Share

4

Sinadya niyang tagalan ang pananatili sa restroom. She was buying time to ease her mind. Hinubad niya ang suot na sweater dahil hindi naman na mapapakinabangan pa ang suot. Kumalat masyado ang dumi sa harapan. Mabuti na lang at dark colored ang damit niya. Medyo malamig pero okay na rin. Kaya niya. Hindi naman siguro magtatagal masyado ang meeting nila ni Tito George.

Paglabas niya ng restroom, tinarget kaagad ng mga mata niya ang buong dining.

Kahit hindi dapat pero hinanap niya ang lalaking iyon.

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi ito makita. Bagkus ay ang nakangiting mukha ni Governor ang nahagip ng kanyang mga mata. He was waving at her. Tumayo ito at pinanood ang paglapit niya. Naasiwa siya. Sa kanya lang kasi nakapako ang mga mata nito. Tito ang tawag niya rito pero hindi naman sila ganoon ka-close. Kaya naman, sinadya niyang itabing sa harapan ang kamay na may nakasampay na narumihan sweater at binilisan pang lalo ang paghakbang.

“Good evening, Governor,” magalang na bati niya sa lalaki na kaagad namang kumunot ang noo.

“That’s too formal.” Lumapit ito at hinalikan siya sa pisngi. “Call me George.”

Sinikap nniyang huwag tumaas ang kilay. Whatever happened to ‘Tito’?

Alam niya namang walang intensyong masama pero parang sinadyang sa mismong gilid ng bibig niya mag-landing ang bibig nito. Napakislot pa siya nang maramdaman ang kamay nitong lumapat sa makitid niyang baywang. Pasimple siyang lumayo. Modelo siya, madalas siyang may mga nakakaprehang mga lalaki sa commercial pero hindi niya hinahayaang hawakan siya nang basta-basta kung wala naman sa shooting.

“Let’s get down to dinner.”

The air immediately turned awkward.  At least, for her.

Tila naman walang anuman lang sa gobernador ang lahat.

“So, how are you?”

Humagod na naman ang mga mata nito sa kung hanggan kayang hagipin ng mga mata nito.

“Just…just fine.”

She expected for him to ask about her dad pero wala siyang narinig na pangungumusta man lang. Kahit nang kumakain na sila. Ang dalawang bodyguards nito ay tahimik namang kumakain sa kabilang mesa. It was a Monday evening at hindi gaanong puno ang resto. Kahit ang dagat ay wala masyadong ganap. Nababagalan siya sa takbo ng oras. Nararamihan siya sa inorder na pagkain ni Tito George. The conversation truned lazy and she wanted to go directly to the point. Ang i-discuss ang pakay niya.

“I’ll pass for dessert na, Tito.”

Bawat pangungusap niya ay kinakabitan niya ng honorofic. Kadalasang tumataas ang kilay nito pero kalaunan ay hindi na rin umaangil. Gusto niya lang lagyan ng sense ang utak nito. Woman’s intuition, may kakaiba sa mga pahaging nito, sa mga malalagkit na titig.

Tatapusin niya lang ang meeting na ito para sa ama.

Only for her father.

“Even a simple banana split?”

Ang gusto niya ay matapos ang dinner.  Habang dumadaan ang mga oras, naasiwa siya sa mga tingin na ipinupukol ng iba sa kanilang direksyon. Hindi siya inosente para hindi maintindihan ang mga tinging iyon. Napagkakamalan na siyang kabit.

“Well, anyway, mas mabuting hindi ka masyadong kumakain ng mga matatamis at baka masira ang figure mo.”

Pang-ilang beses na itong pinuna ang panlabas niyang anyo. This sounded misogynistic. Pinalalagpas niya lang muna.

“We haven’t even discussed the reason of this meeting, Tito.”

Pinormalan niya ang habas ng mukha. Ngumisi lang si governor.

“Oh, I see. Just like Deo, his daughter is persistent.” Dinampot nito ang table napkin at nagpahid sa gilid ng bibig. Saka nito sinenyasan ang waiter at nagbayad. “Let’s go.”

Nalilito siyang napatitig sa nakalahad na palad nito nang tumayo ito sa gilid niya. Nakuha ng lalaki ang kahulugan ng nagtatanong niyang mga titig. Ngumisi na naman ang governor.

“I thought you want to discuss business already.”

“Hindi ba tayo dito mag-uusap?”

“Nasa yate ko ang mga documents. We can never discuss it kung wala tayong pinanghahawakang dokumento.”

“May dala po ako, Tito.”

As much as she could, she tried to reason with him.

“Oh, come on, Margaux, don’t be such a sly. I’ll take this opportunity na rin to show you my brand new yacht. Ilang beses ko nang ipinagmamalaking ipakita ‘yon kay Deo but we couldn’t find time to come here together. So, sayo na lang and let your father know about it.”

Habang naglalakad, parang kumukutkot sa isip niya ang pahiwatig ng isang bahagi ng utak niya. Yet, she made a promise to her father, hindi siya uuwing walang positibong balitang dala-dala. Nasa pinakadulo pa ang yate ng lalaki. True enough, malaki iyon. Katulad siguro ng laki ng yate ng mga Santibañez na minsan niyang napuntahan. Mas bago nga lang ito.

“Let’s get inside.”

Atubili siyang umakyat sa yate.

“Come on. This won’t take long.”

Pinaunalakan niya ito. Wala rin naman sigurong gagawing masama ang lalaking ito sa kanya. Kaibigan ito ng ama niya. Ilang sandali lang ay nasa itaas na sila. As expected, Tito George was bragging about this vessel. Moderno ang interior ng yate. Halatang bago pa. She came to wonder  how a government employee could live such a lavish lifestyle like this. At sa anong paraan ba nito tutulungan ang ama niya?

“Hindi bagay sa mga magaganda at seksing kagaya mo ang pag-iisip nang malalim. Nakkaatanda ‘yan.”

Humarang sa paningin niya ang isang kopita ng alak. May laman na iyon. Kung anong uring alak, wala siyang alam. Occasionally, umiinom siya pero hindi niya maibigan ang alcohol. Out of respect, tinanggap niya ang kopita pero kaagad din namang inilapag sa mesa na katerno ng sofa na kinauupuan. Napalingon siya sa paligid, sa mesa. Walang inilabas na dokumento ang lalaki. Umuukilkil lalo sa utak niya ang masamang hinala. Naghahanap siya nang matatakbuhan kung saka-sakali.

“I never thought that a bubbly young woman like you could be this…tamed.”

Sinadyang ibitin ng lalaki ang huling sinabi. To her dismay, umupo ito sa mismong tabi niya. He spread his right arm at the back of the sofa. Para na rin siya nitong inaakbayan. Umakyat na hanggang langit ang level of anxiety niya. Pasimple siyang umusog at kinuha ang throw pillow at itinakip sa hita na medyo na-exposed nang umupo siya.

“I guess, we have to go straight to the point, Governor.” Mas lalong promal ang mukha at boses niya. Pahiwatig na hindi na niya nagugustuhan ang tinatakbo ng usapan. “Sa paanong paraan mo tutulungan ang dad ko?”

Umangat ang isang sulok ng bibig nito. Gwapo nga naman sana si governor except that he looked like Romy Diaz. “I own half of the shares in one of the rural banks in Bacolod.”

Napatangu-tango siya. Sa isang bangko dapat pinag-uusapan ang ganitong bagay.

“So, ano ang dapat nating ihandang mga papeles?”

“Oh, come on, huwag kang KJ, Margaux.”

Napaigtad siya nang tahasang alisin ng gobernador ang nakatakip na unan sa hita niya at doon dumantay ang palad nito. Napatayo siya sa gulat at pagkabigla sa kabastusan nito.

“I guess, I need to go.”

Pinulot niya ang purse at mabilis na sanang tatalikod ngunit maagap na napigil ng lalaki ang braso niya at walang babalang hinila siya nito nang pwersahan. Sumubsob siya sa katawan ng lalaki.

“Tito!” sapilitan siyang kumawala pero mahigpit nang nakayapos sa beywang niya ang mga braso niya. Natilihan siya sa ayos nila. Nababastusan. She felt so violated. “Bitiwan mo ako! Tulong!”

Naging kulob ang boses niya nang takpan ng lalaki ang bibig niya gamit ang malaking palad nito. Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Listen to me, Margaux. Listen well. I am ready to give everything to your father. Kahit magkano, magsabi lang siya, just be my other woman.”

Natulig siya sa narinig. Hindi siya makapagsalita pero naglulumikot ang mga mata niya. It bore a message for him: “fuck him!” Kailanman ay hindi niya pinangarap na maging kabit ng kahit na kanino. She may appear liberated, but tgroughout these years, her dignity and values remained intact.

“Matagal na kitang pinagpapantasyahan ng ganito, alam mo ba?” Naalibadbaran siya sa pagtama ng hininga nito sa kanyang mukha. “Every time I see you, nababaliw ako. Nabubuhayan ako ng dugo.”

May naramdaman siyang gumalaw sa kanyang puwetan. Kinilabutan siya, nasusuka. In a bid to escape from him, she bit his hand. Mariin ang pagkakakagat niya. Nabitiwan siya nito.

“Bullshit!”

Buong pagmamadali siyang tumakbo. ‘Di na niya alintana ang mga gamit na maiiwan. All she needed was go away. Nagsisigaw siya, humihingi ng saklolo pero sino ba ang makakarinig sa kanya kung ang kabilang yate ay may nanggagaling na ngayong malakas na tugtog. Ang mga bodyguards ni Governor na kanina lang ay tahimik na nakatayo sa dock, wala na ang mga ito.

This was a set up.

She felt helpless.

Fighting for her dignity, binilisan niya ang pagbaba sa hagdanan pero sa malas ay naabutan siya ng ngayon ay galit na galit nang si Governor Luna.

“Akala mo makakatakas ka?”

She was forcibly led to the couch. Itiinumba siya nito at kaagad itong pumatong sa kanya. Sinibasib nito ng demonyong halik ang bibig niya. Kinagat niya ito.

“Bullshit!”

Sinampal siya ng lalaki. Natulig ang kanyang pakiramdam. Sinikop ng isang kamay nito ang mga braso niya at dinala sa ulunan habang pwersahang pinunit ang damit niya. Isinunod nito ang bra niya. Para itong nasilaw nang makita ang pagtalbog ng kanyang mga dibdib.

“I fantasized about you every single day. Nahulog ka rin sa mga palad ko.”

Nanghihilakbot ang pakiramdam niya nang hawakan nito ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya, nanghihina siyang lalo. Nanghihina siyang umiiyak. Hindi niya inaasahan na ang itinuring pa na kaibigan ng ama ang lalapastangan sa kanya.

“That’s it. Be a good girl. Pagkatapos ng gabing ito, siguradong papayag ka na sa gusto ko.”

Bumaba ang mukha nito patungo sa leeg niya.

“Ang bango.”

Para itong hindi magkamayaw sa ginagawa. Nanririmarim ang pakiramdam niya. Hope was about to falter but then, the unthinkable happened.  Sa sobrang gigil nito at kumpiyansa sa sarili, binitiwan nito ang mga kamay niya. Habang para itong hayok na pinaghahalikan ang punong dibdib niya, mahigpit niyang hinawakan ang nakapang maliit na figurine na gawa sa mabigat na material. With all her might, inihampas niya iyon sa ulo ng lalaki nang ubod lakas. Napaigik ito, nasaktan sa ginawa niya. She took advantage of what happened, itinulak niya ito at tinadyakan sa gitna nito. Napalayo ito sa kanya. Sumubsob sa  carpeted na sahig at sapo ang ulo at pagkalalaki. Wala nang patumpik-tumpik pa ang mga kilos niya. Tumakbo siya ng mabilis. Panty na lang ang natira sa kanya pero wala na siyang pakialam pa. tinakpan niya lang ng mga braso ang dibdib. Iisa lang ang gusto niya ng mga oras na ito, ang makatakas.

And there was no other refuge than the waters of the marina. It was her absolute safety.

“Bumalik ka ditong babae ka!”

She won’t ever allow herself to be violated again. Luminga siya sa tubig. Bago siya maabutan ng lalaki na paika-ikang lumapit, walang pagdadalawang-isip na siyang tumalon. Tumama ang ulo niya sa kung anong matigas na bagay. Sumigid ang kirot sa kanyang ulo pero hindi niya iyon alintana.

Lumangoy siya nang lumangoy.

Nanghihina ang katawan niya pero hindi siya nagpatalo.

She just prayed na sana ay may magmagandang loob na sasagip at tutulong sa kanya.

God heard her plea. Naramdaman niya ang tunog ng papalapit na speedboat. Sa nakapikit na mga mata ay tila may sinag ng liwanag na tumama sa kanya. She was too tired to open her eyes. Namatay ang ingay, nanatili ang liwanag. Naramdaman na lang niya ang tila pag-angat niya mula sa tubig. May mga malalakas na brasong bumuhat sa kanya. At that moment, parang gustong bumuhos ng lahat ng hinanakit at luha niya.

She forcibly opened her eyes but she just couldn’t. Kaagad ding hinila ng dilim bago pa man magkahugis ang mukhang nakatunghay sa kanya. Hindi maliwanag ang hitsura nito pero ramdam niyang nasa mabubuting mga kamay siya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Che Che
kawawa naman si Margaux
goodnovel comment avatar
Bimbie
Ayyyy!!! Kinilig na agad ako hahaha! Sana hanggang dito na lang si gov. Salamuch, Ms. Grace 🩵
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status