Share

Kabanata V

“ANG ganda ng lugar!” namamanghang turan ko. Dinala ako ng taong lobo na ‘to sa isang mala-mini farm dito sa bundok.

Maayos na nakahilera sa buong paligid ang mga puno ng iba’t ibang klaseng prutas at gulay. Sino naman kaya ang nagtayo nito sa ganitong klaseng liblib na lugar?

Bumaba na ako sa kaniya. Pagkatapos ay nag-anyong tao ulit siya. Susmaryosep! Nakita ko na naman nang hindi sinasadya ang kaniyang ‘ajanabvssvshshh’—nevermind.

Kagaya ng ginawa ko kanina ay muli ko siyang binihisan. Ngunit ngayon ay t-shirt at pants style ang ginawa ko. Hindi na kaya ng panga ko na tumawa pang muli nang sobra.

“Welcome to my farm,” proud na saad niya at iminuwestra ang kaniyang kamay.

“Ikaw ang gumawa niyan?” may pagdududa na tanong ko.

“Believe me or not, I’m the one who planted all these fruits and vegetables.”

“Bakit wala ka sa kuta niyo?” kuryuso na tanong ko. Naupo siya sa damuhan at tumanaw sa kaniyang farm. Maaliwalas ang kaniyang mukha.

“I’m a rouge now. I was kicked off because I beat the Beta’s son,” sagot niya na parang wala lang ito. Umupo ako sa tabi niya. E ‘di mapanganib siya?

“Bakit mo ginawa ‘yon?”

“That asshole was pestering my sister. He keeps insisting his love for my sister, to the point that he almost kidnapped her. Well, my sister doesn’t like him.”

“Bakit ikaw pa ang naging masama? Dapat yung manliligaw ng kapatid mo ang napunta sa pwesto mo.”

Humarap siya sa ‘kin. “Anong laban ko sa papa niya? He is a high ranking official. While me? I’m just a muscular, handsome man who loves to plant fruits and vegetables and sell them to the market.”

Natawa ako sa sinabi niya. Seryoso siyang nagkukuwento pero naisisingit niya pa ang kaniyang kayabangan.

Tama naman ang sinabi niya na gwapo siya at muscular. Pero huwag na nating sang-ayunan. Baka lalong madagdagan ang hangin sa kaniyang katawan.

“Kailan ka pa naging rouge?”

“Ngayon lang. Kahit no’ng hindi pa ako kabilang sa mga rouge, paminsan-minsan ay dumadayo talaga ako sa lugar kung saan naninirahan ang mga normal na tao. Then, I would go to the mountains and then make my own farm in them. Pagkain na rin ng maliligaw na tao or animals.”

“Pa’no yung kapatid mo? Mga magulang mo?”

“I’ll be back soon. But for now, I want to unwind myself. Dito na muna ako.”

“Malayo pa naman ang kabilugan ng buwan. Baka gusto mong sumama sa akin sa centro? Tumuloy ka muna sa isang hotel, sagot ko. Para naman mag-enjoy ka rito,” suhestiyon ko.

Sa nakalap kong impormasyon, kapag bilog ang buwan ay hindi nila mapipigilan ang pagpapalit nila ng anyo patungo sa lobo nilang anyo sa tuwing magiging visible na sa mata ng mga tao ang buwan. Kaya hangga’t hindi pa iyon nangyayari ay ligtas pa siyang makipagsapalaran sa lugar kung saan naninirahan ang mga tao.

“I would love that. What’s your name, little witch?”

“Little talaga? Mataas ka lang kaya mukhang maliit ako kapag kasama ka,” masungit na saad ko sa kaniya. Ayoko ng pinakikialaman ang height ko na mababa. Tanggap ko na at hindi na kailangan pang ipamukha sa ‘kin. Sana lahat, biniyayaan ng mataas na height.

“Okay then, big,” tumatawa niyang pagbawi sa kaniyang sinabi.

I rolled my eyes at him. “And tall,” dagdag ko.

“Okay, okay,” sumusuko niyang saad. Itinaas niya pa ang dalawa niyang kamay sa ere habang natatawa.

“Clara.”

“Nice name! I’m Vince,” pagpapakilala niya.

INIHANDA ko na sa lamesa ang lahat ng niluto kong pagkain para sa hapunan. Medyo marami ang hinanda ko dahil sabi ni Jennifer ay makikisalo sa aming dalawa ang kaniyang boyfriend—na sa unang pagkakataon ay ipakikilala niya.

“Ate, ‘andito na kami,” maya-maya ay narinig kong sigaw ni Jennifer mula sa sala. Mababakas sa kaniyang tono ang sigla.

Hindi ko na sila pinuntahan sa sala. Hinintay ko na lamang silang pumunta rito sa kusina. Baka kasi umakyat si Cathy, ang alaga kong pusa, sa hapag at kainin ang mga hinanda ko. Kasalukuyan siyang nakahiga sa hita ko habang may pag-aasam na nakatitig sa mga pagkain sa lamesa. Paminsan-minsan ay nagtatangka siyang umakyat ngunit kaagad ko naman siyang napipigilan.

Napaangat ako ng tingin nang maramdaman ko na ang presensya ng dalawa. “Ate, si Akira. Boyfriend ko po,” nakangiting pagpapakilala ni Jennifer sa kaniyang nobyo.

Ngumiti sa akin si Akira at bahagyang yumuko—tanda ng kaniyang paggalang. Nang magtama ang aming paningin ay tila tumigil sa paggalaw ang oras. Nakita ko ang kaniyang asul na dugo sa bintana ng kaniyang mga mata. Kasunod niyon ay ang pagdaloy ng mga alaala ng nakalipas.

Sa bawat eksenang aking nakikita ay nadudurog ang aking puso. Nagsimulang lumuha ang aking mga mata na ipinagtaka ng dalawa.

Umalpas ang galit sa aking dibdib. Nagbago ang aking anyo at naglabas ng malakas na pwersa ng hangin ang aking katawan, dahilan upang magsiliparan palayo ang mga bagay na nasa paligid ko.

Nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin si Jennifer habang si Akira naman ay may bahid lamang ng gulat sa kaniyang mga mata. Nang akmang lalapitan ko na si Akira ay humarang sa akin si Jennifer. Pinoprotektahan niya ang lalaking isa sa mga pumaslang sa aming mga magulang.

Naluluhang tinitigan niya ako nang matapang sa mga mata. “Sino ka? Nasa’n ang ate ko? Anong ginawa mo sa kaniya? Ibalik mo ang ate ko!” sigaw niya sa akin.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung ano ba dapat ang itugon ko.

Napatingin ako sa likod niya—kay Akira. Nakatingin lamang siya sa ‘kin. He was only 3 years old at that time. Alam kong inosente siya. Pero nagagalit pa rin ako. Nakaiinis! Hindi ko mapigilan.

Sumigaw ako nang malakas upang doon ko maibunton ang galit ko na dapat ay kay Akira. Napaluhod ako sa harapan nilang dalawa. Pinanuod lamang nila ako habang nagdurusa sa sakit na aking nararamdaman.

Napaangat akong muli ng tingin nang marinig ko ang hagulhol ni Jennifer. Kasalukuyan siyang niyayakap at pinakakalma ni Akira. Nararamdaman ko ang takot sa akin ng aking sariling kapatid. Hindi na rin niya magawa pang tumingin sa akin habang si Akira ay malakas ang loob. Palibhasa ay mulat na siya sa mundo ng mga taong may kakaibang abilidad.

Pinalipas ko pa ang ilang minuto. Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan nila. Marahil ay iniisip na ng dalawang ‘to na isa akong nakatatakot na nilalang at nababaliw.

Nang maramdaman ko na kaya ko nang pakitunguhan nang normal si Akira—para sa aking kapatid—ay ginamit ko ang aking kapangyarihan upang tanggalin sa kanilang alaala ang buong pangyyaari, pagkatapos ay ibinalik ko sa normal ang aking anyo.

“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Akira kay Jennifer.

Napakapa si Jennifer sa kaniyang pisngi. Nabalot iyon ng mga natuyong luha. Hindi ko kayang alisin ang naging luha niya ngunit kaya kong alisin ang sa ‘kin. Pinilit kong bigyan sila ng ngiti kahit alam ko sa sarili ko na hindi pa ako maayos. Sobrang sakit pa rin.

“Maybe, napuwing lang ako. I don’t know,” tugon ni Jennifer.

“Kumain na kayo. Paniguradong gutom na kayong dalawa,” saad ko habang pinipigilang hindi mabasag ang aking boses. Ito na siguro ang pinakamahirap na gabi para sa ‘kin. Ang kapakanan lamang ng kapatid ko ang pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob upang pakisamahan si Akira nang parang walang nangyari.

Madaldal si Akira at masayahin din siyang binata. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nahulog sa kaniya ang loob ng aking kapatid na kasinlamig ng yelo ang ugali. Napag-alaman ko rin na rito lang din pala siya sa subdivision namin nakatira.

Ni minsan ay hindi ko pa siya nakasalamuha. Kung sabagay, sa bahay, opisina, at ibang bansa lamang umiikot ang aking pang araw-araw na buhay. Sobrang laki at successful ng kumpanyang naitayo ko kaya naman araw-araw ay kailangan nila ako para mapamahalaan nang maayos.

Noong una ay medyo umiiwas akong makipag-usap kay Akira sa hapag-kainan. Ngunit dahil sa katangian niya na pagiging masayahin ay nakasasabay na ako sa kaniya. Hanggang sa namamalayan ko na lamang na tinatanggap ko na siya. Unti-unti na ring nawawala sa isipan ko ang naging pangyayari kani-kanina lamang dahil sa sobrang daming kwento ng dalawa sa akin.

Pagkatapos ng aming naging hapunan ay hinayaan ko nang si Jennifer na lamang ang maghatid kay Akira sa labas ng bahay. Kahit naman nagiging okay na ako ay kailangan ko pa rin ng space mula sa kaniyang presensya.

Nang makabalik muli si Jennifer ay nagpaalam na siyang matutulog na habang ako ay napagdesisyunan munang lumabas ng bahay. Umakyat ako sa bubong ng aking kotse at tumanaw sa langit.

Nadismaya ako nang makita ko na maulap ang langit. Unaasa pa naman ako na may mga bituin akong masisilayan. Nakagagaan kasi ng pakiramdam ang pagmasdan ang mga iyon.

Maya-maya ay naramdaman ko na para akong niyayakap ng hangin. Tila hinihikayat ako nito na tumingin sa isang mataas na gusali na tanaw mula sa pwesto ko. Iyon ang Star Hotel. Sobrang layo man at hindi ko man makita kung anong meron sa rooftop nito, naramdaman kong naroroon si Vince—pinanonood ako.

Doon ko siya pinatuloy. Medyo mahal ang aking nagastos dahil sosyal ang isang ‘yon. Hindi naman nabahala sa ginastos ko ang kumag dahil hindi naman niya alam ang halaga ng pera sa mundong ito.

Honestly, I don’t trust him yet. Pero itinuturing ko na siyang kaibigan. Siguro ay dahil magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Sadyang meron lang talagang isang tao na kahit kakikilala lang natin ay nagiging ‘at home’ na tayo sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status