Share

Kabanata II

MULA sa kinauupuan ko sa loob ng classroom ay matatanaw sa bintana ang malawak na plaza ng aming school, ang Mabini College. Doon ay masayang naglalaro ng baseball ang grupo ng mga fourth year college. Nakaipon ang lahat ng bag nila sa isang asul na bench na nasa tapat lamang ng pwesto nila. Okupado naman ng mga babaeng nanonood sa kanilang paglalaro ang ibang bench na nakahilera sa paligid ng plaza. At ang mga babaeng ‘yon ay may mga paghanga sa kanila, lalong lalo na kay Akira.

Pinanonood ko lamang ang bawat galaw ni Akira. Mula sa pagtira niya sa bola hanggang sa pagtakbo niya paikot ay sa kaniya lamang nakatuon ang buo kong atensyon. Dati pa ay gawain ko na talaga ang manood mula sa bintana ng aming classroom ng mga kaganapan sa plaza. But today hits different. Dahil ang napapansin na lamang ng mga mata ko ay si Akira. It all started since that juice accident happened.

The moment I turned my gaze on the man who spilled his mango juice on my Birkin bag, my eyes first landed on his brown eyes. I was stunned for a moment. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng kayumangging mata sa malapitan. Napakaganda nitong pagmasdan. If I would be given a chance to stare at it everyday of my life time, I’ll grab it.

“Pasensya na. Hindi ko talaga sinasadya,” he sincerely said habang sinasalubong niya ng tingin ang aking mga mata.

That’s when I turned away my eyes at him. Napunta ang tingin ko sa lalaking mga dalawang hakbang lamang ang layo mula sa amin. I caught him laughing silently while looking at us—sa amin ni Akira. Pero kaagad rin niyang naipormal ang kaniyang mukha nang mapatingin ako sa kaniya, wearing my expressionless, intimidating face.

“Okay lang,” I told Akira, barely above a whisper. Matapos kong sabihin ang dalawang katagang ‘yon ay bumalik ako sa aking upuan at ipinagpatuloy ang pagkain ng siomai rice na parang walang nangyari.

Akira Dela Cruz is a popular guy in our school. Girls are drooling over his almost perfect features. At ang kayumanggi nitong pares na mga mata ang pinaka-nakahuhumaling dito. He is tall, maybe six point five. Maputi siya. Ang kaniyang itim na buhok na may pagka-wavy ay mahaba at umaabot hanggang sa siko niya. Lagi niya itong ipino-ponytail nang mataas.

May kalakihan din ang kaniyang pangangatawan. And last, he has an excellent grades in all of his subjects. Agrikultura ang kursong kinukuha niya. And it looks cute seeing a handsome guy planting and caring for plants.

Si Jeremy Badaguas naman ang lalaking kasama niya—the guy I caught silently laughing at us. Siya ang matalik na kaibigan ni Akira at lagi silang magkasama. Including Lance Cristobal, pero mukhang hindi nila ito kasama ngayon. Hindi gaya ng kurso ni Akira ay nasa pagpupulis naman sina Jeremy at Lance.

Ito ang unang pagkakataon na nagkalapit kami ni Akira sa halos apat na taon na naging mag-schoolmate kami. Hindi kami nagkasasalubong sa hallway ng school. Ni-hi o hello ay walang ganoong nagaganap sa pagitan namin. Pero lagi ko siyang nakikita sa plaza na nakipaglalaro ng baseball sa kaniyang mga kaklase at kaibigan. Minsan naman ay nakikita ko silang tatlo nina Jeremy at Lance na nakatambay at nakaupo sa malaking sanga ng puno ng mangga sa school.

“Jennifer, kung papayag ka… ako na ang maglalaba ng bag mo. Ibabalik ko na lang kapag natuyo na. Pero kung hindi, babaya—“

“Kunin mo na. Ibalik mo na lang kung kailan matutuyo,” I cut him off. Hindi naman big deal sa akin ang nangyari. Pwede naman labhan na lamang ang bag ko.

“Salamat,” he said, brimming with glee.

Lumipas ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Naramdaman kong nakatayo pa rin siya sa tabi ko at ang bag ko ay hindi pa rin nawawala sa pwesto nito.

Saktong natapos ko na ang kinakain ko. Tumingala ako sa kaniya. Nang magtama ang aming mga paningin ay napaatras siya nang isang hakbang.

“May sasabihin ka pa ba?” tanong ko sa kaniya. I’m trying my best to sound soft and not to sound plain and expressionless just like how I used to be.

“Ah, wala. Kukunin ko na yung bag,” tugon niya. He pulled out a white plastic bag from his black bag. Doon ay maingat niyang inilagay ang basa kong bag.

Pagkatapos niyang gawin yun ay hindi pa rin siya umalis sa harapan ko. Bagkus ay sinabi niyang ihahatid niya kaming dalawa ni Lorilyn sa mga bahay namin kasama si Jeremy. Mga limang minutong lakaran lamang ang layo ng bahay namin ni Lorilyn sa kanilang dalawa at mas unang madadaanan ang sa kanila.

“Pumayag ka na,” saad niya bago pa man ako makapag-protesta. Mabagal na pagtango ang naging tugon ko sa kaniya.

Tumingin ako kay Lorilyn. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa asul na plastik na lamesa na pumapagitna sa aming dalawa. Her two hands were holding her face while looking at us in a dreamy way. Ginawa niya pang romantic movie ang nangyaring eksena sa pagitan namin ni Akira.

We began to walk our way home. Kulay kahel na ang langit. Medyo malamig na rin ang simoy ng hangin. Nagsimula nang umilaw ang mga street light at marami na rin ang mga tao sa paligid. Ang iba ay pauwi na rin sa kani-kanilang bahay, ang iba naman ay kasama ang kanilang mga alagang aso at inililibot iyon sa buong lugar, at ang iba naman ay patungo sa palengke upang mamili ng mga murang prutas at gulay na sa tuwing rush hour lamang maraming nagbebenta n’on sa palengke.

“Is your name Gillette?” out of nowhere na tanong sa akin ni Akira na katabi ko sa paglalakad.

I heard Jeremy faked a cough. Habang si Lorilyn naman ay pasimpleng sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

“Jennifer ang pangalan ko,” pagtatama ko sa tanong niya.

“No, I’m not asking for your name.”

Napakunot ang noo ko. I looked at him. “What do you mean?”

“Knock-knock ‘yon.”

“Uh… okay. Why?”

“Because you are the best a man can get.”

Lorilyn started laughing na may kasama pang paghampas sa akin. Narinig ko rin ang pagtawa ni Jeremy na nasa kaliwa ni Akira. My mind hang up for a moment. Iniisip ko kung anong connect ng mga sinabi ni Akira. And when I realized it, namalayan ko na lamang ang sarili ko na tumatawa nang malakas. Hinampas ko nang mahina sa braso si Akira dahil sa ‘knock-knock’ niya.

Nang makahuma na ako mula sa pagtawa ay napansin kong ako na lang pala ang nakangiti at tumatawa sa aming apat. They were looking at me with a shocked expression on their faces. Nang ma-realize ko ang ginawa ko ay hindi na rin ako nagtaka sa naging reaksyon nila. Tumawa lang naman ako sa unang pagkakataon.

“Miss Largo,” pag-uulit na tawag sa akin ni Ma’am Anica. Ang Math teacher namin.

Inalis ko ang tingin ko kay Akira na nasa plaza at bumaling sa guro ko na ngayon ay nakatingin sa akin nang masama. Ang lahat ng kaklase ko ay nakatuon din sa akin ang kanilang mga mata.

“Kapag nasa harapan niyo ako, bawal kayong tumingin sa labas. And, Miss Largo, the second time around na mahuli ulit kitang nakatingin sa labas, palalabasin na kita ng classroom na ito,” Ma’am Anica firmly said.

Hindi naman ako nasaktan sa mga sinabi niya. Nasanay na kami sa ugali ni Ma’am. Mahigpit siya pagdating sa klase. But when we are outside the school, she’s totally treating us fine.

“I’m sorry, Ma’am,” hinging paumanhin ko.

UMALIS si Lorilyn at Jeremy upang bumili ng mga tuhog na pagkain sa dulo ng boulevard. Naiwan kami ni Akira sa tabing dagat ng Bagasbas. Gabi na kaya naman madilim na ang paligid. Tanging ang liwanag na nagmumula sa mga street light sa boulevard ng beach ang nagsisilbing liwanag ng paligid.

“I like you simula pa no’ng nakita kita na naglalakad paikot sa lugar natin kasama si Wolf. Sa pagkakaalala ko, grade six ka pa lang no’n,” Akira suddenly confessed.

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Halos dalawang semana na ang nakalilipas simula nang mapalapit ako sa kaniya. Tuwing uwian ay magkakasabay na kaming apat sa pagkain ng street foods sa dinadaanan namin at pag-uwi sa aming mga bahay. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may gusto sa akin si Akira. Pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag inamin niya na ito.

Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko at inihinarap ako sa kaniya. He gently held my chin and slowly lifted my face. At nang magtama ang aming mga mata ay gayon na lamang ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I almost lost my breath because of how close our faces are to each other.

“Pwede ba kitang ligawan, Jennifer?” he asked with a smile curving on his rosy lips. My cheeks are blushing.

The sound of the waves of the sea, the cold whisker of the wind, the street lights along the long boulevard. A perfect place for me to kiss Akira as my response to his question.

Tumingkayad ako upang tuluyang maglapit ang aming mga mukha. I slowly closed my eyes and pressed my lips on his. Para akong kinuryente sa ginawa ko.

Lumipas ang ilang sandali and Akira’s didn’t respond. Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa ko. But when I’m about to withdraw my lips, he encircled his arms around my waist. He pulled me closer and finally responded to my kisses—deepening and savoring our precious moment.

At aaminin ko na. I had a crush on him since the day he said he had a crush on me. That’s the first time I saw him. Like he said, I was in grade six that time and I was walking with Wolf around our street. At that time, he was also wandering around, riding his bicycle and he passed by. Nagtagpo ang aming mga mata nang halos isang segundo lamang. But it felt like as if the world around us stopped for a minute at that moment.

At nang lumipat ako sa Mabini kung saan siya nag-aaral, I didn’t expect that this could happen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status