Share

Kabanata I

I stared at the big painting in front of me. Nakadikit iyon sa puting pader ng aking kwarto. Nakapinta ro’n ang mukha ng aking mga yumaong magulang. My parents whom I never had the chance to be with since I was born.

Despite of that, hindi ko naramdaman ang pagiging isang ulila. I have my Ate Clara beside me who became a sister, a mother, and a father to me. And in fact, I grew up being rich because of Ate Clara’s endeavor and perseverance.

Nakapagpatayo siya ng isang kumpanya ng mga beauty product dito sa Pilipinas, ang Ever Beauty. And now, it is the leading and most successful company in our country. Halos lahat ay tinatangkilik ang mga produkto nila dahil sa pagiging epektibo nito at mabibili lamang sa murang halaga. Pati sa ibang bansa ay nakapage-export na rin sila ng kanilang produkto.

Minsan nga ay nagtataka ako kay Ate. Kung paano siya nagkaroon ng sobrang lawak na kaalaman kung paano gagamitin sa pagpapaganda ang iba’t ibang uri ng mga halaman gayong sa normal na eskwelahan lamang siya nag-aral at nagtapos. One time, I asked her about this and she just said, “Balang araw, malalaman mo rin kung bakit. And when that time comes, siguradong baka mas magaling ka pa sa akin sa field na ito.”

I came back from my thoughts when my dog, Wolf, jumped on my lap. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama at nakasandal sa head rest. He also looked at the painting and then started wiggling his furry tail. It was like he was seeing his owners.

Napangiti ako nang mapatingin akong muli sa aking mga magulang. I’m proud. Napakagwapo at napakaganda nila. Para silang hari at reyna ng isang maharlikang angkan. And I’m thankful because I have successfully adopted their good features just like Ate Clara.

Well, that painting was personally made by her. Ginawa niya iyan para makita ko pa rin araw-araw ang aming mga magulang kahit sa ganoong paraan man lamang. Hindi pa raw kasi uso ang camera noon kaya wala siyang maipapakitang personal na litrato nila.

INIHINTO ko ang sinasakyan kong Honda Accord sa parking area ng Central Plaza Mall. Pinatay ko ang makina at saka kinuha ang susi mula sa ignition lock cylinder, pagkatapos ay inilagay ko iyon sa aking Birkin bag na nagmula pa sa bansang New York. Ito ang naging pasalubong sa akin ni Ate Clara nang magpunta siya ng New York upang um-attend sa isang meeting na may kaugnayan sa balak ni Ate na pagpapatayo ng branch ng kanilang kumpanya sa nasabing bansa.

“Ang babaeng ‘yon! Nilalandi si Robin,” paghihimutok ni Lorilyn. Nakaupo siya sa shot gun seat. We were already best friends since the day we learned how to walk.

Magkapitbahay lang kami. Lagi kong tinatakasan si Ate sa tuwing tatalikod siya dahil may kukunin. I would step out of our fence at maghahanap ako ng batang babae na makakasama ko sa pagbibilang kung ilan ang sasakyan na dadaan sa maliit na highway ng aming lugar. And that’s when I met her. Dahil siya ang unang bata na nakita ko at sumang-ayon sa trip ko.

“Crush mo lang naman si Robin kaya ‘wag mong dibdibin,” I told her.

“Pero do’n kasi nagsisimula ang lahat. Sa crush. And that bitch! Lahat na lang ng malalaman niyang crush ko, inaagaw. Pa’no ako n’yan magkaka-boyfriend?”

Isinukbit ko sa kanang balikat ko ang aking bag, saka lumabas ng kotse. Gano’n din ang ginawa ni Lorilyn na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob.

“Hayaan mo siyang gawin kung anong gusto niya. Saka hindi naman sinabi ni Robin na gusto niya rin si Arlene,” tukoy ko sa babaeng laging karibal ni Lorilyn sa lalaki.

Arlene’s boyfriend broke up with her with his reason na ang gusto na niya ay si Lorilyn na walang kamalay-malay sa nangyayari. That was way back when we were in eighth grade. Kaeskwela kasi namin si Arlene at ang boyfriend nito na si Lance na nasa kolehiyo ay laging dumadalaw sa classroom para kay Arlene at doon nito nakita si Lorilyn.

Nagalit si Arlene nang sobra kay Lorilyn dahil iniisip nito na inagaw ni Lorilyn sa kaniya ang ngayon ay ex-boyfriend niya. Kaya naman lahat ng malalaman nitong crush ni Lorilyn ay nilalandi. Lance pursues my best friend kaso galit ito sa kaniya; dahil kasi rito ay nagkaroon siya ng taong may galit sa kaniya at ngayon ay gumaganap ng role as a wicked stepsister ni Cinderella. At isa pa ay hindi ang mga tipo ni Lance na sweet talker ang tipo ng best friend ko.

“Kasalanan talaga ‘to ng Lance na ‘yon. At hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako tinitigilan. Saan ba siya nakakakuha ng kapal ng mukha?” dagdag na paghihimutok ni Lorilyn.

Patuloy na kaming naglalakad patungo sa entrada ng mall. Deep inside, I can’t help but laugh at her attitude. Ang cute lang kasing tingnan ni Lance at Lorilyn lalo na kapag pinapaulanan ng lalaki ng mga banat si Lorilyn sa school tapos tatalakan lang siya nito pabalik.

But my face only holds an expressionless look and I’m used to it just how Ate Clara and Lorilyn used to deal with it everyday. Hindi ko alam. Siguro, ganito lang talaga ang personality ko. As if something terrible happens in my past when in reality, I’d never experience pain and sucks in my life.

“Alam mo ba yung kasabihan—“

“Na the more you hate, the more you love. At uulitin ko sa ‘yo, Jennifer, hinding-hindi ko siya magugustuhan kahit kailan,” pagpuputol niya sa sasabihin ko.

“Basta maid of honor ako sa kasal niyo,” pang-aasar ko pa sa kaniya na ikinairap naman niya.

Napatingin ako kay Manong guard na mukhang nasa singkwenta na ang edad dahil marami na ang mapuputi niyang buhok sa ulo. Nasa entrada na pala kami ng mall at si Manong guard ay mukhang nawiwili sa nakikitang pagmamaktol ni Lorilyn. Pa’no kasi ay para siyang paslit na inagawan ng candy dahil sa mababang height niya na hindi pa umabot sa five feet at isama pa ang nangangasim niyang mukha dahil sa sobrang inis.

Nakangiwi ang ngiting ibinigay ni Lorilyn kay Manong guard bago kami tuluyang pumasok sa mall. Sumalubong sa akin ang malamig na temperatura ng aircon at ang kaaya-ayang amoy ng mga paninda sa mall. ‘Andito kami para bumili ng dress na susuotin namin para sa aming graduation party.

Nasa ika-sampung baitang na kami sa high school at sa katapusan ngayong Abril ay gaganapin ang pinakahinihintay naming graduation. Ang gusto sana ni Lorilyn ay sa palengke na lamang kami bumili ng dress o kaya ay manghihiram na lamang daw siya sa kapitbahay. But Ate Clara persuaded her to come with me and buy a new dress, and that Ate will be the one who will take care of the payment. Binigyan ako ni Ate Clara ng budget para sa mga kakailanganin naming bilihin.

Magkaiba kami ni Lorilyn pagdating sa estado ng buhay dahil mayaman ako habang siya ay mahirap. Pero hindi iyon naging hadlang upang maging matatag ang aming pagkakaibigan. Lagi kaming nag-shi-share sa lahat ng bagay at hindi kami nagiging madamot sa isa’t isa.

PAGKATAPOS ng klase ngayong hapon ay inaya agad ako ni Lorilyn na kumain ng siomai rice. Sabay kaming lumabas ng aming classroom at nakipagsabayan sa mga estudyanteng nagsisiksikan sa hallway na pauwi na rin. May iilan namang mga estudyante ang makikitang naiwan sa loob ng kani-kanilang classroom dahil sila ang naka-assign na cleaners ngayong week.

“Diretso ang uwi sa bahay, ha? ‘Wag maggala kung saan-saan. At yung mga babae r’yan, dapat nakauwi na sa bahay bago dumilim ang paligid,” paalala ni Kuya Jose sa amin. Siya ang guwardiya ng aming paaralan na lagi naming nabubungaran sa gate sa tuwing papasok kami at uuwi.

Friendly at talagang napakabait ni Kuya Jose sa aming mga estudyante. Tuwing uwian ay nakasanayan na namin ang makarinig ng paalala mula sa kaniya tungkol sa pag-uwi nang maaga upang makaiwas sa disgrasya.

Pagkalabas namin ng gate ng school ay tumambad sa mga mata ko ang maraming food stalls sa tabing-kalsada na nagtitinda ng iba’t ibang uri ng street foods. Dumiretso kaming dalawa sa food stall na may dine-in area.

Pumwesto ako sa isang lamesa na pangdalawang tao lamang na nakaharap sa makipot na kalsada ng Mabini Street, habang si Lorilyn ay lumapit sa tindera upang kumuha ng siomai rice na aming kakainin. Siya na rin ang nagbayad niyon, treat daw niya sa ‘kin.

Pagkarating niya sa pwesto ko bitbit ang dalawang cup ng siomai rice ay inalis ko na sa pagkakasukbit sa akin ang Birkin bag ko. Isang notebook at ballpen lang ang lagi kong dinadala sa school kaya naman pati sa school ay ginagamit ko na ang bag kong ito. I put it in the right corner of the table.

“Kaya ayokong nakikipag-exchange papers do’n kay Arlene, mamalian niya pa yung tama kong sagot. Bakit kasi nagkataon na magkasunod pa ang apelyido namin? ‘Tuloy, magkatabi kami sa upuan,” umiirap na kwento ni Lorilyn.

“Kailan kaya kayo magkakaayos?” tanong ko sa kaniya.

“Hindi yun mangyayari,” matigas niyang tugon sa akin.

I continued to eat my food. But I was interrupted when I saw a yellow liquid spattered on my bag. Napatayo ako sa gulat. My notes.

“I’m sorry Jennifer. Hindi ko sinasadya,” humihinging paumanhin ng boses ng lalaki.

I checked the inside of my bag and I was relieved when I found out that the juice didn’t go through inside of it. My notes were secured.

Nang tuluyan kong makuha mula sa bag ko ang nag-iisa kong notebook ay iniabot ko iyon kay Lorilyn upang makilagay muna sa kaniyang malaking bag.

And that’s when I faced the man who spilled a 1 peso worth of mango juice on my 7,000 worth of peso Birkin bag.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status