Share

2

Ginising siya ng sunod-sunod na tunog ng telepono. Nakapikit pa rin ang mga mata na kinapa niya ang nightstand at kinuha ang phone.

“Hello?” groggy ang boses na sinagot niya ang tawag.

“Margaux, finally, may nag-set ng meeting sa’yo.”

Parang nawala ang kahuli-hulihang patak ng antok niya. Kaagad siyang bumangon sa kama at sumandal sa headboard ng kama.

“Sino, Polly?” tanong niya sa agent niya.

“We will discuss once you’re here.”

Finally. May maiaambag na rin siya sa pamilya nila. Kahit sa maliit na paraan. Kahit pa ayaw ng daddy niya. Pwede niya namang pagsabayin ang modeling at pagtulong sa ama sa hacienda. Maikli lang ang naging pag-uusap nila ni Polly. Ipinagpaliban niya muna ang pagtungo sa farm at kaagad na kumilos. Bago umalis, sinigurado niya munang maayos na nakahanda ang almusal ng ama. Natutulog pa rin ito.

Alas dies ang usapan nila ni Polly. Maaga pa lang ay nasa daan na siya. Bago mag-aas dies nang narating niya ang Bacolod. Pero sa malas, biglang tumirik ang sasakyan. Ilang bloke pa mula sa kinaroroonan ang meeting place na ibinigay ni Polly.

“Bakit ngayon pa, ha?”

Nangungunsumeng napatitig siya sa umuusok na makina. Mabuti na lang at may shop sa malapit. Halos lakad-takbo na ang ginawa niya. Sa kamalas-malasan, may nagdaan pa talagang parade sa tapat niya. Napahawak siya sa ulo.

“Shit! Mali-late na ako.”

‘Di maiwasang kumawala ang pagmumura ni Margaux. Sa wakas, natapos ang parade. Nakikipag-unahan na siya sa pagtawid sa pedestraian lane nang mabangga siya ng isa ring kagaya niya na nagmamadali sa pagtawid sa kabilang side ng kalsada. She only had ten minutes. Masamang impresyon ang malilikha niya sa ka-meeting kung mahuhuli siya ng dating. Noon, okay lang sa kanya dahil hindi naman dibdiban ang pagmomodelo niya. Ngayon, iba na ang sitwasyon. Siya ngayon ang nangangailangan.

“Walk like this is an important race, Margaux,” she reminded herself.  

Nakahinga siya nang maluwag sa dibdib nang tuluyan nang makapsok sa entrada Sugarland Hotel. She had no time to fix herself kaya, sinusuklay-suklay niya ng kamay ang buhok habang tumatagaktak ang stiletto niya sa sahig ng five-star hotel na kinaroroonan. Nakasabit sa braso niya ang handbag at hawak sa kamay ang kanyang portfolio.

Sinipat niya ang sarili sa naraanang malaking salamin sa lobby. Okay pa naman ang lipstick niya. nasa ayos pa ang white polo na i-t-in-uck-in niya sa straight cut denim. The denim clearly defined her shapely legs. Nasa ganoon siyang ayos nang tumunog ang phone niya.

“Are you here yet?”

Polly is impatient. Nasa tono nito na nanlalaki na ang mga mata at nanggagalaiti sa inis.

 “Yes, yes. Give me a few minutes at nasa harapan mo na ako.”

Kaagad niyang pinatay ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad. Sa kanyang pagmamadali ay tukso pa talagang nasagi nahulog ang hawak na file case. Nagmamadali niya iyong pinulot. Papatayo na sana siya nang may mahagip ang tingin ang lalaking nakade-kwatro ng upo sa emperor’s chair sa lobby ng hotel. The man was talking to his phone. Natatakpan ng kamay na ipinanghahawak ng phone nito ang mukha at nakasuot ito ng shades. He was wearing a leather jacket at tanging simpleng relos na sigurado niyang mamahalin ang jewelry an suot nito. Bahagyang natatakpan ng dahon ng malaking ornamental plant na nasa gilid nito pero nasisigurado niyang matangkad ito at matipuno ang pangangatawan.  

Bumagal ang paglalakad niya. Nasa hindi kilalang lalaki na ang buo niyang atensyon.

It was just she was drawn to the man…unexpectedly.

Para kasing ang lakas ng hatak nito sa kanya. She had been with countless male models in the past, but none of them was able to make her forget about anything…about time. And none of them was capable of making her heart beat fast.

Odd.

Ipinilig niya ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad at hinanap ang dining ng hotel. Halata ang nerbiyos ni Polly na tumayo pa at sumalubong sa kanya. Bago pa ito tumalak, nauna na siyang humingi ng paumanhin.

“What took you so long, huh?”

“Something came up.”

“Whatever that is, we have to hurry. Hindi basta-basta ang mga makakausap natin ngayon. They’ve got a proposition for you.”

Inakay siya ni Polly sa mesang nasa dulo ng dining. Naratnan niyang nagsisimula nang kumain ang magiging ka-meeting nila, isang babae at isang lalaki. Barbie at Homer ang pakilala ni Polly sa mga ito. Namumukhaan niya ang lalaking kaharap nila. Nagmumula ito sa film industry na paminsan-minsan ay nagri-recruit ng mga modelong kagaya niya.

“I apologize for making you wait,” hinging paumanin niya na bahagya pang yumukod. Alam niya kung gaano kaimportante ang oras. Malaking aral iyon na isinaksak ng mga magulang sa isip niya.

“Please, have a seat, Miss Samonte.” Sa dalawa, ang babae ang mas business like ang tono at pakikitungo. Ang isa, nagmumukhang macho dancer sa ayos. Namumutok ang mga masels, bigotilyo pa at may hikaw pa sa isang tainga.

“I am, Ma’am.”

Pinag-order siya ng mga ito.

“I’ll have coffee na lang, Ma’am. I just had dinner at home already.”

“Well, coffee, then,” sang-ayon ni Barbie at isinarado ang menu. Tinawag nito ang waiter. Habang naghihintay sa kanya-kanyang mga pagkain, may munting usapan na gaganap sa pagitan nina Polly at ng dalawa. Tahimik lang siyang nakikinig. Her attention was drawn to coffee. Ang sarap lang kasi ng kape na iniinom niya.

“I get it. Kape ang sekreto mo.”

Hindi na niya kailangang manghula pa. Alam niya ang tinutukoy ni Homer. Sa dibdib ba naman niya ito nakatitig. Natanggal pala ang unang dalawang botones at humantad ang hiwa sa dibdib niya. Pasimple niyang dinampot ang tasa ng kape at humigop. Sinasadya niyang natatakpan ng kamay ang dibdib.

“I believe we have some business to discuss. We can start with it already.”

May kumakalikot sa utak niya na iba ang maririnig niya mula sa mga ito. Huminto sa pagsubo si Narbie at diretsong tumitig sa mga mata niya. “We are looking for a fresh face to launch.”

Mataman siyang nakinig.

“We were scouting for talents in this city and your name came up. Polly said you badly needed a job so we are offering you one. Mind you, ikaw lang ang kaisa-isang personal naming kinausap na hindi dumaan sa audition.”

She must be honored pero, parang naririnig na niya ang magiging offer nito pero nagtanong pa rin siya. “Ano’ng offer ba ang meron kayo para sa akin, Ma’am?” sa ipinakilalang Barbie siya nagtanong. Mukhang mas matino itong kausap kaysa sa kasama nito.

“You need to star in an adult film.”

Parang nabingi si Margaux sa walang kagatol-gatol na sagot ni Barbie. Nanuyot ang lalamunan niya. Ilang sandali rin niyang hinanap ang sariling sagot. Napatanga siya sa mukha ni Barbie. She was discussing the proposition like it was just a normal thing. This woman just kept on playing her cheesecake with her fork.

Whatever happened to woman empowerment?

Naramdaman niya ang pagsiko ni Polly sa tagiliran niya. Polly had been her agent since the time she started in commercial modeling. Kaibigan niya ito pero hindi niya mapaniwalaang nakakayang lunukin ni Polly ang offer ng dalawang kaharap. Her prospects to finding a job are dwindling, and receiving this kind of offer felt like a low blow.

“So?”

Polly was eager to hear her answer.

“So?” Kaparehong tanong ng nagpakilalang si Homer. Nilukot nito ang manggas ng suot na sweatshirt hanggang sa umabot sa siko. He bent forward and smiled smugly. Inaasahan ng taong ito na o-oo siya.

“I guess…I can’t do it.”

Pinanliitan siya ng mga mata ni Polly. Barbie sighed heavily. Si Homer ay hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

“May I ask how old you are?”

Nagsimula na siyang kilabutan sa paraan ng pagtitig ng lalaki. He was chewing his gum like a shenanigan.

“Twenty five. Almost twenty six.”

Homer scoffed. Nakakairita ang reaksyon nito. Sumandal ito sa upuan nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ngayon ay may kasama nang paghagod. She hated when men looked at her this way. Nakakawalang respeto. Kinuha nito ang sigarilyo sa ashtray at walang pakundangang humitit. “When you’re twenty six, you are considered a surplus in modeling already.”

“Sa commercial naman ako, hindi sa rampa. Besides, that’s a myth.” Lumabas ang dugong Samonte niya. Hindi niya naiwasang idepensa ang sarili.

Napahinto si Barbie sa pagsubo at inilapag ang tinidor sa gilid ng dinner plate nito. “Then why are you here?”

May laman ang tanong nito. May pangmamaliit. Natameme siya. Ilang subok na ba ang ginawa niya? Ilang padala ng portfolio pero ang nipis ng tsansa na makakita ng trabaho.

Tumikhim si Polly sa tabi niya. “I’m sure my talent will reconsider your offer.”

“There’s no need, Polly,” maagap niyang salag sa sinabi ni Polly na tiningnan ito. Naging alanganin ang ngiti ni Polly. Apologetic itong napatingin sa mga kausap. Nang sa kanya dumako ang paningin nito, nanliit ang mga mata nito. Nasa mga mata nito ang paghingi ng paliwanag. Inunahan na niya ito. Sininop niya ang mga gamit at tumayo. Taas-noo siyang humarap sa dalawang kausap. “I appreciate the time you gave me, but I think there is somebody else better suited for the job you’re offering me.”

Hindi niya naman kailangang maging bastos sa mga kaharap.

“You’re saying no.”

“Yes, Polly.” Humugot siya ng hangin sa dibdib at nagpaalam sa mga kausap. “Thanks for the time. I appreciate that you considered me. Excuse me.”

Mabibilis ang mga hakbang niyang lumayo at lumulan sa elevator. She felt suffocated and her ego was bruised.

“Margaux!”

Sinundan pa talaga siya ni Polly. Napilitan siyang huminto sa kalagitnaan ng lobby ng hotel na kinaroroonan at hinintay ang paglapit nito.

“You’re walking away from fortune and fame.” Tinitimpi ang galit ni Polly.

“I’d rather starve than do it.”

Nang-uuyam ang ngiti at titig ni Polly. “You need a job. You need money and not some goddamn pride.” Halata ang yamot nito. Nangingigil ito sa kanya.

“Hindi ganoong uri, Polly.”

“My God, Margaux! Huwag kang maging choosy,” anitong kumumpas ang mga palad sa ere at napalakad-lakad pa sa harapan niya. Parang nawala bigla ang pagiging bakla nito. May ilang naglalakad sa lobby na napapatitig na sa kanila. They sure made a scene already.

“Kaibigan kita, Polly, pero ikaw pa itong nagtutulak sa akin para gumawa ng isang bagay na alam na alam mong hindi ko kayang gawin.”

“Kaibigan kita, kaya I am putting some sense into your head. Baka nakakalimutan mong malayo ka na sa dating Margaux na pinag-aagawan ng mga agencies? Clients are making a pass on you. Hindi ka maka-landing ni isa mang commercial. Kaya ka nga nagsusumiksik sa akin. Ngayong may nahanap ako, ikaw naman itong nag-iinarte. You are financially unstable, huwag kang umarteng hitik ka sa choices. Your platter is empty, dear. Kung sana lang kasi hindi mo pinairal ang pagiging spoiled brat mo at pumayag na lang na magpakasal sa isang Lorenzo Santibañez, wala ka sanang patong-patong na problema ngayon. Now, go home, if that’s what you really want. Umuwi ka sa probinsya at magmukmok sa naaabo ninyong tubuhan and never bother me at all.”

She couldn’t believe what she heard.

Nasasaktan siya. More than her bruised ego, nasasaktan ang puso niya. Hindi niya inaasahang marinig ang sampal na mga salita mula sa taong itinuturing niyang malapit na kaibigan. Habang hatid ng tanaw ang papalayong si Polly, nangilid naman sa luha ang mga mata niya. Maagap niya iyong pinahid at taas-noong lumabas ng hotel.

She is Margaux Samonte. Margaux doesn’t cry.

Taas-noo siyang naglakad. She looked okay pero sa totoo lang, nagpupuyos ang damdamin niya. Dala ng matinding emosyon, ‘di na niya namalayan pa ang malaking bulto ng katawan na nakakasalubong niya sa gilid ng daan. Naramdaman niya na lang ang pagbunggo niya sa isang matigas na bagay. Tumilapon sa semento ang hawak niyang phone at bag pati na ang panyo dala ng malakas na impact. Nasundan niya na lang ng tingin ang pag-landing ng mga gamit sa semento. Kita niya ang pagkabasag ng tempered glass. Parang umakyat ang lahat ng galit niya sa dibdib.

“Ano ba, ang careless mo!” Binulyawan niya ang hindi kilalang lalaki na dumukwang at pinulot ang nagkalat na mga kagamitan. “Kung tumitingin ka lang sana sa nilalakaran mo, eh. Nakakainis!”

Tila tumatagos lang sa pandinig ng lalaki ang mga sinabi niya. Napahinto na rin siya sa pagtalak. Nakakahiya na rin. Nasa gilid sila ng daan, may mga taong napapalingon sa kanila. Sa kanya, particularly. Nayayamot niyang hinintay na matapos ang pagpulot ng lalaki sa mga gamit niya. Ito ang may kaslaanan, dapat lang na ito ang pumulot sa mga ‘yon.

Sa kawalan ng magawa, natapunan ng mapanuring titig niya ang kabuuan ng nakatalikod na lalaki. Napako ang mga mata niya sa suot nitong leather jacket, sa clean cut hair, sa suot na relo.

Could this be the…

Kasabay nang pagtayo nito ay ang kasagutan sa tanong niya sa isip. Ewan niya ngunit bigla ang pagkabog sa dibdib niya habang nakatanga sa mukha ng lalaki. He was the same man she saw a while ago.

“I believe these are yours.”

Para siyang ginising mula sa mahabang pagninilay-nilay ng baritonong boses na narinig niya. Nasa mismong harapan na pala niya ang lalaki. He was standing tall and towering all over her. Parang naging kulang bigla ang height niya dahil sa pagkakabakod ng matikas nitong katawan sa kanya.

Modelo kaya ito?

Ang dami na niyang nakaparehang gwapo sa mga commercials na ginawa niya. She had developed crushes in some of them, but never in entire life that she became speechless like this. His eyes were so expressive and somewhat mysterious. Parang ang lakas ng kapangyarihan, tila nanghihipnotismo.

“Are you taking your stuff o itatapon ko na lang ulit ang mga ito sa basurahan?”

That woke her up. Completely. Napapahiyang nagbaba siya ng tingin. “P-pasensya na…” Shit! Nauutal ba talaga siya? She never buckled up. Nakakaya niyang harapin ang kahit na sino.

“Did you even hear me?”

Namalayan na lang niyang kinuha nito ang kamay niya at inilipat doon ang mga kanyang mga gamit. Para siyang naalarma sa hawak nito na ewan. May kakaiba kasing dulot sa balat niya. Parang naabot ng kilabot ang puso niya. Pero bago pa man makapagsalita, kusa na itong tumalikod at walang kaabog-abog na umalis.

Like she didn’t exist.

Pero bakit hanggang ngayon, nakatanga pa rin siya sa lumiliit nang bulto ng katawan nito? Up until this very second, hindi niya maputol ang paninitig sa kampante nitong paglalakad like he owned the whole world.

Bigla siyang napahawak sa dibdib.

Nag-iingay pa rin ang kailaliman niyon. Hanggang sa makauwi siya sa kanila sa La castellana. Hindi nawawala sa isip niya ang lalaki. That enigmatic man just troubled her senses in a magnitude she never imagined any man would.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status