Share

3

Lumipas ang ilang araw nang paghahalughog ng mapagkukunan ng tulong. The bills have piled up. May naririnig-rinig na siyang hingalo ng mga manggagawa. Buong buhay niya, lumaki siyang walang anumang problema sa pera. Ngayon, sagad na sagad ang pakiramdam niya. Sumasakit na ang ulo niya. Help was scarce. Ang mga politikong tinulungan ng dad niya na mailuklok sa pwesto, hanggang sa minsanang pangungumusta lang ang ginagawa. No one even bothered to come and visit him. Tama nga ang kasabihan, ‘You’re as good as you’re needed.’ At ngayon, higit kailanman niya mas naiintindihan ang pinagdadaanan ng mga hikahos sa buhay. Hindi madali. Mas mabuti pa nga noong nasa Brazil siya, may misteryosong kapitbahay na nagpapadala sa kanya ng tulong na kadalasan ay pagkain.

“Magbinta na lang kaya tayo ng ibang properties, Dad? I can even sell my jewelries and our paintings.”

“No, not the paintings. Sa mommy mo ang mga ‘yon.”

Napangiti siya kahit papano. His dad has remained loyal to her mother up until this day.

“Isa pa, lahat ng poperties natin maliban sa isang lote sa Talisay, all are tied up to this land. Ginawa kong collateral sa mga utang sa bangko.”

Nagdaan ang katahimikan. Pareho silang mahulog sa malalim na pag-iisip ng tatay niya.

“May naipundar akong bahay sa Rizal, Dad. Ibenta na lang natin.”

Her father’s answer was a firm no. Mas mataas pa sa Mount Everest ang pride ng tatay niya. Her grandparents raised his father this way. Gustuhin man niyang lumapit sa mga Santibañez pero ramdam niya ang aloofness ng mag-asawa sa ama niya. They didn’t forget what he did to Lorenzo.

The next morning, she found her dad feeling sick. Halos hindi ito makabangon pero sa kabila niyon, sinikap nitong tumayo. Muntikan na itong matumba nang makaramdam ng pagkahilo. Napasugod siyang bigla sa kinaroroonan nito at inalalayan itong makaupo sa kama. he looked so unwell. Napahawak pa ito sa kumikitrot na ulo nang tumingla ito sa kanya.

“Dad, you stay in bed muna.”

“No, no. I have a meeting with your Uncle George.”

Si Gov ang tinutukoy ng dad niya. Kapag nagkataon, he would be their last hope.

“Pwede naman sigurong ire-sched ang meeting ninyo, Dad.”

“This is very important, Margaux.”

Pinilit nitong tumayo at naglakad patungo sa closet. Bago pa man nito buksan ang cabinet, nakita niya kung paanong napahawak ito sa hawakan ng cabinet. Nahihilo ito at muntikan nang matumba.

“Dad!”

Napasugod siya ng lapit sa ama. Inalalayan niya itong maupong muli sa kama. He looked pale.

“Tatawagan ko si Dr. Luna.”

“Margaux, this is nothing.”

“Daddy, huwag matigas ang ulo. You’re not well.”

If she needed to wrestled with reasons with her father, she wouldn’t hesitate to do it. Gladly, nakinig ito. Mataas ang anxiety at stress level nito. Suhestiyon ng doktor, bedrest. Siya ang hahalili sa ama niya sa meeting nit okay Gov.

“Are you sure it’s okay with you, Hija?”

She was unsure. Mabibilang lang sa mga daliri na nakakaharap niya si Gov. Most of the times, sa mga parties pa na kapwa dinadaluhan ng pamilya nito at pamilya nila.

“I’m sure, Dad.”

Maaga pa lang ay nakagayak na siya. Pinili niyang isuot ang one-piece knee length black dress na pinatungan niya ng skin tone semi formal blazer. Ayaw niya namang magmukhang sobrang pormal. Inilugay niya lang ang mahabang buhok at tanging relo lang ang suot niyang jewelry. Inorasan niya ang sarili. Sasakay pa siya ng eroplano pa-Maynila. Kailangang bago tumuntong ang alas kwatro ay nasa Maynila na siya. May importanteng conference daw na dinaluhan ang gobernador at kinailangan pa niyang lumipad doon. Sila ang may kailangan, sila ang dapat mag-effort.

She came a little earlier. Hindi pa man pumapatak ang alas singko, lulan na siya ng taxi na maghahatid sa kanya sa Manila Yacht Club. Doon na siya dumiretso pagkagaling sa airport. Of all places, doon pa talaga naisipan ni Tito George na magkita sila. Parang alangan tuloy siya sa ayos niya.

Bahala na.

Mas nauna siyang dumating sa meeting place. She was led to a table in a corner. It was a good spot. She had such great vantage point from where she was seated. Kahit paano, may nahabol pa siyang kaunting sinag ng sikat na Manila sunset. Yumayakap na ang dilim sa paligid at nagsisimula nang mabuhay ang mga ilaw sa lungsod. She was in the city at the moment pero nasa hacienda ang utak niya. Nasa ama niya.

Napatingin siya sa relo na nakasabit sa dingding ng resto. Hindi siya sigurado kung gaano siya katagal maghihintay kay Tito George pero maghihintay siya. Hindi siya uuwi na walang bitbit na magandang balita para sa dad niya. Inaliw niya na lang ang sarili sa pagtitig sa paligid- sa nagtataasang mga gusali sa Roxas Boulevard, sa dumidilim na marina.

Buti na lang talaga at nag-cardigan siya. May pananggalang siya sa malamig na panahon.

Nang bigla ay tumunog ang may sira sa screen pa ring phone. Sa dami ng iniisp, hindi na talaga niya iyon naipaayos pa. Kinalikot niya ang phone. May message siya sa messenger and it was from Eli. Lumukso kaagad ang puso niya nang mabasa ang pangalan ng bestfriend niya.

“Can I call?” ang message nito.

Caps lock na OO ang naging tugon niya. Her phone rang. Nakahanda na ang mga daliri niya sa pag-swipe ng button ng phone.

“Eli, how are you?”

Sumagot si Eli pero hindi na klaro ang signal nito. Para yata siyang sinasadya ng pagkakataon. Ang iba naman ay okay na nakikipag-usap sa phones ng mga ito.

“Wait, I’ll find a good spot where we can talk clearly.”

Tumayo siya at nagmamadaling naglakad habang nakatitig ang mga mata sa phone. Nang bigla na lang ay may nahagip ang kanyang mga mata. Parang nawala ang atensyon niya kay Eli. Napako ang mga mata niya sa lalaking kampanteng naglalakad papasok ng resto. Tatlong beses sa isang linggo. This was too much of an encounter sa loob lang ng kulang-kulang isang linggo.

And her usual reaction, napapatanga na naman siya. For the third time, parang gagang napatitig na naman siya sa gwapong mukha nito. He was wearing a pair of sunglasses. Walang araw pero hindi siya nababaduyan. Siguro ay naalala nito ang oras, tinanggal nito ang shades na halatang mamahalin at isinuksok sa bulsa ng suot na puting polo. The last time he saw him, he was wearing a leather jacket. Kahit ano pa yata ang isuot ng lalaki, he could carry himself well.

“Ayan na naman si Gwapo.”

Narinig niyang singhap ng isa sa mga crew. Then, all women inside the resto fixed their eyes at him. This man could command any woman’s attention so easily, and she was not immune to it. Heto at nakatitig pa rin siya sa lalaki at inoobersbahan ang bawat kilos nito. It was as if, he was a beautiful sight to behold. Parang hindi nakakapagod titigan. Lorenzo is as equally as handsome pero kahit minsan, hindi siya nahahalina sa lalaki. This one is different.

Iba ang epekto nito sa kanya, sa sistema niya. Parang bigla na lang lumilipad ang mga rason sa utak niya. Nasa mismong tapat na pala niya ito pero ni hindi man lang niya magawang umalis sa kinatatayuan.

She was mesmerized by his magnetism.

Tumapat ito sa kanya, halos gadangkal lang ang layo ng mga balat nila. She could smell his natural scent. At kaaya-aya ang pabagong gamit nito. It was sexy and subtle and is not intrusive to her smell. Ano ba ang alam niya sa sexiness? Nababaliw ba siya? She could feel her chest tightening for no reason at all. Ang puso niya, parang kumibot nang makitang dumapo sa kanya ang paningin nito.

‘Does he recognize me?’

Parang natatarantang nag-iwas siya ng paningin. May naririnig siyang ingay sa ginawang pagkilos pero hindi niya alam kung ano. Nakita na lang niya ang paghinto mismo ng lalaki sa harapan niya. Nakatagilid ito sa kanya. Kahit pala side profile, ang ganda sa paningin. This man had an exquisitely pointed nose. ‘Yong hindi naman nakakaumay sa sobrang tangos and his jawline were perfectly tapered. Kasalukuyan pa ngang gumagalaw ng mga oras na ito.

Suddenly, he leaned towards her without changing his position.

“Is it a habit of yours to just drop your phone whenever you want?”

Saka pa lang niya natagpuang wala na sa kamay niya ang phone. Kaawa-awang nahulog na pala ito sa sahig. Madadgdagan pa yata ang sira. Sa pagkataranta niya, binigla niya ang pagdukwang sa nahulog na aparato. Nang muli siyang tumayo ay aksidenteng nasagi naman niya ang bar tray na bitbit ng isang waiter. May laman iyong isang baso ng iced tea. Tumiilapon sa sahig ang laman, tumilamsik ang maraming iced tea sa suot niya.

“Ma’am, sorry po,” nag-aalalang hingi ng paumanhin ng waiter.

“No, it’s okay. Ako ang may kaslaanan. If in case, pagbabayarin ka ng manager mo, sabihin mo lang sa akin. But right now, I need to excuse myself.”

Dala ng hiya ay nagmamadali siyang nagtungo sa restroom. Nakasunod ang titig ng iilang mga parokyanong nadoon. She was a mess and a complete disaster. Bago siya tuluyang pumanhik sa restroom, nagawa pa niyang tapunan ng titig ang lalaki na walang anuman lang na nakaupo sa pandalawahang mesa habang may binabasa sa phone.

This man…this man is something.

Tuluyan niyang itinulak ang pinto at pumasok. Ilang sandali pa muna siyang sumandal sa nakasaradong pintuan at sunud-sunod na pagbuga ng hangin ang ginawa.

“This isn’t your day, Margaux, and that man…”

Napapikit siya at napasabunot sa ulo.

How in the world did she allow herself to be embrassed like that in front of so many people?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lalaine Rambo
Bad day Margaux haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status