Share

KABANATA 17: SABRINA WILSON

SABRINA’S POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil may meeting pa ako mamaya sa Wilson Hope Corporation and may interview pa ako para sa isang TV network. Tiningnan ko muna si Hope na mahimbing pa din ang tulog sa tabi ko saka ako nagdesisyong bumangon na. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo. Limang taon na ang nakakalipas at marami na rin ang nagbago sa akin. Sa estado ko ngayon, hindi na makikita sa akin ang bahid ng isang Sabrina Cruz.

Napatitig pa ako sa sarili ko ng ilang sandali bago ako nagdesisyong gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina upang magluto ng agahan namin ni Hope. Dito kami tumuloy sa condo na binili ko two years ago since pinapaayos ko pa ang mansion namin.

“Good morning, mommy.”

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng maramdaman ko ang pagyakap ni Hope sa baywang ko kasabay ang pagbati niya sa akin sa malambing na boses. Iniikot ko ang aking sarili upang harapin siya.

“Good morning, sweetie,” bati
Blossom Hearts

Hello po! Another update for this book. Expect one chapter update per week for the rest of this year. I will try to finish first half on next year. Thank you for the support and pasensya na if matagal ang update!

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status