall. Matipuno ang pangangatawan nito. Nasa tama ang mga muscles at hindi nakakasukang tingnan. As he moved further into the room, she noticed the subtle play of muscles beneath his clothing, hinting at a lean and muscular physique.

Biglang may bumundol na kung ano sa dibdib niya. The room seemed to close in around her as the mysterious man's presence filled the cabin. Parang biglang nagkatensyon sa paligid. Pero kapansin-pansin din na hindi kilabot ng takot ang gumapang sa kaibuturan niya. It was something she couldn’t explain. Pero, hindi pa rin nawawala sa utak niya na baka nga masamang tao ito.

‘Tauhan kaya ito ni Governor?’

Bigla siyang nag-panic. Inalerto niya ang sarili. Naghanda sa anumang gagawin ng lalaking ito na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin sa hawak nitong phone. Wala siyang makitang anumang bagay sa loob na maaari niyang ipamalo oras na gawan siya ng masama ng lalaki. Ang unan ang tanging naging kakampi niya. Bago makapag-angat ng mukha ang lalaki ay nagawa na niyang ihampas ng ubod lakas ang hawak sa katawan nito.

“Shit!”

Kung saan-saan lang iyon tumama. Inulit niya ang paghampas ngunit maliksi nitong napigilan ang braso niya. Ang tindi ng reflexes nito. Ni hindi siya makakilos.  

“Stop it! “

“Sino ka ha? Tauhan ka ba ni Governor?” bulyaw niya sa lalaki habang pilit na nagpupumiglas. Sumabog na ang mahaba niyang buhok sa mukha niya. Her sight was blocked. Gayun pa man, patuloy siyang nagwawala sa mga kamay nito. Dalawang kamay na pala niya ang pigil-pigil nito.

“Stay still. Bullshit!”

Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Halos bumaon na ang mga daliri nito sa balat niya. Mas malulutong na ang sumunod nitong pagmumura. Hindi siya nasindak. Mas naging masigasig siya na makawala sa pagkakahawak nito.

“Damn woman!”

Lumiyo ang pakiramdam niya nang sa isang iglap ay nagawa siyang ihiga nito nang marahaso sa kama. Ramdam pa niya ang tila pagtalbog ng katawan niya sa king-sized bed. Sa panghihilakbot niya, nakapatong sa kanyang ibabaw ang buong bigat at bulto ng katawan ng kung sinumang mamang ito. Binalak niya manulak pero paano niya magagawa kung nakapinid sa gilid ng mukha niya ang dalawang mga braso niya. This man’s strong hand held her arms captive.

“Pakawalan mo ‘ko!”

She put up a fight with the governor last night. Kaya niya pa ring gawin ngayon. She tried moving her legs, but the man on top of her applied full pressure, immobilizing her. Napamulagat siya. Umawang ang bibig niya nang may maramdamang malaking bukol na tila tumutusok sa gitna niya. Parang panandaliang naparalisa ang katawan niya. She was trying so hard to figure out what it was.  A man’s groin was touching her sensitivity. Mas nagwala ang pakiramdam niya. Si Governor kaagad ang sumagi sa utak niya.

“Umalis ka sa ibabaw ko!”

“Stay still or I will make your mouth shut by kissing you.”

It was a threat; she felt threatened. Iniangat niya  ang ulo at buong pwersang kinagat ang lalaki sa balikat. Bumaon ang mga ngipin niya sa ibabaw ng t-shirt nito. Napaigik ang lalaki at napamura. Nevertheless, he continued to maintain a firm grip on her wrists. Hindi niya ito matinag-tinag. Nawawalang pag-asang buong bigat niyang inilapat muli sa kama ang ulo at ipinikit ang mga mata. Hinintay niya ang susunod na gagawin ng lalaki. She didn’t feel any movement. Hindi nito isinagawa ang banta. Wala itong ibang ginawang masama. Only that she felt someone was staring down at her. Dama niya ang mainit at mabangong hininga na dumantay sa mukha niya. For a goon, this man smells extraordinarily good. Parang…parang kapareho ng amoy na nalalanghap niya ang naamoy niya sa suot kani-kanina lang.

It felt so nice.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata.

There, she met the gaze of the man who was earnestly studying her face.

Parang may pumitik sa dibdib niya.

She couldn't believe her eyes. She recognized this man. He was the same person she had seen in the hotel lobby and at the restaurant the previous night. To say she was surprised would be an understatement. She was mesmerized and relieved.

 “I-ikaw?”

Tanging nasabi niya sa bahagyang gumaralgal na boses. Gusto niyang maiyak sa kaalaman na walang anumang masamang nagawa sa kanya ang matandang Governor Luna. In fact, may bahagi sa puso niya ang nababalot ng security. Kahit hindi man ngumiti ang lalaking ito, mas gugustuhin niya pang dito mapunta kesa sa matandang hukluban na iyon.

Nasaksihan ng lalaking ito ang nangyari sa kanya kagabi. Pero bakit wala siyang makitang sympathy sa mga mata nito? Malamig at hindi mabasa ang damdaming nakikita niya sa taimtim na mga mata nito.

“Get up.”

Imbes na sumagot ang lalaki, malamig ang boses nitong inutusan siyang tumayo.  Nakaramdam siya ng ginhawa nang mawala nang tuluyan ang buong bigat nitong nakadagan sa kanya. The man stood up as if nothing happened. Kinuha nito ang paperbag na nakalapag ngayon sa sahig at initsa sa kama.

“Get dressed if you don’t want to go home wearing my clothes.”

His deep baritone voice intimidated her. At sa lalaking ito pa talaga ang suot niya.

Ibig sabihin…

Nanuyot ang lalamunan niya sa naiisip.

“I have seen so many naked women before, and yours was not particularly exceptional.”

Para siyang natulig sa sinabi nito. It was said rather flatly pero nakakainsulto pa rin. Napatanga siya sa mukha nito.

“You can take a shower if you want.”

Itinuro nito ang nakapinid na pintuan. ‘Yon lang at walang anuman itong tumalikod at iniwanan siya pero hindi niya pa rin magawang alisin ang mga mata roon.

Everything was just too much to grasp.

Isang hingang malalim ang ginawa niya. She then stood up and fixed herself in the bathroom. Saka niya lang napagtanto kung ano ang kinaroroonan niya. Nasa isang modernong ultralight yacht siya. Mas maliit kumpara sa ibang nakita na niya, but this one quietly exuded an air of opulence. Mula sa kama, uri ng ilaw na ginagamit sa eleganteng kisame. Bawat sulok na naaabot ng mga titig niya. Sa ganda ng interior, hindi ramdam na masikip ang kinaroroonan. Everything was compact. Kahit na nga ang maliit na kitchen, nama-maximize ang space. This is truly a bachelor’s den with an imprint of a Lamborghini patch. Sa magazine niya lang ito nakikita, ngayon, kinalululanan niya na.

“Bachelor.”

Walang suot na singsing ang lalaki.

Does this mean…

Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang kakatwang naiisip. Inayos ang suot na denim at bulaklaking blusa. Parang hinulma sa katawan niya.

“Who could be your owner?” parang tangang kausap niya sa damit.

Perhaps, from one of those women; those who were willing to undress readily for his gratification. Sa hitsura at yaman ng misteryosong lalaki, malamang hinahabol ito ng mga babae ma may ‘exceptional’ na pigura.

Ewan niya pero parang ayaw niya sa naiisip. Bago pa man maglakbay ang utak sa walang katuturang bagay, nagpasya na siyang lumabas. Umakyat siya sa ilang baitang na hagdanan. Natatanaw na niya ang  bughaw na langit mula sa kinaroroonan at ang mga nagtataasang mga gusali sa unahan. Para siyang na-excite na binilisan ang mga kilos.

The strange man was positioned at the helm of the boat in front of the windscreen. May sinag ng liwanag na tumatama sa mukha nito. Mas lalong nadipina ng liwanag ang magandang features ng mukha nito. Tapered jawline, hindi naman ‘yong sobrang nakakatakot na mga panga, but it sure looked so nice on him. Matangos ang ilong ng lalaki, katamtaman lang ang kapal ng mga nakatikom na mapupulang mga labi.

And his eyes…

It was dark, cold and intimidating. Nakaka-intimidate pero nangmamagneto rin.

“You’re done.”

She suddenly became flustered when his gaze turned towards her. Paano ba nagagawa ng lalaking ito na maapektuhan siya ng ganito kung hindi naman siya madaling naapektuhan ng kahit na sino. Sabi nga ni Eli, baka bato raw ang pakiramdam niya. Ang tanga niya lang kasi at napapatanga na lang siya sa pagmumukha nito.

“Have a seat.”

Nilingon nito ang lounge area ng yate. Mabilis siyang sumunod. Para kasing nakakaasiwa na nahuli nito ang paninitig niya. Mabilis ang mga hakbang niya, Tunay na nakakagutom ang naamoy na mga pagkain na nakahain sa katamtamang laking mesa na napapagitnaan ng dalawang mahahabang upuan na balot sa leather maging ang sandalan. Naglalaro sa pagitan ng spruce at grayish blue ang dominant na kulay ng upuan at may accent ng gray at gold. Lumaki siyang maykaya at nakaangat sa buhay pero hindi kailanman nangarap ang ama niya ng mga maluluhong bagay na kagaya nito.

“Dig in.”

Nakakahiya. Nagmistula siyang pulubi na namamangha sa karangyaang nakikita. Mabilis siyang naupo at nagsandok na rin ng pagkain. Tahimik silang kumain. Tanging sa plato lang nito nakatungo ang lalaki. Wala man lang yata itong balak na kausapin siya o tapunan man lang ng pansin.

Kapag siguro ito ang lagi niyang kasama, mababawasan ang self-esteem at confidence niya.

“Are you sure, walang maghahanap sa’yo?”

Out of the blue ay nagsalita ang lalaki.

“Ang tatay ko.”

“What about your client?”

Nabitin ang gagawin niya sanang paglunok ng pagkain. “P-pardon me?”

Nginuya muna nito ang isinubong karne bago tumingin sa kanya. Sa buong durasyon na magkaharap sila sa mesa, ngayon lang siya nito tuwid na tinitigan.

“I don’t want to get involved with your affairs. Baka hinahanap ka na ng customer mo,” Uminom ito ng juice sa baso nang hindi tinatanggal ang paningin sa kanya.

“Didi you…did you mistake me for a…“

Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin. Ang lalaki naman ay Ibinaba ang baso at sumandal sa upuan habang ipinatong sa backrest ang matipunong braso na may nakaburdang tattoo sa sa may bandang siko.

“I am not a whore if that’s what you mean.” Defensive na ang tono niya. Napainom siyang bigla ng tubig dahil sa pakiwari niya ay naninikip ang kanyang dibdib. Bigla ring naging mahigpit ang hawak niya sa edge ng mesa. Nanliliit ang pakiramdam niya sa harapan nito.  

Tinitigan lang siya ng lalaki, walang anumang sinabi. Pagkatapos ay walang anumang nagpatuloy ito sa pagkain. Wala itong pakialam sa anumang sasabihin niya. Sa kaibuturan niya, nabuo ang hangarin na itama ang maling akala nito sa kanya. Pero ano nga naman ba ang silbi? Pagkatapos naman ng araw na ito, hindi na sila kailanman magkikita pa ng estrangherong ito.

Period na.

This man didn’t even bother to ask her name nor introduce himself.

Bakit nga naman nito kikilalanin ang isang ‘p****k’ na kagaya niya?

But she couldn’t dismiss the fact that she felt insulted and humiliated inside. Madalas naman, wala siyang pakialam sa tingin ng mga tao sa kanya. Sanay siyang tinititigan at hinuhusgahan lalo na kapag nasa rampa, and yet, this man was the only one who affected her in a profound way she didn't expect.

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Estrella Lorion
update na ms grace
goodnovel comment avatar
Che Che
ang judgemental nito di muna inalam ang totoo
goodnovel comment avatar
Jossel Zulueta Ber
tnx ms ganda,labbyyoo otor muaaah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status