Share

1

“Wala na ba talagang maisasalba, Mang Felipe?”

Sa hawak na napopolbong parte ng tubo nakatitig si Margaux habang nagtatanong kay Mang Felipe, ang pinaka-kanang tauhan ng ama niyang si Deo Samonte. Nilingon niya ang matanda. Katulad niya, namumroblema rin ito. Malalim ang hangin na pinakawalan ni Mang Felipe at naipapailing na tumayo at binitiwan ang abo na nasa palad nito. The ashes scattered on the ground.

“Ikinalulungkot ko, Ma’am pero malaki talaga ang pinasala, Ma’am Margaux.” Dumiretso ang mga mata nito sa mga nakikita nilang nakatayo pa ring puno ng mga tubo mula sa kinaroroonan nila. “’Yang mga nakikita mong nakatayo pa, hindi na rin mapapakinabangan. Tupok na ang mga ugat niyan.

Parang dumilim ang lahat sa kanya. Napatungo siya at napatingin sa hawak ring lupa. Wala siyang alam sa pagsasaka. Ni hindi niya gusto ang naglalagi rito sa farm, pero ngayon, umaapaw sa puso niya ang hangarin na sana ay may magawa siya para matulungan ang ama. Kagabi, nakita niyang halos hindi tumitinag ang amang si Deo Samonte habang hawak nito ang isang bote ng alak.

There was nothing she could do that would console his feelings.

Bumigat lalo ang pakiramdam ni Margaux nang maalala ang tahimik na pagtaas-baba ng mga balikat nito. He wanted so much to help her father. Pero sa anong paraan ba? Tagtuyot ang lahat sa kanila. Ni wala siyang makuhang offer sa modeling. Naisipan na niyang tumawag kay Eli pero alam niyang mag-aalala lang ito para sa kanila. Hindi pwedeng madagdagan ang stress ni Eli.

“Ikinalulungkot ko, Ma’am.”

Matipid na ngiti ang isinagot niya kay Mang Felipe. Pinagpag niya ang mga kamay at pagkatapos ay tinitigan ang kabuuan ng naaabong sakahan.

“Ang daddy mo?”

“Nagkukulong pa rin po sa opisina niya.”

“Ngayon ka mas higit na kailangan ng ama mo, Ma’am margaux. Huwag mo siyang pabayaan at baka kung ano ang magawa.”

Sukat sa sinabi nito ay mabilis siyang gumayak para umuwi. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Baka nga kung ano ang gagawin ng daddy niya.

“Ang daddy, Nana Belen?” agaran niyang tanong sa matandang mayordoma at basta na lang initsa sa side table ang mga dala pati na ang suot na straw hat.

“Nasa opisina pa rin, Señorita.”

Mabilis ang hakbang na tinungo niya ang opisina ng ama. Kumatok siya ngunit walang sumagot.

“Dad?”

Inulit niya ang pagkatok but just the same, no one answered. Naalala niya ang sinabi kanina ni Mang Felipe. Lumukob ang ‘di maipaliwanag na kaba sa dibdib niya, Napapasaklolong napatingin siya kay Nana Belen na kaagad namang iniutos sa isang katulong na kunin ang susi. Kaagad niyang binuksan ang pinto nang nasa kanya na ang bungkos ng mga spare keys.

The stench of alcohol welcomed her senses.

Ang dilim sa buong opisina. The blinds were drawn. Tanging ilaw na nagmumula sa maliit na lampshade na nakapatong sa ibaba ng desk nito ang tanging tumatanglaw sa loob. Gawa sa hardwood ang mga mwebles sa opisina kaya naman, mas nadidipina ang dark interior. Hinanap kaagad ng mga maya niya ang ama.

Nakasubsob ito sa desk at may nakapatong na wala nang lamang bote ng alak sa tabi nito.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito.

“Dad.”

Hindi ito tuminag. Sinilip niya kung gumagalaw ba ang mga balikat nito. She was relieved seeing him hoarsely breathing. Nag-angat ito ng mukha nang maramdaman ang mga kaluskos niya. Her father seemed disoriented. Tumingin ito sa kanya na blangko ang mga mata. Her heart ached upon seeing the pain in his eyes.  Ngumiti ito pero ngiting malungkot.

Kinuha niya ang alak at itinabi muna sa paanan ng mesa. Naghila siya ng upuan at tinabihan ang ama. “Daddy, you’ve been drinking too much.” Isinandal niya ang ulo sa balikat nito. Nasamyo niya ang alak sa hininga at katawan ng ama. “Sabi ni Nana, hindi ka pa raw kumakain. Tara nang kumain, Dad. Ipagluluto kita.”

“Bakit, marunong ka ba?”

What a weak attempt of her father to lighten the mood. Kahit paano, natutuwa siya na nakikitang sinisikap nitong maging okay ang pakiramdam.

“Case in point, natuto nap o ako noong nasa Brazil ako.”

May manipis na ngiti na sumilay sa mga labi nito. Tamad na ngiti. “Still, I’m not hungry.” Tumingin ito sa nagkalat na mga dokumento sa mesa. Karamihan doon, notices ng bangkong pinagkakautangan nila. Sinamsam niya ang mga iyon at isinalansan sa drawer.

“Tara na, Dad. Sabay na po tayo.”

Her persuasive skills paid off. Tuluyan itong nagpatianod nang akayin niya patayo. Eksakto namang nakahanda na sina Nana Belen sa komedor. Kahit ang mga katulong, kita sa mga mukha ang saya nang saw akas ay lumabas nan g silid ang daddy niya. Kinindatan pa niya si Nana Belen.

“Have a seat, Dad.”

Pinaghila niya ng upuan ang ama at pinagsilbihan. Sinabayan niya itong kumain. As much as possible, iniwasan niyang banggitin ang kinakaharap na problema.

“Am I a failure as a father, Margaux?”

Napahinto siya sa pagsasalin ng juice sa baso nito at napatitig dito. Anguish was painted in his eyes. “No, Dad, you are not.” Iniwan niya ang ginagawa at iniusog ang upuan palapit dito. Iniyakap niya ang mga bisig sa katawan nito mula sa tagiliran at tiningala ito. “In fact, you are the best father for me. You were never a failure.”

His eyes watered. Ginulo ang buhok niya at ilang ulit na kinintalan ng halik ang kanyang bumbunan.

“Malalampasan din natin ang lahat ng ito, Dad. We will.”

“I don’t know how.”

Sinalubong niya ang mga titig nito. “What if we ask for Lorenzo’s help?”

Mariin ang naging pag-iling ng dad niya. His stand won’t ever change. “Hihingi tayo ng tulong kahit kanino but form any of the Santibañez. Will you promise me that?”

His pride was the only remaining thing that kept holding him together. Hindi niya susuwayin ang ama.

“Can you get me to sleep, sweetheart?”

Paminsan-minsan lang humihiling ang ama niya. Pagbibigyan niya. Akay niya ito paakyat sa itaas at inalalayang makahiga sa kama. She stayed by his side, nakaupo sa upuan habang hawak niya ang kamay nito. Hindi ito bumitaw hanggang sa tuluyan itong igupo ng antok.

“I love you, Daddy.”

Isang mabining halik sa noo ang iniwan niya bago lumabas. She stayed in the terrace for a while. Ang payapa ng gabi dito sa hacienda. Ang daming bituin. Eli would have been delighted if she was here looking up above.  

“I missed you, Eli.”

She’s glad that Eli has her happy ending already. She just hopes na sana, balang araw, she would have her own happy ending. That she would marry the man of her dreams. Suddenly, may dumaang imahe sa isip niya.

Ilang minuto pa ang lumipas na nanatiling nakatingala siya sa itaas habang nakahawak sa railing ng terrace. Not until she felt something. Tila may mga matang nakatitig sa kanya. Not again. She has been feeling like this since her twenty-fifth birthday. ‘Yon bang pakiwari na may nakabantay sa kanya nang palihim sa paligid. Ganitong-ganito ang lagi niyang nararamdaman kahit noong nasa Brazil pa siya.

Sinuri niya ang paligid. There was nothing unusual in sight but the fact remains that her heart was once again pounding so fast.  

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Erden Elenoa
Sino c Margaux? Dikona sya maalala......
goodnovel comment avatar
Bimbie
Finally!!! Hello, Margaux 🩷🩵... Thank you na agad for this, Ms. Grace .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status