Share

Kabanata XIV

“Bumabalik na ba ang iyong buong lakas?” tanong sa akin ni Papa sa pagitan ng aming pagkain sa harap ng hapag-kainan. Napatigil ako sa aking pagsubo at bahagyang tumingin sa gawi niya.

“Hindi pa po masyado,” tugon ko at saka ko lamang muling ipinagpatuloy ang aking pagkain. Nagharing muli ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Kasalukuyang kami lamang ni Papa ang kumakain ngayon ng gabihan. Dapat ay kasalo namin ngayon si Dani ngunit nakiusap muna ako sa kaniya na ibigay niya muna sa aming dalawa ni Papa ang gabing ito. Ang totoo niyan ay gusto ko munang lumayo mula kay Dani. Mas gugustuhin ko ito kesa sa magkasama kami ngunit hindi naman isang nobya ang trato ko sa kaniya kundi isang kaibigan lamang.

Nang magising ako isang araw, pakiramdam ko ay may nakalimutan ako o may naiwanan ako na hindi ko malaman kung ano. Bagay ba iyon, tao o isang ala-ala? Simula noong araw na iyon ay parang lagi na lang akong nangangapa. Parang laging may kulang sa akin. Nakadagdag pa a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status